Share

Chapter 2

BEREAVEMENT

"A—anong oras ka pala uuwi mamaya Terrence?" Alanganin niyang tanong.

Mula sa pagkababa nito ng hagdanan ay kunot noong napalingon sa kanya ang asawa.

"Why are you asking me that?"

"K—kasi…Balak sana kitang ipagluto ng paborito mong chicken curry, mas masarap yun kapag bagong luto diba?"

Nagpakawala ng mapang uyam na ngiti si Terrence kaya nagtataka siyang tumingin dito.  "Yan lang ba talaga ang dahilan mo o gusto mo lang malaman kung saan ako pupunta."

"H—hindi sa ganun Terrence, gusto ko lan—"

"Oh, just cut the crap Corazon! Gusto mo lang talaga akong manmanan dahil desperada ka. Diba nakipagsabwatan ka pa kay mommy para lang maikasal tayo? At dahil dyan sa kadesperadahan mo ay kaya mong sirain ang buhay ng pinsan mo! Diba?!" Asik nito at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mukha.

Unti unting namamasa ang kanyang mata. Kahit na gustong gusto niyang makasal sa lalaki ay hindi niya magagawang sirain ang buhay ni Lara kahit kailan. Hindi rin niya ito hiniling sa mga magulang nila, kusa lang na dumating ang alok ng ginang na Saavedra sa kanyang harapan na agad niya ring sinunggaban. Kung may pagkakamali man siyang nagawa, yun ay ang hindi niya pagsunod sa kagustuhan ni Terrence na umatras siya sa kasal.

"Hindi ko kayang gawin yun Terrence…Maniwala ka sa'kin," pagsusumamo niya.

"Yeah," sarkastiko nitong tugon saka siya binitawan "...cut the drama Corazon. You're such a manipulator bitch kaya hindi ako madadala dyan sa acting at iyak mo!"

Tinapunan siya nito ng masamang tingin bago tumalikod at lumabas ng bahay. Bahagya pa siyang napapitlag dahil sa lakas ng pagkakasara ng lalaki sa pinto. Muli siyang naiwang mag isa sa kanilang malaking bahay na naging saksi na ng kalungkutan niya.

Habang nagpupunas siya ng mga pigurin ay tumunog ang telepono. Dali dali niya itong pinulot at umupo sa sofa.

"Hello Corazon anak?"

"Mama…" Mahinang anas niya.

Kahit pambungad pa lang ng ina niya, naiiyak na siya sa labis na pangungulila dito. Terrence decided to live in Manila dahil nandito ang trabaho nito kaya kahit labag sa loob niyang iwanan ang lupang kinagisnan at mamuhay sa magulong syudad sinuong niya ang hindi pamilyar na pamumuhay makasama lang ang asawa.

"Kamusta ka na dyan? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba

pinapabayaan ni Terrence?" Sunod sunod nitong tanong.

Mariin siyang napapikit. Minsan naiisip na niyang magsumbong ng hinaing sa mama niya para naman gumaan ang saloobin niya kahit papaano pero alam niyang hindi iyon makabubuti sa relasyon nila ni Terrence at ng dalawang pamilya. Terrence's father Thiago Saavedra and her father Crisostomo are best friends. Ano na lang ang mangyayari kapag nalaman ng papa niya na sinasaktan siya ng kanyang asawa?

"A—ayos lang po ako Mama, maalaga po si Terrence sa akin kaya huwag po kayong mag alala."

"Talaga? Teka bakit parang sinisipon ka anak? Umiiyak ka ba dyan?"

"Naku! Namiss ko lang po kayo kaya ako naiyak," kinagat niya ang pang ibabang labi para pigilin ang kanyang hikbi.

Patawarin nawa siya ng Panginoon sa mga kasinungalingan niya.

"Bakit pa ba kasi kayo lumayo eh pwede namang manatili kayo dito sa hacienda sa Bukidnon diba?" Nagtatampong wika ni Amira.

"K—kasi…Kasi marami pang project si Terrence, Ma. Kaya hindi pwede pero hayaan niyo po at pakikiusapan ko po siya."

"Sige ha, aasahan ko yan anak."

"Kamusta po pala si Papa, Ma?" Pag iiba niya ng usapan.

Miss na miss na rin niya ang ama. She was a daddy's girl kaya ganun na lang  siya nahirapang mag adjust sa buhay niya dahil unang beses niya ring nawalay sa mga ito.

"Ayun, sobrang busy na sa hacienda anak pero 'wag kang mag alala. Ayos lang ang daddy mo. Malakas pa sa kalabaw yun," biro nito at binuntunan ng tawa.

She felt guilty about it dahil siya na dapat ang mag aasikaso ng business nila lalo't nag iisa siyang anak pero dahil nag asawa na siya ay napilitan din siyang tumigil.

"Pasensya na po kayo Mama kung hindi na ako nakakatulong sa in—"

"Ano ka ba Corazon, ang mahalaga ay basta masaya ka, masaya na rin ako, kami ng daddy mo."

"I love you Ma."

"I love you too anak…"

Matapos ang tawag ay hindi na niya napigilan pang sumabog ang kanyang pininigilang emosyon sa dibdib. She will just cry dahil yun lang ang paraan niya para maibsan ang sakit na nararamdaman. She was hurt by the changes in her life but losing Terrence hurts more. Hindi niya kaya at pakiramdam niya, mamatay siya kapag naghiwalay sila.

Masaya siya ng maagang narinig ang ugong ng sasakyan ng asawa. Alas syete pa lang ng gabi ay nandito na ito kaya naninibago siya. Madalas hating gabi o di kaya ay madaling araw na kasi itong umuwi.

"Good Evening Terrence, maaga ka palang uuwi ngayon?" Masiglang bungad niya sa asawa pero nilampasan lang siya nito at parang walang nakita.

Sinundan niya si Terrence at inalalayang mahubad ang coat nito saka kinuha ang attache case na dala ng asawa. Nang humarap siya sa lalaki, nakita niya ang markang lipstick sa kwelyo ng longsleeve nito. Sinundan naman ni Terrence ang mga mata niya at napaismid ang lalaki.

"Ngayon ka pa ba nakakita ng ganyan? You saw something more than like this Corazon kaya wag kang aarte dyan na parang maiiyak ka na. Napaka OA mo talaga," pang aasar nito saka siya tinalikuran at umakyat sa silid nito.

Naiwan siyang namamasa ang mga mata habang mahigpit ang hawak sa coat ng kanyang asawa. Unang beses na magdala ng babae si Terrence sa pamamahay nila ay hindi niya napigilang tingnan ang ginagawa ng dalawa pero nagsisi siya sa naging desisyon. Nasaksihan niya kung paano gumuho ang kanyang mundo ng makita sa unang pagkakataon ang kataksilan ng asawa.

Ilang araw siyang hindi nakatulog at nakakain ng maayos dahil sa sakit na kanyang naranasan. Para bang namanhid ang buo niyang katawan at nawalan siya ng lakas. Hindi rin siya makakilos ng maayos dahil madalas siyang tulala na ikinagalit ni Terrence at dumating pa sa puntong nasaktan siya ng lalaki ng pisikal.

Hindi nagtagal nakita niyang pababa ng hagdanan ang asawa habang bihis na bihis na.

"Saan ka pupunta, gabi na tsaka nakahanda na ang mesa Terrence."

"Just eat on your own."

"Pero nagluto ako ng pabori—"

"Could you just shut up!" Napaatras siya sa gulat dahil sa lakas ng boses nito. "Nakakairita marinig yang mga sinasabi mo! Just stop acting like a perfect wife dahil hindi bagay sayo!"

"Gusto lang naman kitang alagaan Terrence at tsaka asawa mo ako at hindi kung sino lang," paliwanag niya.

Mas lalo lang nagliyab ang poot sa mga mata ng lalaki sa sinabi niya. Agad nitong hinablot ang kanyang braso at pinanlisikan siya ng mata. "Kasal tayo pero sa papel lang kaya wala kang karapatang pagsabihan ni tanungin ako ng kung ano ano!" May diin nitong bigkas saka marahas siyang binitawan.

"Hindi bagay sayo ang tawaging asawa ko, Corazon. Alam mo ba kung anong papel mo sa buhay ko? Taga silbi lang kita dahil kahit sa pagiging puta hindi ka papasa!"

"Terrence…"

Nginisihan siya ng lalaki "…why? Are you hurt? I already told you before pero hindi ka nakinig so bear with it," malamig nitong bigkas saka siya iniwan.

Hindi nagtagal, narinig na lang niya ang ugong ng sasakyan palayo. Napabuntong hininga siya. Saan na naman kaya maglalakwatsa si Terrence. Sigurado siyang babae na naman ang kikitain nito or worse ay dadalhin ulit sa kwarto ng asawa o 'di kaya kasama na naman nito ang mga barkada.

Kailan ba darating ang panahon na tatanggapin siya ng asawa. May pag asa pa kayang mangyari yun o habang buhay na lang siyang magdudusa sa piling ng lalaking mahal niya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status