Share

Chapter 61

“Hindi na ako makikipagkita sa inyo ni Arc. Pero handa akong pagbayaran ang mga kasalanan ko. Kung magsasampa kayo ng demanda, handa akong harapin ‘yon.”

Umiling ako. “Para saan pa? Dalawang taon na ang lumipas. Siguro naman natuto ka na sa mga pagkakamali mo.”

Ayaw ko nang ungkatin pa ang mga nangyari. Lahat kami ay nagmahal lang. Lahat naging biktima ng pag-ibig. Ang pagkakamali lang nila, masyado silang nagpabulag sa pagmamahal. Nagawa nilang manakit ng ibang tao dahil lang nagmamahal sila.

“Ngayon naiintindihan ko na,” sabi ni Marianne. “Kung bakit mahal na mahal ka ni Arc. Dahil malinis ang puso mo. Hindi ko alam kung paano mo ako nagawang mapatawad. Sa laki ng kasalanan ko sa ‘yo, may karapatan kang isumpa ako.”

Ngumisi ako. “Hindi pa naman kita napapatawad.”

Natigilan siya.

“Ayaw ko lang ungkatin pa ang nakaraan pero hindi pa din kita napapatawad. Hindi ko alam kung kailan pero darating din ang araw na mapapatawad kita.”

Ngumiti siya. “Naiintindihan ko. Sige na, aalis na ako.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status