Share

CHAPTER 113: WEDDING DAY

HUWAG kang kabahan, Sophie. Ngayon na ang araw ng kasal mo.

Panay ang bulong ko sa sarili ko habang inaayusan ako ilang oras bago ang kasal.

Ito na ang araw.

Ang pangarap kong araw ay dumating na.

“Oh my God, Sophie! Ang ganda mo talaga! Ikaw ang pinakamagandang bride na nakita ko!” bulalas ni Sabrina nang pumasok siya sa dressing room.

“Salamat, Sab! Sobrang ganda mo rin,” sabi ko habang nakangiti sa kanya.

Bumukas muli ang pinto atsaka pumasok sina Venom at Mommy.

“Mommy! Venom!”

“Sophie, honey. You look so beautiful!” sabi ni mommy matapos akong yakapin.

“Salamat, Mommy. Kinakabahan nga po ako ngayon.”

Tumingin siya sa akin saka tinapik ako sa balikat. “Walang dahilan para kabahan ka, honey. Ikakasal ka na sa lalaking pinakamamahal mo kaya naman dapat ka lang maging masaya at excited. And anyway, lahat kami ay nandito para sa ’yo—lalo na ang asawa mo.”

“Thank you, Mommy.”

“By the way, honey. May gustong kumausap sa ’yo,” sabi niya ulit.

“Huh?”

Lahat sila ay lumingon sa may pinto.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status