Share

Married to Mr. Sarmiento
Married to Mr. Sarmiento
Author: Diemyourxzs

Prologue

"What? NO!" Nilingon ko si papa na parang batang nagmamakaawa ngayon sa harapan ko matapos kong tanggihan ang gusto niyang gawin ko.

"Wala na akong ibang pagpipilian, anak! Lubog na lubog na ako sa utang at kailangan ko nang bayaran 'yon dahil kung hindi ay ipapakulong nila ako," sabi niya sa akin at napahilamos sa kaniyang mukha.

Napatawa ako sa kawalan at di makapaniwalang tumingin sa kaniya na namomoblema ngayon.

"At anong klaseng bayad pa? Ang ipakasal ako sa anak nila? Anak mo ako pero grabe naman 'tong ginagawa mo sa akin. Ako bilang kabayaran sa mga utang mo? Papa naman!" Hindi ko mapigilan ang mapatayo dahil sa nararamdaman. Para akong nag-aalburutong bulkan na maya-maya lang ay handa nang sumabog.

Hindi lang ako makapaniwala na magagawa 'to sa'kin ng sarili kong ama. He's my father for fvcking sake! Sana ay inalam niya muna ang mararamdaman ko, hindi 'yong ganito na lang, na bigla kong malalaman na ipapakasal ako! With whom? To the unknown man? Ha!

Nilingon ko siya at gusto ko siyang hampasin dahil nagmumukha siyang baliw sa ginagawa niya. Tatay ko siya at mahal na mahal ko siya pero sa mga oras na ito ay parang gusto kong kalimutan na magkadugo kami.

"I'm sorry. Hindi ko naman talaga gustong ipakasal ka kasi s'yempre nag-iisang anak at prinsesa kita pero... Nadala ako nang sabihin nilang kailangan kong bayaran ang utang ko sa loob ng isang linggo at kung hindi, sa kulungan na ang bagsak ko. Patawarin mo na ako, anak," nanlaki ang mata ko sa narinig.

What the hell! Isang linggo? Gago ba 'yong inutangan ni papa? Wala ba siyang consideration?

Umiling ako sa tanong na nasa isipan ko at tumingin ulit kay papa na nakayuko. Naiinis ako sa kaniya dahil ganito siya, naiinis ako sa kaniya dahil simula noong mamatay ang mama ay lagi na siyang tumatambay sa casino na para bang sinisira na niya ang buhay niya at dahil sa kagagawan niya ay nalulugi na ang hacienda namin na para bang unti-unti na kaming naghihirap.

"Bakit kasi utang ka nang utang sa kanila? Alam mo namang ang laki ng interest rate nila. Wala ka na bang magawa sa buhay papa kaya sinisira mo na lang ito? Mama won't be happy seeing you like this and if she's here, she would be mad at you for making me your payment for your debts," sabi ko sa kaniya. "At ako! Gusto ko ring magalit sa'yo pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil ikaw na lang ang meron ako pa. Kaya iintindihin kita pero sana hindi na ito maulit pa." Dagdag ko. Gusto kong matigil na siya sa pagpupunta niya sa casino at mamuhay na lang ng matiwasay dito sa bahay. I can provide his needs.

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakayuko lamang kaya muli akong nagsalita.

"May iba naman sigurong option diba? Malaki ang kinikita ko sa pagmo-model at 'yong pera na nakukuha ko ay pwede nating maging pambayad sa utang mo. Magkano ba ang utang mo, Pa?" I asked. Umiling siya at iniangat ang ulo para salubungin ang mata ko.

"Wala ng ibang option, anak. Ang tanging pagpapakasal lang ang paraan para mabayaran ko ang utang ko. I-I'm sorry..." Naluluhang sabi niya sa akin.

Nanlumo naman ako. Wala ng ibang paraan para mabayaran ang utang ni papa kundi ang ipakasal lang ako sa taong hindi ko naman mahal at hindi ko kilala at masakit sa akin ang isipin na ako, na sarili niyang anak ang ginawa niyang pambayad sa kaniyang utang.

"10... 10 billion ang u-utang ko... Patawarin mo ako a-anak, nabigla lang talaga ako kaya ko nasabi na i-ikaw na lang ang magiging bayad pero h-hindi ko talaga intensyon 'yon. A-ayoko din namang maikasal ka..." Sabi niyang umiiyak na at humahagulgol sa harapan ko. Umalis siya sa pagkaka-upo at lumuhod sa harapan ko saka kinuha ang kamay ko.

Hindi ako nagulat sa laki ng utang niya. Oo, hindi ko ini-expect na ganoon kalaki ang utang niya at may part sa akin na nabigla ako pero ang hindi lang talaga matanggap ng sistema ko ay ang halaga ko.

Ang sarili ko na nagkakahalagang 10 billion para mabayaran ang utang niya. Maikukumpara lang ba ang halaga ko sa halaga ng pera? Siguro nga, kaya nga ako ang pinambayad ni papa eh.

Kung nandito lang siguro si mama ay hindi niya hahayaang mangyari ito. Hindi siya papayag sa kagustuhan ni papa na ikasal lang ako sa kung sinong taong hindi naman namin kilala. She won't allow anything!

Hindi ko alam pero nakaramdam na lang ako ng pagkagalit kay papa kahit na sinabi kong ayaw kong magalit sa kaniya dahil siya na lang ang mayroon ako pero wala eh, sumabog na ang loob ko. Sa ginawa niya sa akin, kung paano niya akong ginawang kabayaran sa mga utang niya. It pains me because it's my father who did this to me! Nang dahil sa kagagawan niya ay masisira pa ang mga pangarap ko at ang buhay ko.

But I don't want him to be jailed because he didn't pay his debt. Kasal lang naman diba? Aside from it's arranged marriage, contract marriage din ito that means, once na matapos at mawalan ng bisa ang kontrata, makakalaya na ako ulit.

Tumalikod ako para umalis at bumalik sa kwarto ko pero bago ko 'yon ginawa ay may sinabi pa ako sa kaniya.

"That 10 billion... Must be not worthy for you. It's like you've sold me, pa."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status