Share

Chapter 3

Ramona Point of View

Kinabukasan.....

Bougainvilia Ville

Ravens Mansion

7: 30 in the morning

Sa isang exclusibong subdivision natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa sofa ng isang malaking mansion habang ginigisa ako ng isang dyosa-HEP HEP! Ano na ba itong pinagsasasabi ko. So ito na nga nandito ako ngayon sa bahay ni Roberto Lagasca at kasalukuyan akong kinakausap ni Amanda Ravens isang famous model ng Avon Philippines.

"I heard you're from the province?" Ravens asked with a hint of sophistication in her voice

"Yes Mam taga probinsya po ako sa Nueva Ecija po." masiglang tugon ko kahit na sa totoo lang ay tamad na tamad akong magsalita pero kailangan kong baguhin iyon dahil hindi nila dapat malaman kung sino talaga ako.

"What a coincidence, did you know that my husband is also from Nueva Ecija." I gasped

"Talaga po?! Parehas pala kami ni Sir ng probinsyang sinilangan, kayo po Mam taga saan po kayo?" bilang nagpapanggap din naman ako umakto na akong chismosa at nagtanong na ako dahil ganun yung mga napapanuod ko sa tv at nabasa ko din iyon sa magazine.

"Hindi halatang nagresearch ka ah?" my subconscious mind looked at me proudly

Pinipigilan ko ang mapangisi dahil baka makahalata itong babaeng nasa harap ko masyado pa naman makatitig.

"So Ramona mag-isa ka lang na magiging kasambahay dito so i hope you are up for the task." nagtaka naman ako sa sinabi nito kaya hindi ko na napigilan ang bibig ko na magtanong.

"Ang laki po ng bahay ninyo bakit po isa lang ang katulong?" curiosity kills the cat eka nga nila but i am no cat so my curiosity won't kill me

"Don't ask too many questions, magsimula ka ng magtrabaho nasa kabinet ng kwarto mo ang mga uniform mo nakalagay na din kung pang-anong araw mo sila dapat suotin sige na magbihis ka na." mahabang litanya nito at tumayo na dala ang handbag.

Papatayo na din sana ako pero napahinto ako dahil bigla itong tumingin sa akin ng seryoso.

"Pagkayari mong magbihis ng uniform ay gisingin mo na ang Sir mo dahil may meeting siya ng alas diyes, the maid's quarter is in that direction and don't you dare seduce my husband!" napatanga nalang ako sa sinabi nito pero ng makalabas ito ng bahay ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na huwag magreklamo.

"Seduce my ass! Damn that ugly creature!" inis na sambit ko at nagdadabog na tinungo yung silid na tinuro ni walking disaster.

"Naks may nickname na ah pero mas bagay sakanya yung walking dyosa" my subconscious mind is really testing my patience .

Pagkatapos ng mahabang lakaran narating ko din yung maid's quarter o kung quarter ba talaga ito ng mga katulong dahil masyado itong elegante. Ipinatong ko ang maletang dala ko sa ibabaw ng kama para makuha ko sa kailaliman nito ang cellphone kong Iphone Pro Max para tignan ang oras.

Nang makitang magaalas diyes na ay tinungo ko ang kabinet at doon ay tumambad sa akin ang anim na set ng uniforme na style bestida bawat isa dito ay may nakadikit kung anong araw ito susuutin.

Wala na akong inaksayang oras pa at kinuha ko na yung pang Tuesday at sinuot na ito not minding na baka may pumasok sa kwarto ko according kay walking disaster ay ako lang ang katulong dito.

Pagkatapos kong maisuot ang uniform, I swear to god halos hubarin ko ito paalis sa katawan ko.

"Sino bang lintik ang nakaisip ng ganitong uniform?!" utas ko habang pilit na hinihila pababa ang pinaka palda ng damit na suot ko.

"Huwag daw i-seduce pero lintik kahit hindi ko akitin baka kusang maakit dahil sa ikli nitong uniform, mas mukha pa itong pang bar kaysa maid's uniform eh!" hindi ako matigil sa kakadada habang nandidiring tinititigan ang uniform kong hanggang ibaba lang yata ng puwet ko ang haba.

Dahil sa wala naman akong magagawa, hindi naman hahaba itong suot ko kung tititigan ko lang ay pinabayaan ko nalang, muli kong tinignan ang oras at napatakbo na ako papalabas ng kwarto ng makitang alas diyes na, kabilin-bilinan pa naman ni Walking Disaster ay huwag ma-late ng paggising doon at may meeting pa itong kailangan daluhan.

Dahil sa hindi naman ganon kahirap hanapin ang kwarto nito ay madali lang akong nakarating dun, "Well sino ba naman kase ang matinong tao na maglalagay ng karatula sa labas ng kwarto na master's bedroom ito, ano ka bata?" gusto kong humagalpak ng tawa pagkakita ko ng karatula but i don't have time.

Dahil sa wala na nga akong oras ay hindi na ako kumatok pinihit ko nalang kaagad ang seradura at ng malamang hindi ito nakalock ay dire-diretso na ako ng pasok sa loob.

Dahan-dahan pa ang ginagawa kong paghakbang pero ng makitang mahimbing itong natutulog ay walang pag-iingat na akong lumapit dito para gisingin ito.

Pagkalapit ko dito ay sisigawan ko sana ito para magising ng makaisip ako ng kapilyahan, "hahaha ito na ang simula" tumatawa na ako sa isipan ko habang inilalapit ko ang mukha ko ng ilang pulgada mula sa mukha nito.

"Sir Roberto gising na, male-late ka na sa meeting mo..." nang-aakit na bulong ko

"hmm..." ungol nito at saka pinagapang ang kamay sa batok ko para lang halikan ako ng mapusok.

Hindi ko tinugon ang halik nito bagkus ay malakas ko itong itinulak, akala ko ay tapos na dahil nahiwalay na ito sa akin pero nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang kamay nitong humihimas sa pagkababae ko.

"S-SIR S-STOP!" hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw para naman itong binuhusan ng malamig na tubig pagkatapos marinig ang sigaw ko.

"Ramona? Anong ginagawa mo dito?" hindi ko alam kung nagkukunwari lang itong walang alam or talagang naalimpungatan lang ito.

"G-Gisingin lang po kita at may m-meeting pa p-po k-kayo" nauutal na sagot ko

Hindi ko na hinintay ang sagot nito mabilis akong lumabas ng kwarto nito habang pinipigilan ang paghinga.

Pagkalabas ko ng kwarto ay napasandal ako sa pinakamalapit na pader at pinakiramdaman ang sarili lalo na yung maselang parte ng katawan ko na hinimas nito.

"Shit!" mura ko at nagtatakbo ako papunta sa cr

Pagkadating ko sa cr ay naghilamos ako ng malamig na tubig para matauhan ako at tigilan ang nararamdaman kong sensasyon.

Nang sa tantiya ko ay maayos na ako ay nagdesisyon na akong lumabas ng cr para magtungo sa kusina. Nang makarating ako sa kusina ay naabutan ko si Roberto na nakaharap sa kalan at parang bata na hindi alam ang gagawin.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko at nanariwa sa ala-ala ko ang isa sa nakaraan namin na hindi ko gustong mabura.

Flashback.....

"Hoy anong ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ko dahil nakatayo lang ito sa kalan habang may hawak na sandok at nakasuot ng apron.

Humarap ito sa akin at parang bata na ngumuso bago sumagot, "I wanted to cook but i realize i don't know how to"

"Hahaha! You're funny, mind if I took over now?" piniga ko ang ilong nito at balak na sanang kunin ang hawak nitong sandok pero inilayo nito iyon dahilan para mapasubsob ako sa dibdib nito.

"You're so naughty!" i said and lightly punched his chest

"Only to you baby" he held my chin and peck a kiss on my lips.

"Baby?" tawag nito habang nakayakap sa akin

"Yes?" nagpapacute na tanong ko

"Turuan mo akong magluto?" he pouted

"Aw my baby, of course I could do that!" masiglang tugon ko bago ito dinampian ng halik

End of Flashback

"How long have you been standing there?" isang baritonong boses ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Hinanap ko ang pinanggalingan nito at doon nakita ko si Roberto na nakatingin sa akin ng puno ng pagtatakha.

"Hindi naman po ganon katagal Sir pero sapat na para malaman na hindi ka pa din pala marunong magluto." ibinulong ko lang ang mga huling sinabi ko sa pag-aakalang hindi niya ito maririnig pero mali ako.

"Hindi pa din?" kaagad akong natauhan dahil sa tinanong nito kaya naman nag-isip na ako ng pwedeng ipalusot.

"Sir ang sabi ko po ay hindi pala kayo marunong magluto hehe!" hindi ako makatingin dito ng diretso.

"Hindi pwedeng magkamali ako ng dinig." giit nito

"Gutom lang yan Sir!" ani ko habang naglalakad palapit dito

"Akina yang sandok Sir at ako na po ang magluluto, maupo ka na dun." inagaw ko dito ang sandok at nagtatakang tinignan ko ito.

"Why are you looking at me like that? Don't tell me hindi ka marunong magluto?" napa-face palm nalang ako sa sinabi nito.

Sinamaan ko ito ng tingin bago ako nagtanong, "Ano po ang gusto niyon ulam?"

"Egg" simpleng tugon nito

"Anong luto Sir, beaten, fried or hard?" inosenteng tanong ko

Hindi ko alam kung may nasabi ba akong masama o ano dahil sa paraan nito ng pagkakatitig.

"Hard?" halata sa tinig nito ang kasiyahan

Bigla akong natauhan dahil sa itinanong nito, nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi ko at saka nahihiyang nagsalita.

"H-hard b-boiled egg kase iyon Sir malisyoso ka lang." utal na sago ko mas lalo namang napangiti ito dahil nauutal ako.

"Baka kung saan pa mapunta ang usapan natin, mabuti pa magluto ka na at late na ako and Ramona i want my egg beaten." pumula ng parang kamatis ang pisngi ko dahil sa naging tugon ni Roberto kaya naman tumalikod na ako kaagad para ikubli iyon.

Scrambled egg is easy to cook kaya naman in no time ay natapos ko iyon ang problema ko nalang ay kung paano ko iyon maibibigay dahil pakiramdam ko ay maibabagsak ko ito any moment dahil sa sobrang panginginig ng kamay ko. Mukha namang nahalata ni Roberto iyon dahil ito na mismo ang nagpunta sa pwesto ko para kunin yung hawak kong kawali na may lamang itlog.

Habang hinihintay na matapos sa pagkain ang amo ko ay inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga unarranged na utensils and condiments container.

"Parang binagyo itong kusina grabe" sigaw ng isip ko habang padabog na inaayos sa tamang lagayan ang mga garapon.

Nang matapos sa pagsalansan ay magsisimula na sana akong mag-scrub ng lababo pero sakto namang pag-atras ko paalis sa lugar kung saan nakalagay yung mga condiments hindi ko napansin na may nakaharang pala na maliit na cabinet kaya naman napatid ako at ngayon ay pabagsak na sa tiled floor.

"AHH!!" "RAMONA!" magkasabay na sigaw namin

"BLAG!"

"UGH!" "eh? Sino yun? Bakit walang masakit sa akin?" kinapa ko yung binagsakan ko dahil hindi ako nasaktan at ng makapa kong hindi ito matigas "Malambot?" dahan-dahan akong lumingon dito.

"Bakit ito nandito?" magkakasunod akong napakurap habang malakas na kumakalabog ang dibdib dahil sa halos isang pulgadang layo ng mga mukha namin.

"Ramona?" pakiramdam ko ay nag-iinit ako dahil sa baritono nitong boses

"Y-yes Sir?" mahinang tugon ko habang nananatili ang titig sa mukha nito

"Ang bigat mo, tumayo ka na!" para akong binuhusan ng malamig na tubig kaya naman dali-dali akong tumayo at humingi ng pasensya.

"Sorry Sir hindi ko sinasadya" yumuko ako para hindi nito makita ang namumula kong pisngi.

"It's okay mag-iingat ka sa susunod"

Hindi na nito hinintay pa ang sagot ko basta nalang itong tumalikod at lumabas ng bahay.

"Dang!" napadaosdos ako paupo sa sahig dahil sa panlalambot

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status