Share

CHAPTER 3

SOMEONE'S POV

"Nakita ko na siya." Banggit ng Isang lalaki habang may kausap ito sa kabilang linya.

"Then tell me, kung asan siya ngayon!" Galit na Sabi niya ng lalaki mula sa kabilang linya.

"Come on! ako ang unang nakahanap sa kanya. Kaya pwede bang wag ka magalit sa akin." Tugon Naman ng lalaki habang nasa mababang tono.

"Kapag Nakita ko talaga siya, ipapaalaala ko sa kanya lahat lahat." Sabi ng Isang lalaki sabay pinatay ang tawag.

"Go ahead! mabaliw ka kakahanap sa kanya." Sabi nito sa isip niya habang pinagmamasdan Ang Isang babae.

Ayeka's Pov

Habang nasa biyahe kami, hindi mawala sa isip ko yung lalaking nakatayo sa gilid. Lumalalim na ang pag iisip ko ngunit bumaba na rin Ang mga talukap ng aking mga mata.

"HAHAHAHA! sige barilin mo hangga't gusto mo. Ikaw ang kinakatakutan ng lahat sa Mundo natin." Masayang sabi nito sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.

Ngunit ano ang kanyang Ibig sabihin? takang tanong ko sa aking isip.

"Mundo? Hindi ba't iisa lang Ang Mundo naming ginagalawan?"dagdag ko sa isip ko habang nakatingin sa Isang magandang babae ngunit puro dugo ang kanyang tinatapakan.

Tumingin ako sa aking kapaligiran, halos lahat sila ay wala ng buhay at naliligo sa sarili nilang dugo.

"Hindi ba't Ikaw Ang may kagagawan n'yan?" Pagdidiinan na sabi nito sa akin.

"Hindi! Hindi ko magagawa yan!" sigaw ko sa kanya habang nakatingin ako sa mga mata niya.

"HAHAHA! Ayeka! Ayeka! Ikaw SI Satanas at sinalubong ka nila at ngayon sinusundo muna sila." Masayang sabi nito habang lumalapit sa akin.

"Hindi! hindi ko magagawang pumatay ng ganyan." Sabi ko sa kanya habang umiiling at halos tumulo ang aking mga luha.

"Ikaw si Satanas! Ikaw! BWAHAHA!" Sagot nito sa akin habang tumatawa na halos parang nababaliw.

Nagpaulit-ulit ito sa aking Tenga.

"Ikaw si Satanas!"

"Ikaw si satanas!"

"Ikaw si satanas!"

Hindi ko na nakayanan pa Ang mga salitang ito at tinakpan ko Ang aking tenga ngunit Hindi pa rin ito mawala. Kaliwa't kanan ko ito naririnig

Hanggang sa ginising na pala ako ni Kuya sa pagkakahimbing ko sa pagtulog.

"Ayeka, kanina ka pa nagsasalita. Halos nerbyusin kami sa'yo. Ano bang napaginipan mo?" Tanong sa akin ni Kuya at nakikita ko sa kanya ang pag-aalala.

"Wala Kuya! Dahil sa pagod lang siguro." Pagdadahilan ko sa kanya habang tumingin ako sa labas ng bintana.

"Pagod? Hey, nakaupo lang tayo Dito oh. Look paano ka napagod sa lagay na yan?" Pagtatanong nito sa akin habang nakataas Ang kilay nito sa akin.

"It's none your business kuya! Okay lang ako. Isa pang tanong babatukan kita d'yan eh." Pananakot ko sa kanya habang tinataasan ng kilay.

"Kakauwi ko lang ginaganyan muna ako. Nagtatanong lang eh." Pagpapacute nito sa akin ngunit inirapan ko lang ito sabay tumingin na ako sa bintana.

"Mommy, si Kuya at SI Ate nag aaway!" Pasigaw na sinabi ni Angelie upang marinig nila Mommy at Daddy.

"Darylle at Ayeka! Magkapatid kayo, bakit kayo nag-aaway? Pagtatanong sa amin ni Mommy.

"No Mom, nag uusap lang kami ni Ayeka. Beside ganito lang kami mag usap minsan." Pagsisinungaling ni Kuya Kay Mommy habang tumingin sa akin at Nakita ko Rin ng side ng mata ko. Kaya nalaman ko siyang tumingin.

Inaabangan ni Kuya akong mag salita upang sang-ayunan Ang kanyang sinabi ngunit nanatili akong nakatingin lang sa labas ng bintana.

Ilang minuto na lang din ay malapit na Rin kami sa Mall, na Isa naming pag mamay-ari.

Andito na kami sa parking lot, at sa fire exit daw kami dadaan upang Hindi pagkaguluhan ng mga tao.

Hindi ko na rin inisip pa ang bad dreams ko kanina dahil Hindi naman yun tunay at malabo ring mangyari.

Habang naglalakad kami patungo sa loob, agad kaming pinorektahan ng mga body guards sa mga tao.

"Shit sobrang ganda ni Ayeka!" rinig kong Sabi ng Isang babae na halos kiligin sa sinabi.

"Mala-dyosa talaga Ang kagandahan niya." rinig kong pag sang-ayon ng isa pang babae.

Mabagal lang Ang paglalakad namin papasok bumabati rin Ang mga staff ng mall.

Tudo ngiti Sila sa amin at lalo na Rin kay Kuya na halos malaglag Ang mga panty nila.

"Darylle, Ang gwapo mo. Anakan mo ako!" Sigaw ng Isang babae na rinig na rinig ko at lahat kami na naroroon.

Gumamit pa siya ng speaker with mic kaya Naman halos lahat ng taong andito narinig ito.

"Damn! mukha na akong barako." inis na bulong nito ngunit mahina lang na halos kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Tumawa na lang ako sa isip ko at pinagpatuloy ang paglalakad.

Naririnig namin Ang mga hiyawan, mga babaeng kinikilig, at pati Rin Ang mga lalaki Nakita Rin naming kiligin.

"Buongiorno Signor Sy!" bungad na Sabi sa amin ng Magandang babae. maputi, matangkad, matangos Ang ilong, at maganda rin ngumiti. Halos lahat ng ngipin ay maputi.

"Anche buongiorno signorina Lara! Naka ready na ba Ang pinareserve kong table?" Pagtatanong ng daddy ko dito sa babae habang nakahawak sa kanyq SI Mommy.

Tumingin na lang ako sa paligid kung nasaan na kami and andito pala kami sa isang kilalang restaurant.

Isa itong modern trattoria na ang mga inihahain na pagkain ay Italian Dishes.

Maaliwalaa tingnan at tanging mga nakikita sa loob ay halos mga naka formal ang mga suot.

Pagkatapos ni Daddy kausapin yung babae, siya na Rin nag assist sa amin upang puntahan namin Ang table namin.

"Buongiorno Signor Sy! Ecco il nostro menù." Masayang sabi nito sa amin sabay inabot Ang mga menu sa amin.

Mga Pilipino rin sila, ngunit nagtuto sila ng mga basic Italian language upang makahikayat sila ng mga customer.

Habang namimili sila sa menu nag paalam lang ako pupunta ng bathroom.

"Mom, dad punta lang ako sa bathroom." Pagpaalam ko sa kanila sabay tumayo na ako.

Nag pa-assist ako sa Isang staff kung saan Ang bathroom Dito at sinabi nila agad ito.

Tumungo na ako sa bathroom upang maka ihi then after kung umihi lumabas na ako at nag salamin.

Pagkalabas ko ng bathroom may mga ilang babaeng naghihintay sa akin upang kumuha ng litrato na kasama ako.

1..2..3..

smile

click!

Pagtapos nilang mag papicture agad na akong tumungo sa table namin at may nabangga akong isang lalaki na may dalang kape.

"What the hell!" inis kong sigaw sa kanya. At nataranta Naman ito sa gagawin niya.

Wait, Kape ba Ang Dala niya? takang tanong ko sa isip ko.

Nagtataka ako dahil hindi ito café pero may kapeng napadpad Dito.

Buti na lang hindi gaano ito ka init. at biglang nabago ang mood ko dahil sa lalaking ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status