Share

CHAPTER 1

AYEKA'S

POV

"Queen Please h'wag! " nagmamakaawang sabit nito sa akin

"Hahahahhaha! ako maaawa sa isang katulad mo! wala sa bokabularyo ko ang salitang maawa!" sabi ko dito habang dahan dahan akong palapit sa kanya.

"Please Queen! Sorry kung kinalaban kita, Sorry please! " sabay luhod nito sa harapan ko.

"Sorry! tumatanggap ba ako niyang salitang yan. hahah asa ka!" biglang putok ko ng baril sa noo niya.

Natumba  ito ng patihaya at nilapitan ko  ito.  Umaagos sa mukha niya  ang dugo na nagmumula sa noo nito. 

Naliligo ito sa mismong dugo niya.Kitang kita ko sa mga mata niya ang sarili ko. At biglang  nagsalita ang aking nasa likuran.

"Dating gawi. Ako ng bahala sa kalat mo." Masayang sabi nito sa akin habang nakatingin sa lalaking naka handusay. 

"Ayeka!" tawag sa akin ni Mommy habang kumakatok sa pinto ko.

"Po Mommy!" sabi ko dito habang naka higa sa aking malambot at malaking kama.

"Dinalhan kita ng breakfast mo. D'yan ka na lang kumain, tapos na kaming kumain ng breakfast ng daddy mo." Sambit nito habang nasa labas pa ito ng pinto. 

"Sge Mom! come in" maikling sabi ko habang nakatingin ako sa kanya sa pagpasok.

"Tanghali ka nanaman gumising! ano bang ginawa mo kagabi? at parang puyat na puyat ka!" Panenermon na sabi nito sa akin habang nilalagay sa tabi ko ang mga pagkain.

"Ah wala Mom! nag f******k lang ako kagabi hindi ko na malayan ang oras kanina 4:00 A.M. na pala! " pagdadahilan ko dito habang sumusubo ng pagkain.

Sana hindi mahalata ni Mommy na may iba pa akong ginawa kagabi. Sabi ko na lang sa isip ko.

"Ah s'ge tapusin muna yan, baba muna ako saglit may aayusin lang ako sa baba. " Pagpaalam ni Mommy sa akin habang umalis sa pagkaka upo nito sa gilid ng kama ko.

By the way isa kami sa mayayaman na negosyante dito sa Pilipinas. Isa rin akong model sa mga magazine. Maraming gustong kumuha sa akin para daw bumenta ang kanilang produkto ngunit kunti na lang tinanggap ko dahil busy rin ako sa pag aaral ko. 

"Ayeka tapos kana ba dyan?" Bungad sa akin ni Mommy at hindi ko namalayan na nakabukas pala ang pinto ko.

"Oo Mom!" maikling sagot ko dito habang papalapit sa akin. 

"Atsaka nga pala in-enrol ka na namin ni Dad mo sa dati mong school." Sabi nito sa akin habang inaayos ang pinagkainan ko.

Tinulungan ko na rin si Mommy para matapos agad sa ginawa niya. At ako rin naman ang kumain kaya't nahihiya rin akong ayusin niya ito. 

Mayaman kami ngunit hindi ibig sabihin nun hindi na rin kami gagawa ng mga gawaing bahay. Mas mabuti na rin yung mga alam ka sa mga gawaing bahay kahit mayaman ka dahil bilang tao hindi rin sa lahat ng oras andyan sila. Mas maganda ring kumilos ng hindi inaasa sa iba.

"Nakita ninyo yung schedule ko?" Pagtatanong ko kay Mommy habang naka upo sa kama ko.

Ang school na pinapasukan ko ay halos puro artista at model ng Pilipinas  ang pumapasok roon kaya't walang lumalabas na kahit picture namin sa social media na pumapasok kami sa school na yun dahil isa na rin yun sa rules ng school na kailangan respetuhin ng mga media.

"Yeah! later send ko sa'yo after natin pumunta ng mall." Masayang sabi nito sa akin at sabay tumayo na rin sa pagkakaupo nito at kinuha na yung tray na pinaglagyan ng pagkain ko.

"I'm so excited Mom! Ngayon lang ulit tayo buo, I mean lalabas ng kumpleto." Masayang sabi ko sa kanya. 

" Mag ready ka  na  aalis na tayo pagdating ni Kuya mo. " Sabi nito sabay ngumiti ng sobrang tamis. 

"What? Andito sa Kuya?" Pagpapahangha kong pagtatanong kay Mommy. 

Ngumiti lang ito at sabay kumindat  at lumabas na ng kwarto ko. 

It's been a years ng umalis si Kuya dito sa bahay nag aral siya sa ibang bansa upang malaman din niya ang mga pamumuhay ng mga tao doon. 

~CHRISTELLE

ANNE CALLING~

"Heyyyyyy

besssyyyyyy!!!" nakakarinding bungad nito sa akin mula sa kabilang linya. Nakatapat pa naman sa tenga ko kaya sobrang narindi ako. Ngunit hinabaan ko na lang ang pasensya ko.

" Oh anu nanaman?" maiklling sagot ko dito habang sa naka smirk na hindi niya nakikita.

12 years na kaming magkaibigan halos magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa nito halos mapagkamalan na kaming magkamukha nito dahil araw araw ko itong kasama noon pa ,symepre mas maganda ako kaysa sa kanya. Siya ang number one kong supporter pagdating sa pagmomodel ko halos isigaw niya sa buong mundo ang pangalan ko at nakakatouch dahil may isa akong kaibigan na katulad niya na wala na halos makapapantay sa kanya kaysa sa mga nakakasama ko sa tournament, may gustong makipagkaibigan sa akin doon sa mundong yun kasi gusto nila may maging takot rin sa knila dahil nga daw kaibigan ako tssskkkkk wala pa sa kalingkingan ng bestfriend ko ang pag uugali nila halos lahat doon ay demonyo ang ugali syempre kasama rin ako doon pero may mabuting puso pa rin naman ako sa mga taong karapatdapat tulungan .

"Bessy nakikinig ka ba sakin?" Pagtatanong sa akin ng nasa kabilang linya. 

"Sorry, ano nga ulit yun?" Pagpapaulit na tanong ko sa kanya. 

"Hayst! wag na nga lang marami ka atang iniisip ngayon." Malungkot na sabi nito ngunit kahit magkalayo kami ay ramdam ko ang pagkadismaya nito sa akin. 

"Wala naman akong iniisip atska hello!! Nakakabawas ng ganda yun" pabirong sabi ko sa kanya habang tumatawa ng mahina. 

Yes naniniwala ako minsan ang iniisip natin kapag nalunod tayo nakaka wala din ng magandang mood sa isang tao kaya possible na ma apektuhan din ang physical appearance natin sapagkat maaaring iritado tayo or malungkot. Kaya't kapag may iniisip tayo maging problema man yan wag na natin pagtuunan ng pansin sapagkat may solusyon d'yan.

"Ganun ba yun kaya ang pangit ko kasi iniisip ko ang mga problema dito sa bahay alam muna hindi ako katulad mong RICH KID" malungkot na sabi nito sa akin at halata ko sa mga mata nito ang kalungkutan na kanyang nararamdaman. Kahit na nasa kabilang linya siya ay ramdam ko ang bigat na pasanin sa buhay.

Mahirap lang ang bestfriend ko pero kapag wala siyang pera ako na ang bumibili ng pangangailangan nila. Tinutulungan ko silang makaahon rin sa hirap ang kaso lang ay mahiyain itong bestfriend ko kahit ilang years na kaming magkasama 2 beses pa lang siyang humihingi sa akin ng tulong wala daw silang pangkain, minsan ay hindi na niya tinatanggap ang mga binibigay ko dahil hiyang hiya na daw siya sa akin paaral siya ng magulang ko dahil sobrang talino nito at oo minsan talo ako nito pero hindi yun naghandang sa pagkakaibigan namin kahit mahirap siya atleast tunay siya at hindi niya ako ginagamit para lang may pangkain sila dahil kusa naman akong nagbibigay sa kanya.

"Ano bang problema ng bessy kung yan?"  Pagtatanong ko ulit habang nakatingin ako sa kisame. 

May na isip rin akong ikakasaya nito kaya naman mas na isip ko munang pakinggan ang problema nito.

"Ah wala mababaw na dahilan lang bessy." pagbubulaan nito sa akin na alam ko ang totoong dahilan dahil na rin sa pagkakatono niya ay mahahalata mo talagang may problema.

"Ano nga kas,i sige ka magtatampo ako!" Pananakot ko sa kanya upang umamin kung ano nga ba ang problema nito.

"An-no ka-kasi diba malapit nanaman ang pasukan alam muna wala nanaman akong pambili ng gamit" pagpapaliwanag nito sa akin at halata sa tono niya na para siyang nalulumo. Iniisip rin niya if na wala siyang gamit for school possible na wala rin siyang gagamitin.

"Ah yan lang ba, sge ako na ang sasagot ng lahat ng gamit mo." Masayang sabi ko dito at rinig ko sa kabilang linya ang pag ngiti niya ng matamis. 

"Hindi ba nakakahiya naman. Ikaw na rin sumagot noong last year!"Tugon naman nito.

"Ano ka ba! diba sabi ko sayo mag sasabi ka lang kapag may problema ka. " Sagot ko naman sa kanya ng nasa malambing na tono. 

"Hayst! oo na dahil makulit ka rin at hindi mko tatantanan kapag hindi ko yan tinanggap yang offer mo pero sobrang thankful ako dahil may isang bestfriend akong katulad mo model na , mayaman pa at mabait pa" Pambobolang sabi nito sa akin. 

"Sus! Nang bola pa eh" Pabirong sabi ko dito. Habang nag papaikot ako ng buhok ko.

Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil siya lamang ang palaging nagsasabi nyan  sa akin. Kadalasan na naririnig ko sa ibang tao ay masungit at mataray daw ako. 

Wari ko first impression lang nila ito sa akin. 

"Hala hindi ah! tunay naman kasi wag kang pa humble." Seryosong sabi nito sa akin habang tumatawa ako ng malakas.

"Oo na lang. By the way, andito na daw si Kuya ." Masayang sabi ko sa kanya. 

"Wahhh! Di nga seryoso?" Pagtatanong nito sa akin na may halong excitement sa sinabi nito

"Nabanggit lang sa akin ni Mommy, pero balitaan kita kapag nakita ko na siya." Masayang sabi ko sa kanya. 

"Sendan mo ako ng picture, titingnan ko lang kung pangit pa rin. HAHAHA!" Halakhak na sabi nito mula sa kabilang linya. 

"Pangit pala ah! Pero minahal mo?" Pagtatanong ko sa kanya ng diretshan habang naka ngisi ako. 

"Bye na may gagawin na pala  ako!" Pagpapalusot nito sabay pinatay na ang tawag.

Humalakhak ako ng tawa sabay binaba ko na ang cellphone ko. 

Palagi na lang siyang umiiwas kapag tinatanong ko na siya tungkol doon. Sabi ko na lang sa isip ko.

Tok   Tok 

Napatigil ako sa pag-iisip ko ng biglang may kumatok sa pinto

"Sino yan?" Pagtatanong ko mula sa labas ng pinto ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kabila. 

Kaya't tumayo ako upang tingnan ito pagbukas ko , wala akong nakitang tao. Tumingin pa ako sa kaliwa at kanan ko upang masiguro ko na wala talagang tao. 

Ngunit nagtaka na ako na wala akong nakita. 

Sino ka?  Anong kailangan  mo  sa akin? Mga tanong sa isip ko. At pumasok na ulit  ako sa loob ng kwarto ko upang maligo . 

Habang naliligo ako nagtataka pa rin ako kung sino ang kumatok sa aking pinto. Akala ko noong una ay si Kuya dahil mdalas niya itong gawin tuwing uuwi siya. Ngunit ngayon ay may bumabagabag sa dibdib ko na hindi mapaliwanag.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status