Share

Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)
Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)
Author: Mariya Agatha

Prologue

[ NOTE: SPG ALERT! PLEASE BE AWARE THAT THIS BOOK IS A DARK ROMANCE WHICH CONTAINS VIOLENCE, SEXUAL AND ABUSIVE CONTENTS NOT INTENDED FOR YOUNG, MINOR AND SENSITIVE READERS. THIS IS ONLY FICTIONAL PERO KUNG EMOSYONAL KA MASYADO , JUST SKIP! DAHIL HINDI PO PARA SAYO ANG BOOK NA ITO! ]

"Ikulong ninyo ang babaeng yan at siguraduhin niyong hindi makakatakas! Gusto kong ako mismo ang kikitil sa buhay ng hayop na iyan!"

Gigil na utos niya sa mga tauhan na nasa kabilang linya. Labas na ang ugat sa leeg ni Maximus dahil sa masamang balitang natanggap niya. Ang abuelong nagpalaki at nag aruga sa kanya ay wala ng buhay nang matagpuan ito sa sariling kwarto.

At ang suspek ay walang iba kundi ang mismong caregiver nito na napag alaman niyang nagpanggap lang at peneke ang mga dokumento upang makapasok sa kanilang mansyon.

Nung mismong araw ng pagkawala ng kanyang abuelong si Don Vivencio ay agaran din siyang nagpaimbestiga, kasama na roon ang lahat ng tauhan ng kanilang hacienda maging ang mga kasambahay ng kanilang mansyon.

At ngayong araw lang lumabas ang resulta na sa lahat ng mga taong nakapaligid sa mansyon, ang tanging caregiver ng Don na si Thalia Alvarez ang napag alaman niyang peke ang dokumento maging ang totoong pagkatao. Hindi totoong rehistradong caregiver ang babae at wala din iyong anumang records sa paaralang tinutukoy nun sa biodata. Kaya alam niyang sinadya niyong magpanggap upang maisagawa ang masamang balak sa butihing Don.

Sadyang tatanga tanga lang ang kung sinumang naghire nun dahil di man lang pinabackground check ang babae.

O baka talaga, sadyang magaling at sanay iyong manloko kaya walang kahirap hirap iyong nakapasok sa mansyon.

At ang isang patunay at malakas na ebidensya na magdidiin ay ang mga natagpuan sa nakatagong bag ng babae, ang milyon milyong halaga ng pera, mga alahas ng kanyang namayapang abuela at maging ang mga dokumento ng kanilang malawak na lupain.

Putang ina lang ang walang ganti! Kay buti ng lolo niya na kung tutuusin ay napakalayo sa ugali niyang walang awa at walang sinasanto pero nagawan pa ito ng masama ng mga taong halang ang kaluluwa sa salapi at kayamanan.

Sunod niyang tinawagan ang kaibigang si Bradly para ipahanda ang kanyang private jet. Uuwi siya ng Pilipinas ngayon din at sisiguraduhin niyang magbabayad ang suspek. Na kahit pa man babae ay pipilipitin niya ang leeg o papahirapan gamit ang latigo hanggang sa umamin ito at ilantad ang mga taong kasabwat.

At siya na ang magpapataw ng parusang hindi niyon kailanman malilimutan hanggang sa mawalan ng hininga.

Nagkamali ang mga hayop na yun ng binangga.

He is not the well known dark and ruthless billionaire Maximus Villaroman for nothing.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status