Share

CHAPTER 4

Someone's Pov

"What the hell!" inis na sabi nito akin. Natapunan ko ng siya ng dala Dala kong Kape.

Na tranta ako dahil Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Pwede ba wag kang tatanga tanga sa dinadaanan mo." Mahinang sabi nito sa akin habang nakunot ang noo nito.

"Okay, I'm really sorry Miss!" Paghingi ko ng dispensya sa kanya. ako talaga Ang may kasalanan naglalakad ako habang nag cellphone at patungo ako sa cr.

Kape lover ako kaya't may naligaw na kape Dito dahil nagpabili ako sa Isa naming kasama sa Starbucks. Sinabi ko sa kanila na hindi aki makakain ng maayos kapag wala akong matitikman na kape.

Hindi na lang ito umimik pa at umalis na lamang habang pinupunasaan Ang natapunan ko.

Nahiya ako sa inasta ko dapat pupunasan ko sana siya kanina pero inagaw niya Yung hawak na tissueng binigay sa amin ng Isang staff dito.

Nasa parteng dibdib rin niya Ang nasa kaya't na isip kong wag na lang at baka mapagbintangan pa akong manyakis.

Dumiretso na lang ako sa cr para umihi. Habang umiihi ako may napansin akong pumasok na lalaki na halos ang lahat ng kanyang suot ay kulay black.

Leather na jacket at gayundin Ang kanyang pang ibaba. Binaling ko na lang ang aking atensyon sa ginagawa ko. Paglingon ko nawala agad ito na walang ano mang yabag ng paaalis na tao akong narinig at gayundin sa pagsara ng pinto.

Dali dali na akong lumabas ng cr upang tingnan kung sino ang lalaking Yun. Ngunit sa paglabaa ko wala akong Naabutan kaya Naman bumalik na ako sa table namin.

Ayeka's Pov

"Ayeka, napaano ka?" Pag-alalang tanong sa akin ni Mommy habang nakatingin silang lahat sa akin.

Habang naglalakad ako pinupunasan ko ang natapunan na kape ng lalaking yun.

Wala man lang ka gentleman sa katawan ng lalaking yun. tsk! Sabi ko na lang sa isip ko.

"May nakabangga sa akin isang lalaki na may hawak na kape." Walang gana Kong Sabi sa kanila at upo na ako.

"What? are you okay? Hindi ba nalapnos ang balat mo?" Pag aalang tanong sa akin ni Mommy habang hinahawakan ako nito sa kamay ko.

"Yeah Mom, I'm okay! Atsaka Hindi Naman mainit yung kape niya. And hindi na ako nakipagtalo umalis na lang ako para walang scandalong mangyari." Paliwanag na Sabi ko sa kanilang habang inilalagay ako Ang napkin table sa lap ko.

Dumating na Rin ang aming pagkain at kumain na Rin kami. Tahimik kaming kumakain at biglang nagsalita SI Kuya.

"Kamusta Ang business ninyo Mom ni Dad?" Pagtatanong ni Kuya habang sumusubo ng steak.

"Actually nagkaroon ng problema, inayos na namin ng dad mo kaya busy kami lately." Masayang paliwanag ni Mommy habang naghihiwa ng steak.

"Darylle, need ka na namin turuan sa pagnenegosyo para ikaw na Ang humawak ng iba pa nating business." Sabi ni Dad Kay Kuya. Pagtingin ko kay Kuya nakakunot Ang noo nito Para bang hindi siya sang-ayon sa sinasabi ni Dad.

Kumakain lang kami ni Angelie habang nakikinig sa usapan nila. Ngunit taka akong walang tugon SI kUya Kay dad kaya't pinagpatuloy na lang ni dad ang kinakain nito.

"Mommy, pwede ba akong mag play mamaya?" Pagtatanong ni Angelie kay Mommy habang pabulong itong sinabi ngunit rinig din naming lahat.

"Yes baby, finish your food first okay?" Pagsang ayon ni Mommy sa tanong ni Angelie.

Pagtapos naming kumain pumunta Naman kami sa mga laruan ng mga bata. Madaming naglalari ngunit sanay si Angelie makipaglaro sa na para bang normal na bata, tingin nila sa kanya ay isang bata na uhaw makipaglaro . Kahit na Kilala nila ito hindi nila iniisip na anak siya ng may ari ng mall kundi ang tingin nila kapwa bata rin nila.

Dito lang nakakapaglaro si Angelie dahil nga busy kami at na iisip ko Rin na ang lungkot maging bunso, sabihin na natin nabibigay Ang lahat ng gusto ng Isang bunso ngunit Hindi pa rin Yun sapat para sa kanila. Ang kailangan nila atensyon ng magulang o kaya Naman ng mga kapatid.

Pinagmamasdan naming lahat si Angelie Ang saya ng bawat ngiti niya na para bang walang katapusang kasiyahan para sa kanya.

"Mom, punta lang ako sa gucci store."Pagpapaalam ko kay Mommy habang nanonood Sila ni Dad kay Angelie.

"Go ahead!" Pagpayag nito sa akin sabay nag kiss ako sa kanya Bago ako umalis.

Napansin kong nawala pala si kUya sa tabi ko ng Hindi ko manlang namamalayan. Hinanap ito ng mga mata ko ngunit Hindi ko ito Makita.

Lumabas na ako sa playground and Nakita ko si kUya. Maraming nagpapa picture sa kanya.

May lumapit na din sa akin habang nakatayo ako dito.

"Hi, Miss Ayeka! Pwede po bang pa picture?" Masayang pagtatanong nito sa akin habang hawak hawak ang kanyang cellphone

"Sure!" Pagpayag ko sa kanya sabay ngumiti na ako sa camera.

Ilang body guards ay nasa likod ko lamang, sinabihan ko Sila na hayaan ang mga tao na lumalapit sa akin. Ayoko rin harangin ng mga body guards ang mga fans ko dahil mahal ko sila at Hindi magiging successful ako bilang isang model ng dahil sa kanila.

"Thank you!" Pagpapasalamat ng babaeng nagpa picture sa akin.

Pagtingin ko kung saan naka pwesto kanina si Kuya nawala na ito sa kinatatayuan niya.

Hinanap siya ng mata ko at Hindi ko ito mahagilap.

Tumungo na lang ako sa gucci store at alam ko na kung asan si Kuya kaya't Hindi na ako nag alala pa.

"Good day Ma'am Ayeka!" Masayang pagbati ng Isang stuff Dito sabay ngumiti lang ako. Pinaiwan ko ang mga body guards sa labas ng store upang doon na lang nila ako hintayin.

Habang namimili ako may mga babae na nag uusap sa likuran ko. Hindi nila ako napansin dahil sa mga chismisan nila.

"Andito daw ang mga Sy." Rinig kong Sabi niya sa mga kasama niya habang ako namimili ng mga bag.

"I don't care if nandito sila. Hello Hindi sila mga Santo para sambahin ng ibang tao Dito sa mall." Pagtataray na sabi ng isang babae habang namimili ng bag.

"Actually ang cheap nga nung suot ni Ayeka. Kita ninyo Yun?" Pagtatanong nito sa mga kasama niya.

"Sobrang cheap, duh!" Rinig kong Sabi nung isang babae na nagpanggap na nagsusuka.

Hindi ko na natiis Ang panlalait nila at sumagot na ako.

"Sinong cheap?" Pagtatanong ko sa kanila at nagulat Sila na halos namumutla at Hindi Maka imik.

"W-a-l-a!" Utal na Sabi nito sa akin habang nakatingin sa akin ng diretso.

"If na ako yung cheap, eh ano pa yang sayo?" Mataray na sabi ko dito habang tinitingnan ko mula ulo hanggang paa.

Nag senyas ako sa mga stuff na kumuha ng salamin ng whole body upang maipakita ko sa kanila kung sino ang mas cheap sa aming apat.

"Look, andito na Yung magpapatunay kung sino ang cheap sa ating apat." Sabi ko sa kanila habang nakangiti ng nakakaloko.

Hindi Sila Maka imik at nanatili sila sa kanilang pwesto.

Tiningnan ko ang aking sarili at yung tatlo kong kasama. Halos Makita ko sa salamin Ang pamumutla nila.

"Ano Hindi kayo makapag salita!" Inis kong sabi sa kanila at halata kong nanginginig sila.

"If na manglalait kayo, tingin muna kayo sa salamin huh baka Kasi kayo Yung nag reflect sa nilalait ninyo. Kayo mismo Ang nag describe sa sarili ninyo." Mataray na sabi ko sa kanila habang nakataas ang aking kilay.

"Sorry!" Paghingi ng dispensa ng Isang babae sa akin habang nakatingin sa aking mata.

"Hindi ko ramdam na sincere ka, you know ang pag hingi ng sorry mula sa puso." Mahinahon na sabi ko dito habang ito'y nakatungo.

"Wag ka ngang humingi ng sorry Isang katulad niya. Anak rin tayo ng mayayaman na tulad niya." Rinig kong Sabi nito sa Isang babae na humihingi ng tawad sa akin.

"Hindi Naman porket Isa kayo sa mayaman sa bansang ito Hindi na kayo hihingi ng sorry! Sobrang toxic Naman ata ng utak mo." seryosong sabi ko sa kanya habang tinataasan ng kilay.

"Sinong toxic sa atin? nangunguna lang kayo sa richest list dito sa ating bansa. Nag mamaganda ka na." Inis na sabi nito sa akin habang naka cross arm at diretsyang nakatingin sa akin.

"Anong konektado ng kagandahan ko sa richest list na yan. IFY Mukha ang tinitingnan Hindi Ang yaman. Tsk idiot!" Pang aasar na sabi ko sa kanya.

"Sobra ka na sa pang iinsulto ah!" Galit na sabi nito sa akin habang matalim Ang tingin nito sa akin.

"Hindi insulto yun, reyalidad Yun." Pang aasar na sabi ko sa kanya habang nka cross arm.

Akmang susugurin ako at nakailag Naman ako sa gagawin nila.

"Sumusobra ka na!" Galit na galit na Sabi nito sa akin

Napatingin ako sa labas ng store at nagkukumpulan na Ang mga tao. Habang Ang mga body guards na Kasama ko, nakaharang s mga ito. Halos Hindi rin kami makita Dito tanging Ang mga stuff lamang ang nanonood sa amin.

Pasugod na siya sa kinatatayuan ko at hinila ko Yung whole body na salamin kaya doon siya tumama at nabasag ito.

"What the hell are you doing!" Galit na sabi nito sa akin habang nasa sahig ito at pinag uupuan niya ang mga nabasag na bubog.

Dumugo ang noo nito at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit tuwang tuwa ang sistema ko na makakita ng dugo.

Dumadami na rin Ang dugo sa sahig, atsaka lumapit Ang mga stuff sa amin.

Dinala nila sa hospital yung babae at heto ako tulala sa dugo na halos di ako makapaniwala sa aking nagawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status