Share

Chapter 70

GONE

"Damn it! Wait. Wait. Tell your baby to wait at wag matigas ang ulo gaya ng daddy niya!" Anito at tumayo saka inilibot ang tingin sa paligid. "Fuck! Hindi ko alam paano magpaanak!"

Hindi na siya nag-abala pang sumagot dahil sa muling paghilab ng kanyang tiyan. Napasinghap siya ng mapagtantong may mga marka ng sariwang dugo ang puting cycling short niyang suot.

"Bilisan mo Tuazon. Ambagal bagal mo! I think Saavedra's wife is going to give birth damn it!" Rain was almost shouting at his earpiece. "Dalian mo at baka maging kumadrona pa ako!"

Hindi nagtagal ay dumating si Isaac sa loob kasama ng ilan pa. Nakita rin niyang humahangos si Pierre papasok at nagpunta sa gawi niya.

"Corazon, can you still hear me?" Pukaw nito sa atensyon niya.

Nanghihina siyang tumango.

"Call Xavier, Alice!"

Mabilis na tumalima ang babae at tumakbo palabas. Isinandal siya ni Pierre sa mga bisig nito. She also felt someone took Terrence away from her arms. Nais niya mang tumutol, wala siyang nagawa dahil na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status