Share

CHAPTER 5

Napakunot ang noo ng kanyang kaibigan dahil sa kanyang tinuran at hindi talaga siya nito naiintindihan.

"Daphne already know you but why do you need to hide your identity with that name?" nagtatakang nitong tanong.

"It's not about Daphne," maagap niyang saad na siyang lalong nagpakunot sa noo ng kanyang kaibigan.

"If it is not about her, then who is that... my woman?"

Hindi umimik si Rhodly kahit alam niyang naghihintay si Gilbert sa kanyang magiging sagot.

"Well, if you don't have a plan to tell me about that "my woman" then I don't ask anymore," saad nito at alam niyang nagtatampo ito.

"The woman on the news who claimed that I am her boyfriend."

Napaawang ang mga labing napatingin sa kanya ang kanyang kaibigan. Nakita rin kasi nito ang balitang 'yon kaya hindi na nakapagtataka kung sino ba talaga ang babaeng 'yon pero ang nakapagtataka ay 'yong bakit kailangan pang gumawa ng mga bagay-bagay ang kanyang kaibigan for the sake of that woman.

Is he fell in love with her?!

"Are you----"No more questions, just do what I've been asking from you 'cause I badly need it tomorrow. Okay?" agad niyang putol sa iba pa sana nitong sasabihin.

Naitikom na lamang ni Gilbert ang kanyang bibig sa agarang pagsingit ni Rhodly.

"Fine," matipid niyang sagot.

He felt something fishy at that moment. Simula't-sapol kasi alam na niya what's the real score between his friend ang Daphne, alam niyang arrange marriage lang ang namamagitan sa dalawa kahit pa sabihing in love si Daphne kay Rhodly.

And there's one thing that everyone didn't know yet, he secretly admire Daphne!

"Sir, bakit ganyan po ang suot niyo?" tanong ni Ronald kay Rhodly kinabuksan nang makita niya itong nakasuot ng damit na hindi naman talaga nito isinusuot.

"I need to wear this kind of clothes," sabi pa niya saka siya pumasok sa loob ng kanyang sasakyan matapos siyang ipagbukas ni Ronald.

Bago pa man pinaandar ni Ronald ang sasakyan, muli pa niyang sinulyapan ang kanyang boss sa rear-view mirror.

"What?" tanong nito nang makita siya nitong nakasilip sa salamin.

"W-wala po, sir," agad na pag-iwas ni Ronald saka agad niyang pinaandar ang makina ng sasakyan saka niya ito pinaharurot papunta sa mall kung saan nagtatrabaho si Angge.

Nakasunod naman ang mga bodyguards ng binata na pareho ring nagtataka kung bakit ganu'n ang kanyang bihis gayong hindi naman talaga siya nagbibihis ng ganu'n.

"Just stay here and wait for me," bilin ni Rhodly sa kanyang driver matapos siyang nakalabas nang maayos.

Ipinahinto niya ang kanyang sasakyan na medyo malayo-layo pa sa mall para walang makakakita sa kanya.

"Opo, sir," sagot naman ni Ronald saka na naglakad papuntang mall ang binata at mula sa di-kalayuan niya ay pasimple ring nakasunod ang kanyang mga bodyguards.

Napailing-iling na lamang si Ronald habang pinagmamasdan niya ang kanyang boss na naglalakad palayo habang bitbit nito ang isang yellow folder na naglalaman ng mga documents nito para sa pangangaplay.

Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita niya ang kanyang mga bodyguards na nagmamasid sa paligid habang tinitingnan siya.

Pasimple niyang sinenyasan ang mga ito na kung maaari huwag masyadong dumikit ang mga ito sa kanya para hindi siya mahahalata saka na siya pumasok ng mall.

"RJ?!" nakangiting salubong ni Angge kay Rhodly na siya namang muling nagpatibok ng kaybilis sa puso ng binata.

"She really caught my heart," isal ng kanyang isipan habang nakatitig siya sa nakangiting dalaga.

Pasimpleng idinikit niya ang kanyang kanang palad sa kanyang kaliwang bahagi ng kanyang dibdib nang dahan-dahan na lumakad palapit sa kanya si Angge.

Ramdam na ramdam na naman niya ang pagkabog ng kanyang puso at pakiramdam niya nangangatog na ang kanyang tuhod dahil sa samu't-saring damdamin na bigla na lamang nagsipagsulputan sa kanyang dibdib.

"RJ!"

Biglang nagising mula sa pagkakatulog ang diwa ni Rhodly namg biglang iniwasiwas ni Angge ang kamay nito sa harap ng kanyang mukha.

"Huh? B-bakit?" nagtataka niyang tanong.

"Anong bakit? Kanina pa kita kinakausap."

"Huh? G-ganu'n ba? Sorry," nahihiya niyang sabi.

"Kinakabahan ka ba?"

"O-oo," sagot niya sa pagitan sapilitang pagngiti.

"Dahil sa'yo," bulong ng kanyang puso na gusto pa sana niyang ilabas mula sa kanyang bibig.

"Alam ko 'yan."

Napatingin siya sa mga mata ng dalaga dahil sa sinabi nito. In love rin kaya ito sa kanya? Pareho kaya sila ng nararamdaman?

"Do we have a mutual feelings?" lihim na tanong ng kanyang isipan habang nanatiling nakatuon ang kanyang mga mata sa dalaga.

"Ganyan talaga 'yan kapag nangangaplay ka ng trabaho. Kakabahan ka talaga."

Biglang nawala ang pag-asa na nasa puso niya nang marinig niya ang naging pahayag ng dalaga.

"Huwag kang mag-aalala, nandito ako," nakangiti nitong saad at muling nabuhay ang pag-asa sa kanyang puso na balang-araw, magkakaroon din siya ng puwang sa puso nito.

Dahan-dahan na tumingkayad si Angge saka bahagya nitong inilapit ang bibig nito sa kanyang punong tainga na siyang muling nagpagulo sa pagtibok ng kanyang puso.

Ramdam na ramdam na rin niya ang init ng hininga nito na tumatama sa kanyang tainga.

"Malakas ako kay manager," pabulong nitong sabi sa kanyang punong tainga.

"Tara," aya ni Angge saka walang anu-ano'y hinawakan siya nito sa kanyang kamay saka siya nito hinila papasok.

Hindi niya napigilan ang kiligin habang nakatingin sa kanyang kamay na hawak-hawak pa rin ng dalaga.

Nagkatinginan na lamang ang mga bodyguards ni Rhodly sa kanilang dalawa habang naglalakad sila papasok ng store.

Kanya-kanya na lang din nagkibit-balikat ang mga ito na para bang sinasabi nilang ganu'n talaga kapag tinamaan na ng pana ni kupido.

"You can start tomorrow," sabi ng manager matapos nitong tingnan ang kanyang resume at tanungin siya ng mga iilang bagay.

Bumilib sa kanyang mga naging sagot ang manager dahil sa galing ng mga isinagot niya.

Kung tutuusin, hindi mahirap para sa kanya ang mga naging tanong nito dahil kung ikukumpara ang mga naging tanong nito sa mga tanong nila sa kanilang kompanya sa tuwing magha-hire sila ay sadyang malayo. Mas mahirap pa ang tanong nila kaya madali lang sa kanya ang lahat.

"Thank you po, m-ma'am."

Napaka-awkward para sa kanya ang tawaging ma'am ang manager gayong hindi naman siya sanay sa ganu'n.

Tinatawag siyang Mr. Smith o sir ng sarili niyang mga empleyado at hindi niya talaga inaasahang mararanasan na rin niya ang ganito.

"You can go out now," sabi nito.

"Please, excuse me."

Marahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa patalikod para umalis na at ganu'n na rin si Angge pero bago pa man siya tuluyang nakalabas ay muling nagsalita ang manager.

"Stay, Ms. Ramirez."

Napakunot ang noong napalingon ang dalaga sa kanilang manager at napatingin naman sa kanya ang binata pero sinenyasan niya itong umalis na.

Nang nakalabas na si Rhodly ay nakangiting muling hinarap ng dalaga sa kanyang manager.

"May kailangan pa po ba kayo sa akin, Madam?" tanong niya rito.

Matagal-tagal na rin kasi siya sa store nito kaya sanay na sanay na siya sa pag-uugali ng kanilang manager.

"Alam mo naman kung ano ang pinakaayaw ko, right?" makabuluhan nitong tanong sa kanya.

Napatingin sa itaas ang dalaga na para bang nag-iisip din kung ano ba ang gustong iparating sa kanya ng kanyang boss.

"Alam niyong ayaw na ayaw ko ang sinungaling, di ba?"

Gumuhit sa mukha ng dalaga ang pagtataka at nagsimula na ring kumabog ang kanyang dibdib nang maaalala niya ang kanyang ginawang pag-amin na boyfriend niya ang isang Rhodly James Smith.

"A-alam po namin 'yon, Ma'am," kinakabahan niyang saad.

"Alam niyo rin na kapag may nagsinungaling, agad-agad kong tinatanggal sa trabaho without hesitation, right?"

"O-opo," matipid niyang sagot.

"Then tell me, is it true that Mr. Smith is your boyfriend?"

Napaawang ang mga labi ni Angge sa naging tanong ng kanilang manager at lalong lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib.

Anong sasabihin niya? Ipagtatapat ba niyang gawa-gawa lang niya iyon o ipagpatuloy na lamang niya kung anong klaseng kasinungalingan ang sinimulan niya?

"Angge?" Napatingin siya sa kanyang manager at kitang-kita niya ang kakaibang tingin na ipinupukol nito sa kanya ngayon na siyang lalong nagpakabog sa kanyang dibdib.

"Is it true?" muli nitong tanong sa kanya.

Napasalikop niya ang kanyang mga daliri dahil sa kaba at talagang naguguluhan pa siya pero naaalala niya ang kanyag Lola kaya iisang pasya ang tanging pumasok sa kanyang isipan.

"O-opo. Boyfriend ko po siya," sabi niya habang nanginginig ang kanyang kamay at tumatambol ang kanyang puso.

"Really?"

Mukhang hindi pa rin makapaniwala ang kanyang boss sa kanyang naging sagot.

"Most of us don't have any idea what he looks like and I'm sure you are aware of that, right?"

Muli siyang napatango nang marahan bilang sagot sa tanong ng kanyang boss.

"Well, hindi naman sa minamaliit kita, Angge. Sa totoo nga lang, hanga ako sa taglay mong kagandahan samahan mo pa nang pagiging pursigido mo sa buhay but you can't blame me if there's a doubt on my mind right nagtatanong kung papaano naging kayo ni Mr. Smith gayong pangalan lang niya ang kilala ng publiko."

Sang-ayon si Angge sa sinabi ng kanilang manager. Nakapagtataka talaga kung papaano nagiging magnobyo ang isang billionaire businessman at ang isang sales lady lamang at kung papaanong sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa isang saleslady lang napunta ang isang Smith.

"Ganu'n nga po talaga ang pag-ibig, kusang naghahanap ng paraan para magkatagpo ang dalawang itinadha kahit na gaano pa ito ka-imposible."

Napatingin sa kanya ang kanyang manager. May punto rin naman siya kahit papaano. Kahit sino pa ang itinadhana sa'yo basta ang tadhana na ang pagpapasya, magtatagpo at magtatagpo talaga kayo kahit gaano man ka-imposible.

"Okay. Naniniwala na ako sa'yo."

Nakahinga nang malalim si Angge sa kanyang narinig. Para na rin siyang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan sa sinabi ng kanyang boss.

"But I want to meet him personally."

"Ho?!" Napaangat ng mukha ang dalawa at diretsong napatingin siya sa mukha ng kanyang boss na seryoso sa sinabi nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status