Share

CHAPTER 2

AYEKA'S POV

Pagkatapos kong maligo agad na anong pumunta sa closet ko upang mamili ng aking susuotin.

Nakita ko ang croptop ko na one sided, yung isa ay mahaba ang manggas at yung isa naman ay wala. Nag isip na rin ako ng ipapares ko dito.

Nakita ko Yung palda ko na white na above the knee at kinuha ko ito at yung croptop ko. Tumingin ako sa salamin upang makita ko kung bagay ba ito sa aking susuotin.

Nagbihis na ako at kinuha ko ang pointed heels ko na kulay black ito.

Hindi na ako gaano nag ayos dahil mas maganda ang simple lang. Ngunit na isip ko na mag lagay na lang ako ng hikaw at necklace.

Kaya't kinuha ko na ang favorite earrings at necklace ko. Regalo ito ni Mommy noong nag birthday ako last year. Nabili pa daw niya ito sa Italy.

Kaya kinuha ko na ang lagayan nito. Pagbukas ko ikuminang ang diamond nito. Kinuha ko ang dalawang pares ng Ikaw at sinuot ko na rin Ang aking necklace.

Pagkatapos kong suotin ito, inaayos ko naman ang buhok ko upang makita ko ang mas bagay na hair style.

Habang nasa kalagitnaan na ako ng aking pag- aayos biglang may kumatok ulit sa labas ng aking pinto.

Tok tok

"Sino yan?" Pagtatanong habang nag hihintay ng sagot mula sa labas.

Ngunit nangyari ulit yung kanina, hindi ako nagpatinag sa katakutan kaya't tumayo ulit ako upang tingnan kung sino ang nasa labas.

Pagbukas ko ng pinto may bulaklak na bumungad sa akin.

Isang bouquet ng rose at kinuha ko ito sabay inamoy-amoy.

Bumungad sa akin ang mestiso, matangkad, may matangos na ilong, at kulay asul ang mata.

"Kuya Darylle!" Masayang sabi ko dito sabay yumakap.

"Namiss mo ako?" Pagtatanong nito sa akin habang nakayakap pa rin ako sa kanya .

"Oo Naman kuya, atsaka Hindi lang ako ang nakakamiss sa'yo nu." Pang aasar na sabi ko sa kanya sabay kumawala sa pagkakayakap.

"Tsk!" Rinig kong asik nito. Sabay pasok nito sa kwarto ko.

"Smile ka nga saglit." Sabi ko dito ng nasa mababang tono at kinuha ko saglit ang cellphone ko.

Pictura-n ko ito ng hindi man lang ngumiti kaya't nag pa cute ako sa kanya ngunit balewala ito.

1....2....3...

click!

Pagkakuha ko sa kanya ng litrato agad kung send sa bff ko. Ngunit agad itong nag salita.

"Kanino mo na naman send yan?" Iritang pagtatanong nito sa akin kaya napatingin ako at ngumisi.

"Sa secret admirer mo!" Pang aasar na sabi ko dito sabay in-off ko na ang phone ko.

"Sabi nila Dad at Mom, palagi ka na lang daw andito sa loob ng kwarto. Hindi ka ba nagsasawa Dito?" Pagtatanong nito sa akin habang nakahiga .

"Actually, hindi nila napapansin lumalabas ako nag photoshoot kami noong last week sa Batanes and wala sila nasa business trip sila. Naabutan lang nila ako dito kapag dumadating sila. And hello tao rin ako Kuya na iinip at need din mag relax." Mahabang pagpapaliwanag ko sa kanya habang tinutuloy ko Ang ginagawa ko kanina.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng maalaa ko ulit ang nangyari kanina ngunit nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko pa sa kanya.

"That's good to hear that! Sometimes mag libang libang ka din, hindi palaging work need natin mag rest. And habang bata pa rin tayo enjoyin natin yung mga bagay bagay dahil kapag dumating na tayo sa mga responsibilities natin sometimes na lang natin magagawa yan." Mahabang pagpapaliwanag nito sa akin habang nakatingin pa rin sa kisame.

"Lalim Naman ng pinanghuhugutan mo Kuya, may problema ka ba?" Pagtatanong ko Dito sabay humarap sa kanya.

"Wala Naman, and that's reality. Mayaman man tayo o mahirap enjoy ang buhay hangga't Buhay dahil ang buhay Hindi natin alam kung kilan tayo kukunin." dagdag ulit nito.

May point si Kuya na kahit gaano karami ang pera o kayamanan mo iisa lang pinagbabagsakan ng tao ang KAMATAYAN.

"Okay yan gusto mong sabihin I respeto ko yan." Mahinahon kong pag sang-ayon sa kanya.

Na realize ko Rin na sila Mommy at Daddy Ang tinutukoy nito dahil palagi silang tutok sa negosyo halos Hindi rin sila makapag pahinga.

Nauunawaan namin sila ngunit madalas nawawalan Sila ng time sa aming magkakapatid. Kaya't ganito na lamang ang hinanakit ng aking Kuya.

Nawala ako sa pag-iisip ng biglang may kumatok.

Tok! Tok

Tumayo na ako upang buksan ito bumungad sa akin ang napakagandang babae. Si Mommy.

"Ready na ba kayo ni Darylle?" Bungad na pagtatanong nito sa akin habang nakatingin.

"Opo Mommy, tinatapos ko lang po itong buhok ko. Kuya SI Mommy!" Pagtawag ko kay Kuya at agad itong bumangon sa pagkakahiga at tumayo sabay salubong ng kiss Kay Mommy.

"Hi Mom!" Sabi nito sabay halik sa pisngi.

"Si Dad?" Pagtatanong nito pagkatapos makawala sa pagkakayakap.

"Nasa baba may kinakausap lang kasosyo namin sa negosyo." Pagpapaliwanag ni Mommy Kay Kuya at tumingin lang ito sa akin.

"Hi kuya Darylle!" Masayang sambit ng aming bunso.

"You look good Angelie!" Masayang pagpuri nito sa aming nakakabatang kapatid.

"You too kuya!" Sabi nito habang nag papa cute sabay ginulo ni Kuya ang buhok nito.

"Where's my pasalubong kuya? you limot limot me huh! I'm so tampo tampo na sa'yo." Pagpapa cute na Sabi nito kay Kuya sabay tumawa kaming lahat .

Nawala Ang tawanan namin ng mangakit na SI dad.

"Are you kids?" Bungad na pagtatanong nito sa amin.

Dali dali akong tumakbo sa salamin ko at inayos na ang aking buhok.

Rinig kong nag salita si Mom kay Dad.

"Hon, h'wag mo na silang tawaging kids. Mga dalaga at binata na ang panganay at pangalawa mo." Pang sesermon ni Mommy Kay dad

"Of course Hindi pa rin ako sanay. Still baby boy and baby girl ko pa rin sila." Rinig kong Sabi ni Dad Kay Mom.

Hindi na nakapag salita pa si Mom dahil totoo naman ang sinasabi ni daddy kahit malalaki na kami treat pa rin sa amin still baby.

Sweet si Dad, maalaga, and mabait. Sadyang busy lang sa business nila kaya walang oras sa amin. Gayundin si Mom kaya madalas maiwan si Angelie dito sa bahay.

Pinapapunta naman ni Mom Ang mga pinagkakatiwalaan niyang mga tao nila kapag wala sila. Madalas rin akong busy sa career ko kaya na aawa ako kay Angelie kapag siya lang na iiwan.

Naramdaman ko rin Ang sitwasyon ni Angelie noong dalawa pa lang kami ni Kuya palagi silang nasa business trip and SI Kuya naman nag aaral sa ibang country and ako busy na Rin sa study at sa pag model ko. Ngunit na sanay na rin ako.

Bumaba na kami at dumiretso na sa labas upang maghintay ng sasakyan namin.

Si Dad ang mag drive dahil namiss niya raw ito. Katabi nito si Mom. at sa likod Naman kaming tatlo.

Habang papasok na kami sa sasakyan napalingin ako sa gilid ng bahay at may napansin akong taong naka tayo at nakatingin sa akin ng diretsa.

Pumikit ako at nagmulat at biglang nawala ito.

"Ayeka, pasok na." Sabi ni Daddy na nagpawala sa tinitingnan ko.

Sumakay na ako at nag iisip habang umaandar Ang van.

Sino ka? Takang tanong sa isip ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status