"They noticed na hindi ka na masyadong active as a CEO of the company and they were so worried that the company will be in vain kapag nagpatuloy kayo sa ganitong performance. So, they decided to have a voting session wether they will let you stay or fire you and choose a new CEO of this company."
Napasalampak si Rhodly sa sofa habang nagsasalita ang kanyang secretary na para na rin niyang kaibigan.
"Every meeting, you are absent. Everytime they need your presence, you are not there that is why they wanted to change you. Ayaw din isipin ng iba na baka nagiging pabaya ka na and it will affect the company's improvement. Some investors agreed to the idea of changing a new CEO dahil takot sila na ang perang itinaya nila sa kompanya will be at risk."
Isa ito sa mga bagay na maaaring maaani niya kapag naging pabaya na siya. Hindi naman talaga siya naging pabaya, nagiging ganito lang naman siya dahil kay Angge.
"Ang mas nakakatakot kung makakarating ito sa
Napatingin sila sa napakakintab na Oxford shoes na suot nito since ito naman talaga ang unang lumabas at kasunod nu'n ay ang paglabas ng taong kanilang inaasahan. Si Rhodly James Smith!He's wearing a dark sport jacket na pinailaliman niya ng isang white dress shirt. Ang suot naman nitong dressy slacks ay halos kakulay ng sport jacket na suot niya. Naka-short blowout with tapered sides ang kanyang hairstyle kaya napakalinis niyang tingnan sa hairstyle na 'yon.Nang maayos siyang nakalabas sa kanyang limousine ay inayos niya ang kanyang suot na sport jacket and then he brushed his hair na siyang lalong nagpatigagal sa mga nandu'n kahit pati na si Angge at mas lalong nagkikislapan ang camera'ng hawak ng mga reporters.Kasunod ng sasakyan ni Rhodly ay ang sasakyang sinasakyan ng kanyang mga bodyguards.Hindi inakala ni Angge na ang taong halos araw-araw niyang nakakasama ay may angking kagandahan pala kapag nabihisan."S-si RJ ay si Rhodly
"You got it wrong, Ms. Santorini. Sa tingin ko, siya talaga si Mr. Smith," sabi ng babaeng initusan niyang humingi ng tulong kay Rhodly sa pagte-test kung si Mr. Smith nga ba ito o hindi.Alam naman niyang mayamang tao si Rhodly kaya kung tumanggi itong magbigay ng tulong o kahit maliit na halaga ng pera sa babaeng inutusan niya, she will be 100% sure that these two are lying at ang RJ na nagsasabing siya si Rhodly James Smith ay nagpapanggap lamang.But it turn out na marami pala itong pera. Kung hindi ito totoong Smith, malamang wala itong maibibigay na pera.Bago pa man umuwi ang dalawa ay talagang ninais ng dalaga na mabigyan ng liwanag ang lahat-lahat kaya kinausap muna niya si Rhodly bago niya ito pinakawalan."Kaninong sasakyan 'to?" tanong niya uli rito."Nirentahan ko nga," sagot naman ni Rhodly."Bakit ganito pa? Alam mo bang napakamahal nito?" aniya habang itinu
"B-bakit ba l-lumalakas ang t-tibok ng p-puso ko kapag ganito k-ka kalapit sa akin?" pagatul-gatol niyang tanong sa binata habang nanatili rin itong nakatitig sa kanya."B-bakit ba b-bumibilis a-ang pagpintig n-ng puso ko k-kapag napakalapit mo sa akin?" inosente niyang tanong.Oo, 25 years old na siya. Nagkaroon na rin siya nang maraming crush, nagkaroon na rin siya ng nobyo pero hindi naman seryusuhan kaya she never felt this kind of feeling before.Bagong-bago para sa kanya ang ganitong damdamin!Kinuha niya ang kaliwang kamay ni Rhodly saka niya ito dahan-dahan na inilapat sa bandang kaliwa ng kanyang dibdib kung saan mararamdaman ang malakas na pagpintig ng kanyang puso at ramdam na ramdam iyon ng binata."Ramdam mo ba ang lakas ng pagtibok ng puso ko?"Halos hindi makaimik si Rhodly sa kaalamang pareho pala sila nang nararamdaman ng dalaga. Hindi niya alam na everyti
Pagkalabas ni Rhodly sa bahay nina Angge ay agad siyang sinalubong ng kanyang driver at agad siyang dinala sa pinaradahan nito ng sasakyang dala.Dahil hindi siya nakauwi kagabi sa kanyang condo, expected na rin na sa loon din ng sasakyang 'to nakatulog si Mang Delfin, ang kanyang driver sa kahihintay sa kanya at ganu'n din ang kanyang mga bodyguards, nakatulog din ang mga ito sa loob ng SUV'ng dala-dala ng mga ito.May ngiti pa sa kanyang mga labi nang pumasok siya sa sasakyan matapos siyang pagbuksan ni Mang Delfin."You're smiling, huh."Napapiksi si Rhodly nang biglang may nagsalita mula sa katabi ng driver seat. Si Gilbert!"What the hell are doing here?" gulat niyang tanong sa kaibigan saka agad namang pinatakbo ni Mang Delfin ang sasakyan kasunod naman ang sinasakyan ng kanyang mga bodyguards."I can't remember how many times I have been trying to reach you out but you never tried to pick up my calls so I called Mang Delfi
Nanlaki ang mga mata ni Ronald matapos sabihin ni Rhodly na boss siya nito.Kahit siya, hindi nakapaghanda sa mangyayari!"Boss?" takang-tanong ng dalaga.Sino ba naman kasi ang hindi magtataka kung bigla-bigla na lang may darating na boss para kausapin ang employer sa ganitong lugar at talagang sinadya pang puntahan ng boss."Naaalala mo pa ba 'yong sinabi kong dati kong tinatrabahuan?" tanong ni Rhodly sa dalaga."Ah! 'Yong sabi mong kompanya na nagbawas ng tauhan dahil nalulugi?" bulalas nito at marahan naman siyang tumangu-tango."...sa inyo pala 'yon?" baling ni Angge kay Ronald.Napaawang ang mga labi ng secretary ni Rhodly kaya pasimpleng sinisenyasan niya itong umo-o na lang."Ah! Oo, sa akin 'yon."Nakahinga na lamang ng maluwag ang binata dahil nagiging alerto naman kahit papaano si Ronald."Pero
Makalipas pa ang ilang araw ay naging maayos na rin ang lahat. Mukhang nakalimutan na rin ng mga tao ang isyu tungkol kina Rhodly at Angge.Sa kompanya naman ay naging maayos na ang hindi magandang pagkakaunawaan ng mga board of directors at naging abala na rin ang binata sa pakikipag-usap niya sa kanyang mga investors pero hindi niya nakakimutan ang pangako niya kay Angge na hindi ito mawawalan ng oras sa kanya.Ipinakilala na rin niya ang dalaga sa dating nag-aalala sa kanya na si Yaya Lorna at nakiusap ang binata na kung maaari wala itong sasabihin kay Angge tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Ipinakilala niya si Yaya Lorna bilang ina niya at ama naman niya ang asawa nito, naging kapatid na rin niya ang dalawang mga anak nito.Noong una ay talagang ayaw sana ng matanda dahil ang pagsasabi ng katotohanan sa kapwa ay ang madalas na itinuturo nito sa kanya noon pero sa bandang huli ay napapayag na rin niya ang mga ito.
Pagdating ni Angge sa park ay hindi niya makita si Rhodly kaya inikot niya muna ang may kalawakang parke pero walang Rhodly siyang nakita. Ni amoy nito, hindi niya maamoy!"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please, try call again later."Kahit ilang beses pa niya tawagan si Rhodly ay talagang ang operator ang sasagot sa kanya na siyang lalong nagpabahala sa kanya."RJ, nasa'n ka na?" nag-aalalang ng kanyang isipan saka muli niyang tinawagan ang kanyang boyfriend pero ganu'n pa rin ang kanyang napapala.Habang naghihintay ang dalaga sa pagdating ni Rhodly kahit pa wala na siyang kasiguraduhang darating pa ito ay patuloy naman ang pakikipaglaban ng binata sa pagitan ng kamatayan. Pinipilit ang sariling malagpasan ang napakabigat na pagsubok na bigla na lamang dumating sa buhay nito.Habang nasa kalagitnaan ang mga hospital staffs sa pa
Dalawang buwan na ang nakalipas ay nanatili pa rin ang positivity ni Angge na isang araw magkakaroon din siya nang balita kung nasaan na si Rhodly at kung kumusta na ito.Handa siyang makinig kung sakali mang nais pa nitong magpaliwanag sa kanya sa biglaan nitong pagkawala.Buo pa rin ang kanyang paniniwala na mayroong mabigat na dahilan kung bakit nagawa nitong baliwalain siya sa loob ng dalawang buwan nang walang tawag o text man lang."Tawag ka ni Ms. Santorini," pabulong na sabi sa kanya ni Reah isang araw habang inaabala niya ang kanyang sarili sa trabaho."Bakit daw?"Kibit-balikat lang ang tanging sagot ng kanyang kaibigan sa tanong niya kaya hindi na siya nag-aksaya pa nang oras. Agad na siyang pumunta sa opisina ng kanila mg manager."Ipinatatawag daw po niyo ako, madam?" tanong niya nang makapasok na siya sa office nito.Galit na inilapag ni Ms.