Share

Chapter 20

“Maganda na ba ‘yan sa paningin n’yo?” Matigas na tanong ni Alistair sa kanyang mga empleyado habang tahimik na nakayuko ang mga ito. Hindi nila alam kung paano sasagutin ang tanong ng kanilang boss.

“For almost one month ay ito lang ang maipapakita ninyo sa akin? All of you are wasting my time on this nonsense!” Parang kulog ang boses ng binata na siyang nagdulot ng takot sa dibdib ng bawat empleyado na nakatayo sa kanyang harapan. Pagkatapos sabihin iyon ay galit na ibinato niya ang may nasa sampung papel na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng drawing para sa mga bagong project ng kanilang kumpanya. Ang nais niya ay unique at walang katulad ang mga disenyo, simple man ngunit high class ang dating.

Labis na naiinis ang binata dahil walang nakapasa kahit isa sa kanyang standard mula sa mga gawa ng kanyang empleyado.

“May isang linggo pa kayo para bumuo ng mga bagong disenyo at kung hindi ninyo magawa ang mga pinagagawa ko sa inyo, then asahan n’yo na rin na ito na ang huling araw ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status