Share

Chapter 1

Someone Point of View

14 years later November **, 2022

"Limang taon na din mula ngayon hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa mo, ipinapangako ko sa puntod ng anak ko na hanggang dito na lang ang tagumpay mo Roberto!"

"Ma'am?" narinig ko ang pagtawag ng sekretarya ko pero nanatili lang akong nakatingin sa puntod ng anak ko.

"May update na ba Monica?" seryosong tanong ko

"According to the site of looking for job and workers naghahanap sila ng kasambahay." lumaki ang butas ng ilong ko dahil sa sinabi ng sekretarya ko

"Kasambahay?! Wala na bang iba?!" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko

Napayuko si Monica at halatang natatawa pero hindi ko kayang sabayan ito kaya naman sinamaan ko ito ng tingin kaagad naman itong napahinto.

"May problema ba Monica?" mabilis itong umiling sa tanong ko at saka nakangiting umupo sa tabi ko

"Ma'am I know what they did to you pero sigurado ka na ba dito?" bakas ang pag-aalala sa tinig ni Monica

"What do you mean?" nagtatakang tanong ko

"You have a past with him, nag-aalala lang ako na baka hindi ka pa nakaka-move on." she asked

I heaved a deep sigh and lean my head on her shoulder

"Don't worry about me there's nothing left in my heart aside from anger." sa narinig na sinabi ko ay turn naman nito na magbuntong-hininga.

"I understand your sentiment but please don't make this your whole life, but don't worry because andito lang ako para sa iyo." she assured bago ako niyakap ng mahigpit na nagpagulat sa akin

Sa kabila ng pagkagulat ay ginantihan ko din ang mahigpit nitong yakap.

"Thank you Monica" pasimple kong pinunasan ang takas ng luha na tumulo sa pisngi ko.

CRDL EMPIRE

Office of the President

Christelle Ramona De Leon

Dialing Roberto Lagasca.............

"Hello?!" nadinig ko ang iritasyon sa boses ng nasa kabilang linya ng magsalita ito.

Pansamantala akong natulala dahil sa pamilyar nitong boses the same baritone and irritated voice of his. Binaha ako ng ala-ala ng kahapon mga ala-alang pilit kong kinakalimutan.

Flashback....

"Hey! You!" habang naglalakad ako ay may naririnig akong sumisigaw per dahil sa wala namang pangalan na tinatawag ay nagpatuloy lang ako at hindi ito pinansin.

"Bingi ka ba?!" muling sigaw nito pero ngayon may kasama ng paghila sa braso ko

Napatigil ako sa paglalakad at iritableng tumingin dito

"Bakit ba?!" singhal ko

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka namamansin" huminahon ang boses nito at lumuwag ang mahigpit na pagkakahawak.

"Hindi naman kase hey ang pangalan ko para lingunin ka."

End of Flashback

"Hello?! Kung wala kang sasabihin pwede ba huwag ako ang i-prank mo dahil busy ako!" hindi ko maiwasan na gayahin ang mga sinasabi nito dahil sa inis ko

"ang sungit akala mo naman gwapo" bulong ko

"Anong sinabi mo?!" mas lalong lumakas ang sigaw nito at talaga namang nakakairita

"Sir nakita ko po yung job vacancy ninyo nais ko po sanang mag-apply kung inyo pong mamarapatin." mamarapatin? "Saan galing yun? err" kinilabutan pa ako dahil sa mga pinagsasabi ko.

"If you're free today go to my office, I'll send you the address and the floor number." pagkatapos nitong magsalita ay pinatay na nito ang tawag ni hindi na nito hinintay na makapagpasalamat ako.

"Bakit sino ka ba? Isang hamak na applicant ka lang naman ah" pakiramdam ko mababaliw na ako sa takbo ng isip ko.

After a minute or two...

Paging Monica.....

"Yes Ma'am?" tanong ni Monica sa intercom

"Monica cancel all of my appointments for the rest of the day may lakad ako." hindi ko na hinintay ang sagot nito pinatay ko na kaagad yung mic at nagsimula na akong magbihis ng simpleng damit.

Pagkatapos magbihis ay umalis na ako ng building namin upang magtungo sa Ayala Heights sa manila para sa job appointment ko.

Habang binabagtas ko ang ma-traffic na highway ay hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay kong nakahawak sa manibela malakas din ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

"Damn it Christelle Ramona Sandoval De Leon hindi ka pwedeng makaramdam ng kaba, wala kang ibang pwedeng maramdaman kundi galit." pinilit kong pakalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-alala sa nakaraan ko.

Dumating ako sa RBL Corporation pasado alas sinco na ng hapon kaya naman nagsisimula na din maglipana ang mga empleyado na naghahanda na sa pag-uwi.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa, sinalubong ko ang dagat ng tao na nag-uunahan sa paglabas sa exclusibong gusali. Pinilit kong isiksik ang sarili ko sa dagat ng tao dahil malapit na akong mahuli sa itinakdang oras ng interview ko.

Nang makalampas ako sa kumpol ng tao ay napahinga ako ng malalim, pinagpag ko ang nagusot ko blouse at saka napasipol habang pinupunasan ang tumulong pawis gamit ang likod ng kamay ko.

Lumulan ako sa naghihintay na bakanteng elevator at pinindot ang pinakahuling palapag kung saan makikita ang office ng presidente.

Sa loob palang ng elevator ay hindi na ako mapakali, masyado ang tulo ng pawis sa akin mga kamay dahil sa hindi maipaliwanag na kaba. Kaya naman ng tumunog ang elevator bell hudyat na nakarating na ako sa aking pupuntahan ay halos mapatalon ako sa sobrang pagkagulat.

"Lintek na elevator na to!" reklamo ko habang papalabas ako sa elevator.

Dahil sa pagkagulat ay pansamantalang nawala ang kaba ko pero kaagad din iyong bumalik ng naglalakad na ako papunta sa nag-iisang opisina dito sa 50th floor.

Nung malapit na ako sa opisina ay nakita ko ang isang may katabaang babae na abala sa pagsusulat sa isang maliit na notebook pero napansin ko na punung-puno ang lamesa nito ng patong-patong na papel kaya siguro hindi ako nito napansin na papalapit.

"Good afternoon" pinilit kong alisin ang english accent sa pagsasalita ko

"AYY!" napatayo ito dahil sa gulat kay pero kaagad din napaupo ng makita ako nitong natatawa.

"Ginulat mo ako, ano pong maipaglilingkod ko?" kinompose nito ang sarili bago magalang na nagtanong.

"Pasensya na kung nagulat kita, ako nga pala si Ramona Sandoval at nandito ako para sa job interview." umaliwalas ang mukha nito pagkarinig sa sinabi ko.

"Kanina ka pa hinitintay ni Sir Lagasca dalian mo at pumasok ka na ng opisina niya."

"Thank you!" ngumiti ako dito ng matamis bago ako tumalikod para tuluyang makapasok sa loob ng opisina.

Pero wrong move dahil pagkabukas ng pinto.....

Tigagal akong nakatingin dito sa sa babaeng walang saplot na nagtataas-baba sa kandungan nito.

Nagkalaglagan ang lahat ng gamit na dala ko dahilan para gulat na mapatingin sa akin ang salarin sa pagkakagulat ko.

"WHO THE FUCK TOLD YOU TO COME HERE?!"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ms. IvyMadrama
Nice Te Caira
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status