KABANATA 3Nahuli ko ang aking sarili na malalim ang iniisip habang nakaupo sa swivel chair sa aking opisin. Ang inventory na pinagtutuunan ko ng pansin ay tila naglaho sa aking isipan dahil hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa artikulong nabasa ko sa social media. Nag-aalinlangan akong maniwala dito, dahil sa dami ng pekeng balita na kumakalat ngayon.Ngunit hindi ko ito maaaring balewalain nang hindi pa nasisiyasat nang husto. Mabilis akong nag-navigate sa website at hinanap ang pangalang Jocelle Sadejas. Nagulat ako na hindi ko pa siya naririnig dati, lalo na't marami akong kaibigan sa industriya ng pagmomodelo.Habang binubrowse ko ang iba't ibang larawan ni Jocelle, hindi ko mapigilang mapansin ang kanyang kagandahan at kayumangging kutis. Ang kanyang mukha ay banayad, may tuwid na ilong at buhay na buhay na mga mata na lalong pinatingkad ng mahahabang pilikmata. Ang kanyang tindig ay nagpapahiwatig na siya ay matangkad at may katamtamang pangangatawan, at isang larawan niya sa
KABANATA 4Naghintay ako sa pagdating ni Elias, at pagkalipas ng isang oras, narito na siya. Mukha siyang nagtataka, pinagmamasdan ang kapaligiran ng kusina, lalo na ang aking mga paghahanda. Tumayo ako at lumapit sa kanya."Anong nangyayari? May napalampas ba akong espesyal?" tanong niya bago ako hinalikan sa pisngi."Wala namang espesyal. Gusto ko lang gawing espesyal," sabi ko na may mapang-akit na ngiti. "Dinner date."Isang natatanging ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi habang sinisipat niya ako. "Well, nagustuhan ko," sabi niya, habang dumudulas ang kanyang kamay sa aking baywang at hinila niya ako palapit. Hinalikan niya ang aking balikat at saka inamoy ang likod ng aking leeg. "Damn it, Shang. You always make me fall in love with you," bulong niya.Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi, ngunit agad din itong nawala. Gusto kong maramdaman ang saya, ngunit ang mga iniisip ko tungkol sa article na nabasa ko tungkol sa kanya ay sumagi sa aking isipan. Damn! Sinabi ko sa sari
KABANATA 5Matapos ang aming pag-uusap ni Elias, umalis ako sa aming kuwarto at bumaba papunta sa isa pang kuwarto. Nagpapasalamat ako na sinabi niya sa akin ang totoo at hindi niya ito pinalawig pa ng ilang araw. Tama ako, hindi niya kayang maglihim sa akin ng matagal, dahil kilala niya ang ugali ko. Kapag may nalaman ako at nakita kong wala siyang balak sabihin ito, hindi ako magiging bukas sa kanya.Sa halip, hahanap ako ng paraan para siya mismo ang umamin sa akin, maliit man o malaking bagay. Tulad ng ginawa ko kanina, kung paano ko siya inilagay sa isang sitwasyon kung saan alam kong kakainin siya ng kanyang konsensya. Kaya wala siyang nagawa kundi sabihin sa akin ang totoo.At ngayon na alam ko na ang katotohanan tungkol sa sinabi sa article tungkol sa kanya at kay Jocelle, pakiramdam ko ay trinaydor niya ako. Oo, sinabi ko na maiintindihan ko anuman ang sabihin niya, ngunit hindi katanggap-tanggap ang kanyang dahilan sa pakikipaghalikan sa iba. Nakipaghalikan siya sa ibang baba
KABANATA 6Unti-unting lumitaw ang pagkagulat sa mukha ni Jocelle, maliwanag na hindi inaasahan ang mga sinab ko. Ngunit hindi nagtagal, nagbago na naman ang ekspresyon niya. Isang ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi, tila ba walang epekto sa kanya ang mga sinabi ko.Lumapit siya nang may tapang. "Oh, so you are the girlfriend? It was nice meeting you then," matapang niyang sabi bago ako sinuri mula ulo hanggang paa. "Nice. I would never expect na may ibubuga ka pala, I was expecting is that you are just a nobody," dagdag pa niya."Tumahimik ka nga, pwede ba?!" biglang singit ni Elias at pumagitna sa amin. "At, ano'ng ginagawa mo rito?!" tanong pa ni Elias. "Akala ko ba napag-usapan na natin 'to?"Bigla akong napatingin kay Elias matapos kong marinig ang kanyang sinabi. "Kaya pala hindi ka sumasagot sa mga message ko, dahil may iba ka palang katext. Grabe!" hindi makapaniwalang sabi ko."Shang, hindi! Mali ang iniisip mo!" agad na pagpupumilit ni Elias, tila gusto pang magpaliwanag.
KABANATA 7Buong araw akong abala sa restaurant, lalo na nang biglang may nagdaos ng business meeting sa La Cucina Celestine, ang aming Italian-American na restaurant. Madalas itong puntahan ng mga dayuhan at kilalang mga negosyante dahil palagi kong pinapanatili ang mahusay na serbisyo para sa mga kostumer.Hindi ko pinapayagan ang anumang pagkaantala o pagiging huli sa paghahain ng pagkain ng aking mga empleyado. Bukod dito, sinisiguro ko rin na mayroong pakiramdam na parang nasa bahay ang ambiance sa restaurant. Gusto ko komportable ang mga kostumer. Pati na rin ang pagkain, kailangan masarap ang lasa, tama ang pagkakaluto, at maganda ang pagkakapresenta.Abala rin ako sa kusina dahil binabantayan ko ang mga kusinero at ang pagkain na kanilang ihinahain. Kung may nakita akong maling paggamit ng mga kagamitan o hindi tama ang paghihiwa ng karne, karot, at iba pang sangkap, tinuturuan ko sila. Hands-on ako sa aking trabaho, at gusto ko lahat ay perpekto bago ihain sa mga tao.Hindi ak
KABANATA 8Sa pagbukas ng pintuan ng malaking silid kung saan ginanap ang party, agad kaming sinalubong ng tugtog ng Latin na musika. Nakita namin ang mga tao na nakapangkat-pangkat, nag-uusap at nagbubulungan, habang hawak ang kanilang mga baso ng alak. Ang mga bisita ay nakasuot ng pormal, mga kilalang negosyante mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas. May mga waiter din na nag-iikot, bitbit ang mga tray na may lamang champagne.Nakapalibot sa silid ang mga bilugan at saktong laki ng mga mesa kung saan nagtitipon ang ilang negosyante para mag-usap. Sa hangin ay halo-halo ang amoy ng mamahaling pabango, at lalo pang pinaganda ng malaking chandelier na nakasabit sa gitna ng kisame. Mayroon ding malaking entablado sa harap na may nakatayong screen monitor kung saan ipinapakita ang larawan at pangalan ng kumpanya ng mga de Marcels.Nang tumapak kami sa gitna, agad na napukaw ng aming presensya ang pansin ng mga tao. Napalingon sila at ngumiti bago lumapit ang ilang negosyante kay Elias
KABANATA 9Atasha's POVBitbit ang bote ng champagne, nagtungo ako sa restroom ng hotel. Pagkapasok, agad kong ikinandado ang pinto at marahang naglakad patungo sa malaking salamin ng restroom. Dahan-dahan kong inilapag ang bote sa lababo at saka ko sinipat ang aking repleksyon sa salamin.Nang mapansin ko ang unti-unting pag-agos ng luha sa aking mga mata, agad akong yumuko patungo sa lababo at naghugas ng mukha. Kahit na hinugasan ko ang aking mukha upang hindi ko maramdaman ang init ng aking mga luha, hindi ko pa rin mapigilan ang marahang panginginig ng aking mga balikat at ang pigil na hikbi na sumisilip mula sa aking mga labi.Lalo kong hinigpitan ang kapit ko sa gripo habang nakayuko, at hinayaan ko ang aking sarili na lamunin ng pag-iyak at mahinang paghikbi. Halos hindi ako makahinga sa tindi ng pagpipigil ko na hindi sumambulat sa malakas na paghagulgol. Ang bigat na nadarama ko sa aking dibdib ay napakasidhi, gusto kong sumigaw, gusto kong magmura. Ngunit walang mga salita
KABANATA 10Elias' POV"Umalis ka na! Huwag mo akong guluhin!"Ngunit tila walang pakialam si Jocelle, sinubukan niya pa rin akong yakapin sa kabila ng pagtataboy ko sa kanya. Hindi pa siya nakuntento roon dahil mabilis niya akong sinunggaban ng halik na siyang nagpainit pa lalo ng aking ulo. Halos itulak ko siya sa ginawa niya, bago hinawakan ng mahigpit ang kanyang dalawang kamay. Inilapit ko siya ng bahagya sa akin, pigil ang galit na tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.Huminga ako ng malalim. "Tigilan mo na, Jocelle. Kung inaakala mong papatulan kita, nagkakamali ka. Tama na ang isang pagkakamali at hindi na yun mauulit pa," may diin ang bawat salitang sinabi ko.Pero hindi siya natinag doon, tumapang ang mukha niya bago hinaplos ang pisngi ko na siyang dahilan ng mabilis na pagdikit ng mga kilay ko, "Elias, ano bang meron kay Atasha na wala sa akin? Mas kaya kitang paligayahin kaysa sa kanya," malanding usal niya bago ako hinaplos sa braso na siyang nag-udyok sa akin upang itu