Isang malakas na sampal ang natamo ni Amaia mula sa kanyang ama pagkapasok na pagkapasok niya palang sa kanilang bahay. Sa likod ng ginoo ay nakatayo ang ate niya, mayabang na nakangisi dahil isang pagsisinungaling na naman niya ang pinaniwalaan ng ama.
“That’s not true. Ginabi ako ng uwi dahil may tinapos pa kaming project sa school. Hindi ako sumama sa kaklase kong magbar at mas lalong hindi ako umiinom, dad.”
“Hindi? E kitang-kita nga kitang sumakay doon sa kotse ng kaklase mong lalaki. Sa harap ka pa nga umupo. Stop lying!” Her ate Aizel insisted.
“Hindi ako nagsisinungaling. Dad, please, believe me.”
Dismayadong napailing-iling ang ama nito. Kitang-kita ni Amaia ang paglitaw ng galit at pagkadismaya sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Parang tuluyan nang nawalan ng lakas si Amaia para ipagtanggol pa ang sarili nang tinalikuran na siya ng ama.
Gusto niya pa sanang habulin ito at humingi ng tawad sa kasalanang hindi niya naman ginawa, pero sa dami na ng beses na siniraan siya ng kapatid at hindi pinaniwalaan ng ama, she can’t find any reason to defend her name anymore. Parang nasanay na itong paulit-ulit na madumihan ang pangalan, nasanay na at napapagod na siyang paulit-ulit na piliting baguhin ang tingin ng ama sa kanya. Dahil sa huli, ang ate lang pa rin nito ang kakampihan at paniniwalaan.
Of course, it’s Aizel, ang panganay at ang legal na anak. Sino ba naman siya, isang hamak na anak sa labas lang naman ng ama. Kinupkop dahil kaawa-awa at wala na ang ina para magtaguyod sa kaniya. She can never win against her lalo pa’t sa kanilang dalawa, higit na mas maganda ito, matalino at lahat ng ginagawa ay tama para sa ama. Kahit anong laban niya, wala itong panama sa ate niya.
“’Diba sinabi ko naman sa’yo, lumayo ka kay Maxxis?” Sinabi ni Aizel nang makaalis na ang kanilang ama. Pinagkrus nito ang mga braso sa harapan at tinaasan ng kilay ang nakababatang kapatid.
“Hinatid niya lang ako, ate. Nagmagandang loob lang naman si Kuya Maxxis dahil nakita niyang marami akong dala.”
“Nasa dugo niyo talaga ‘yan noh? Ang kumapit sa taong hindi naman nababagay sa inyo.”
Tila isang kutsilyong tumusok sa puso niya ang mga salitang binitawan ng ate. Naiintindihan niyang galit ito, naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng galit nito kaya sa halip na makipagtalo ay pinili niya na lamang na manahimik. Dahil kahit anong ingay pa ang gawin niya, walang makakarinig, walang makikinig.
She had nothing to do but let her eyes speak for herself. Mabilis na pinunas ang unang nalaglag na luha. Ayaw niyang umiyak sa harapan ng kapatid pero hindi na niya ito napigilan. Samantalang hindi pa nakuntento si Aizel at tinapak-tapakan pa nito ang mga nagkalat na mga libro ni Amaia sa sahig.
“That’s what you get for ruining this family. I am only making you pay for what your mother did, Dvoire. Huwag kang umasta na parang ikaw lang ang biktima rito.” Huling sabi ni Aizel bago sumunod sa ama nito.
Doon lamang tuluyang napahagulgol si Amaia. The maids did nothing but to watch her and silently sympathize for her. Hindi sila makalapit para umawat dahil kagaya ni Amaia, natatakot rin sila sa pwedeng gawin ni Aizel. They love their jobs and if saving it means turning their back to the poor Amaia, they will do it.
Patakbong nilisan ng dalaga ang bahay. She ran in the lonely street of their subdivision, caring no more of who’s gonna see her or where will her feet bring her. Tumakbo lang ito nang tumakbo habang tuloy pa rin sa pag-alpasan ang mga luha. Nagpapatangay sa alon ng sandali, sa indayog ng kaniyang lungkot at nagluluksang puso.
Bakit ba napakalupit ng mundo sa kanya? Bakit ba walang sinuman ang nagmamahal sa kanya? Everything and everyone just seems to hate her existence. Gusto niyang lumaban pa rin para tuparin ang pangarap niya sa sarili at ng mommy niya. Pero parang ang mundo na mismo ang gumagawa ng paraan para sumuko siya. Gusto niyang isiping pagsubok lang ang mga ito, that in the end she will be rewarded with what she truly deserves. But the more she cries and feels the pain of loneliness, the more it becomes harder for her to even believe that.
Napatukod ito sa magkabilang tuhod nang marating ang baybayin ng San Joaquin. Hinahabol ang hininga habang tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha.
The sea breeze was freezing cold, ito na ang nagtuyo ng basang pisngi niya. Kabilugan rin ng buwan kung kaya’t hindi masyadong madilim doon, hindi na nakakatakot. In fact the sea and this darkness had been the only friends she ever had after losing her mom. Kaya sa tuwing nalulungkot ito, umiiyak o nasasaktan, dito siya pumupunta. Kapag nandito kasi siya, pakiramdam niya kasama niya pa rin ang ina niya.
“Mom, pagod na ako.” She whispered into the wind. And as always, it was just yet again the wind who answered her back with just another silence.
She felt the loneliness again, lonelier than ever. Becoming more and more unbearable.
Natigil lamang ang kanyang pag-iyak nang mapalingon ito sa kanan. Nambibilog ang mga matang napatitig sa isang katawan ng lalaking nakahilata sa may pampang. Basa ang puting polo at itim na pantalon nito, wala nang suot na sapatos at mukhang walang malay.
It was then too late when she had found herself running towards the unknown man. Saving his life. And giving up her first kiss.
And that kiss which she never knew would bring a big change in her life.
Kiss“If you can’t get a heart transplant as soon as possible, I deeply apologize for saying this but you might only take three to four months to live.”Those words seemedto bounce back at every corner of the room, tormenting him over and over again. Papasok sa tenga ni Luke, lalabas, at muli na namang papasok. Napatitig ito sa mga kaibigang masayang naglalaro ng video games at biglang napaisip, how can he leave after seeing them this happy? How can hedecide to go away ifno matter where he looks,all he can see is thesehappy facesof the important people in hislife?Paano niya nga ba sila magagawangiwan kung alam niyangmasasaktan sila?“Hoy Luke, team tayo sa next game. Galingan mo ah, pupusta ako!” Inakbayan ito ni Karl, locking his neck tightly in between his arm.Masiglangngumiti at tumang
Nanlalaki ang mga matang napatitig ito sa nakabukas nang mga mata ng lalaki. Her mind is telling her to pull herself away. Masyado silang malapit, nararamdaman niya ang init ng hininga nito. Ngunit parang ayaw gumalaw ng katawan niya, parang ayaw nitong makinig sa sinasabi ng isipan.Hindi siya sigurado kung dahil ba sa sinag ng bilog na buwan kaya parang kumikislap ang mga mata nitoo dahil lang sa epekto nito sa kanya kaya sa tingin niya ay kumikislap ito?She could feel her cheeks burning.Daglian itong lumayoat napaupo sa buhangin. She noticed how the man’s eyes drifted downtoher legs before pursuing her eyes again. Nakita niyang nakataas pala ang binti nito buhat ng pagkakabagsak at suot niya pa rin ang uniporme. Mabilis niyang binaba ang mga binti at hinila ang palda. Mas mainit at alam niyang mas namumula na ang mga pisngi.Hindi niya alam ang gagawin. Magpapaliwanag ba siya
CrushAMAIA DVOIRE SAFFRONGugulong sa kama, sisigaw sa unan, tatakpan ang mukha, ngingiti at gugulong na naman. Ilang beses ko nang paulit-ulit na ginagawa ito pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggl-tanggal sa isip ko ang nangyari kanina. Alas tres na ng madaling arawpero ito pa rin ako, hindi magawang maipikit ang mga mata para matulog. Kung ipipikit ko naman ito, hindi sa isang panaginip napupunta ang isip ko kundi sa halik na nangyari kanina sa dagat.I rolled on my bed again for the nth time. Binubulabog na naman ako ng magkalapat naming mga labi, ang kamay niyang nasa leeg at bewang ko, ang mata niyang tila sinisisid ang katauhan ko, ang napakaganda niyang katawan at ang magaspangat mainitna kamaynito sa aking pisngi—kung hindi man mamumula ay napapasigaw nalang ako sa unan kapag naiisip ang lahat ng iyon.Bakit ko siya hinalikan? Bakit hinayaa
I couldn’t bring myself to look at them nor get back at them. Nanatili lamang ako roong tahimik habang nararamdaman na ang paghapdi ng mga mata. Habang nakayuko ay pinanood ko lang ang mga paa nilang unti-unti nang lumalayo sakin. Afraid to know if there is someone watching me or had witnessed what happened, I remained crouching. Hinayaan ko ang lamig ng tubig-ulan na anurin ang mga maiinit na likidong nanggagaling sa mga mata ko. It was a good thing that I’m soaked, walang makakapansin ng pag-iyak ko.Sa tuwing ganito ako, gusto ko ako lang ang nakakaalam. Ayokong kaawan ng ibang tao, I don’t want them to see me in my most vulnerable time. Kasi pakiramdam ko mas dadagdagan lang nila yung sakit, bubudburan ng asin ang sugat na nabuo.Ano ba ang nakukuha ng mga tao sa pananakit ng iba? Bakit ba sa tuwing may nasasaktan sila ay tila nasisiyahan pa sila? Pero hindi ko makuhang magalit sa kabila ng mga nagawa nila, mas nagagali
Para makaiwas, nagmamadali kong kinuha ang bag ko at umambang aalis ng kama. Ngunit masyadong mataas iyon, siguro ay hindi naadjust ng huling gumamit nito. Balak ko sanang tumalon nalang pero naunahan na niya akong hawakan sa bewang at tulungang makababa.Muli na namang nag-init ang mga pisngi ko. Hindi ko na siya natingnan ulit o nagpasalamat ulit dahil tumakbo na agad ako patungo sa banyo ng clinic. Hiyang-hiya naat naiilangsa hindi matukoy narason. Bakit ba napakalakas ng epekto ng tingin niya sakin at nakakapanghina sa tuwing nahahawakan niya ako?Binilisan ko na ang pagligo at pagbibihis. Mabuti nalang at may dala nga akong damit dito. Dapat kasi may practice kami ngayon ng volleyball pero umulan kaya hindi na natuloy. It was a really short jersey shorts, iyong karaniwang ginagamit talaga ng players and just a T-shirt. May rubber shoes din akong dala kaya itinago ko na ang basang black shoes.Nang
“Wait, wait.”“Uuwi na po ako.” Pilit kong tinago ang inis sa boses pero ang nakanguso kong labi na mismo ang nagpakita niyon sa kanya.“Hey. I’m sorry. Huwag ka nang magalit, nakakatawa lang kasi talaga.” Tiningnan ko siya nang masama at nakita ko ang unti-unti nang pagkapawi ng ngisi niya. “Huwag kang matakot sakin, okay?” Dahil bahagyang nakaharap na ang katawan ko sa kanya, mas nagkaroon ito ng pagkakataon para mapalapit sakin. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok sa aking mukha.“I won’t kiss you if you don’t want to. Hahalikan lang kita kapag sinabi mo.” Sandali niyang binigyan ng tingin mga labi ko bago ibalik muli sa mata.Nandyan na naman ang matinding init sa pisngi ko. Umiwas agad ako ng tingin dahil sa ngiting nasa labi niya. Nakakatukso iyon tingnan, lalo pa’t napakalapit na n
BreatheIt was the longest weekend I ever had. Dati parang sa isang kisap lang ng mata, matatapos na ang dalawang araw na bakasyon ko pero ngayon hindi ko alam kung bakit tila ba napakabagal ng paggalaw ng orasan. I don’t hate Mondays anymore, I don’t hate coming to school or waking up early to prepare. Iniisip ko palang na papasok ako sa lunes, nasasabik na ako.“Manang, tutulong na po ako.” Ngumiti si Manang Lary sakin at binigay ang isang towel at ang katatapos niya lang hugasan na plato para mapunasan ko.“Salamat Amaia.”It was Sunday, kakatapos lang naming mag-almusal. Naging nakagawian ko na ang tumulong sa paghuhugas pagkatapos kumain. Hindi nila ako sinasaway o pinagbabawalan sa pagtulong sa mga gawaing bahay dahil nasanay na rin sila. Tsaka wala rin naman akong ibang ginagawa rito sa bahay kaya para hindi mainip ay madalas akong tumutulon
“Luke…hmm. Ang gandang pangalan, siguro gwapo iyon ‘no?” Kinagat ko ang labi para pigilan ang nagbabadyang bungisngis ko.Oo manang, sobra, sobrang gwapo!“Bakit mo naman gustong bigyan siya nito?”“Ang sabi niya po kasi sakin, lagi siyang nasa school. Eh, close po yung cafeteria tuwing weekends tsaka baka palaging sa labas lang po siya kumakain kaya mas maganda po kung kumain rin siya ng mga lutong-bahay. Yung kagaya po nito.”Nang matapos niya na iyong gawin ay niyakap niya ako pagilid. Pinisil nito ang braso ko at mahinang napatawa.“Napakabait mo talagang bata.” Napatitig ako sa kanya.Hindi niya ako niyayakap o sinuman sa kanila. Ginagawa lang nila iyon kapag umiiyak ako, para patahanin ako. Pero sa mga pagkakataong kagaya nito, kailanman hindi pa ako nakatanggap ng isang yakap mula sa kanya. B