Share

Loving, Ensley
Loving, Ensley
Author: reveeruary

Prologue

T W O  Y E A R S  E A R L I E R

NAGISING si Ensley sa tunog ng kanyang alarm clock, madalas siya nagigising sa ganitong oras para gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin bago pumasok sa kanyang summer job or school.

Kahit nakapikit pa ang kanyang mga mata, sinimulan na niya kapain sa gilid ng kama ang kanina pa niyang alarm clock na tumutunog at nang makapa na niya ito, dali-dali niya ito tinitigan  'alas quatro' ng madaling araw ang nakalagay dito.

Bumuntong hininga siya ng malalim bago niya patayin ang kanyang alarm clock.

Pumikit siya ulit at nag bilang ng tatlong beses bago bumangon na pa-upo sa gilid ng kama habang nakapikit pa rin, nag unat muna siya saglit para magising ang kanyang diwa kahit papaano.

Madalas niya ito gawin sa umaga dahil sa totoo lang, hirap talaga siya gumising pero kailangan niya gumising para maabutan ang pag sikat ng araw.

Ito ang pinaka gusto niyang gawin araw-araw, wala atang araw na hindi niya ito naabutan sumikat. Maliban na lang kapag umuulan. Para sa kanya, isa itong positibong simbolo na nag bibigay ng panibagong pag-asa.

Ang kwarto niya ay puno ng mga halaman at puro walnut wooden din ang mga gamit dito, pero sa totoo talaga lahat ng gamit sa bahay nila ay gawa sa walnut wood.

Tumayo na siya para pumunta sa bathroom niya, nasa kanang bahagi ang kanyang palikuran.

Pag bukas niya ng walnut door, naamoy niya agad ang kanyang paboritong essential oil na rosas. Di malaki ang kanyang palikuran, sakto lang para sa isang kwarto.

Pag pasok agad, makikita na agad ang kabuuan. Puro walnut wood at may mga ilang halaman din. Nasa kanang bahagi ang kanyang salamin at ang kanyang bowl sink.

Nasa kaliwa naman ang toilet bowl at sa gilid neto ay may glass para sa harang papunta sa bathtub, meron din shower stand sa gilid ng glass sa loob. Sa gitna at dulong bahagi ng bathroom andon nakalagay ang bathtub niya. May malaking parang bintana na may halaman sa labas neto pero hindi talaga ito bintana na makikita yung labas, may malagyan lang yung halaman.

Nag simula na siya mag hubad at nilagay sa lagayan ang hinubad niyang damit sa gilid. Dumiretso siya sa kanyang shower stand at doon naligo. Hindi na siya gumamit ng bathtub dahil baka matagalan lang siya dahil knowing her matatagal talaga siya at baka makatulog pa ito.

Madali lang siya naligo. Pag katapos niya maligo, kinuha niya ang kanyang tuwalya nakasabit sa gilid.

Lumabas siya ng bathroom niya habang nakapulot ang tuwalya sa katawan niya.

Dumiretso siya sa walnut wooden cabinet niya at nag hanap ng susuotin. Ang napili niyang suotin ay isang one-piece bathing suit na kulay itim, kita ang likod niya rito at pinatungan niya rin ito ng short na puti.

Hindi siya ganoon katangkaran baka nasa 5'1 nga lang ito, may pagka-chubby din ito kaya may konting insecure din siya sa katawan niya.

May pagkamahaba rin ang kanyang kulay brown na buhok at hindi na rin siya kaputian dahil malapit sa dagat ang kanilang tini-tirahan.

Pag katapos niya mag ayos ng sarili, lumabas na ito ng kwarto niya. Nasa second floor ang mga kwarto nila, kaya kailangan niya pa bumaba sa hagdan.

Nakita niya ang magulang niya na masaya nag-uusap at kumakain ng almusal sa kanilang dining area.

Nginitian niya ang mga ito pag kababa at bumati ng "good morning, ma" at "good morning, pa" at humalik sa pisnge ng mga ito.

"Kakain ka ba ng almusal ngayon o iinom ka na lang muna ng gatas?" sabi ng kanyang mama na si Mila. "Iinom na lang po muna ako ng gatas, ma." sagot niya sa ina.

Pinag timpla siya ng kanyang ina ng gatas at inabot ito sa kanya. Habang umiinom ng gatas, napag-desisyunan niya mag tanong "Ma, Pa, kailan po uuwi sila kuya? Dito po ba sila ulit mag sa-summer?" tanong ni Ensley sa magulang niya.

"Baka bukas daw makauwi si Logan pero si Levi may inaasikaso pa sa trabaho, anak." sagot ng nanay niya.

"Namimiss mo na ba ang mga kuya mo?" tanong ng tatay niya na si Lorenzo na nag kakape at nag babasa ng dyaryo.

"Hindi bale, pag sasabihan ko ang mga kuya mo lalo na si Levi masyadong busy sa kanyang trabaho." habol ng kanyang itay. Ngumiti lang si Ensley sa kanila. "Oo nga pala, Mila? Ano sabi ni Logan?" sunod na sabi ng tatay niya.

Hindi na siya makasunod sa pinag uusapan ng dalawa. Tinapos na niya ang kanyang gatas at nag paalam sa mga magulang na pupunta muna siya sa dalampasigan.

"Anak, after mo diyan. Kumain ka ng almusal." Habol ng kanyang ina. "Opo, ma. Don't worry." Habol na sagot naman neto habang papunta na sa pintuan ng kanilang tahanan.

Pagkalabas ng bahay, pumunta agad siya sa gilid para buksan ang automatic na gripo nila para madiligan ang kanilang mga halaman.

May apat na malalaking taniman na pa-square sa kaliwang gilid ng bahay nila. Iniwan na lang niya naka bukas ang gripo dahil kusa naman ito tumitigil.

Dumiretso na siya sa gate nila at binuksan ito. Nasa tapat lang ng kanilang bahay ang kanilang sariling restaurant.

Sa kaliwang bahagi andon ang stock room nila. Pag tingin niya sa kanan niya, nakita niya si Mang Roberto nag wawalis. Nasa kanang bahagi naman yung garage nila.

"Good morning, Mang Roberto nag almusal na po ba kayo?" bati niya sa matanda.

"Nako iha, good morning at oo nag almusal na ako. Baka ikaw naman iha ang hindi pa nag aalmusal." sabi ni Mang Roberto.

Tinawanan lang siya ni Ensley dahil totoo naman na hindi pa siya nag aalmusal. "Kakain po ako after ko po pumunta sa dalampasigan." sagot ng dalaga.

"Sige po, Manong Roberto mauna na po muna ako." Habol na sabi ni Ensley sa matanda.

Binuksan na niya ang backdoor papuntang kitchen sa resto. Naamoy niya agad ang nilulutong bawang at sibuyas.

"Wow! Ang bango naman po, Chef." Habang tumatawa ang dalaga. Tinawanan din siya ng mga tao roon. May tatlong chef na lalaki sila. Ang una ay ang tatay niya na Head Chef ng resto, si Chef Henry na isang foreigner pero may pusong filipino at ..

"Ikaw talaga Ensley! Ang aga mo na naman." Sabi ng isang chef nila na si Chef Elberto.

"Papunta po akong dalampasigan tito Elberto, si Lucas po pala?" sagot at tanong ni Ensley.

"Baka nasa labas iha, at paki sabi kamo sa kanya na kumain muna siya bago niya gawin yung mga bagay na pinapagawa sa kanya." Bilin ni Elberto sa kaibigan ng anak. "Opo, tito! Mauna na rin po ako."

Ang kanilang kitchen ay may mag kabilaan na cooking area. Meron din na dalawang lamesa sa gitna (di ko alam tawag pero di talaga siya lamesa. Yung mga gamit talaga for restaurant) tapos meron din malaking bintana sa harapan para sa mga orders at sa gilid nito ay may cabinet for supplies. Sa kanan bahagi ang pintuan.

Lumabas si Ensley doon at nang makita niya si Quinn na nasa counter, binati niya ito agad "Hi, Ate Quinn good morning." Habang nag mamadali lumabas.

Tumawa na lang si Quinn dahil ang aga aga netong mag karoon ng enerhiya.

Katulad ng bahay nila ang kanilang restaurant ay gawa rin sa kahoy at may mga halaman din ito sa mga gilid, kung sa titingnan parang malaking tree house ang restaurant nila minus tree nga lang at wala sa itaas.

Ang mga bangko at lamesa ay gawa rin sa walnut wood na pinag-samang brown, black at green ang loob ng kanilang restaurant. Naging ecofriendly ang kanilang resto dahil na rin mahilig ang kanyang mama sa mga halaman at kinahiligan na rin niya.

May mga malalaking bintana rin sa mga gilid para makita ang mga desenyo na halaman na mismong kanyang ina nag-ayos. Sa kanang bahagi ay may pa-L na mataas na lamesa at mataas na mga upuan, nakaharap ito sa bintana.

Nasa gitna ang malaking pintuan at sa kanang gilid naman ay may two-seater na lamesa at sa gitnang bahagi ng kwarto ay may apat na lamesa na tag four-seater at sa kaliwang bahagi ng silid ay may malaking pintuan, papunta sa terrace ng kanilang restaurant.

May tatlong lamesa na tag two-seater ang nandoon for those people who loves to eat outside and to feel the breeze of fresh air and as usual may mga halaman din sa gilid.

Nag mamadaling lumabas si Ensley sa main door ng restaurant at naabutan niya si Lucas na nag didilig sa maliit na hardin nila.

Bago makapasok sa pinaka loob ng restaurant, mapapadaan muna sila sa mini garden ng resto.

Sa tutuusin ang concept ng kanilang restaurant ay parang isang mini forest. May mga maliit na bato sa daanan at sa kanang bahagi ay may lamesa na tag six seater, sa kaliwa naman ay may maliit na pond na may mga gold fish at puro maliliit at malalaking halaman ang nasa paligid, may mga bulaklak din sa paligid.

Nag mamadali si Ensley lumabas para maabutan ang pag sikat ng araw.

"Good morning, Lucas!" Bati ni Ensley habang lakad takbo, nagulat naman si Lucas sa pinag gagawa ng kaibigan at pag lingon niya rito "Ens, naman! Dahan-dahan ka naman at huwag ka tumakbo, para kang bata." Bawing bati ng binata.

Napahinto si Ensley "Hoy! Lucas, dalawang taon lang tanda mo sakin, maka bata ka naman sakin tsaka pala sabi ni tatay mo kumain ka raw muna." Sisimulan na sana niya mag lakad ulit "At mauuna muna ako" habol na sagot ni Ensley.

Napa-iling na lang si Lucas sa mga pinag-gagawa at pinag-sasabi ng kaibigan.

Dumiretso na siya palabas ng restaurant nila habang tumatakbo at huminto siya nang nasa tapat na siya ng restaurant, at tumingin sa kanan nito at sa kaliwa habang naka ngiti, sabay diretso sa dalampasigan na tumatakbo.

Maraming tindahan sa paligid, karamihan nag bubukas pa lang para simulan ang panibagong araw.

Malamig ang simoy ng hangin at gumagalaw din ang kanyang buhok dahil sa hangin. Pa-pasikat na rin ang araw, ang gandang pag masdan nang sikat ng araw.

Lalo na at naririnig din ang pag alon ng dagat, kung mag kakaroon ng pag kakataon na habang buhay siya titira sa tabing dagat. She would gladly accept it without a doubt.

Umupo na siya sa buhangin habang pinag mamasdan sumikat ang araw habang ang tunog ng alon ang kanyang background.

Nakatira sila malapit sa dagat, maraming dumadayo sa lugar nila para mag bakasyon lalo na tuwing ganitong buwan na tag init. Maraming mga restaurant sa paligid, hotel at mga souvenier shops. Sikat ang lugar nila sa kulay puti na buhangin at kulay asul na tubig dagat. May mga ilang water activities din at maraming mga puno sa paligid, katulad ng coconut tree.

Sa sobrang absorb ni Ensley sa tanawin niya, hindi niya napansin ang mag kaka-barkada sa tabi niya. May tatlong binata at dalawang dalaga na kakarating lang para panuorin din ang pag sikat ng araw. Ang mga babae ay kinukuhanan pa nang litrato ang pag sikat ng araw kasama na rin ang magandang scenery nito.

Habang ang mag kakaibigan ay busy sa kanilang sari-sariling ginagawa, ang isa naman na kaibigan nila na lalaki ay napatingin sa babaeng kanina pang naka-upo sa buhangin.

Tinitigan niya ito at hindi niya mawari sa sarili kung bakit hindi niya pa rin inaalis ang pag tingin sa babae. Kahit na sabi ng iba, staring is rude pero hindi niya mapigilan dahil na rin kapag pinag mamasdan niya ang dalaga para itong may sariling mundo, naka ngiti ito pati na rin ang mga mata ng dalaga.

Habang pinag mamasdan ng lalaki ay napapa-kunot na lang siya at madaming tanong ang pumapasok sa kanya na gusto niya itanong sa dalaga. Kung bakit noong una ang peaceful ng mukha nito at mukha siyang contented tapos maya-maya bigla na lang malulungkot ang mga mata nito kahit naka-ngiti ang dalaga tapos bigla ulit babalik sa pagiging peaceful.

Gusto niya malaman kung ano tumatakbo sa utak ng dalaga. Nagulat na lang ang binata nang bigla ito napa-tingin sa gawi nila. Naka-titig na siya ngayon sa mga mata nito at tama nga siya malungkot ang mga mata ng dalaga. Malakas din ang hangin kaya umaalon ang brown na mahaba nitong buhok.

Hindi napansin ni Ensley napatitig na lang siya sa isang lalaki, natulala na naman pala siya at nang maka-balik ito galing sa pag iisip, bumalik siya sa pag tingin sa scenery sa harapan. Naka sikat na ngayon ang araw sa kalangitan at nang mapag tanto na medyo natagalan siya sa dalamapasigan ay tumayo na ito.

Pinag-pagan niya ang pang-upo dahil nalagyan ito ng buhangin at sa huling pag kakataon tumingin ulit siya sa harapan, ngumiti at bumuntong hininga. Tumalikod na siya at dumiretso mag lakad, pabalik sa kanilang restaurant.

Sa kabilang banda naman, nakita ng lalaki ang ginawa ng babae at nang tumalikod ito, sinundan niya ito ng tingin habang nag lalakad ito pabalik at hanggang mag laho na lang ito sa kanyang paningin.

"Xavier, sino tinitingnan mo? Let's go!" sabi ng kaibigan ng binata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status