Share

KABANATA 18

Walang nakasagot sa kanila. Nabitiwan lang din ng Mommy niya ang kanyang siko.

"Tsaka bakit may doktor sa baba? May baliw ba?" natatawang tanong na nito.

Na-insulto siya pero tinikom niya ang bibig. Tumikhim na lang siya at pilit na ngumiti.

"Bisita ni Mommy," tipid niyang sagot na sinang-ayunan ng Mommy niya.

"That's your Tita Rachel, matagal ko ng kaibigan. Ipapakilala kita, Anak. Pwede mo siyang kuhaning Ninang kapag nagka-anak ka na," liko ng Mommy niya.

Napairap siya noong igiya nito muli ang Ate Courtney niya pababa sa hagdan. Pero sa totoo lang, hindi niya mapigilang magdamdam at magselos lalo pa't ingat na ingat ito sa Ate niya.

Mabigat siyang bumuntong hininga at nanghihinang pumasok na sa kwarto niya. Mukhang hindi na naman siya maghahapunan sa lagay na ito. Tiyak kasi na kasama sa hapag ang doktora na iyon.

Napabagsak siya sa kama at hindi mapigilang umiyak. Pakiramdam niya ay gumuho na ang mundo niya. Wala na nga sa kanya si Royce tapos ay pagkakamalan pa siyang baliw!

Inu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status