Share

Chapter 1

WOUNDS

"Ahh! Faster Terrence!"

"Like this? Huh?"

"Yes! Yes! Oh God you're so big! Ahh.. Shit!.."

Pilit na tinatakpan ng unan ni Corazon ang kanyang dalawang tenga upang hindi marinig ang nakaririnding kaganapan sa kabilang kwarto subalit kahit anong gawin niya ay umaabot pa rin sa kanyang silid ang ungol ng mga ito.

"I'm cumming baby.." Paos na tinig ng kanyang asawa.

"Me too! Shit! Ohh Fuck.."

Maya maya pa, nawala na ang ungol at salpukan ng katawan. Marahil tapos na ang mga ito at nakatulog na samantalang siya ay nakaupo pa rin sa paanan ng kama habang tigmak sa luha ang mga mata.

Sino ba naman ang hindi? Asawa niya ang nasa loob at nagpapakasaya sa kandungan ng ibang babae habang heto siya't umiiyak at nasasaktan.

Pitong buwan na ang nakaraan simula ng ikasal sila ni Terrence pero hanggang ngayon, patuloy pa rin siyang nasasaktan sa piling ng kanyang asawa. Terrence never cared for her o kahit na ituring siyang asawa ay hindi nito magawa. Palagi itong galit o di kaya hindi siya pinapansin. Minsan naman, umuuwi itong lasing at nananakit. Ang mas masahol pa, nagdadala ng babae ang asawa niya sa sariling pamamahay nila at doon ginagawa ang bagay na dapat para sa kanilang mag asawa.

Hiwalay sila ng silid. Ayaw na ayaw siya nitong nasa malapit. Tiningnan niya ang larawan nila sa kasal na nakasabit sa dingding. Makikita sa kanyang mga mata at ngiti kung gaano siya kasaya sa araw na iyon samantalang parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Terrence.

Napilitan lamang ang lalaki na pakasalan siya dahil hindi siya umatras at sumunod sa pakiusap nito. Akala niya dala lang ng emosyon kaya nasabi ni Terrence ang mga bagay na yun sa kanya pero hindi pala. Dahil sa ngayon halos mamanhid na ang puso niya sa sakit.

Naalala niya pa nung una niyang makita ang lalaki habang naglalaro siya sa gilid ng kalsada sa kanilang tubuhan.

(Flashback)

"Ouch!" D***g niya.

Pilit siyang tumayo sa pagkakadapa pero mas lalo lang siyang naiyak nang makitang nagkasugat ang kanyang tuhod.

"Anong nangyari sayo bata?"

Agad siyang nag angat ng tingin sa binatilyong nasa harapan niya at nasilayan ang pinakamagandang abo na mga mata sa tanang buhay niya. Napayuko ito sa tuhod niya at naipinta ang pag aalala sa mga mata.

"Halika gagamutin ko yang sugat mo," alok pa nito pero nanatili lamang siyang tulala.

Nanlaki ang mga mata niya nang bigla siya nitong binuhat at isinakay sa puting kabayo saka dinala sa malaking puno na pagitan ng hacienda nila at ng hacienda Saavedra.

Kumuha ang lalaki ng dahon saka pinukpok ng bato bago inilagay sa sugat niya.

"Aray! Masakit!"

"Sorry, sorry, di'ko sinasadya…" hinging paumanhin ng binatilyo saka hinipan ang sugat niya.

Pakiwari niya may magic ang hininga nito dahil agad na napawi ang sakit niyang nararamdaman o siguro bunga lang ng kanyang imahinasyon dahil sa labis na paghanga sa lalaki kahit pa sa murang edad.

"Anong pangalan mo?" Maya maya ay tanong nito.

"C—corazon…Corazon Villaluna," nahihiya niyang pakilala.

"Talaga? So sa inyo pala ang hacienda na yan," turo nito sa malawak nilang tubuhan.

Tumango naman siya at tiningnan ang binatilyo.

"Nice, ako nga pala si Terrence Mikael Saavedra," pakilala ng lalaki at naglahad ng palad. Atubili niya iyong tinanggap at sa pagdaop ng mga palad nila, iba na ang kanyang nararamdaman. Para bang nagrigodon ang puso niya sa saya.

"Siya nga pala, ito naman si Leo," turo nito sa kabayong puti.

Napangiti siya at ganun din ang binatilyo. Mas lalo lang itong gumuwapo sa paningin niya. Mula ng magkakilala sila ay palagi na siyang nag aabang ng palihim kung kailan ito dumaan sa kalsada sakay ng kabayong si Leo para masilayan ang kagwapuhan ng binatilyo.

(End of FlashBack)

Natawa siya sa kanyang sarili. Hindi niya lubos akalain na ang lalaking gumamot sa maliit niyang sugat sa nakaraan ang siyang magdudulot ng mas malaki pang sugat hindi lang sa pisikal na aspeto kundi sa damdamin niya sa kasalukuyan.

Pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi at tumayo. Hindi siya dapat malungkot dahil kahit papaano natupad ang pangarap niyang makasal sa nag iisang Terrence Mikael Saavedra—ang lalaking mahal niya simula pagkabata.

Pabaluktot siyang humiga sa kama at pilit na ipinikit ang mga mata. Maaga pa siyang gigising bukas upang ipagluto ang asawa dahil wala naman silang katulong. Ipinatanggal ni Terrence lahat at ipinasa sa kanya ang responsibilidad ng mga ito mula sa paglilinis, paglalaba, pagluluto at iba pa.

Tutol man ang mga magulang nila sa desisyon ni Terrence, walang nagawa ang mga ito nang sinang-ayunan niya ang desisyon ng asawa.

Kinabukasan maaga siyang nagising at sinimulan na ang pagluluto. Naghanda siya ng bacon, hotdog at fried egg pati na rin fried rice. Gumawa na rin siya ng toasted bread. Hindi nagtagal ay natapos na siya at kape na lang ang kulang.

Mula sa kusina ay natanaw niya si Terrence pababa ng hagdanan. Hinagod niya ng tingin ang asawa at pinagmasdan ang magulo nitong buhok pababa sa maskuladong pangangatawan sa suot na sando at sweat pants subalit kumirot ang kanyang dibdib nang kaagapay nito ang babaeng kasama kagabi.

She was sexy kaya napatingin siya sa suot niyang daster. Ang layo ng agwat nilang dalawa kung ikukumpara sila. Kasabay ng pag aalaga niya kay Terrence, nawalan siya ng panahon para sa sarili.

"Aren't you gonna stop by for breakfast?"

Malambing nitong tanong. Bagay na kailanman hindi niya narinig sa asawa. Palagi itong masungit sa kanya at madalas pabulyaw ang paraan ng pagsasalita ng lalaki.

"No.. Hinahanap na ako sa amin," malanding sagot ng babae at tumingin pa sa gawi niya bago siya binigyan ng nakakalokong ngisi.

Pamilyar ang mukha ng babae. Kung hindi siya nagkakamali ay anak ito ng gobernador at alam nitong kasal na sila ni Terrence pero malakas pa rin ang loob at sumama pa talaga sa pamamahay nila.

"You sure?"

"Oo nga.. Ito naman oh, namiss mo na ba ako kaagad?"

Mahinang natawa si Terrence.

"Of course! Who wouldn't? You were so good last night.."

Nakita niya ang paghapit ni Terrence sa bewang ng babae at lumapat ang mga labi nito sa labi ng kaharap. Agad niyang ibinaling ang tingin sa kabilang gawi upang hindi masaksihan ng sariling mga mata ang harap harapang pagtataksil ni Terrence.

Maya maya pa narinig na niya ang pag alis ng babae. Agad niyang pinahid ang luha na hindi napigilang tumulo at baka makita pa siya ni Terrence. Ayaw nitong nakikita siyang umiiyak dahil para sa lalaki, kaartehan niya lang iyon.

Pumasok na si Terrence sa kumedor at napatingin sa kanyang hinanda. Lumingon ito sa gawi niya habang nakakunot ang noo.

"Where's my fucking coffee?" Malamig nitong tanong.

Napakurap kurap siya at agad nataranta. Dahil sa kakatingin niya sa dalawa kanina, hindi niya namalayang nakalimutan pala  niyang magtimpla ng kape. Dahil sa pagmamadali ay nabitawan niya ang tasa nang patungo na sana siya sa coffee maker.

Lumikha ng ingay sa buong kusina ang pagkabasag niyon.

Agad na lumapit si Terrence at pinanlisikan siya ng mata. "Ang tanga tanga mo! Yan na nga lang ang trabaho mo hindi mo pa magawa ng maayos!"

"P—pasensya na Terrence.. Hindi ko naman sinasadya. Pupulutin ko na lang.." Mahinang anas niya.

Narinig niya ang malakas na buntong hininga ng lalaki.

"No, make my coffee first, bago mo pulutin yan. Bilis!"

Bulyaw nito. Napapitlag siya at nasagi ng kanyang paa ang bubog pero hindi na niya ito pinansin at kumuha na siya ng panibagong tasa.

Matapos mailagay sa tabi nito ang kape ay iniligpit niya ang mga bubog sa sahig. Tumayo siya sa isang tabi habang pinagmamasdan ang asawa na maganang kumakain. Kahit na parang katulong ang trato nito sa kanya ay masaya na siya basta mapagsilbihan lang ang asawa.

"Could you fucking leave the kitchen and stop smiling like an idiot? Hindi ako matutunawan sa pagkain Corazon! Get out!"

"P—pasensya na.."

Lumabas siya ng kusina at doon sa sala umupo upang hintayin itong matapos. Sa loob ng ilang buwan, hindi kailanman sila nagsabay na kumain dahil ayaw ni Terrence. Lahat ng bagay na hindi gusto ng asawa ay sinusunod niya para hindi sila mag away.

Mahal na mahal niya ito at umaasa siya na balang araw, matututuhan din siya nitong mahalin gaya ng pagmamahal niya sa asawa.

Tiningnan niya ang sugatan niyang paa. Tumayo siya at kumuha ng medicine kit upang gamutin ang sugat niya dahil hindi na siya bata at malamang wala ng Terrence na gagamot pa doon gaya noon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status