Share

Mistakes From The Past
Mistakes From The Past
Author: LichtAyuzawa

Prologue

PROLOGUE: ANG UNANG PAGKIKITA

14 years ago November 16, 2008

Sa isang malayong bayan ng General Luna sa probinsya ng Nueva Ecija naninirahan ang magkaibigang si Christelle at Kikay. Ang magkaibigan ay kapwa nasa ika-huling baitang sa mataas na paaralan ng General Luna High School. Ang dalawa ay maayos na namumuhay sa probinsya ng makilala nila ang binatang si Roberto na nagmula sa manila. Si Roberto ay may angking kakisigan na talaga namang hinahanap-hanap ng mga kadalagahan at hindi na iba dun si Kikay na laging nagpapakita ng motibo sa binata. Ang tanging dalaga lang na hindi nagpapakita ng interest dito ay si Christelle Ramona kaya naman isang araw habang nag-uusap ang magkaibigan.

Christelle Ramona Point of View

"Christelle nakita mo na ba yung bagong dating diyan kila Aling Corazon?" hindi ko pinansin ang tono ng boses nito maging ito mismo, dahil sigurado naman ako na tungkol na naman sa lalaki ang gustong sabihin ng kaibigan ko.

"Sino?" walang interest na tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa ko.

"Tinatanong ko kung nakina mo na, hindi ko tinatanong kung kilala mo or kung ano!" sigaw nito at saka ako binatukan ng may kalakasan

"Aray naman! Ang bayolente mo talaga Mariang Kikay" reklamo ko habang hinihimas ang ulong nasaktan.

Sinamaan ko ito ng tingin bago muling nagsalita, "Ikaw! Pag naging bobo ako dahil sa pambabatok ko yari ka talaga kay Limuel."

"Asus! Kaya wala kang pakialam sa bagong dating dahil jan sa boyfriend mong ubod na nga ng yabang ubod pa ng pangit." iritableng sambit ni Kikay na may halong pang-aakusa ang boses.

Hindi ko alam kung ano ang problema ni Kikay sa boyfriend ko pero simula ng maging kami ay lagi na itong iritable lalo na sa tuwing makikita kami nitong magkasama.

"HOY IKAW! Bakit lagi kang iritable sa tuwing nababanggit or nakikita ang boyfriend ko?" naging malikot ang tingin nito napataas ang isang kilay ko

"May gusto ka ba sa boyfriend ko?" nagdududang tanong ko dito pero mas lalo lang akong nagduda ng sumagot ito

"H-Hind b-bakit n-n-naman ako magk-k-kakagusto sa pangit na iyon." nauutal na sagot nito.

Magtatanong pa sana ako kaso naunahan ako ng pagtunog ng school alarm, magkasabay kaming tumayo at naglakad paalis sa quadrangle pero hindi ko ito tinantanan ng tingin hanggang sa maghiwalay kami ng direksiyon.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin ay hindi mawala sa isip ko ang naging reaksiyon ng kaibigan ko pagkabanggit ko sa pangalan ng boyfriend ko kaya naman hindi ko napansin ang kasalubong ko at babangga na pala ako dito nalaman ko nalang ito ng maramdaman ko ang sakit ng pagbagsak ko sa sementadong daan.

"Aray!" d***g ko habang hinihimas ang pwetan kong nasaktan

"Okay ka lang ba?" kaagad akong napatingala dahil sa baritonong boses na nagsalita.

Pakiramdam ko ay bumagal ang oras at nawala ang lahat ng nasa paligid maging ang sakit na nararamdaman ko habang nakatitig kami sa isa't-isa. Ang tanging malinaw lang sa akin ay ang malakas na kabog ng dibdib ko at ang kulay abo nitong mga mata na parang gumagalugad sa buo kong pagkatao.

"Miss okay ka lang ba?" a faint voice asked but I remained motionless

There is something in his eyes na parang nag-uutos sa akin na mas palalimin ang titig at lumapit dito.

"Miss?" muling tawag nito

His baritone voice makes me want to go near him and obey him. Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako papalapit dito na parang nahihipnotismo.

"What are you doing?" saka lang ako natauhan dahil sa nagtatakang tanong nito

"Huh?' para akong napapasong lumayo dito at tinitigan ito ng masama

"May plano kang gawin na masama sa'kin?!" hindi makapaniwalang tumingin ito sa akin

"What the heck?!" sigaw nito at tangka pa sanang lumapit sa akin pero sinenyasan ko siya

"Wag kang lalapit! Balak mo sigurong kidnapin ako o kaya reypin ako." pang-aakusa ko dito.

"WOW! Pagkatapos na ikaw ang lumapit ako pa ang pag-iisipan mo ng masama?! Kakaiba ka!" pagkatapos ng mahaba nitong litanya ay tinalikuran ako nito ng nakanganga.

"AHH!" napapadyak ako ng paa at nagdadabog na ipinagpatuloy ko ang naudlot na pagpunta sa classroom.

Pagkadating ko sa classroom ay agaw atensiyon na naman ako, hindi ko ba alam kung bakit lagi akong pinagtitinginan ng mga tao given naman na yung maganda ako pero seriously hindi nakakatuwa ang maging center of attention.

"Miss De Leon kanina pa tumunog yung alarm" sita ni Ms. Gonzales sa akin

Ayan na naman si Ms. Gonzales napaka terror talaga ng gurong ito kahit maliit na bagay ay laging napapansin at talaga namang palalakihin.

"Sorry po Ma'am may naging problema lang po." magalang na paghingi ko ng paumanhin

Nagtaas lang ito ng kilay na parang hindi naniniwala kaya naman dinugtungan ko na.

"Nabangga po ako kanina ng kung sino habang naglalakad po ako papunta dito, ang sakit pa nga po ng pwet ko." mahabang litanya ko at umakto pa ako na parang nasasaktan.

Nangingiti ang mga kaklase ko pero pasimple lang dahil baka makita sila ni Ma'am.

"Noong nakaraan ganyan na din yung sinabi wala ka na bang ibang dahilan?!" hindi ako nakasagot sa tanong nito

"MAUPO KA NA!" napapahiyang napayuko ako at saka naglakad sa upuan ko

"HAHAHA!" malakas na nagtawanan ang mga classmate ko pero kaagad napahinto dahil lumipad ang masamang tingin ni Ma'am Gonzales sa lahat.

"Boring........ Boring.................. Boring.................. Boring...................... Boring..............."

Natapos lang ang discussion ni Ma'am na wala akong naintindihan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko hindi naman ako ganito tuwing nagtuturo si Ma'am Gonzales ay lagi akong attentive pero ngayon walang ibang pumapasok sa isip ko.

Nagsimulang maglabasan ang mga classmate ko dahil sa 1 hour na vacant makikilabas na din sana ako ng bigla akong harangin ni Ma'am Gonzales.

"Yes Ma'am Gonzales?" nagtatakang tanong ko pero hindi ako sinagot nito bagkus ay tumingin lang ito sa labas habang may tinuturo ito mula sa gilid sa tabi ng pinto doon ko napansin na parang may nagtatago sa pintuan.

"Ano po ang gagawin ko Ma'am?" this time mas direct na ang tanong ko dahil alam ko naman na hindi ako tatawagin ni Ma'am para lang sa wala.

"I want you to tour him sa campus natin" sakto naman na pagkasabi ni Ma'am ng salitang tour ay siyang paglabas nung taong kanina pa nagtatago.

"IKAW?!" magkasabay na sigaw namin habang nanlalaki ang matang nakatingin sa isa't-isa.

"Seems like hindi na ako mahihirapan dahil magkakilala na pala kayong dalawa, paano Christelle ikaw na ang bahala kay Roberto."

"You've got to be kidding me!" sigaw ng isip ko

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status