Hello po, thank you po sa pag-add sa story na ito. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
MIREYA'S POV Diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa may pintuan."Love," tawag ko kay Xandro.Kaagad naman siyang lumingon sa akin. Kaya ngumiti ako sa kanya. Nang tumingin ako sa kausap niya ay bumungad sa akin ang babaeng kinulang yata sa tela dahil sa sobrang iksi ng damit at nakaluwa pa ang malaki nitong dibdib. Sobrang pula pa ng nguso niya. Kumunot ang noo ko dahil nakahawak pa ang kamay niya sa braso ng asawa ko. Mabilis akong kumapit sa braso ni Xandro kaya napabitaw ito."Love, sino siya?" Malambing na tanong ko sa asawa ko."Love?" Kunot noo na tanong nang babae."Hi, ako pala si Mireya ang asawa ni Alexandro." Pakilala ko sa sarili ko dahil wala yatang balak itong asawa ko na magsalita.Tahimik lang kasi siya. Kung sabagay ay palagi naman siyang tahimik. Wala namang araw na hindi siya tahimik."Asawa? Kailan pa? Alex, totoo ba? Bakit?" Hindi makapaniwala na tanong nang babae."Kahapon lang po, kahapon kami ikinasal." Nakangiti na sagot ko sa kanya."Alex?!"
MIREYA'S POV"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Xandro dahil bigla itong dumating."Alex, sinampal ako ng asawa mo. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Gusto ko lang naman makipag-usap pero bigla niya akong hinamak at sinaktan." Umiiyak na sumbong niya sa asawa ko.Hindi ako umiimik dahil hinihintay ko na tanungin ako mismo ni Xandro."Hindi siya mananakit kung wala kang ginawa sa kanya. Please lang, Flor umalis kana. Tapos na tayo dahil may asawa na ako at hindi na tayo puwede. Mahal ko ang asawa ko at hindi ko siya kayang lokohin." Sabi niya kay Flor."Pero mahal na mahal kita." Umiiyak na saad ni Flor."Minahal rin kita pero hindi na kasi tayo tulad ng dati." Sabi pa ni Xandro sa babae."Xandro, handa akong maging kabit m—"Hindi ko na siya hinayaan na tapusin pa ang sasabihin niya dahil sinampal ko siya ulit. Ang lakas ng loob niya na sabihin 'yon sa harapan ko. "Ang kapal din talaga ng mukha mo. Hindi kana nahiya, talagang sa harapan ko pa. Maghanap ka na lang ng ibang lalaki." G
MIREYA'S POVNagising ako na masakit ang ulo ko ganun rin ang katawan ko. Unang hinanap ng mga mata ko ay ang asawa ko. Pero wala na siya sa tabi ko. Bumangon na ako at lumabas papunta sa kusina dahil baka nandoon lang siya. Pero wala siya. Nakita ko na may pagkain na sa mesa kaya naisip ko na baka pumasok na siya sa company at hindi na niya ako inisturbo. Naligo muna ako bago ako nagpasya na maglinis sa buong bahay. At pagsapit ng tanghalian ay nagluto ako ng lunch dahil balak kung puntahan ang asawa ko sa trabaho niya.Masaya ako habang nagluluto. Masasabi ko na marunong rin naman ako magluto dahil noon pa man ay tinuruan na ako ng mommy ko. Kaya masasabi ko na ang mommy ko ang the best mom in the world. Dahil talagang tinuruan niya kami ng mga bagay na dapat ay alam namin lalo na ako dahil babae ako. Palagi niyang sinasabi na kailangan malakas ang loob ko. Lagi niyang paalala na huwag akong tumulad sa kanya.Pero doon ako hindi naniwala. Dahil para sa akin siya ang pinakamalakas sa
MIREYA'S POVBinilisan ko ang lakad ko hanggang sa nakarating ako sa tapat ng elevator. Nang bumukas ito ay kaagad akong pumasok. Akmang magsasara na ang pintuan ng elevator nang may biglang pumigil dito. Si Xandro at nakatingin siya sa akin. Pero inirapan ko lang siya."Love, it's not what you think." aniya sa akin."So, ano ba dapat ang isipin ko. Tell me is she's your mistress?" "No, she's not at wala akong kabit." Mabilis na sagot niya sa akin."Pero, baka magulat na lang ako. May kabit kana. Kung balak mo akong lokohin gawin mo na ngayon para may dahilan akong iwan ka." Matapang na pahayag ko sa kanya."Hindi mo ako iiwan at walang maghihiwalay." Sabi niya sa akin saka madiin ang hawak niya sa kamay ko."Kung gusto mo na maging maayos ang pagsasama natin. Stay away to your secretary. Dahil hindi kasama sa trabaho niya ang pag-aayos ng necktie mo. Baka kasi sa mga susunod na araw ay hindi na necktie ang hinahawakan niya kundi sinturon mo na. Huwag kang magkakamali na lokohin ako.
MIREYA'S POV"I hate liars," sagot ko sa asawa ko."Okay, love." Matipid na sagot niya sa akin kaya tumingala ako para tingnan ang mukha niya."Kahit gaano ka pa ka-gwapo. At kahit sabihin mo pa sa akin na mahal na mahal mo ako. Kapag ako niloko mo o nagsinungaling ka sa akin ay hindi kita mapapatawad." Nakatingin ako sa kanya pero hindi ko kayang isinatinig ang nasa isipan ko. Si Xandro ang lalaki na hindi ko kayang basahin ang ekspresyon ng mukha niya. Kaya hinahanda ko ang sarili ko dahil baka saktan niya ako bigla."Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya sa akin."Wala po, ang gwapo mo kasi. Kaya alam ko na marami akong kaagaw sa 'yo." Nakangiti na sabi ko sa kanya."Loyal lang ako sa 'yo." Nakangiti na sabi ko sa kanya."Tsk! Sinasabi mo lang 'yan ngayon." "Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka na ikaw lang?" Nakangisi na tanong niya sa akin."Oops.. matulog na tayo alam ko na naman ang iniisip mo. I need to rest na," saad ko sa kanya.Alam
MIREYA'S POVPumunta kami ni mommy sa mall. Naggrocery at bumili kami ng mga mahahalagang pangangailangan sa Isla. Kasama namin ang mga bodyguards ni Mom. Si mommy kasi ay hindi puwedeng lumabas na walang kasama. Si Xandro naman ay may pinuntahan lang na importante. Hindi ko na lang alam kung nasaan siya dahil ayoko na masakal siya sa akin. I trust him at kung sisirain niya iyon ay wala naman akong magagawa."Kumusta si Xandro, anak? Mabait ba siya sa 'yo?" Biglang tanong sa akin ni mommy."He's a nice man, mommy." Nakangiti na sagot ko sa aking ina."Kahit gaano pa ka-ganda ang pinapakita niya sa 'yo ay magtira ka pa rin ng para sa sarili mo. Huwag mong ibigay ang lahat anak." "Alam ko po, mommy kaya huwag na po kayong mag-alala sa akin." Sagot ko sa kanya."Natatakot lang ako na baka masaktan ka, anak. Mag-iingat ka palagi, hindi ko kakayanin kung may hindi magandang mangyari sa 'yo.""Mom, don't worry. Kaya ko ang sarili ko. Si Xandro, asawa ko na po siya at hindi naman po ako papa
MIREYA'S POVHindi ko na lang pinansin ang text message na nakita ko. Ayaw kong makialam lalo na sa mga personal na gamit niya. Lumabas ako at nakita ko siyang nagsisibak ng kahoy kasama ang mga ibang taga-rito."Good morning, love." Nakangiti na bati ko sa kanya."Good morning," nakangiti na sagot niya sa akin.Lumapit ako sa kanya at pinunasan ko ang pawis sa mukha niya. Ganoon rin sa mga braso niya. Napasarap pala ang tulog ko sa biyahe kaya hindi ko namalayan. Nang matapos ko na siyang punasan ay pumunta ako sa mga ginang na busy sa paghahanda ng mga gulay."Good morning po sa inyo." Masigla na bati ko sa kanilang lahat "Good morning rin sa 'yo, ganda.""Mukha pong busy po ang lahat. May okasyon po ba?" Tanong ko sa kanila."Wala namang okasyon. Gusto lang namin magluto ng kaunting salo-salo dahil bumalik kayo. Nag-ambagan ang mga taga-rito. Masaya kami na bumalik kayo dito. At higit sa lahat masaya kaming malaman na asawa mo na pala si Xandro." Sagot sa akin Aling Teresa."Sabi k
MIREYA'S POVNapabalikwas ako ng bangon. Wala akong nakikita kundi kadiliman. Masakit ang buo kong katawan. Bigla akong binalot ng takot. Hindi ko alam kung nasaan ako. Naalala ko na-aksidenti pala kami ni Xandro. Pero nasaan siya? Bakit ako nandito? Nasaan ba ako? Mga tanong na hindi ko alam ang sagot.Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya. Nakakaramdam na ako ng lamig. Nilalamig ako, kaya napayakap ako bigla sa katawan ko. May narinig akong yabag ng paa. Hanggang sa biglang bumukas ang ilaw. Ngayon ko malinaw na nakikita ang buong paligid. Kahit na nasisilaw ako ay pinilit kong idilat ang mga mata ko. Nasa isa akong bodega. May mantsa pa ng dugo ang gamit ko. "Miss, lilinisin ko po kayo. Kailangan niyo po magbihis ng damit." Biglang sabi sa akin ng isang babae."Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya."Hindi ko po alam, utusan lang po ako dito." Mahinang sagot niya sa akin."Paanong hindi mo alam? Palabasin niyo ako dito!" Sigaw ko sa kanya."Marami pong bantay at gustuhin niyo man po ay