Share

CHAPTER 107: THE NEW VINCENT

NAGISING ako nang wala na si Vincent sa tabi ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto, pero hindi ko siya mahanap.

“Vincent?”

Bumangon ako mula sa kama saka pinulot ang mga damit ko mula sa sahig saka muli iyong isinuot.

Saan siya nagpunta?

Bigla ko tuloy naalala iyong unang beses na may mangyari sa aming dalawa. Iniwan niya rin ako mag-isa sa loob ng kuwarto ko.

Ginawa niya na naman ba?

Iniwan niya na naman ba ako?

Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas, pero may nauna na sa aking magbukas niyon.

“V-Vincent!”

“Where are you going?” tanong niya sa akin nang makapasok na siya sa loob ng kuwarto dala ang isang tray ng pagkain.

Tumingin ako sa kanya. “A-Akala ko ay iniwan mo ako.”

“And why would I leave you here?”

“A-Akala ko kasi—”

Naglakad siya palapit sa may round table saka inilapag doon ang mga pagkaing dala niya. Naupo siya sa upuan saka tumingin sa akin. “Sit on my lap. I’ll feed you.”

“Huh?”

“Sit here,” aniya habang tinatapik ang kandungan niya.

Kaagad akong napangit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status