Share

MTMS 5

"Water?"

Napatingin ako sa tubig na nasa harapan ko na nasa kamay ni Sarmiento. Kanina pa ako tulala sa labas mula nang dito niya ako dinala, sa 1st floor ng building kung saan may hindi kalakihan na resto.

"Uhm, I'll just put it here," sabi niya nang hindi ako sumagot at nilapag ang tubig sa lamesa saka umupo sa may bandang harapan ko.

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa at walang nagkukusang magsalita. Nilingon ko siya at napansin ang palinga-linga sa paligid, tulad ng ginagawa niya noong nasa set kami.

Don't tell me he's also uncomfortable here? Ano bang klaseng lugar ang gusto niya na ikatatahimik niya?

"You're uncomfortable," ani ko na ikinatingin niya sa akin. Napa-iwas siya ng tingin nang magkasalubong ang mata namin saka yumuko at muling ibinalik ang tingin sa mata ko.

"I'm not. I'm just bothered about your silence," he answered. Walang gana ko siyang tiningnan at inabot ang tubig na nasa lamesa, napa-ayos naman siya ng upo dahil doon.

"Why? You were thinking I might do something?" Tanong ko at ngumisi. Hindi siya sumagot kaya uminom ako sa hawak ko at pagkatapos ay ibinalik ito sa lamesa.

He cleared his throat and loose his tie which made me raise my brows. "No. It's because of what happened earlier..."

"Kailan ba ang kasal?" His eyes widened. "Mas maganda siguro kung mase-settle na agad para matapos na," I added.

Iniyuko niya ang kaniyang ulo at nang iangat niya ito, ay nakita ko ang maliit na ngiti sa labi niya—hindi ko alam kung ngiti ba 'yon o ano. I don't know, wala rin naman akong pakielam.

"We can still think about it. I know you don't like this marriage so don't decide quickly without thinking it carefully," aniya at tumango-tango lang.

Why is he suddenly like this? He changed into a good man? No! Marahil ay pakitang tao na naman ito lalo na't nasa public place kami. Hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa kaniya.

"Napag-isipan ko na 'to, Sarmiento at kung ayaw mo rin naman maikasal sa'kin—kasi ayon din naman ang gusto ko—edi mas mabuti. Wala na rin naman tayong mgagawa pa kung nakatadhana na talaga na maikasal tayong dalawa. Bakit hindi na lang natin gawin?" Sabi ko habang nakataas ang kilay sa kaniya. 

He laughed a bit at aaminin ko, nahuli na naman niya ang atensyon ko. His laugh sounds really different, na para bang hinahatak ako nito. Bakit ba hindi siya matigilan ng isip ko?

"I can stop the marriage if I want to, Ms. Maccini. Sabihin mo lang sa akin dahil gagawin ko pa ang kahit na anong hihilingin mo sa akin," he said. Napatagilid ang ulo ko dahil sa sinabi niya. "And I really don't believe in love, so I want you to re-think about your decision because you might regret it in the end and I don't want that to happen."

Napailing ako. Wala rin namang magbabago, gano'n pa rin ang mangyayari. Kailangan ko pa rin magpakasal sa kaniya sa ayaw o sa gusto ko man. Hihintayin ko na lang na matapos ang kontrata at pagkatapos ay makakalaya na ako at magagawa ko ang mga gusto ko.

Huling kahilingan na ito ni papa na susundin ko, hindi na muli ako tatanggap pa ng kahit ano mula sa kaniya. From that moment, I'll go with my choices and decisions.

"Regret is everywhere at gusto ko nang maransanan 'yon ngayon kaysa maghintay pa ako sa matagal na panahon. Don't worry, I won't interfere with your life, we just have to get married and pretend like we're a real-life happy couple," sagot ko at tiningnan siya.

He shook his head and I saw a little smirk there. 

"You're not expect something, right?" Tanong ko. 

"Ano ba ang dapat kong i-expect, Miss Maccini?" Balik na tanong niya. Sandali akong lumingon sa labas ng resto at pagkatapos ay binalik rin sa kaniya ito. 

"I'm going, salamat sa... tubig," sabi ko at kinuha ang bag ko saka tumayo na. Maglalakad na sana ako paalis nang pigilan niya ako.

Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at pagkatapos ay nilipat ko ang tingin ko sa kaniya habang nakataas ang aking kilay.

"May sasabihin ka pa?"

"Uhmm, sorry," sabi niya habang nakayuko. Nanliit ang mata ko dahil sa narinig.

"Come again," I asked. 

He cleared his throat before meeting my gaze. "I'm sorry for what I did yesterday. I do," I can see the sincerity in his eyes but still I can't forget about what he did to me. I feel like I gained a trauma from that.

"I was a jerk for doing that and for leaving you alone in that place. I'm just mad about something, I-I can't tell you the details but really, I am sorry for what I did," dagdag niya pa. Napa-iwas ako ng tingin nang may makita akong parang nagflash sa mata niya.

"Let's just stop talking about that," I answered. "Anyways, please let go of my hand," Dagdag ko.

Agad naman niyang binitawan ang kamay ko at saka yumuko ulit. "I'm sorry," sabi niya sa akin. 

Humugot ako nang malalim na hininga at kumuha ng business card sa aking purse saka binigay ito sa kaniya. Kumunot ang noo niya nang tanggapin ito kaya bago pa siya magtanong ay agad na akong nagsalita.

"It's my card, just call me if the schedule of the wedding is already settled. Doon mo lang ako tatawagan at wala kang ibang sasabihin kundi ayon lang, ayokong humaba ang usapan nating dalawa kaya please lang, gamitin mo lang 'yan sa kung ano ang sinabi ko sa'yo," sambit ko at tumingin ng diretso sa kaniyang mata.

"Yes, I'll do what you says," hindi ko na lang binigyan pa ng pansin ang sinagot niya at naglakad na paalis.

I know that my attitude was a kinda bit off pero kasi, ayaw ko lang naman na ma-take advantage na naman ang personalidad ko. Mas mabuting nang ganoon kaysa naman na maging rason pa ang pagiging soft-hearted ko upang masaktan ako.

 -

"Hello, my baby Athena! How are you today? Did you behave properly?" My baby Athena wiggled her tail and jump into me.

Napatawa ako sa ginawa niya. Kahit kailan talaga, ang cute cute ng baby ko. Mana siya sa kaniyang mommy. 

Binuhat ko siya paalis sa kandungan ko at naglakad papuntang closet ko, ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ng alaga ko na tinawanan ko lang. Para siyang naglalakad na parang isang model, chin-up, straight at ang puwetan niya ay gumegewang-gewang.

"You're so pretty and adorable, Athena. Stop doing that, baka kiligin ako," sambit ko at naghanap na ng pamalit ng damit ko. 

Arf. Arf. Arf.

Naalis ang tingin ko sa mga damit ko at tiningnan siya. Nakatayo siya at may tinuturo sa closet ko. Tiningnan ko naman kung ano 'yon. Is she pointing at my pink pajama with terno?

Kinuha ko ang terno na 'yon at hinarap sa kaniya. "Do you want us to wear this together?" Tanong ko sa kaniya. Naalala ko kasi na lahat ng mga damit ko ay mayroon din siya na kaniya. 

Like mother, like daughter. Ganon ang peg namin.

Arf. Arf. Arf.

Nakangiti kong kinuha ang damit niya na kapareho ng sa akin. Dahil parehas kami ng susuotin, hindi pwedeng hindi ko 'to ipost. Ang cute kaya naming dalawa.

"Athena, get my phone there. It's on the top of my bed," sabi ko sa kaniya habang inaayos ko ang pang background namin para sa aming photoshoot.

She barked at me as a nod and run to get my phone. Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos dito hanggang sa matapos ako at makabalik siya dala dala ang phone ko.

"Thankiss," sambit ko at kinuha ang phone ko sa kaniya saka binuhat siya.

Inayos ko muna ang phone ko at ipinatong sa tripod. Pumwesto ako sa gitna at binuhat siya saka nilagay sa tabi ko.

I was about to tell her to look at the camera but she's already looking at it while her tongue is out. I just smiled at the picture and look at the camera.

"Okay Athena. As I count to three, I'm gonna click this button at my hand," saad ko habang nakatingin na sa camera.

"1... 2... 3... " I then clicked the button.

Naka-ilang shots pa kami bago ko tinapos ang shoot naming dalawa. Marami na rin naman kaming nakuhang shot pero mga lima lang ang ipopost ko sa i***a ko.

Inedit ko muna ang pic naming dalawa at nang matapos ay agad ko ring ipinost 'yon.

Caption: With my baby Athena 🐾

Inilapag ko na ang phone ko tsaka niligpit ang mga ginamit namin.

Nagluto na rin ako ng makakain habang binigyan ko lang si Athena ng dog food niya.

*Vibrate*

Napalingon ako sa phone ko nang maramdaman kong nag-vibrate ito. Sino naman kaya ang magbibigay ng message sa akin sa oras na ito? Lorraine is having a date with her family at wala na akong ibang taong binigyan ng number ko.

*Vibrate*

Kinuha ko na lang ang phone at tiningnan ang nag message.

It's from unknown number.

Kumunot ang noo ko. Someone knows my number and who could possibly be it? Oh wait—

Unknown number: Hi?

Unknown number: Is this Ms. Yvonne Justice Maccini? Please answer back right away.

Wow? Demanding pa. Gusto niya agarang reply? Kapal naman. Syempre, busy akong tao kaya may mga times na hindi ako agad makakareply.

Pero hindi naman ako busy ngayon, okay sige.

Me: I'm sorry, Sir but you got the wrong number.

Napangisi ako sa reply ko. Wala naman akong ginagawa ngayon, why not do some fun, diba? Mas nakakatanggal pa ng bored ang ganito kaysa naman umupo ka lang dito sa apat na sulok na kwartong 'to habang pinagmamasdan ang galaw kung paano tumakbo ang oras.

Unknown number: Is that so? Okay I'm sorry for the disturbance.

Nawala ang ngisi ko. Ano ba 'yan? Gano'n lang? Hindi niyan man lang sasabihin na 'I know it's you, I'm sure na hindi naman maling number ang binigay mo sa'kin' gano'n dapat, hindi 'yong mag-e-end agad ang kasiyahan. Hindi pa nga nag-uumpisa, tapos na agad.

Ang boring ng taong 'to. Sa totoo lang. Para siyang may multiple personality, pabago-bago.

"Kaloka ka, Sarmiento," sabi ko sa sarili at nilapag na lang ulit ang phone ko. Pabalik na sana ako sa ginagawa ko nang mag-vibrate ulit ang phone ko.

"Kung may sasabihin ka, diretsuhin mo na agad, please lang. Wala kang ka-thrill kausap. Gosh!" Saad ko pa bago balikan ang phone at basahin ang message niya.

Unknown number: I'm just making sure if this is really your number. Thanks for replying right away.

Napanganga ako sa sinabi niya. So, anong pinalalabas niya? Na manloloko ako? Ay wow, sa mukha kong 'to? This man really has a way to make me irritate always. Siya palagi ang dahilan at magiging dahilan pa ng pagka-inis ko.

I just hope hindi ako magmukhang matanda agad. Sayang ang ganda ko kung mangyari man 'yon.

Me: Just be thankful that I gave you my number.

Unknown number: I am. I am very thankful, thank you.

Oo nga. Mukha nga. Tsk!

Arf. Arf. Arf.

Binaling ko ang tingin ko kay Athena at binuhat siya. Buti pa 'tong baby ko, napakabait at napakacute. I'm glad I took her in.

"Buti na lang may mommy kang maganda," saad ko at natatawang lumapit sa stove.

Buti na lang may baby akong athena kasi kung wala, baka araw araw akong stress at pagod. She always makes me feel that I could be energetic as her when I'm home. Ang sarap sa pakiramdam na may sasalubong sa'yo pagkapasok na pagkapasok mo ng bahay mo.

"Kapag may nakilala kang magpapatibok ng puso mo, make sure na he's the right one ha, 'wag yung kung kanin-kanino lang titibok ang puso mo. Baka naman mamaya, akala mo siya na pero pinakaba ka lang pala," sabi ko sa kaniya. Para naman siyang tao na nakikinig talaga sa mga sinasabi ko.

"'Wag kang tutulad sa akin. Find the right one, your real love one," dagdag ko pa at ibinaba muna siya para ilipat sa plato ang niluto ko.

Dumiretso ako sa sala at binuksan ang TV. Ganito ang gawain ko kapag wala akong projects. Nandito lang sa condo ko, nagkukulong at nag rereflect sa buhay ko.

Wala naman mali sa buhay ko, wala rin naman akong pinagsisisihan at hindi ko rin kinu-kwestyon ang sarili ko. Parang meditation ko na rin siya, much better than being stress.

*Doorbell ring*

"Ano na naman ba? Sino na namang ang taong manggugulo sa gabi ko? Alam niyo, wag yung akin ang guluhin niyo, nananahimik yung tao eh," may inis na sabi ko.

I'm watching TV tapos mapuputol lang dahil sa taong nagriring ng bell ko sa labas.

Tumayo na ako at naglakad papuntang pintuan para buksan ang taong nanggugulo sa akin.

"Who are you and what do you ne— Edward?"

"Hi babe."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status