Share

Chapter 3

MIREYA'S POV

Bumiyahe kami papunta sa Tagaytay. Hindi ako sumakay sa kotse ni Eric. Hinayaan ko si Andrea ang makasama niya. Gusto ko ipakita sa kanila na nagtitiwala ako sa kanila at para isipin nila na hindi ako naghihila sa pagtataksil nila sa akin. Si Alexandro ang driver namin ni Zio.

"So, what's your plan, Ate?" Tanong sa akin ng kapatid ko.

"My plan?" Kunwari nag-iisip ako sa tanong niya.

"Ate," tawag niya ulit sa akin.

"Secret, hayaan mo na lang na sila mismo ang maglantad sa mga sarili nila. Pupunta tayo doon para mag-enjoy." Sabi ko sa kanya.

Narinig ko si Zio na nagbuntong hininga. Ako naman ay natulog lang habang nasa biyahe kami. Nagising na lang ako nang makarating na kami at gingising ako ng kapatid ko. Lahat kami ay tig-isang silid. Nasa vacation house kami nila Eric.

"Hon, excited na ako sa kasal natin." Sabi sa akin ni Eric.

"Ako rin naman, hindi na rin ako makapaghintay." Nakangiti na sagot ko sa kanya pero sa loob ko ay sasabog na ako.

I'm against to violence kaya mas pinipili ko na manahimik na lang. Pero kung katulad ako ni Felix ay sigurado akong may bangas na siya sa akin.

"I can't wait to be your husband." aniya pa sa akin na para bang sobrang excited niya.

"Really? Huh? Tsk!" Sagot ko sa kanya pero hindi ko naman naisatinig. Tanging nasa isipan ko.

"Hon, balik na ako sa room ko. See you tomorrow." Nakangiti na paalam ko sa kanya at tumayo na ako.

"Ihahatid na kita, hon."

"No need na po, I can handle myself." Sabi ko sa kanya at mabilis na lumabas sa silid niya.

Nagkasalubong ko si Xandro pero hindi ko siya pinansin. Mabilis akong pumasok sa silid ko. Maaga akong natutulog dahil balak ko na mag-enjoy bukas. Gusto kong sulitin ang araw ko dito.At 'yon nga ang nangyari. Talagang sinulit ko ang bakasyon namin sa Tagaytay.

Pag-uwi namin ay si Andrea na ang kasabay ko.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong ko kay Andrea.

"Super! Thank you sis, sa susunod ay isasama ko na ang boyfriend ko dito." Masaya na sagot niya sa akin.

"Pakilala mo naman sa akin ang boyfriend mo. Gusto ko siyang makilala." Nakangiti na sabi ko sa kanya.

"S—Sige, next time." Nauutal na sagot niya sa akin kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

Pagbalik namin sa Manila ay abala na ang lahat sa gaganapin na kasal. Habang ako wala man lang pananabik na nararamdaman. Mabilis lang na lumipas ang mga araw. Halis hindi ko namalayan na darating na ang araw ng kasal ko. Bukas ay kasal ko na. Kasama ko ngayon ang buo kung pamilya. Nasa hapagkainan kami.

"M—Mom, dad may sasabihin po ako sa inyo." Kinakabahan na panimula ko sa kanila.

"Ano 'yun anak?" Tanong sa akin ni Mommy.

Hindi na ako nagsalita at may ipinakita ako sa kanila.

"Mga hay*p! Paano niya nagawa sa 'yo 'yan? Ang kapal ng mukha niyang ituloy ang kasal niyo! Hindi! Hindi ako papayag na magpakasal ka sa kanya." Galit na saad ni Daddy.

"Pupunta pa rin ako sa simbahan, dad." Saad ko sa kanya.

"Are you out of your mind, Mireya?!" Ngayon lang ako pinagtaasan ni daddy ng boses.

"I totally fine, dad." Nakangiti na sagot ko sa kanya.

"Anak," mahinahon na tawag sa akin ni mommy.

"Puwede ba akong humingi sa inyo ng pabor. Trust me, magiging maganda ang kakalabasan ng kasal namin." Sabi ko sa kanila.

"Ito ba ang gusto mo?" Tanong sa akin ni daddy. Dahil alam ko na alam niya na hindi ako mapipigilan pa.

"Yes, dad. Ang presensya niyo ang gusto ko. Kaya, please come." Sagot ko sa kanya.

Nagkatinginan silang lahat. Walang kumontra at sumang-ayon naman sila. Tanging ang mga kapatid ko na lalaki ang nakakaalam kung ano ang gagawin ko. Lahat sila ay may kanya-kanyang gagawin bukas. Naayos na namin lahat kaya wala ng problema pa. Maaga silang natulog pero ito ako, gising pa rin. Umiinom ako ng wine habang nasa veranda ng silid ko.

Tahimik ang paligid at nakakabingi ito. Hindi ko inaasahan na ito ang mangyayari sa buhay ko. After ng lahat ng ginawa ko ay lolokohin lang ako ni Eric. Nang dahil sa nangyari ay may na-realize ako. Na hindi ko pala siya ganun kamahal dahil ngayon ay hindi naman na ako nasasaktan. Sa tingin ko nga ay nakamove-on na ako kaagad. Dahil parang balewala na siya sa akin. Ni hindi na ako apektado sa panloloko niya sa akin.

Tumingin ako sa phone ko at alas dose na ng gabi kaya nagpasya na ako na pumasok na sa room ko at humiga na sa kama ko. Kaagad akong nakatulog dahil sa amoy ng scented candle na sinindihan ko.

My mom wake me up dahil baka ma-late pa daw kami sa simbahan. Mabilis akong naligo after that is ako na rin ang nagmake-up sa sarili. I chose my tita Prexie to be my maid of honor. Habang nagbibihis ako ay pinagtatawanan nila ako pero wala akong pakialam. Maybe i have a face of an angel pero sa kabila ng maamo kong mukha ay nagtatago ang isang tigre.

Pagkatapos kong magbihis ay bumiyahe na kami papunta sa simbahan. Pagkarating ko ay nakita ko na handang-handa na ang lahat at ako na lang ang hinihintay. I saw Eric patiently waiting for me. Or ahould I say patiently waiting for my money. Alam ko na kaya lang naman niya ako pinakasalan dahil sa kayamanan ng pamilya namin. And they planned everything to trick me. Para paniwalain ako na mahal niya ako.

Nagsimula na akong maglakad at ginalingan ko ang pag-iyak ko. Nang malapit na ako sa kanya ay tumigil ako. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Kahit na inuutusan na nila akong kumilos ay hindi ko ginawa. Nakita ko kung paano umigting ang panga ni Eric. Alam ko na nawawalan na siya ng pasensiya sa akin at tama nga ako dahil naglakad na siya papunta sa akin.

"Hon, what's your problem? Bakit hindi ka naglalakad? Huwag mong ipahiya ang buo naming pamilya." May diin na tanong niya sa akin.

"Bakit? Bakit mo ginawa sa akin 'to? Bakit mo ako niloko?!" Sigaw ko sa kanya.

"What are you talking about? Are you accusing me?"

"Why? Are you innocent?" Sarcastic na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano ba ang mga sinasabi mo. Hon, tara na magpakas—"

He wants to hold my hand but I refuse. Hanggang sa biglang lumabas sa malaking screen ang video. Oo may video evidence akong kinuha dahil gusto ko malaman ang lahat. Nilagay ko sa room niya noong nasa Tagaytay kami. Nakita ko ang pagkagulat ng mga taong naroon. Narinig ko rin ang mga bulongan. Gusto niya akong sirain pero hindi ako papayag.

I'm not Mireya for nothing.

Komen (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
wow ang galing mo Mireya ganyan ang gusto kong character ng bidang babae hindi martir
goodnovel comment avatar
CALLIEYAH
thank you po
goodnovel comment avatar
CristineMay💖
nakaka excite Ang story ni meriya Ms cal
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status