"May problema ba Roxanne?" Tanong ko sa aking kapatid pagkaalis ni Simon.
"Hindi ka ba nagtataka ate?" Anito.
"Ano naman ang dapat kong ipagtaka?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Coincidence lang ba na kung kailan nawala si Kuya George ay tsaka naman dumating ang asungot na Simon na iyan?" Ani Roxanne na bakas ang paghihinala sa boses.
Saglit akong natigilan. Maaari nga kaya? Pero bakit naman nito gagawin iyon? Kausap ko sa sarili.
"Roxanne, mahirap magbintang ng tao. Baka naman talaga nagkataon lang," Saway ni Pauline sa pinsan.
"Oo nga naman,"Sang-ayon ko.
"E di mabuti kung ganoon." Lumabi ito at nagyaya nang bumalik sa loob.
"Pinsan, mabuti pa pumanhik ka na. Kagabi ka pa walang pahinga." Nag-aalalang wika ni Pauline.
"Oo nga naman ate, si Don Manolo at Kuya Harold na muna ang bahala sa paghahanap kay Kuya." Segunda ni Roxanne.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Nararamdaman ko na rin
Mabilis ang ginawa kong pagtakbo. Hindi ko na pinapansin ang mga matutulis na mga bagay na naaapakan ko."George!" Patakbong sumalubong si Samantha sa akin."Takbo, Samantha!"Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay at agad na hinila siya palayo habang patuloy naman sa pagpapaputok at paghabol ang mga armadong kalalakihan."Keep going, we can't afford to be caught again. Baka patayin na nila tayo." Paalala ko kay Samantha sa kabila ng aming pagtakbo."I know," Kaagad naman nitong tugon sa kabila ng paghahabol ng hininga.Hinahawi namin ang mga dahon at sanga ng mga halaman na nakaharang sa aming daraanan. Nagpasikot-sikot kami sa ilalim ng naglalakihang mga punongkahoy at mga malalagong palumpong."Huwag niyong hayaang mawala sa paningin niyo kundi lagot tayo kay boss!" Sigaw ng isa sa mga lalaki."Naku, hindi makakalayo iyang mga iyan. Walang alam sa gubat ang mga iyan." Ngisi ng isa.Patuloy la
George's POVMadilim na ang paligid. Nagpatuloy kami ni Samantha sa aming paglalakad sa masukal na kagubatan. Medyo malayo na rin ang aming nalakad at totoong masakit na rin sa paa. May natanawan kami na maliit na dampa sa di kalayuan. May liwanag na nanggagaling dito na sa tingin ko ay galing sa ilaw ng lampara."George may bahay," wika ni Samantha na kinalabit pa ako."May nakatira sa ganito kaliblib na lugar?" May pagdududa kong tanong."Bakit, hindi naman impossible iyon di ba?" Ani Sam na nagpatiuna nang lumakad palapit sa bahay.Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang."Tao po! Tao po!" Tawag nito.Batid kong may tao sa loob dahil sa may mumunting kaluskos akong naririnig. Pagkaraan ng ilang sandali ay bumukas ang kahoy na pintuan."Sino iyan!?" Pasigaw na tanong ng isang matandang lalaki na may bitbit na sa hula ko ay itak."Magandang gabi ho, Manong. Makikisilong ho sana kami,"
Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos ng isang masamang panaginip. Umaga na pala. May mumunting liwanag na pumapasok mula sa mga siwang ng bahay. Hindi ko alam kung paanong nakatulog kami nang mahinbing ni Sam. Halos sabay rin lang kaming nagising."Good morning, George," humihikab na bati ni Sam sa akin."Morning must be very good if we're not in this situation," pagmamaktol ko sabay bangon.Ilang sandali pa ay may narinig kaming paparating lulan ng kabayo. "Ha!""May tao," wika ni Sam."Baka si Russell," sagot ko sabay labas ng bahay. Tama ang hinuha ko. It was Russell at mayroon siyang dalawang kasama na nakasakay rin sa kabayo."I hope you had a good sleep," wika ng lalaki habang pababa sa kanyang kabayo. "I planned of getting back last night para sunduin kayo lamang ay wala ang isa kong tauhan para magdala ng isa pang kabayo. Minabuti kong ngayong umaga nalang kayo puntahan," anito."It's alrig
Sa bahay...Isinandal niya ang likod sa kawayang upuan at hinilot nang bahagya ang sentido. Hindi niya maiwasang mastress dahil sa sitwasyon niya ngayon. Oo nga’t mayroon siyang trabaho ngunit sa aminin niya’t hindi, medyo hikahos pa rin sila sa buhay. Sapat lang ang sinasahod niya bilang isang public school teacher upang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan at pag-aaral ng dalawang kapatid sa kolehiyo.“O Estella anak, mukhang pagod ka na. Maanong magpahinga ka muna.” Sabi ng Nanay Lourdes niya.“Sandali na lang ho ito Nay at matatapos na rin ako.” Sagot niya sa ina.“O siya sige, huwag kang masiyadong magpapagod at baka magkasakit ka.” May himig pag-aalalang saad nito.Mula sa pagkakaupo inabot niya ang beywang ng ina at niyakap ito nang may pagmamahal. “Huwag po kayong mag-alala sa’kin Inay. Mukhang kayo po ang kailangang magpahinga.”Batid niyang magha
Nahihilo na siya sa biyahe. Mula sa airport ay agad siyang pumara ng taxi papunta sa hotel na pagdarausan ng seminar. Kung bakit naman kasi hindi niya naitanong kaagad noon kay Mrs. Castro kung saan ito gaganapin. Kailangan pa pala niyang lumuwas mula sa probinsiya nila hanggang dito sa NCR.“Tsk…it’s okay, anyway nandito naman na ako,”kausap niya sa sarili. Pumara ang sinasakyan niyang taxi sa isang magarang hotel. Sa unang tingin pa lang ay talagang nakakamangha ang ganda nito.“Del Castillo Hotel and Restaurant,” basa niya sa signage sa entrance nito. Agad siyang lumapit sa front desk.“Good morning ma’am, welcome to Del Castillo Hotel and Restaurant. How can I help you?” magiliw na bati ng hotel receptionist sa kanya.“I am here to attend a seminar,” pagsisimula niya. Sinabi niya ang pangalan ng seminar na dadaluhan.Mabuti na lang at may nakareserve na palang rooms
Last day na ng seminar nila ngayon. At long last, makakauwi na rin siya sa pamilya na sobra-sobra na niyang nami-miss. Napagpasyahan nila Christine at Roselyn na mamasyal muna at mamili na rin ng mga pasalubong pagkatapos ng seminar at bukas na lang ng umaga umuwi. At siyempre, hindi pumayag ang mga ito na hindi siya sumama."Sige na Ella sumama ka na, minsan lang naman ito", pamimilit pa ni Christine. Ella ang tawag sa kanya ng mga kaibigan at dati niyang kaklase."Oo nga Ate Ella, 'wag masyadong kuripot. Bawasan din minsan ang pera mo sa bangko," natatawang biro naman ni Roselyn.Wala na nga siyang nagawa at sumama na rin. Tama rin naman ito, minsan lang talaga ito. Bihira na siyang nakakapamasyal simula ng mamatay ang tatay niya at maipasa sa kanya ang pagtataguyod sa kanilang pamilya. Mahal niya ang nanay at mga kapatid niya kaya hindi mabigat sa loob niya kung siya man ang naging bread winner nila. Kung nabubuhay lamang ang tatay niya, hinding hindi sila ni
Madaling araw pa lang ay gising na sila. Dala marahil ng stress sa nangyari nang nagdaang gabi ay hindi siya gaanong nakatulog. Idagdag pa ang sakit ng tagiliran na nararamdaman niya. Kahit puyat ay nagawa niyang bumangon at maghanda para sa mahaba-haba ring biyahe."May malapit na fast-food dito, dumaan muna tayo nang malamnan ang mga tiyan natin bago tayo magbiyahe. Mahirap magbiyahe na walang laman ang tiyan," anyaya ni Christine. Sa loob ng isang linggo nilang pagsasama-sama nila sa isang hotel room ay ito ang laging nangunguna sa pagpapl
George's POV:"Nacontact niyo na ba?" Tanong ng ama sa kanya."Not yet Dad." Medyo nabubwisit na siya sa kapatid. Magtatatlong araw na itong wala and none of her friends could tell where she is. Wala rin ang bestfriend nitong si Marie. Ayon sa parents nito ay nasa probinsiya raw. "If she's there with her, then why not bother to answer the phone!" Maktol niya."Try to call her again son. I'm so worried for your sister." Utos ng ama. "If you won't find her today, I'll get a private detective to go search for her."Mahal na mahal nito ang kapatid niya. Namatay kasi ang mommy nila sa panganganak dito kaya mula noon ay siniguro ng daddy nila na kahit wala ang mommy ay hindi mararamdaman ng kapatid na kulang sila. Ibinuhos nito ang pagmamahal sa bunso. Siya ng mga panahong iyon ay fifteen years old na kaya nauunawaan na niya ang lahat. Katulad ng ama ay labis rin ang lungkot niya sa pagkawala ng ina. Mahirap lumaki na walang inang gumagabay. Sabihin mang