Share

Chapter 3

AGGRAVATED

Naalimpungatan si Corazon at napagtantong nakatulog pala siya sa sofa kakahintay kay Terrence. Tiningnan niya ang orasan at nakitang alas dos na ng madaling araw. Umakyat siya sa taas at sinilip ang silid ng asawa sa pagbabakasakaling umuwi na ito pero walang bakas ni Terrence doon.

Nanlulumo siyang bumaba ng hagdan at kinuha ang cellphone para tawagan ang asawa pero nakailang ring na siya'y wala paring sumasagot. Madaling araw na kaya nag aalala siya at kung napano na kaya ito.

Maya maya pa ay nakarinig na siya ng ugong ng sasakyan kaya agad siyang tumayo at inihanda ang ngiti bago pagbuksan ang asawa subalit napalis lamang iyon nang makitang hindi ito nag iisa. Lasing na lasing ito habang kaagapay ang isang seksing babae na hindi pamilyar sa kanya.

"Hey.. Careful, matutumba tayo," natatawang pigil ng babae.

"It's fine basta sayo ako babagsak.."

Tugon ni Terrence at bahagya pang tumawa. Hindi na siya nakatiis pa at agad naman siyang lumapit para kunin ang asawa mula sa babae.

"Miss ako ng bahala sa kanya," walang emosyon niyang saad.

Agad na ngumiti ang babae, halatang lasing rin ito.

"Oh mabuti naman at may katulong ka Terrence dahil sobrang bigat mo," anito.

Hindi na siya nag abalang itama pa ang sinabi ng babae tungkol sa pagiging katulong niya dahil lagi naman niya iyong naririnig sa mga kalandian nitong hindi nakakakilala sa kanya. Akmang lalapit na siya sa asawa pero itinulak siya nito palayo.

"Don't touch me!" Bulyaw ni Terrence.

Nabitin sa ere ang kamay niya at napahiya. Kumirot ang puso niya sa reaksyon ng asawa. Kahit sa kalasingan nito ay bakas pa rin ang disgusto ng lalake sa kanya.

"Babe, ihatid mo ko sa kwarto ko.. I still can't get enough of you." Mapupungay ang mga mata nitong tumingin sa kasama.

"You're so insatiable Terrence! Kakatapos lang natin sa car kanina eh.." Kunwari ay reklamo ng babae.

Lumunok si Corazon ng ilang beses para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan at hindi tuluyang malaglag ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Imbes na maging manhid dahil ilang beses na siyang nakasaksi ng ganitong pangyayari mas lalo lang dumoble ang sakit.

Agad na yumakap sa babae si Terrence at naghalikan pa sa harap niya. Unti unting pumasok ang dalawa nang hindi naghihiwalay ang mga labi. Napaatras pa siya nang masagi siya ng mga ito.

Humigpit ang kapit niya sa doorknob at pinigilan ang sariling lumingon. Mas lalo lamang siyang madudurog sa makikita niya kaya tumingala siya sa kisame at pinaypayan ang mga mata.

"Wag kang umiyak.. Wag kang umiyak Corazon. Kaya mo to, kakayanin mo. Mahal mo siya hindi ba? Please.. Please don't cry." Kausap niya sa sarili.

Pero nang magsimulang umungol ang dalawa ay hindi na niya napigilan pa ang sarili. Hindi magkamayaw ang mga luha niya na parang sinaksak ng libo libong punyal ang kanyang dibdib. Upang maiwasan ang mga ito pinili niyang sa hardin na muna manatili kahit madaling araw na.

Walang naging maayos na tulog si Corazon kinabukasan  pero pinilit niya pa ring bumangon para ipaghanda ng almusal ang asawa. Kasalukuyan siyang nagluluto nang maramdaman niyang may ibang tao sa kusina. Lumingon siya at nakita ang babaeng kasama ni Terrence kagabi habang suot nito ang longsleeve ng asawa. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa.

"Are you a maid here? You're rude! Hindi ka ba marunong bumati sa girlfriend ng amo mo!" Asik ng nito.

Huminga siya ng malalim upang hamigin ang sarili na huwag pumatol dito.

"Tonta! At talagang balak mo pang mag bingibingihan huh!"

Nabigla si Corazon ng hilahin nito ang kanyang buhok kaya napasigaw siya. Biglang sumulak ang galit sa puso niya dahil sa pang aapi ng babae. Hindi pa ba sapat na kumalantari ito sa asawa niya, may gana pa talaga itong manakit sa kanya?

Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nito sa kanyang buhok pero ayaw siyang bitawan ng babae at tuloy lang ito sa pagtatalak. Tuluyang nagdilim ang kanyang paningin at siniko ang tiyan ng babae. Marahil hindi nito inaasahan ang ginawa niya kaya mabilis siyang nabitawan. Hindi pa siya nakuntento at ginantihan ito ng pagsabunot.

"Hindi ako nagreklamo kagabi na andito ka pero ang saktan mo ako.. Sobra naman yata yun!" Nanggigil niyang sambit. Nagpupumiglas ito pero hindi niya pinakawalan. 

"Damn you bitch!! Ipapatanggal kita kay Terrence!" Nanggagalaiti nitong sigaw.

Napanting ang tenga niya sa narinig kaya't iniharap niya ito at mahigpit na hinawakan ng isa niyang kamay ang mukha ng babae. "Subukan mo! Dahil bago mo ako matatanggal sa buhay niya ipapakulong muna kita dahil kabit ka ng asawa ko! Naririnig mo ba ako? Kabit kalang at bahay ko to kaya lumayas ka dito!"

Hawak pa rin niya ang buhok nito at kinakaladkad patungo sa salas. Panay naman ang sigaw at iyak ng babae pero parang wala siyang narinig. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkaladkad nang dumagundong ang galit na boses ni Terrence sa buong salas.

"What are you doing Corazon! Get your filthy hands off her!"

Para namang siyang nahimasmasan sa kanyang nagawa kaya binitawan niya agad ang babae. Pasalampak itong bumagsak sa sahig na agad na dinaluhan ni Terrence. Para siyang naitulos sa kinatatayuan, hindi niya akalaing magagawa niya ang bagay na iyon.

"Terrence.. She hurt me! Totoo bang asawa mo siya? She's just lying right?" Umiiyak nitong tanong.

Hinintay ni Corazon na aminin ni Terrence sa babae ang totoo pero taliwas ang nangyari.

"No.. She's just a maid and a bit of a freak. Pasensya ka na Bea, I'll talk to her. Hindi na ito mauulit.." Anito at matalim ang mga matang bumaling sa kanya.

"Freak naman pala, eh bakit hindi mo pa siya ipatanggal? Humanap ka na ng iba Terrence. Fire her right now in front of me."

"Magaling siya sa gawaing bahay kaya ayos lang yan. Wag mo na siyang paglaanan pa ng panahon Bea, she's just nothing, okay?"

Parang pinira piraso ang puso niya sa narinig. Alam niyang masakit ang ginawang pambabalewala ni Terrence pero mas may isasakit pa pala kapag ipagkakaila ka ng taong mahal mo ng harap harapan.

"Come on, umakyat ka muna.. I'll help you fix yourself," malambing nitong turan. Lumingon ulit sa gawi niya si Terrence " Mag usap tayo mamaya Corazon." Tiim bagang nitong saad bago siya tinalikuran at umakyat ng silid kasama ang babae.

Kanina pa nakatulala si Corazon sa baso ng tubig na nasa kanyang harapan. Paulit ulit na sumagi sa isipan niya ang nangyari kanina. Wala ring patid ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.

Hanggang kailan ba siya sasaktan ng lalaking mahal niya? Hanggang kailan ba siya magtitiis para sa lintik na pagmamahal niya para dito?

Tumayo siya nang pumasok si Terrence sa kusina.

"Are you that rude?! Ano bang karapatan mong saktan si Bea, Corazon!" Bulyaw ni Terrence.

Mariin siyang napapikit. Hanggat maari ay ayaw niyang makipagtalo kay Terrence pero parang sumusobra na yata ang lalaki.

"Rude? You call it rude Terrence? Sino ba sa atin ang rude? Ako ba na walang ginawa kundi ang intindihin ka o ikaw na hindi man lang ako nirerespeto?" Walang amor siyang natawa. Siya na nga ang inapi pero parang kasalanan pa rin niya? "Asawa mo ako Terrence! May karapatan ako sayo! Mahirap bang intindihin yun?"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Napaatras siya at napahawak sa mesa dahil parang mawawalan siya ng ulirat sa ginawa ng asawa. Being physically hurt is bearable but emotionally really hits hard like this one. Hindi pa siya nakakabawi ay agad na hinawakan ng mahigpit ni Terrence ang kanyang panga. Sa higpit nito ay pakiramdam niya bumaon ang mga daliri ng asawa sa kanyang pisngi.

"You don't have the right to raise your voice at me! Asawa lang kita sa papel, kailangan bang paulit ulit kong sabihin yun sayo! Wala kang karapatan na awayin kahit sinong babae pa ang dalhin ko dito sa bahay o pakialaman ang gusto ko! Do you understand?!"

Marahas nitong binitiwan ang kanyang mukha.

"Pero Terrence.. Hanggang kelan ba tayo ganito? Wala na ba talagang pag asa na magiging maayos tayo?"

"You already knew the answer to that."

Why is it so hard for him to give her a chance to fix what they have? Palaging sarado ang utak ng lalaki sa usaping iyon. "Pwede bang kahit konti lang.. Kahit konti lang talaga, respetuhin mo naman ako," umiiyak niyang pakiusap sa asawa.

Hindi pa siya nakatiis at lumuhod sa harapan ng asawa para magsumamo at baka sakaling maawa sa kanya ang lalaki. "Kahit yun lang Terrence…"

Yumukod si Terrence at pinagpantay ang kanilang mukha. Walang bakas ng awa ang makikita sa itsura ng lalaki. Puro galit at pagkamuhi lang.

"Kasalanan mong lahat kaya nasadlak tayo sa sitwasyon na to Corazon. Have you forgotten it already? I told you to back off from the wedding, didn't I? Pero matigas ka, masyado kang desperada kaya pagbabayaran mo ang desisyon mo!"

Tumayo si Terrence samantalang nanatili siyang nakaluhod sa sahig. "Araw araw kitang sasaktan hanggang sa mapagod ka ng tuluyan. I don't care.. Nagsisimula pa lang tayo kaya kung ako sayo hilingin mo na sa mga magulang natin na ipawalang bisa ang kasal dahil kahit kailan hinding hindi kita mamahalin!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status