Share

Chapter 2

"FINE, whatever you want!" sagot ni Dior sa babae sabay tayo nito sa upuan at dumiretso na palabas.

Si Ensley at ang babae na lang ang naiwan, hindi alam ni Ensley kung paano babatiin o tatanungin na ba niya ito kung ano gusto nitong kainin.

Napalingon sa kanya ang babae, medyo nagulat si Ensley at hindi na niya mabilang kung ilang gulat na ba ang naranasan niya sa kanilang dalawang customers.

Minabuti na lang ni Ensley na batiin ang kanilang customer, sa tutuusin maganda ang babae. May long wavy hair ito na kulay itim, maputi at maganda rin ang pangangatawan nito. Mukhang nag babakasyon lang sila rito dahil para itong galing sa mayaman na pamilya at galing Centro.

"Hi! Good morning. Gusto mo na ba mag order?" nakangiti nitong bati at tanong sa babae.

Ngumiti rin ito sa kanya at nakita niya na may maputi at pantay na ngipin ito. "Actually, I don't know what to eat. Yung kapatid ko talaga yung may gusto kumain dito kaso-" putol nito nang may maalala ito. "Nevermind, may ire-recommend ka bang specialty ninyo dito?" patuloy na sabi ng babae.

"We have two best seller foods for lunch menu, Coriander Chicken and Rice and also Broccoli Pesto Chicken and Rice." sagot ni Ensley sa customer habang pinapakita sa menu ang mga sinabi niya na pag kain.

"I'll have the Coriander Chicken and Rice" sagot ng babae. "And a lemonade juice please" habol na sagot nito. Inabot na ng babae kay Ensley yung menu at nginitian ulit siya nito. "Please, excuse me." paalam ni Ensley sa babae para ibigay na ang order nito sa counter.

Dumiretso na agad siya sa loob ng kusina para iabot ang order ng babae sa mga tao sa loob ng kusina.

Pinag patuloy niya ang trabaho niya bilang waiter, kumuha rin siya sa ibang customer ng order at nag linis din sa mga lamesa. Paminsan-minsan kinakausap niya sina Kennedy at Cooper kapag wala itong ginagawa. "Ensley, sayo atang order yon" sabi ni Cooper.

Lumapit agad si Ensley sa counter at kinuha na ang order ng babae para ibigay ito.

Inalapag na niya ang inorder ng babae sa lamesa nito, "Thank you!" Pasasalamat nito sa kaniya. "You're welcome, enjoy your meal and if you need something andon lang ako sa counter." sagot naman ni Ensley habang naka ngiti rito.

Hindi na namalayan ni Ensley ang pag alis ng babae dahil na rin naging busy na siya sa ibang gawain sa resto, bandang tanghali talaga dumadami ang mga customers sa resto kaya lahat ng trabahador ay todo kilos sa mga ginagawa nila.

Bandang alas tres na nang hapon na sila nakakain ng tanghalian, kasabay niya ngayon sina Lucas at Nora. Nasa bahay nila sila nag tatanghalian, kakatapos lang din nang shift ng dalawa pero si Ensley ay kailangan niya pa mag overtime dahil nalate siya nakapasok kaninang umaga.

Nakain sila ngayon sa dining area nila Ensley at nag kukwentuhan. Mag katabi sila Lucas at Ensley sa upuan at nasa harapan naman nila si Nora. "Narinig ko na uuwi raw si Logan bukas?" tanong ni Nora sa kaibigan. "Ayon yung sabi nila mama pero hindi ako sure dahil hindi naman ako tine-text ni kuya." naka simangot nitong sabi. "Baka gusto kang surpresahin ng mga kuya mo." Sabat ni Lucas. "Surpresahin pero alam nang buong resto." sarkastik nitong sabi.

Pag katapos nila mag tanghalian, bumalik na ulit si Ensley sa kanyang trabaho at sina Nora at Lucas naman ay nauna na umuwi.

Minsan pag ganitong oras kaka-unti lang ang kumakain sa kanila pero ngayong araw ay iba dahil kahit hapon na marami pa rin ang humahabol kumain para mag tanghalian sa kanila.

Pinapakain ngayon ni Ensley ang mga gold fish nila sa pond, tapos na rin siya sa shift niya pero pinili niya muna pakainin ang mga alaga nila. Maganda rin ang simoy ng hangin ngayon, kaya napapa kanta na lang ng tamihik si Ensley habang pinapakain ang mga gold fish nila. Minsan kapag napag tripan niya ang mga ito, binibigyan niya ito ng pangalan pero hindi ngayon dahil may konsensya rin naman siya kahit papaano.

Hindi na niya napansin ang oras at alas singco na ng hapon, napasarap siya sa kwentuhan nila ng mga gold fish niya. Kailangan na niya mag madali dahil papalubog na maya-maya ang kaniyang paboritong araw.

After niya ibalik ang mga pag kain ng gold fish sa katabing maliit na cabinet nito, nag paalam na muna siya sa sikyo nila na si Mason dahil kanina pa tapos shift ni Skyler. "Kuya Mason, pag hinanap ako nasa dalampasigan lang ako ha." bilin ni Ensley sa kuya Mason niya. "Mag ingat ka ha!" pabalik na bilin naman ni Mason sa dalaga.

Umupo ulit si Ensley sa buhangin at inabangan na lumubog ang kanyang araw. Katulad kaninang umaga, maganda rin ang simoy ng hangin ngayon at mas malamig na dahil papa-gabi na rin.

Naisipan niya tawagan ang kaniyang kuya mamaya para itanong kung totoo ba na uuwi ito bukas at kung anong oras ito uuwi.

Habang pinag mamasdan ang araw na lumulubog sa dagat, she feels sad and empty. Kung ikukumpara niya ang kaniyang sarili, para sa kaniya isa siyang araw. Isa siyang araw sa pamilya niya at mga taong naka paligid sa kaniya dahil gusto niya palagi napapasaya ang mga tao sa paligid niya at iparamdam kung gaano niya sila kamahal.

Pero sa tuwing napapanuod niya ito lumubog sa kalawakan ng dagat, hindi niya mapigilan na maisip kung mawala ba ang kanyang liwanag ay pahahalagahan pa rin kaya siya ng mga tao sa paligid niya.

Pinunasan ni Ensley ang luha na walang pakundangan sa pag buhos sa mga mata niya "Minsan ang iyakin mo rin, Ensley." Pagalit niya sa sarili dahil may luhang pumatak sa kaniya.

Nag tagal pa si Ensley sa dalampasigan kahit wala nang araw na makikita sa kalangitan, kailangan niya lang palipasin ang namamaga niyang mga mata dahil sa mga luha niya na hindi man lang siya sinabihan na aagos pala.

Nang sa tingin niya na ayos na siya, tumayo na siya at pinag-pagan ulit ang pang-upo dahil nalagyan ito ng buhangin. Sa pag talikod niya naabutan niya ang isang lalaki na nakatingin sa kaniya, ang mga mata nito ay parang may gustong sabihin sa kaniya pero hindi na lang niya ito pinansin at dire-diretso siya bumalik sa kanilang resto.

Habang ang lalaki naman ay sinundan ulit siya umalis hanggang mag laho na ito sa paningin niya.

Hindi alam nang lalaki kung bakit sa isang araw lang ay dalawang beses na niya ito naabutan sa dalampasigan at hindi pa rin nawawala ang malungkot nitong mga mata, sa tuwing natitigan niya ito.

Nasa tapat si Ensley nang kanilang resto at nakatingin siya sa signage nila na may nakalagay na "Welcome to Paraiso" which is para sa kaniya ang cringe non. Napatanong na lang siya kung sino ba nag isip ng paraiso at nang maalala niya kung sino ay napatawa na lang siya sa sarili niya. Siya pala yung batang nag sabi sa magulang niya na Paraiso na lang ang ipangalan sa restaurant nila dahil mukha itong paraiso para sa kaniya nung bata siya.

Tuwing gabi nag kakaroon ng maliit na ilaw sa paligid ng kanilang restaurant, nag mu-mukha tuloy itong mga fireflies sa paligid maliban na lang na mga ilaw talaga ang mga ito.

Medyo marami pa rin ang tao sa loob ng kanilang resto, pero sigurado siya maya-maya ay mababawasan na rin ang mga tao rito pero kung siya tatanungin, mas gusto niya ang gabi sa reataurant nila dahil maganda ang ambiance nito.

Nilapitan niya ang kaniyang ina na nasa counter, ito ang tumatayong manager ng resto. "Ma, una na po ako sa bahay" paalam ni Ensley sa nanay niya. "May problema ba anak?" concern na tanong nito sa anak. "Wala po ma, pagod lang po tsaka balak ko po sanang tawagan sila kuya" sabi ni Ensley sabay ngumiti sa ina para hindi na ito mag-alala pa. "Gusto mo kumain ka muna? Bago ka umakyat?" tanong ulit ng ina. Nag isip muna si Ensley dahil pag kain ang usapan dito, she can't no to her foods. "Okay po" sabi ni Ensley habang tumawa saglit. "Kapag pag kain talaga" asar ng kaniyang ina sa anak.

Lumingon si Ensley sa taong humahawak ng cashier ngayon, "Good evening, kuya Owen!" masayang bati ni Ensley. "Kahit gabi na Ens, meron ka pa rin natitirang energy dyan sa katawan mo habang masayang tumawa ito sa kaniya "Kuya, inaasar mo ata ako. Parang sinasabi mo na kaya ako maraming energy ay dahil mataba ako." simangot ni Ensley kay Owen. Hindi na nakasagot si Owen dahil naging busy na ulit ito sa pag aasikso sa cashier. "Niloloko ka lang nang kuya Owen mo, anak." pakikisali ng ina sa dalawa.

Habang nag lolokohan ang anak at ang employee niya na si Owen, pina-asikaso na ni Mila ang pag kain ng anak sa loob ng kusina. "Punta ka na lang sa kusina, nak. Pinaluto ko na yung pag kain mo" sabi ng ina bago si Ensley umalis at pumunta sa kusina.

Nakita niya ang tatay niya nag luluto, "Pa, akin po ba yan?" tanong ng anak sa ama. "Oo, nak. Saglit lang ha" sagot ni Lorenzo sa anak. Umupo ulit si Ensley sa mataas na upuan sa lamesa habang inaantay niya ang pag kain na niluluto ng kaniyang tatay para sa kaniya. Habang nag iintay, naki-usisa muna siya sa mga tao roon. "Tito Henry, Hi! Hindi kita po nabati kanina. Busy ka po kasi" paliwanag ni Ensley.

Lumingon naman si Henry kay Ensley. "Oh! Hi, Dear. Have you eaten yet?" tanong ni Chef Henry. Kahit foreigner si Henry ay nakakaintindi ito ng tagalog pero hindi siya ganon kagaling mag salita. "Not yet po, inaantay ko po yung niluluto ni Papa." sagot ni Ensley.

Natapos na rin mag luto ang kaniyang itay at sa kusina na rin siya kumain ng kaniyang dinner.

Pag katapos niya kumain, balak niya sana siya na lang ang mag huhugas ng pinag-kainan niya pero hindi siya pinayagan ni Piper, baka raw mabasag niya yung pinggan. "Sus, ate Piper love mo lang ako eh!" asar nito, sabay yakap dito. "Hindi kita love" sagot naman ni Piper. "But still ate, thank you." sincere na sabi ni Ensley sa kaniyang ate-atehan.

Marami siyang ate at kuya na matuturing niya rito sa resto, para talaga silang buong pamilya at siya ang kanilang bunso.

Sa pasukan ay nasa fourth year high school na siya at malapit lang din dito ang kanilang paaralan at isa pang taon ay lilipat na siya sa Centro para doon mag-aral ng college. Sa totoo lang, gusto niya sana rito na lang mag college. Dito nga rin si Lucas nag aaral ng kolehiyo at sa tingin niya ay parehas lang naman ang itinuturo sa Centro at dito sa Costa.

Ngunit sa Centro nag-aral at nag-aaral ang kaniyang dalawang kapatid at magulang. Kaya sigurado ito na gusto rin ng mga magulang niya pag-aralin siya sa Centro.

Nakapag-linis na siya ng kaniyang katawan at nakapag-palit na rin siya ng pang tulog niya. Nasa kama siya nakaupo at hinahanda ang kaniyang laptop sa pag tawag sa mga kuya niya. Gusto niya makipag video call dito.

Habang nag hihintay si Ensley na sagutin ng mga kuya niya ang tawag, iniisip niya kung ano ang sasabihin sa mga ito nang biglang lumabas sa screen ang kuya niyang si Levi, "Hi, bunso! Kumusta ka na?" Unang bati sa kaniya nito. "KUYAAA!!" sigaw ni Ensley. Minsan na lang kasi ang mag kakapatid na mag usap, dahil busy ang kuya Levi niya sa trabaho at busy rin ang kuya Logan niya sa pag aaral.

Napatawa na lang si Levi sa kapatid, hindi niya ineexpect na ganoon ang magiging reaction nito. Kung may mama's and papa's girl, siya naman yung kuya's girl na matatawag.

Sumunod na lumabas sa screen si Logan, "omg, kuya Logan!" masayang bati niya rin dito. "Pasensya ka na bunso, nag liligpit ako ng mga damit ko para bitbitin bukas" paliwang ni Logan kung bakit siya nahuli, "Ayos lang, kuya!" sagot ni Ensley sa kuya niya. "Btw, pala kuya Levi ayos lang ako. Ikaw kumusta ka? At uuwi ka ba rito satin?" sagot ni Ensley ng maalala niya na hindi pa niya nasasagot ang kuya Levi niya.

"Ikaw rin kuya Logan, alam nang lahat na uuwi ka bukas pero sakin di mo sinabi. Kailangan ko pang tanungin sila papa para malaman kung kelan ang uwi nyo at kuya Levi kelan ka mag kakaroon ng free time?" mahabang reklamo ni Ensley sa kuya niya habang kunwari na malungkot. Nakikinig naman ang dalawa sa kanilang bunso na sinesermonan sila at talagang yung bunso pa ang nanermon sa kanila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status