Tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Arc sa screen. Kumabog ang dibdib ko bago ako tumingin kay Lovely. “Ikaw na ang sumagot. Sabihin mo nasa banyo ako,” sabi ko habang inaabot sa kanya ang phone ko. Agad siyang umiling. “Luh! Ayoko nga! Gwapo ‘yang step-brother mo pero nakakatakot siya. Baka magalit siya kapag nalamang nagsisinungaling ako—”“Lovely, please. Ngayon lang ‘to promise.”Tumitig siya sa akin bago bumuntonghininga. “Fine. Ngayon lang ‘to ha?”Tumango ako. Kinuha niya ang phone ko at sinagot ang tawag. Nilagay niya pa ‘yon sa loud speaker para marinig ko. “Lian, where are you? I haven’t seen you the whole day and now, your mom told me that you are in your friend's house.”“Hello?” alanganing sabi ni Lovely. “Kaibigan ‘to ni Lian. Nasa banyo kasi siya kaya ako na ang sumagot. Huwag kang mag-alala, sasabihin ko na lang na tumawag ka.”Sandaling tumahimik sa kabilang linya kaya nagkatinginan na naman kami ni Lovely. Sumesenyas siya na kinakabahan siya pero tip
“I know that something is bothering you so I thought that maybe you need this to unwind,” he said.Nangilid ang luha sa mga mata ko kaya kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam na napansin niya pala iyon. Sobrang halata ko ba o matalas lang talaga ang pakiramdam niya?“I want you to tell me everything but I don’t want to force you. Gusto kong kusa kang magsabi sa akin. Gusto kong malaman ang lahat ng iniisip mo.”Sumandal ako sa kanya bago bumuntonghininga. “Paano mo naman nalaman na marami akong iniisip? Manghuhula ka ba?”Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Mas ramdam ko ang init ngayon dahil sa yakap niya. Nanatili akong nakatanaw sa ibaba habang hinihintay ang sagot niya.“Well, I can feel it. I can notice even the smallest change in you. The tone of your voice, the way your eyes change emotions, and whenever you’re distancing yourself from me.”Nilingon ko siya at nagtama ang paningin naming dalawa. Mula sa mata ko ay bumaba ang paningin niya sa labi ko. Pero agad ding bumalik
Hindi ako sigurado kung para sa akin ba ang mensahe na iyon pero natakot ako. Kung para sa akin nga iyon, sino naman ang gagawa? Wala naman akong kilalang may galit sa akin. Sa sobrang takot ay tumakbo ako palabas ng restroom. Nakabungguan ko pa si Arc dahil sa pagmamadali ko.“Hey. Are you okay? Bakit parang natataranta ka?” nag-aalalang tanong niya at sumulyap pa siya sa likuran ko.Huminga ako nang malalim bago umiling. “W-Wala. Halika na, umalis na tayo.”Hindi ko na sasabihin sa kanya ang totoo. Alam ko kung gaano siya ka-protective sa akin. Kapag nalaman niya ang nangyari, sigurado akong magpapa-imbestiga pa siya. Tinitigan niya pa ako saglit bago siya tumango. Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami ng club. Tuluyan akong nakahinga nang maluwag nang nasa biyahe na ulit kami. Hindi pa kami nakakalayo nang biglang bumuhos ang ulan. Hininto ni Arc ang motor sa harap ng isang tindahan at nauna na akong bumaba. “Sumilong muna tayo. Baka magkasakit ka,” sabi ni Arc. Pinagm
Halos hindi ko na maalala kung kailan huling nasaktan nang sobra ang puso ko. Nakalimutan ko na nga iyong sakit nang mahuli kong nambabae si Anton. Pero ngayon...para na namang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko. Habang pinagmamasdan kong yakapin si Arc ng first love niya, para akong kakapusin ng hininga.Masakit. Nakakadurog ng puso. At nakakatakot. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Nakatulala lang ako sa kanilang dalawa. Parang sa isang iglap, naging hangin na lang ako. Ang pangyayaring kinatatakutan ko, naganap na. At wala akong magawa kundi ang panoorin silang dalawa.Ito na ba? Ito na ba ang senyales ng tadhana na hindi kami ni Arc ang para sa isa’t isa? Sa ganitong paraan niya ba ako ginigising sa katotohanan?Tiningnan ko ang kamay ko na kanina lang ay hawak ni Arc. Hindi ko napigilan ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ko. Bago pa ako tuluyang bumigay ay tumakbo na ako papasok sa loob ng mansyon.Nasalubong ko si mama sa sala pero hindi ko siya pinansin.“L
“Lian, buksan mo ‘to! Mag-usap tayong dalawa.”Hindi ko pinansin ang pagtawag ni mama sa akin. Kinuha ko ang maleta ko at inilagay doon ang mga damit ko. Walang awat sa pagdaloy ang luha ko. Mayamaya lang ay bumukas ang pinto at pumasok doon si mama. Siguro ay gumamit siya ng duplicate key kaya nakapasok siya sa kwarto ko.“Ano’ng ginagawa mo? Bakit ka nag-iimpake?”gulat na tanong ni mama.Inagaw niya sa akin ang ibang damit na hawak ko. Tumigil ako at tiningnan si mama.“Lian, ano ba ang nangyayari sa ‘yo?” nag-aalalang tanong niya.“Hindi po ba kayo naniniwala sa akin? Totoo po ang sinabi ko kanina. Sinisiraan po kayo ni Kira. Nasaktan po ako sa sinabi nila tungkol sa ‘yo kaya nasaktan ko siya.”Hinaplos ni mama ang pisngi ko. “Alam ko, anak. Naniniwala ako sa sinasabi mo. Pero hindi mo na sila kailangang patulan. Mas malala pa iyong ibang naririnig ko sa trabaho pero hindi ko na lang sila pinapakinggan. Dahil alam ko ang totoo at alam ng Tito Rayver mo na mahal ko siya.”Umiling a
WARNING: R18+Hinayaan ko siyang yakapin ako hanggang sa siya na mismo ang lumayo. Napansin niya rin siguro na hindi ako gumagalaw kaya nagtataka niya akong tiningnan.“Why? You don’t miss me?” he asked.Ngumiti ako. “Of course, I missed you.”“Then why are you not hugging me back?”“Gusto ko kasing i-enjoy ang yakap mo. Mukhang matagal pa bago mo ulit ako mayayakap,” sambit ko.Kumunot ang noo niya. Ang cute niya talaga kapag naguguluhan. Kumukunot nang husto ang noo niya. Nagsasalubong ang mga kilay niya at lumiliit ang kanyang mata. “What do you mean? Wala ka na bang balak na bumalik sa bahay?” tanong niya.Tipid akong ngumiti bago tumango. “Hindi na ako babalik sa mansyon. Mas mabuti na siguro na humiwalay ako ng tirahan. Alam ko namang hindi ako gusto ng mga kasambahay ninyo.”Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isa naman ay pinanghaplos niya sa pisngi ko. “I can do something about th
“Alam kong kaya pa din kitang kunin at alam kong hindi mo pa ako nakakalimutan.”Iyon ang mga huling sinabi ni Shiela bago siya umalis. Lumabas na rin kaagad ang secretary ni Arc kaya kaming dalawa na lang ang naiwan. Nakatulala ako sa may pinto habang iniisip ang sinabi ng babaeng ‘yon. Sa tono ng pananalita niya, siguradong-sigurado siya na maaagaw niya si Arc sa akin. Para bang alam na alam niyang hindi pa nakaka-move on sa kanya si Arc. Pumunta sa harapan ko si Arc kaya napatingin ako sa kanya. Bakas na naman ang pag-aalala sa kanyang mukha.“What are you thinking? Don’t believe whatever she said. You trust me, right?” he asked.I smiled then nodded. “Yes. Sa ‘yo lang ako maniniwala at hindi sa babaeng ‘yon.”He caressed my cheek. “Don’t think about anything else. Just trust me. I will never hurt you.”I trust him. I really do. Damn. I even trust him more than I trust myself. And that’s why I know that I’m in deep trouble. Alam ko kasi sa puso ko na kahit anong sabihin niya, han
Tahimik ako habang nasa biyahe papunta sa condo ni Arc. Hindi ko nga namalayang nakarating na kami kung hindi pa niya ako pinagbuksan ng pinto. Siya na rin ang nagtanggal ng seatbelt ko at inalalayan niya pa akong bumaba ng sasakyan.Naglakad kami papunta sa may elevator pero pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Luminga-linga ako sa paligid pero wala naman akong ibang nakita.“Are you okay?” Arc asked.Umiling ako. “Natatakot ako. Paano kung masundan ako dito no’ng stalker ko?”“That’s not gonna happen. This building has a high security level. Hindi basta-basta nakakapasok ang ibang tao dito. Aside from that, my bodyguards are also roaming around. Kaya huwag ka nang matakot.”Kinagat ko ang labi ko bago tumango. Sumakay kami sa elevator at itinapat niya ang kanyang card doon sa scanner para umandar ito. Ilang segundo lang ay nakarating na kami kaagad sa penthouse. Wala namang ipinagkaiba ito mula noong huli akong pumunta dito. Sabagay, nasa mansyon naman si Arc madalas kaya walang g