Share

Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma
Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma
Author: Diena

Prologue

Simula.

“Pogi, pa serve nga ng alak. Iyong mamahalin at malakas ang tama,” saad ng babae nang maka-upo ito sa high chair sa harap ng  bar counter.

  “Iba ang sini-serve ko, miss beautiful.” Matamis ang ngiti at may ibang kahulugan na sagot ni Enrico sa babae na halos lumuwa na ang dibdib sa suot nitong black tube dress.

  Napa ungol ng mahina ang babae na para bang na tumbok ng lalaki ang nais niya. “I like that one. Pwede bang matikman?” Mapang-akit na sagot nito at nginudngod pa ang dibdib upang lalo pa itong lumuwa sa damit niya.

Enrico bite his lower lips with an amusement smile. Maganda ang babae. Sexy at maganda ang kurba ng katawan. Malaki ang hinaharap at mukhang iisa sila ng gustong mangyari sa gabing ito.

Nang makita ng babae ang paglaki ng umbok ng kanyang hinaharap, mapang-akit niyang inilagay ang kanyang hintuturo sa labi at dinilaan iyon habang nakatitig sa binata. He is turned on already sa pang-aakit na ginawa ng babae, kaya nang makita nito ang kaibigan na paparating, tumayo na siya kaagad upang umalis na.

  Napailing na lang ang kanyang kaibigan nang tapikin niya ito sa balikat. Alam na niya ito kaagad kung saan patungo si Enrico. Wala namang bago. Para sa isang binata, mayaman, happy go lucky at ang pakipag-one night stand nito sa iba’t ibang babae gabi-gabi. Iyon ang gawain ng kanyang kaibigan bukod sa pag tambay dito sa bar.

  He didn’t know this woman. Basta matipuhan niya, basta tatayo ang  tore niya, wala siyang sinasanto kahit sino pa ito. Umakyat sila sa ikalawang palapag ng bar at pumasok sa kwarto. Nag iisang silid lang iyon na nakalaan para sa kanya.

  “Undress yourself,” aniya nang makapasok sila. Napatanga ang babae ngunit sumunod rin kalaunan. “Humiga ka doon,” tukoy nito sa malaking kama sa kanilang harapan. “And pleasure yourself.”

  Kahit nabigla at nagtataka, sumunod ang babae sa nais niya. Inisa-isang hinubad ni Enrico ang kanyang damit habang ang mga mata ay naroon sa babae na pinapaligaya ang kanyang sarili.

  Enrico started rubbing slowly his dick. Ang babae naman ay parang isang asong ulol na uhaw na pagkain na sabik na matikman ang nakahain sa kanyang harapan. Umiindayog ito sumasabay sa ritmo ng galaw ng kanyang kamay sa kanyang basa at maselan na parte sa pagitan ng dalawang hita habang ang isang kamay nito naroon sa kanyang dibdib, nakahimas.

Hinihingal na huminto ang babae sa ginagawa nang umakyat si Enrico sa ibabaw ng kama at pumuwesto sa kanyang gitna. Lumiliyad ito, sabik na sabik na maglapat ang kapwa nilang lumiliyab sa init na katawan sa sensasyon na naramdaman.

  May inabot na tali si Enrico mula sa uluhan ng babae  at pinahawak iyon sa kanya. “D’yan ka kumuha ng lakas,” aniya at walang pag-iingat na pinasok ang babae. Napahiyaw ito sa samot saring sensasyon na lumukob sa kanyang katawan.

  Enrico doesn’t want a romantic touch, dirty talks, kapag nasa ibabaw na sila ng kama ng babaeng kaniig niya. Sex is sex. Iyon lang yun. Pagkatapos no’n wala na. Kumbaga, parausan lang niya ang babaeng magustuhan niya.

Hindi niya magawang hawakan ang parte ng katawan ng babae o kaya halikan ang mga labi nito. However, he fucked women in a safety way. Mahirap na baka may sakit pala ang mga ito at mahawa siya.

  “Wala na bang round two?” ani ng babae kahit naghihina na at lupaypay na nakatihaya sa ibabaw ng kama.

  Nakangisi na nilingon ni Enrico ang babae matapos niyang magbihis. “One served is enough, lady.”

May pagtutol sa mukha nang babae at halatang nakulangan pa ito ngunit wala siyang nagawa nang naunang lumabas si Enrico sa silid at iniwan siya doon na hindi pa nakabihis.

Madaling araw na  at kailangan niya pang umuwi sa mansyon. Hindi na siya bumaba sa bar upang magpaalam sa kaibigan. Dumiritso ito na lumabas sa building at tinungo kung saan naka park ang kanyang sasakyan at nilisan ang lugar.

  Simula noong namatay ang kanyang ina na si Debbie Mae Layson-Montefalco, naging tambayan na ni Enrico Joaquin ang bunso ng mga Montefalco ang Thumbayan Resto Bar na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan at kasusyo dito sa tagong lugar sa maliit na bayan ng Malasela.

  Isa itong abandonadong building na matatagpuan sa gitna ng malawak na palayan na pagmamay-ari niya. At hindi alam ng kanyang ama na si Don Emmanuel Montefalco na siya ang  may-ari ng malawak na lupain na ito.

  Ang tanging alam lang ng kanyang ama at dalawa nitong kapatid na lalaki na puro lang siya lakwatsa, pambabae, pa sarap sa buhay at hindi siniseryoso ang kompanya na pinamana sa kanya dahil inuumaga na ito sa pag-uwi sa kanilang bahay at iba-ibang babae ang nakikita nilang kasama ito.

  Humihikab na pumasok siya sa loob ng bahay pagkarating. Pasalampak itong umupo sa malaking sofa. Sumandal ito sa sandalan at ipinatong ang paa sa ibabaw ng center table. Hindi pa siya nakapikit nang magsalita ang ama nito sa kanyang likuran.

  “Nasaan ang kuya mo?” Bungad na tanong ni Don Emmanuel nang makita ang anak.

  “Sinong kuya, dad?”

  “Edmund Javier.”

  Tuluyan nang pumikit ang inaantok niyang mata. “Baka nandoon sa manggahan. Sa pagkaka-alam ko doon na iyon namamalagi. Balak maging magsasaka at mag araro sa malawak na maisan doon.”

  “Mabuti pa ang kuya mo at iyon ang gusto, ang mag araro sa maisan,” suminghap ang matanda. “Ikaw anong gusto mo? Ang mag araro ng iba’t ibang babae gabi-gabi?”

Hindi siya nakasagot sa sinabi ng ama. Totoo naman kasi. Hindi niya pa alam kung ano talaga ang gusto niya sa buhay. Tinanggap niya ang DZM Corporation na pamana sa kanya ng ama ngunit wala doon ang puso at isip niya.

Binuo nila ng kanyang kaibigan na si Ervin ang Thumbayan upang matakasan ang pangungulila niya sa ina. Sa kanilang mansyon, sa kompaya, na alala niya ang mommy niya. Kaya palagi siyang wala sa bahay dahil kahit saang sulok ng mansyon naalala niya ang kanyang namayapa na ina.

Ngunit kahit anong takas ang gawin niya, babalik at babalik parin siya sa lugar na pilit niyang iniiwasan dahil kahit anong gawin niya doon lang siya naging payapa.

Nagdaan ang mga araw at naging taon hindi parin siya nagbabago. Nging malala pa ang pagiging babaero nito. Inalok na nga siya ng kanyang pinsan na magpa konsulta sa doktor dahil baka adik na ito sa sex ngunit tinawanan niya lang ito.

  Hindi na siya sinuway ng ama  at hinayaan nalang sa gusto nito dahil napagod na itong pagsabihan ang bunsong anak. Ganoon din ang kanyang dalawang nakakatandang kapatid ngunit hindi naman nila ito pinapabayaan.

“Darating din ang babae na magpapabago ng buhay mo,” nakangisi sa sabi ni Janice, ang asawa ng kanyang Kuya Javier. “Trust me.”

Napailing nalang siya sa sinabi ng hipag. Nag asawa na ang Kuya Javier niya at ang Kuya Ethan niya malapit na rin itong ikasal pero siya? Hindi niya parin alam kung ano ang gusto niya sa buhay. Kung hanggang kailan siya matauhan sa pagiging babaero niya at kung magbabago pa ba siya.

  HIndi nga siya sigurado kung ano ba talaga ang nagpapasaya sa kanya. Kung saan siya kontento. Kung ano ang pangarap niya at goal niya sa buhay. Hanggang ngayon sumasabay parin siya sa walang patutunguhan niyang buhay.

  Kaagad niyang nilagok ang alak na kakalapag palang ng kaibigan. Kanina pa siya umiinom at walang imik. Malalim ang iniisip at halatang may problema. Saulo na siya ng kaibigan kaya tinabihan niya ito at kinausap.

“Nagtalo na naman ba kayo ng dad mo?”

Malakas na napabuntonghininga si Enrico. “Palagi naman kapag kompanya na ang pinag-usapan.”

  “Matanda na ang dad mo. At sa tingin ko tama siya. Matagal na panahon na ang binigay niya sayo para sa sarili mo,” tinapik niya ang balikat ng kaibigan. “Sapat na ang panahon para tanggapin mo ng buo ang bagay na matagal na niyang ipinagkatiwala sayo. Hindi naman niya iyon ibibigay sayo kung hindi niya nakikita na kaya mong hawakan iyon.”

  Wala siyang tiwala sa kanyang sarili. Iyon ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya pinagtuunan ng pansin ang kompaya na pamana sa kanya ng ama. Ayaw niyang biguin ang ama. Ayaw niyang bigyan ito ng sakit sa ulo kapag siya na ang magpapatakbo ng kompayang pinaghirapan ng kanyang mga magulang.

  Kagaya ng kanyang mga kapatid, na napalago ng maayos ang mga ari-arian na pinamana sa kanila. Gusto niya ganoon din siya. Gusto niyang may maipatunayan siya sa ama at hindi puro pambabae lang at pasarap sa buhay ang nakikita nila sa kanya.

  Kakauwi niya lang galing sa Thumbayan. Alas-sais na ng gabi at madilim na sa labas  nang bulabugin sila sa balita ng kanilang kasam-bahay.

  “Sir Enrico! Don Emmanuel!” humahangos at taranta na tawag ni Nenita nang makabalik ito sa loob ng bahay pagkatapos buksan kung sino ang nag door bell sa labas ng mansyon.

“Sir Enrico! Don Emamanuel!” tawag niya ulit sa mag-ama. Nang makita ito sa dulo ng itaas ng hagdan, napahawak ito sa kanyang dibdib. “May.. may sanggol ho na iniwan sa tapat ng gate.”

  Dali-daling bumaba ang mag-ama upang tingnan ang sanggol na iniwan sa tapat ng kanilang gate. Seryoso at walang emik ang Don, habang si Enrico nawala ang pagod at antok at hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan.

  Samantala, sa kabilang bahagi ng kalsada sa madilim na parte, sumilay ang ngiti sa labi ng babae na nagtatago sa likod ng poste ng kuryente. Nakatanaw sa mag-amang Montefalco na nakadungaw sa sanggol na ngayon ay umiiyak na.

  Kinuha ni Nenita ang sanggol mula sa loob ng basket na pinaglagyan nito ngunit lalong lumakas ang kanyang iyak.

“Nakita mo ba kung sino ang nag-iwan ng sanggol na ito?” dinig niyang tanong ni Enrico kay Nenita.

Umiling ang dalaga “Hindi ho, sir. Paglabas ko, ito kaagad ang na datnan ko.”

“Dalhin na sa loob ang sanggol, mahamog,” kalmado ngunit ma awtoridad na sambit ni Don Emmanuel.

  Dinampot ni Enrico ang basket na pinaglagyan ng sanggol at sumunod itong pumasok ulit sa loob ng mansyon.

“Sa lahat ng ginawa mo sa mga babaeng dumaan sa buhay mo, kulang pa ang parusang iyan na matanggap mo Enrico Joaquin Montefalco. Tanggapin mo ang iyong karma sa pagiging babaero mo!”

Matalim ang tingin at nakangisi na sambit ng babae at lumabas sa kanyang pinagtataguan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status