Share

Chapter 63

Isang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Arc. Nagugutom na ako pero dahil wala pa siya ay hindi muna ako kumain. Gusto kong sabay kami mag-dinner. At gusto ko siya ang magluto para sa akin.

“Lian, doon ka na sa loob maghintay. Lumubog na ang araw kaya lalamig na dito sa labas,” sabi ni mama.

Lumabas kasi ako ng bahay at dito ako sa harap ng pinto umupo habang naghihintay. Gusto ko kasing makita kaagad ang pagdating ni Arc. Naiinip lang din naman ako sa loob.

Umiling ako. “Dito lang po ako. Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko e.”

“Baka nagmamaneho siya kaya hindi niya sinasagot ang tawag mo. Sige na, pumasok na tayo sa loob.”

Sumimangot ako bago tumayo. Papasok na sana kami ni mama nang matanaw ko ang pagpasok ng kotse ni Arc sa gate. Nanlaki ang mga mata ko at pagkahinto pa lang ng sasakyan ay tumakbo kaagad ako patungo sa kanya.

“Arc!” tawag ko sa kanya pagkalabas niya ng sasakyan.

Sinalubong niya kaagad ako nang nakakunot ang noo.

“Don’t run. You’re pregnant s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status