Share

Memory Of Love
Memory Of Love
Author: Tearsxme

CHAPTER 1

"Hello, Ma'am!" bati ni Angge sa isang babaeng customer na kapapasok lang sa kanilang department store nakapwesto sa loob ng isang mall.

"May I help you, Ma'am?" tanong niya rito pero hindi siya nito sinagot bagkos ay nagpatuloy ito sa pagpasok sa loob. 

"Tsk! Ang sungit," pabulong niyang sabi sa sarili.

Pinalaki niya ang kanyang ngiti nang may bago na namang costumer na pumasok.

"Hello, Sir," bati niya rito.

Nakahinga siya nang maluwag nang ngumiti sa kanya ang customer.

"What can I help you, sir?" tanong niya rito.

Napaismid na lang din siya uli nang hindi ito sumagot.

"Angge, mananhalian na tayo," sabi sa kanya ni Reah, isa sa mga katrabaho niya. Bestfriend niya. Ka-tandem niya sa kalukuhan.

Agad na siyang umalis sa kanyang pwesto saka siya pinalitan ng katatapos lang mananghalian. Hindi kasi sila sabay-sabay lahat kung mananghalian dahil na rin sa klaseng trabaho na mayroon sila.

Madalas nga, mag-isa lang siyang kumakain kapag busy'ng-busy ang store nila lalo na kapag holiday season. Buti ngayon, kasabay niya si Reah, hindi masyadong busy dahil hindi naman ganu'n kadaming customers na pumapasok.

"Sa wakas, may kasama na akong kumain," bulalas ni Reah nang nakaupo na sila sa isang kainan.

"Buti na lang din, hindi masyadong busy ngayon," saad naman ni Angge.

"Oo nga, eh. Sana, ganito na lang lagi."

"Baliw ka ba?"

"Bakit naman?"

"Kapag ganito lagi ang customer ng store natin, wala nang kikitain ang negosyo ng boss natin at kapag nangyari 'yon, end na nating lahat."

Napaisip sandali ang kanyang kaibigan dahil sa kanyang sinabi.

"May point ka rin," sang-ayon naman nito pagkaraan.

"Kasalukuyang nagkakagulo ngayon dito sa Mall of Asia dahil sa isang sikat na korean actor na si Kim Myung Soo. Ayon sa actor, nais lang daw sana niyang mamasyal habang pilit na itinatago ang kanyang identity pero isang avid fan niya ang kaagad nakakilala sa kanya na siyang dahilan para pagkakaguluhan siya ng iba pa niyang mga fans," pahayag ng isang news anchor na nasa isang television na nakasabit sa kainan kung saan nananghalian sina Angge at Reah.

Napatingin na rin ang lahat sa t.v at kitang-kita ang pagkakagulo ng mga tao sa nasabing mall dahil kay Kim Myung Soo.

"Balang-araw, titingalain din ako gaya ng idol ko. Sisikat din ako."

Agad napatingin si Angge kay Reah nang bigla itong nabunulan dahil sa kanyang sinabi.

"Okay ka lang? Heto tubig."

Agad namang tinanggap ng kanyang kaibigan ang isang basong tubig na inabot niya rito.

"Anong sabi mo?" tanong ni Reah nang naging okay na ito.

"Alin? 'Yong sisikat ako?"

"Nagday-dreaming ka ba?"

"Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Papaano ka sisikat, eh isang sales lady ka lang," straight to the point nitong sabi.

"Bakit? Kapag sales lady ba, walang karapatang sumikat?"

"Hindi ko naman sinabing walang karapatang sumikat ang isang sales lady pero, Angge ang ganyang opportunidad once in a blue moon lang 'yan dumarating sa mga katulad natin. Madalas, para lang 'yan sa mga mayayaman at may malaking pangalan sa industriya."

Natahimik si Angge sa sinabi ni Reah dahil sa totoo lang, may point din ito pero sisiguraduhin niyang sisikat siya at papansinin din siya ng mga tao.

Balang-araw, titingalain din siya ng lahat at ipinapangako niya sa sariling tutuparin niya iyon. 

"Lola, kumusta po ang araw niyo?" tanong ni Angge sa kanyang lola na si Apolinaria sabay mano nang makarating na siya sa kanilang bahay galing sa kanyang trabaho.

"Okay lang, apo. Ikaw, kumusta ka? Napagod ka ba?" nag-aalala rin nitong tanong sa kanya.

"Okay lang po ako," nakangiti pa niyang sabi kahit na ang totoo, pagod din siya.

"Magbihis ka na at ipaghahain kita," sabi ng matanda. Agad naman siyang pumasok sa kanyang kwarto at agad na nagbihis.

Napaupo siya sa gilid ng kanyang higaan saka bahagya niyang hinimas-himas ang kanyang binti dahil nangangalay ito sa buong maghapong nakatayo.

Hindi madali ang buhay ng isang sales lady. Maghapon kang nakatayo habang maagap ang mga mata sa mga pumapasok na customer. Ang masakit pa kung minsan ay 'yong makakatagpo ka ng customer na masungit at maarte. Pero bilang sales lady, kailangan din nila ng mahabang pasensiya to deal with their customers well.

Mahirap din kasi kapag nagkamali sila kahit konti lang o kapag nagkataon na may topak ang customer nila dahil paniguradong sila ang babanatan ng kanilang manager lalo na kapag ang manager naman ay hindi marunong tumanggap ng side ng kanilang empleyado. 

"Masakit ba?"

Napatingin si Angge sa pinto ng kanyang kwarto at nakita niya roon ang kanyang Lola na nakatingin sa kanya. Agad niyang tinigilan ang pagpipisil-pisil niya sa kanyang binti saka nagkunwaring okay lang siya.

"Hindi po, Lola," pagsisinungaling niya.

Pero dahil matanda na ang kanyang Lola ay hindi na niya ito maluluko ng ganu'n-ganu'n lang dahil ayon nga sa kasabihin ng mga matatanda, "papunta ka pa lang, pauwi na ako".

Pumasok si Lola Apolinaria na may dala-dalang ointment saka ito umupo sa kanyang harapan.

"Lola, anong ginagawa niyo?" gulat niyang tanong.

Napatingin na lamang siya sa kanyang binti nang hawakan ito ng matanda.

"Lola, hindi niyo na po 'to kailangang gawin," sabi niya sabay kuha sa kanyang binti na hawak-hawak nito pero agad naman itong hinawakan uli ng matanda.

"Mamasahiin lang natin kahit saglit para naman mabawasan ang pangangalay niya," sabi nito saka nito sinimulan ang pagmamasahe.

Lihim siyang napangiti sa ginawa ng kanyang Lola. Kahit kailan talaga, hindi pa rin talaga nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. 

Si Angge, isang simpleng babae na may mataas na pangarap pero ang pangarap na iyon ay hindi niya alam kung makakamit pa ba niya dahil sa hirap ng kanyang buhay.

Mula dise-sais at natuto na siyang tumayo sa sarili niyang mga paa hanggang sa edad na 25. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho  para lang may maibuhay siya sa kanyang Lola na may dinaramdam na rin sa sariling katawan.

Si Lola Apolinaria na lamang ang pamilyang naiwan sa kanya at ito na rin ang nagtaguyod sa kanya nagmula nang maagang nawala ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente. 

Maaga ring nawala ang kanyang Lolo dahil sa karamdaman nito kaya silang dalawa na lamang ang naiwan.

Kahit hirap sa buhay ay ginawa pa rin lahat ni Lola Apolinaria ang buhayin siya sa legal na paraan.

Lumaki siya sa piling nito. Hindi naman ito nagkulang ng pag-aruga sa kanya pero iba pa rin talaga ang pag-aaruga ng isang magulang. 

Pero kahit na nakakaramdam siya ng ganu'ng bagay, thankful pa rin siya sa kanyang Lola at gusto niyang suklian ang kabutihan nito.

"How was the annual progress of the company?" tanong ni Corazon sa kanyang anak na si Rhodly James Smith.

"We had a meeting last day and according to their reports, our company has its increased. So, you don't have to worry," pahayag ng binata.

"Good to hear that, son but we will still looking forward to the continuation of the progress of our company while it's still in your hands," saad naman ni Marcos.

Napatango lang ang binata sa tinuran ng ama.

"Please, be assured, Dad," nakangiting saad ni Rhodly sa ama.

Si Rhodly James ay ang panganay na anak ng mag-asawang Smith at mas kilala sa tawag na Rhodly. Ang kaisa-isa niyang kapatid na babae ay si Kathleen at nasa abroad ito nag-aaral.

Dahil siya ang panganay at sa edad na 32, very productive na siya pagdating sa pamamahala sa kanilang negosyo kaya kampante ang kanyang ama na ihabilin sa kanya ang kompanya.

Siya ang CEO ng T Group at bilib din sa kakayahan niyang mamahala ang kanilang mga shareholders at ang kanilang mga investors.

He is already engaged with Daphne, their business partner's daughter na kahit ayaw man niya ay wala na siyang nagawa para tutulan ang kanilang kasal.

Nasa abroad din si Daphne at kasama ni Kathleen. Matagal na ring may gusto sa kanya ang dalaga kaya hindi na ito tumutol pa sa halip ay naging masaya pa ito sa napagkasunduan ng kani-kanilang pamilya. 

Napagsunduan din nila after graduation ni Daphne nila ihe-held ang engagement party para sa mga ito at more than a year na lamang ang hinihintay nila para sa pinakahihintay na sandali.

Kilala ang pangalan ng pamilyang Smith sa industriya na kanilang ginagalawan but the real identity of Rhodly is still unknown to the public.

Mas pinili niyang itago ang totoong siya dahil sa maraming dahilan.

Maaaring magkakagulo ang buhay niya kapag makilala siya ng publiko. He wants to live with a peace of mind. Ayaw niya na sa bawat galaw niya ay may camerang nakaabang, may camerang nag-aantay.

Ayaw niyang konting pagkakamali lang niya ay issue kaagad at kahit saan man siya mapunta, hahabulin siya ng media.

Everytime na may public gathering na mangyayari kung saan imbitado siya ay hindi siya uma-attend. Kung a-attend man siya ay hindi siya madalas nakikisalamuha sa maraming tao. He will have his own privacy. 

Kung may appointment man siya, doon sila sa lugar na walang masyadong tao o sa isang VIP room para walang makakakita sa kanila.

Kung sakali mang may picture niya na nali-leak ay agad-agad nila itong inaaksyonan at dahil sa dami ng pera nila, hindi mahirap para sa kanila ang patahimikin ang may alam tungkol sa kanya.

Kilala siya ng publiko sa kanyang pangalan pero sa mukha niya, walang kaide-ideya ang mga ito. Kaya malaking palaisipan na rin sa mga ito kung sino nga ba si Rhodly James Smith at kung ano nga ba ang mukha at pangangatawan ang mayroon siya.

Dahil sa kanyang ginawang pagtatago sa tunay niyang pagkatao, malaya siyang makakapaglakad sa gitna ng maraming tao dahil sino ba naman ang mag-aakala na siya na pala si Rhodly, ang kaisa-isang anak na lalaki ng mag-asawang Smith na isang bilyonaryo sa bansa?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status