Yakap-yakap ko ang dalawang tuhod habang sinasariwa ko ang lahat ng alaala sa kung paano ako napadpad sa mansyon na ito. Di ko mapigilan ang sarili sa paghikbi dahil parang bulang naglaho ang pag asa kong makaahon kami sa kahirapan at mapatuloy ang gamutan ni Lola Cita hanggang sa gumaling siya.
Magda-dalawang buwan pa lang ako sa pamamasukan dito ngunit heto ako, nasisidlak sa nakakapanghilakbot na sitwasyong ito. Sa sitwasyong wala akong ideya kung bakit nangyayari at kung paano ako makakatakas para muling makapiling ang Lola Cita ko.Hanggang ngayon blangko pa rin ako sa lahat dahil naging maayos naman ang pamamasukan ko. Na kahit nagpanggap ako bilang isang lehitimong caregiver ay naalagaan ko namang maayos ang butihing Don at nagampanan kong mabuti ang aking trabaho.Sadyang di ko lang alam at wala akong ideya kung bakit biglaan iyong inatake dahilan ng pagkasawi niyon.At lahat ng tao sa mansyon ay alam kung gaano ko inalagaang mabuti si Don Vivencio. Na maski isa sa kanila ay walang nagduda na hindi talaga ako totoo at rehistradong caregiver. Kaya wala talaga akong maisip na dahilan para ikulong ako ng mga walanghiyang lalaki na yon. At kung sino ang nag utos sa kanila para gawin ito sa 'kin."Gusto ko ng umuwi lola. Miss na miss na kita."Usal ko sa sarili habang patuloy sa pag agos ang aking mga luha.Nangangapa pa rin ako sa sobrang kadiliman. Ni hindi ko alam kung anong oras na at kung ilang oras na akong umiiyak. Nanghihina na ang katawan ko dahil sa kumakalam na sikmura. Pakiramdam ko rin kakapusan na ako ng hininga. At kahit sumigaw ako ng malakas, alam kong walang makakarinig sa akin.Panay ang dasal ko na sana may milagrong mangyari para makayanan kong mabuhay pa rito. Ayaw ko pang mawala dahil paano nalang ang lola Cita ko. Paano nalang ang buwanang gamutan niya. Wala na ring ibang makakatulong pa sa 'min dahil magmula ng makapasok ako rito ay wala na rin akong naging balita kay Ma'am Ara. Minsan napapaisip ako kung bakit ni minsan ay hindi ko naman nakitang bumisita ang ginang gayung ang sabi niya ay kamag anak niya ang mga Villaroman.Sadyang di ko nalang iyong binigyan ng malalim na kahulugan dahil may sariling buhay rin namang inaasikaso si Ma'am Ara. Tsaka hindi na dapat ako umasa pa na makakatanggap ulit ako ng tulong dahil siya ang nagpapasok sa 'kin dito. Maayos na sana ang sweldong natatanggap ko. Nakapagpadala na rin ako kay Lola Cita kaya sobra sobra akong nagpapasalamat.Pero biglang naging ganito ang lahat. Sa isang iglap lang ay napalitan ng isang bangungot ang akala ko'y liwanag na daan para makamit ko ang pangarap na di lang para sa 'kin kundi para sa nag iisang taong nag aruga sa 'kin.Ngayon paano na? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tanging taimtim na panalangin lang ang naging sandata ko ngayon.At sa kalagitnaan ng pag iisip at pagiging emosyonal ay napatda ako nang bigla na lamang tumunog ang pintuan senyales ng pagkakabukas nito. Kasunod ay ang maliit na ilaw ng liwanag na nagmumula sa isang flashlight. Agaran akong napatayo at humahakbang papalapit kahit pa man nangangapapa ako sa dilim."Thalia! Thalia iha!"Boses ni Manang Sonya ang naririnig ko kaya nabuhayan ako ng pag asa at napaluha."Manang Sonya! Nandito po ako....." Garalgal ang boses ko."Iha! Jusko mahabaging langit!" Puno ng pag aalala ang boses ng may edad na babae. Kung saan saan pa dumako ang ilaw hanggang sa nailawan din nito ang mukha ko kalaunan.Patakbo ako nitong nilapitan at humagulhol na naman ako ng iyak nang tuluyan ako nitong malapitan at agarang niyakap."Jusko iha, a--- anong nangyari? Bakit nandito ka? Narinig ko kanina na nag uusap ang mga tauhan sa labas kaya napag alaman kong nandito ka nga. Bakit ka nga ba nandito!?" Ramdam ko ang kaguluhan sa isipan ni Manang ngunit tanging pag iling lang ang naging sagot ko dahil kahit ako mismo'y walang alam na dahilan."Ano na bang nangyayari sa mundo! Pinagtripan ka ba ng mga loko lokong yon? Buti nalang at pinabalik ako dahil walang mag aasikaso sa mansyon!" Bulalas nito. Buti nalang talaga dahil sa naaalala ko'y lahat ng kasambahay at mga tauhan ay pinaalis na nga kanina maliban sa 'kin na siyang tanging naiwan."Hindi ko rin po alam Manang. Tulungan niyo po akong makalabas dito." Hingi ko ng saklolo."Aba oo! Oo naman. Hali ka na't bilisan na nating makalabas."Ngunit humahakbang pa lamang kami nang umalingawngaw ang boses ng isang lalaki mula sa labas."Manang Sonya! Asan ka na ba? Gutom na kami!"Irritableng tawag ng lalaki na sa tingin ko'y isa sa mga nagdala sa 'kin dito kanina. Muling sumibol ang kaba sa dibdib ko. Ngayo'y di lang sarili at kaligtasan ko ang inaalala kundi maging kay Manang na nagbalak na tulungan ako.Saglit akong natigilan at naluluhang tinapik ang braso ng matanda."Iha bakit? Tara na! Bilisan mo ng maglakad." Natataranta na rin ang boses nito kaya mapait akong napangiti."Manang, mukhang napakadelikado po ng gagawin natin. Tiyak madadamay pa po kayo. Kailangan po nating pagplanuhang maigi ito." Puno ng kabang sabi kahit pa man gustong gusto ko na sanang makalabas.Ngunit papaano? Sa rami ng mga tauhang nakakalat sa buong paligid ay napakalabong mangyari ng nais ko."Manaaaaaaang!" Sigaw muli ng lalaki kaya kapwa kami nahintakutan ni Manang."Tama ka nga! Mamaya nalang siguro kapag tulog na silang lahat. Eto, sayo na muna itong flashlight! Babalik ako rito mamaya para hatdan ka ng pagkain. Kailangang ipadlock ko ulit ang pintuan para hindi sila makahalata." Mabilisang salaysay ni Manang na buong puso kong ikinatango."Salamat po Manang, Salamat po." Ani ko bago nagmadaling nagpaalam si Manang at lumabas na.Pagkasara ng pintuan ay nawala na ang masyadong kalungkutan na naramdaman ko kanina. Kahit papaano'y may pag asa na, malaking pag asa na makakaalis ako sa lugar na ito. Malaking tulong na rin ang ilaw ng flashlight kahit papaano. Pero sa takot din na maubusan ito ng baterya ay patay sindi ang ginagawa ko.Kahit sobrang tamlay at antok ko na ay ayaw kong pumikit dahil sa pag aabang sa pagbabalik ni Manang Sonya. Tantiya ko'y higit isang oras din akong naghintay bago muling bumukas ang pintuan."Manang!"Napatayo ako at lalapit na sana nang biglang nagsalita ang isang boses ng lalaki."Anong Manang? Oh pagkain mo!" Anito kaya napalunok ako ng ilang beses."Teka, ba't may flashlight ka? Paano ka nagkaroon niyan?" Biglang tanong nito sa nagtatakang boses."Ah eh, na--- nahagilap ko lang po sa paligid." Kinakabahang sagot ko. Umaasang hindi sana ito magduda na galing ito kay Manang Sonya."Sana po kuya huwag niyo namang kunin 'to sa 'kin. Maawa naman po sana kayo." Naiiyak na pakiusap ko. Dahil di ko maaninag ang mukha nito ay narinig ko nalang ang paghinga nito ng malalim."Ano ka ba! Wala namang magiging problema basta..."Ramdam ko ang mga yabag ng paa nito sa papalapit sa 'kin kaya mas lalo akong kinabahan."Basta ba papayag ka sa gusto ko." Anito nang tuluyang makalapit. Nanlaki ang mga mata ko at halos nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang hininga nito sa bandang leeg ko. Amoy na amoy ko ang sigarilyo sa mabahong hininga nito."Po--- po?" Natataranta akong napaatras pero mas lalo lang itong lumapit."Huwag ka ng pumalag! Sa totoo lang, kanina pa 'ko gigil na gigil sayo. Sayang naman yang ganda at sarap ng katawan mo kung uod lang ang makikinabang." Rinig ko pa ang bahagyang tawa nito kaya buong lakas kong itinulak ang dibdib nito at saka buong lakas na sinipa ang bahagi ng katawan, ni hindi ko alam kung saan tinamaan."Manyak ka! Manyak! Ahhhhh! Tulong! Tulong po!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo papalabas ng pintuan. Rinig na rinig ko ang dibdib na parang sasabog sa nararamdamang kaba at nerbyos."Bumalik ka dito! Walanghiyang babae ka!" Puno ng gigil na sabi nito.Ngunit kung kailan kita ko na ang liwanag sa labas ng pintuan ay natigilan din ako agad nang makita ang isa pang bulto ng lalaki, nakapamulsa ito habang nagyoyosi na parang sobrang kalmado pa.Humagulhol na 'ko nang mapagtantong kasamahan din pala ito ng manyak."Simon! Gago ka! Dinala mo pa talaga yang pagiging manyakis mo dito!" Asik nito sa kasamahang manyak kaya kahit papaano'y kumalma ang nerbyos at kabang nararamdaman ko."Eh, sayang naman kasi talaga!" Ani pa ng manyak kaya nilapitan na ito ng isa at sinikmuraan."Alam mo na ang bilin ni boss di ba? Na walang ibang makikinabang sa babaeng yan hangga't hindi pa niya napaparusahan! Gusto mo bang malagutan ng hininga? Darating na siya mamaya kaya umayos ka!" Ngayo'y rinig ko ang galit sa boses nito. Kinuwelyuhan nito ang manyakis na kasama at itinulak papalabas."Ikaw naman Miss kumain ka na! At huwag na huwag kang magtangkang tumakas kung gusto mo pang mabuhay." Banta nito kaya wala na rin akong nagawa kundi pumasok ulit. Rinig ko pa ang muling pagsarado nito ng pintuan.Napahawak ako sa dibdib ko pagkatapos. Muntikan na! Kung hindi pa dumating ang isang iyon ay baka hinipuan o mas malala pa ay hinalay na ako ng lalaking manyakis.At ang bumagabag sa isipan ko ay ang boss na tinutukoy nun na darating na raw mamaya. Sino ang lalaking boss na may pakana ng pagkakakulong sa 'kin dito? At ano ang ibig sabihin ng isang lalaki kanina na wala raw ibang makikinabang sa akin hangga't hindi pa ako napaparusahan?Parang biglang nanginig ang buong katawan ko sa magkahalong takot, kaba at nerbyos. Bakit? Bakit iyon gagawin sa 'kin? Anong motibo niya? Anong kasalanan ko?( Maximus POV )I put my shades on at inayos ko rin ang suot na coat pagkalapag ng eroplano. Nauna na ang mga tauhan ko bitbit ang maletang may lamang mahahalagang gamit.And as I step outside the plane, naramdaman ko kaagad ang malamig na hanging dumadampi sa pisngi ko. Kasabay nito ang init na nagmumula sa papalubog na araw. It's the same scenario six months ago, the last time na umuwi ako matapos mamalagi ng ilang taon sa States."Max! Dude!"Bradley uttered sabay hagis ng susi ng sasakyan ko, it's a new model of Roll's Royce na bilyon ang halaga. Nasalo ko naman ito kaagad kaya natatawang napailing ang loko."Matinik ka pa rin talaga! Welcome back Maximus Villaroman!" He welcomed me with wide arms open nang tuluyan akong makababa pero tinulak ko lang ang noo nito."Kailan ka pa naging bakla?" Turan ko sa seryosong boses pero mas lalo lang itong natawa."Actually, ngayon lang! After I saw you! Tang ina, mas lalo kang pumogi!" Sakay naman nito sa biro ko kaya napailing nalang ako. W
( Thalia's POV )Sa labis na pag iyak at kapaguran ay nakatulugan ko na ang paghihintay kay Manang Sonya. Nakasandal lang ako sa may pader dahil hindi naman ako puwedeng humiga at matulog sa malamig na sementadong sahig.Buti nalang at may pagkain na hinatid ang isang lalaki kanina kaya kahit papaano'y nagamot ang sikmura kong kumakalam sa gutom.Naalimpungatan lang ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Di ko agad pinailaw ang flashlight sa takot na baka isa na naman ito sa mga lalaking nagkulong sa 'kin dito."Thalia... iha..."Agad akong napatayo nang marinig ang mahinang pagtawag ni Manang Sonya. "Manang!" Pinailaw ko kaagad ang hawak na flashlight at ganoon rin ito sa dala niya."Pasensiya na, hindi ako nakabalik kaagad. Hinintay ko pang makatulog ang mga bantay mo. Eto, may dala akong pagkain mo." Anito sabay abot ng dala niyang basket na may lamang mga prutas, tinapay at bottled water."Narinig ko kanina na dinalhan ka ng pagkain dito kaya yan nalang ang binigay ko para hind
Hindi ako nakakain dahil sa pag iisip. Sobra akong kinakabahan at di mapalagay dahil sa sinabi ng lalaki kanina. At kahit anong pilit ko sa sarili na maging matapang, nilalamon pa rin ng takot at pangamba ang emosyon ko.Yung gustong gusto kong maging matapang sa harapan ng walanghiyang may pakana nito sa 'kin, pero sa tuwing naiisip ko na baka hindi lang iyon baliw kundi isang halimaw ay pinapangunahan agad ako ng kaduwagan.Napasabunot ako sa buhok ko. Para na 'kong mababaliw sa pag iisip.Hanggang sa hindi ko namalayan ang paglipas ng oras dahil sa matinding pag iisip. Nang muling bumukas ang pintuan ay saka pa lamang nabaling ang atensyon ko.At mas sumibol ang bolta boltaheng kaba nang masilayan ko na dalawang lalaki ang pumasok ngayon. "Ano miss beautiful, nagdasal ka na ba?" Biglang bulalas ng isang lalaki habang naglalakad ito papalapit sa 'kin kaya napayakap ako sa sarili ko habang napapaatras."A--- ano ang gagawin niyo sa 'kin?" Pinatatag ko ang boses kahit pa man nanganga
Para akong tinakasan ng kaluluwa ko sa magkahalong gulat at takot."Si-- sino ka? A---- anong ibig mong sabihin? Anong kasabwat?" Puno ng kaguluhang tanong ko. Nanginginig pa ang labi ko dahil alam kong isang kalabit lang nito sa baril ay matatapos ang buhay ko sa isang iglap lang."Don't fucking ask me questions wicked woman! Ikaw ang putang inang sino at sinong nag utos sayo para patayin si Don Vivencio?" Matigas at puno ng galit ang boses nito na umalingawngaw sa buong paligid. Napaawang ako sa labis na pagkagulat at pagtataka sa paratang nito."Anong pinagsasabi mo!? Anong pinatay? Wala akong alam sa paratang mo kaya wag mo po sana akong pagbintangan! Caregiver ako ng Don at inalagaan ko siya ng maayos." Pasigaw na paliwanag ko.Gulong gulo ako. Bakit ako inaakusahan ng lalaking ito? Ibig bang sabihin nito, pinagbibintangan ako sa pagkawala ng butihing Don kaya ako ikinulong na parang mas masahol pa sa isang kriminal? Kaya ba nila ako iginapos?"Damn you liar!"At bigla akong napa
( Maximus POV )Nagngingitngit ako habang pabalik balik na naglalakad sa pasilyo ng mansyon hithit ang sigarilyo. Tang ina, sinong Ara Sanchez ang tinutukoy ng babae? Kasabwat ba niya ang pangalang binanggit niya?Agaran kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang isa sa mga private investigator ko."This fucking Ara Sanchez! Find this woman." Agad na utos ko."Boss, may larawan ka ba? O ibang pagkakakilanlan?" Sagot nito sa kabilang linya kaya namuhay na naman ang pagkairita sa 'kin nang maunawaan ang ibig nitong ipahiwatig.Fuck! That name is so damn common. Mukhang napakaraming Ara Sanchez sa buong Pilipinas!I need an sketch artist!"Damn! Fine fine, I'll call you again." Ani ko't matapos ibaba ang tawag ay si Bradley naman ang tinawagan ko.Napailing nalang ako ng sagutin nito ang tawag at unang bumungad sa akin ang mga ungol sa kabilang linya."Ahhh fuck suck it baby, so good!"The jerk is doing shits as usual."Ano na naman bro!?" Halata pa ang irritasyon sa boses nito na mukh
"Ito ba? Ganito ba ang hitsura nang tinutukoy mong Ara Sanchez?" Tanong sa akin nang isang lalaki matapos nitong tanggalin ang piring sa aking mga mata at ipinakita ang isang larawan na mukhang bagong guhit lang. Pupungas pungas pa 'ko nang makakita ng liwanag. Ilang araw na ba akong nasa kadiliman dahil sa piring na ito, maging noong nakakulong ako sa napakadilim na basement.Kanina ay bigla na lamang pumasok ang lalaking ito at nagtanong sa akin kung ano ang hugis ng mukha ni Ma'am Ara, maging ang mga mata at kabuuang hitsura ng babae. Dahil sa pag aalinlangan at takot na baka madamay ang butihing ginang ay nagsinungaling ako. Taliwas sa totoong mukha nun ang sinasabi kong deskripsyon.Dahil kahit di nila sabihin sa 'kin ay nahuhulaan ko na ang dahilan. At alam kong dahil sa sinabing iyon ng boss nilang halimaw na kasabwat ko raw ang butihing ginang. Hindi porke't hindi niya kilala ay pagbibintangan niya na. Kung ako nga na inaalagan ng maayos ang lolo niya ay nagawa pang pagbintang
( Maximus POV )"Balak mo bang maglasing SeƱorito? Aba'y nakailang bote ka na ng alak ah! Solo ka pang nag iinom diyan." Sita sa 'kin ni Manang Sonya nang makita ako nitong mag isang nag iinom sa terrace ng kwarto ko.Seryoso ko itong tiningnan bago muling itinungga ang bote ng beer. "Hindi ako nalalasing Manang." Ani ko na ngayo'y muling nakatuon ang tingin sa madilim na kapaligiran.Napakamot pa ito sa ulo niya. "Sabagay, sanay ka nga pala sa ganyan kahit na noong dise otso ka pa lang. Haixt! Naalala ko tuloy kung gaano ka katigasin noon pa man pero hinahayaan ka lang ng lolo mo." Kwento nito kaya biglang uminit ang dibdib ko sa naalala.Yeah, it's how the way he disciplined me. Yung kahit ilang beses pa akong makipagbugbugan ay tinatawanan lang niya. Bakit niya daw ako pagagalitan eh parte daw iyon ng pagiging lalaki. It's an experienced na siyang magbibigay aral sa buhay dahil pagdating ng panahon ay kusa ko naman marerealize ang lahat sa kung anong tama at mali.And he was damn ri
( Thalia's POV )Mula sa pagkakaidlip kahit man nakagapos at nakaupo sa isang silya ay para akong naalimpungatan nang maramdaman ang isang marahas na kamay na humawak sa braso ko."Ahhhhhh!"Napatili ako sa pagkagulat ngunit agad ding nakilala kung sino ang taong ito dahil sa nakakatulirong amoy ng pabango niya, amoy na lalaking lalaki na kahit matapang sa ilong ay napakabango pa rin at halatang mamahalin."Damn! Shut up! Ang arte mo!" Anito at sa tono ng pananalita pa lang ay alam ko ng nakainom, lalo pa't naaamoy ko sa hininga niya ang alak.Nagwala bigla ang dibdib ko nang maramdaman ang pagkalas nito ng tali sa mga kamay ko.Pa--- papakawalan niya na ba ako? Naniniwala na ba siya sa akin na inosente ako sa pambibintang niya?Nabuhayan ko ng pag asa. "Pa--- palalayain mo na ba ako? Salamat! Salamat po!" Naluluhang usal ko.Ngunit nang marinig ang sarkastiko nitong pagngisi ay napawi din kaagad ang pag asang iyon."The fuck! In your dreams." Mura nito kaya nakagat ko ang ibabang lab