Share

CHAPTER 41

"Reah!" tawag ni Angge sa dalaga sabay ngiti nang sapilitan.

"Sa tingin ko, dapat muna akong bumalik na lamang sa ibang araw," saad ng dalaga na siya namang pagsulpot ni Lola Apolinaria mula sa likuran nito kasabay si Gilbert.

"Bakit, naistorbo mo ba ang ginagawa nila?" Nanlaki ang mga mata nina Rhodly at Angge sa naging tanong ng matanda kay Reah.

Napaawang ang mga labi ni Reah at nang sasagot na sana ito ay agad naman itong inunahan ni Angge.

"W-wala po, Lola," pagsisinungaling ng dalaga pero imbes na magsalita ang matanda ay mas pinili na lamang nito ang ngumiti at alam ni Angge na hindi naniniwala sa kanyang sinabi ang kanyang Lola pero wala naman siyang magagawa para du'n kundi ang manahimik na lamang. 

"Heto, pinadala ng Mommy mo," singit ni Gilbert sa mga ito sabay lapag sa mesa ng dala nitong bulaklak at prutas.

Napatingin naman si Angge sa nobyo na para bang humihingi ng paliwanag pero kibit-balikat lamang ang naging tugon nito

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status