CRYSTAL'S POV"What happened to Serenity?" malamig na bungad sa kanya ni Raphael kinagabihan noong makabalik ito.Kunot noo siyang nag-angat dito ng tingin at binitawan sa mesa ang hawak na ice cream."I'm not yet ready to show them to you—""F*ck that I'm not ready of yours, Crystal. Pinadala mo sila sa States kasama ang Mama ni Anton? Do you have any idea how dangerous that is?!" bahagyang tumaas ang boses nito kaya't tinaasan niya ng kilay."What are you talking about, Raphael? Mabait ang Mama ni Anton."Pumikit ito nang mariin na tila pinipigilan ang galit. Salubong lang ang kilay niyang tumitig dito. Noong magmulat ito ng mga mata ay mahinahon na ito."Tawagan mo at sabihin mong ibalik na dito ang mga bata kun'di ay ako ang pupunta doon—""Huwag ka namang mag-eskandalo ng ganyan, Raphael. Mabait ang Mama ni Anton at hindi niya pababayaan ang mga anak ko," matatag niyang laban dito.Tumiim bagang ito, "Then call her. I want my kids here beside me. Dapat ay hindi ka nagtitiwala kun
Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Raphael pagkababa nila sa eroplano. Niyakap siya ng lamig at kahit yata tumira siya noon sa ibang bansa ay hindi pa rin sanay ang katawan niya."Gaano ba kadelikado si Philip at kailangan na magmadali tayong pumunta dito?" naguguluhang tanong niya kay Raphael.Tumiim bagang ito habang inaalalayan siya palabas ng airport."Courtney threatened to hurt our children, and we both know Philip was his lover," madiing sagot nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "Plano ba nilang dalawa iyon? Baka naman ginamit lang din ni Courtney si Philip?"Bumaba ang tingin nito sa kanya, "Kinakampihan mo siya?" malamig na tanong nito.Napaikot ang mga mata niya at napabuntong hininga, "Ayaw kong basta mag-isip ng masama lalo pa't si Philip ang nagdonate ng dugo para kay Serenity."Tumahimik ito pero kita niya ang bahid ng inis sa mukha nito."He is not a clean man. Pinsan siya ni Anton? Baka pati iyang si Anton ay may masamang balak—""Shut up, Raphael. Iba si Anton. Hig
"Magpapahanap ako ng magaling na doktor," desididong saad ni Raphael matapos niyang ikwento lahat ng nangyari kay Serenity.Tinitigan niya ito. Nakaupo ito sa dulo ng kama, nakayuko, at ang kamay ay nakahawak sa batok. Kanina ay umiiyak ito pero ngayon ay kalmado na. Naiintindihan naman niya. Gusto nga niyang isumbat na kasalanan nito ang nangyari kay Serenity ngunit alam naman niyang hindi rin nito ginustong mangyari iyon. Katulad niya ay biktima lang din ito."Magaling na siya. Kusa rin daw babalik ang mga alaala niya," pagpapagaan niya sa loob nito.Naroon pa rin nga sila sa bahay ng Mama ni Anton. Ayaw pa kasing umuwi ni Serenity. Ayaw nitong sumama sila kay Raphael. Ayaw din nitong tumabing matulog sa kanila kaya't naroon pa ang magkapatid, sa talagang kwarto para sa mga ito."Will it take time?" Nagsusumamo pa itong nag-angat ng tingin sa kanya.Bumuntong hininga siya. Sa totoo lang ay ayaw niyang makitang mahina ito."Maybe? I don't want to force Serenity to remember you. Let h
RAPHAEL'S POV"Wake up, Baby," mabining paggising niya sa asawa.Umingit ito at mas siniksik ang sarili sa kanya. Napangiti siya at inayos ang buhok nito. Hinanap niya rin ang kamay nito pinagsalikop ang mga kamay nila. Dinama niya rin ang singsing doon. Pagkatapos kasi nilang makabalik sa bansa ay pinakasalan niya muli ito. Pinagbigyan niya rin ang hiling nitong pabayaan na ang kapatid nito kahit pa hindi siya pabor doon."Wake up, Baby. Ngayon na babalik si Royce at Amethyst. Baka nasa bahay na sila ng mga magulang mo," muling bulong niya rito.Isa pa iyon sa kinasasaya niya. Royce won his fight against cancer. Unti-unti ay umaayos na ang lahat. Isa na nga lang ang panalangin niya at iyon ang maalala na siya ni Serenity. Nalulungkot siyang hindi pa rin siya nito tinatawag na daddy pero alam niyang balang araw ay maalala rin siya nito."Nandoon na rin ba sila Anton?" inaantok na tanong nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "I don't care about that bastard—"Mabilis nitong tinakpan an
Hindi makangiti si Crystal Fuentes kahit pa araw iyon ng kasal ng Ate Courtney niya. Naririndi rin siya sa bawat palakpakan at tawanan ng mga bisita na masayang-masaya para sa mga kinasal. Tuwang-tuwa sila habang siya ay tahimik na nagluluksa para sa puso niyang sawi. Paano siya magiging masaya kung ang long-time crush niyang si Royce Consunji ang napangasawa ng ate niya?Pinigilan niya ang mga luhang bumagsak kahit pa halos hindi na siya makahinga sa pwesto niya. Siya ang maid of honor kaya't doble ang sakit na nararamdaman niya ngayong nasa tabi siya ng dalawa. Hindi niya matingnan ang magkahawak na kamay ng mga ito at masayang mukha habang kaharap ng pari. Para siyang pinapatay, dinudurog ang puso niya.Noon pa man ay pangarap niyang maikasal kay Royce kaya't nagpapansin siya rito sa tuwing napapadpad ito sa kumpanya nila. Ang alam niya ay single ito kaya't matiyaga siyang naghihintay ng tamang pagkakataon upang umamin dito. Kaya naman laking gulat niya na matagal na itong karelasy
Umawang ang mga labi niya at hindi pa rin makapaniwalang hawak siya nito. Hindi siya makabuo ng salita kahit pa ang dami niyang gustong itanong. Para din siyang kakapusan ng hininga ngayong nakadikit ito sa kanya."I know you want me," muling bulong nito at dinampihan pa ng h*lik ang punong tainga niya.Doon siya napakurap at mabilis itong tinulak. Lumayo siya rito habang tumikwas lang ang kilay nito."A-no bang ginagawa mo rito? Bumalik ka sa kwarto ni Ate," may kabang utos niya.Marahan itong humakbang dahilan upang umatras siya."So you don't want me here?"Napaiwas siya ng tingin at hindi makasagot. Nagdadalawang isip siya sa sasabihin. Masaya siya ngayong nasa harap niya ito pero nakokonsensya siya dahil dapat na nasa loob ito ng kwarto ng ate niya."A-no bang kailangan mo?"Napapikit siya nang mariin noong inilang hakbang lang siya nito at agad na hinuli ang bewang niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi rin siya makahinga nang maayos sa lapit nito. Ayaw niyang imulat a
Nangatal ang dila niya at hindi agad nakasagot. Napatitig pa siya nang matagal kay Royce. Gusto na ba nitong ibunyag ang nangyari sa kanila? Handa naman siya.Tumikhim siya at simpleng ngumiti, "It's y—"Hindi niya naituloy ang sagot matapos humalakhak ang ate niya. Hinampas pa nito si Royce."Huwag mo ngang ipressure ang kapatid ko. Baby pa iyan, baka nakagat lang talaga ng lamok." Nagtaas baba pa ang kilay ng Ate niya sa kanya.Nabura ang ngiti niya at naikuyom ang kamao. Wala ba talaga itong ideya na wala ang asawa nito kagabi?"I'm just guessing." Kumibit balikat si Royce at inosenteng ngumiti.Lalo siyang nanlumo sa reaksyon nito. Napakaduwag! Hindi man lang nito kayang aminin ang ginawang pag-*ngkin sa kanya kagabi!Nakaalis na lang ang mag-asawa ay hindi pa umaayos ang pakiramdam niya. Nagulat pa siya noong maramdaman ang palad ng Mommy niya sa kanyang noo."Are you sick, Crystal? Namumutla ka, Anak. Huwag ka na munang pumasok sa opisina—"Agad siyang tumayo na kinagulat nito,
Bumigat ang paghinga niya at kahit binitiwan nito ang mga kamay niya ay hindi niya ito magawang itulak palayo. Naiinis pa siya rito pero nagawa niya pang titigan ang pagh*bad nito ng suot na roba."Umalis ka na, Royce," pagmamatigas niya kahit pa nanuyo na ang lalamunan niya matapos makita ang matipuno nitong d*bdib."You want me out, really?" paos na bulong nito.Umiwas siya ng tingin at pinangsangga ang mga kamay noong lumapit ito. Napasandal nga lang siya sa closet noong walang babalang hawakan nito ang tuhod niya at isukbit sa bewang nito."Ano ba, Royce! Doon ka na—"Napasinghap siya matapos maramdaman ang kahandaan nito sa pagitan ng mga hita niya."Hindi ako naniniwalang gusto mo kong paalisin. I can feel you are soaking wet for me already," madiing bulong nito.Mas lalong bumigat ang paghinga niya noong mas diniin nito ang sarili. Nanuyo muli ang lalamunan niya pero alam niyang totoo ang sinasabi nito dahil siya mismo ay ramdam ang pagkabasa niya.Nawala ang tapang niya lalo p