Share

Kabanata 4

KABANATA 4

Naghintay ako sa pagdating ni Elias, at pagkalipas ng isang oras, narito na siya. Mukha siyang nagtataka, pinagmamasdan ang kapaligiran ng kusina, lalo na ang aking mga paghahanda. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Anong nangyayari? May napalampas ba akong espesyal?" tanong niya bago ako hinalikan sa pisngi.

"Wala namang espesyal. Gusto ko lang gawing espesyal," sabi ko na may mapang-akit na ngiti. "Dinner date."

Isang natatanging ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi habang sinisipat niya ako. "Well, nagustuhan ko," sabi niya, habang dumudulas ang kanyang kamay sa aking baywang at hinila niya ako palapit. Hinalikan niya ang aking balikat at saka inamoy ang likod ng aking leeg. "Damn it, Shang. You always make me fall in love with you," bulong niya.

Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi, ngunit agad din itong nawala. Gusto kong maramdaman ang saya, ngunit ang mga iniisip ko tungkol sa article na nabasa ko tungkol sa kanya ay sumagi sa aking isipan. Damn! Sinabi ko sa sarili ko indi ko ito hahayaang makaapekto sa akin dahil alam kong babalik pa rin si Elias sa akin. Gayunpaman, hindi ko mapigilan ang isipan ko na magtuon dito.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti ng natural kay Elias. "Let's have a sit," sabi ko. Hinila niya ang isang upuan, na nagpangiti sa akin.

"You are really something, Shang. I'm really surprised," sabi ni Elias na may ngiti.

"Sabi ko sa'yo," tugon ko bago tumayo upang kunin ang lutong pagkain. "Alam mo naman, mahilig ako sa sorpresa, Elias," dagdag ko bago inilapag ang Eggplant Parmigiana na aking inihanda sa harap niya. Sinilbihan ko ang aming mga plato bago umupo sa tapat niya.

Sinuri ni Elias ang ulam. "Ano ito? Mukhang hindi ito Chicken Parmigiana."

Nagbuhos ako ng alak sa kanyang baso bago siya tinitigan. "Eggplant Parmigiana ito, isa pang Italian dish. Naisip kong subukan ang iba ngayon. Palagi na lang akong nagluluto at pinapakain sa'yo ng Chicken Parmigiana. Kaya, bakit hindi mo subukang tikman iyan?" sabi ko, itinuturo ang pagkain sa harap niya.

Kinuha niya ang tinidor at kumuha ng kaunti mula sa pagkain bago niya ito tinikman. Pinanood ko siyang ngumuya hanggang sa maubos niya ito. Naglagay ako ng wine sa aking baso at uminom bago muling tumingin sa kanya. Mukhang nagustuhan niya ang niluto ko, dahil halos wala na siyang tinira sa kanyang plato.

Of course, isang head chef ang girlfriend niya. So, what did he expect? Isa ito sa mga pinakamabentang putahe ko sa restaurant, ang Italian dish. Kaya hindi na ako dapat magtaka dahil tuwing magluluto ako para sa kanya, halos maubos niya ang kanyang plato bago magbigay ng komento.

"Kumusta ang lasa? Masarap ba ang ibang putahe, Elias?" tanong ko nang hindi sinasadya. Alam kong may iba itong kahulugan dahil muntik na siyang mabulunan sa narinig mula sa akin.

Agad siyang uminom ng wine bago pinunasan ang kanyang labi. "H-Heaven. Ang galing mo talagang magluto," sabi niya, pilit na itinatago ang kanyang pagkautal sa harap ko, ngunit hindi siya nagtagumpay.

Isang mahinhing ngiti ang sumilay sa aking labi dahil sa sinabi ni Elias. Heaven? That means Jocelle made you experience something heavenly, explaining why you arrived home early in the morning. Suddenly, the atmosphere felt a bit awkward.

Pinaglaruan ko ang baso ng wine sa aking kamay, paikut-ikot. Tumingin ako kay Elias, "Gusto mo pa ba? Marami akong niluto," sabi ko bago tumayo at kumuha ng isa pang putahe. Inilagay ko ito sa kanyang plato. "Ito naman ay Stuffed Mushrooms," dagdag ko, at muling naupo sa harap niya.

Tinikman niya ito, at hinintay ko ang kanyang komento. "Wow! This tasted good. You are such a great chef, I'm so lucky that you are my girlfriend," papuri niya na may ngiti sa kanyang mukha, hawak ang aking kamay na nakapatong sa mesa.

Inubo ako at uminom ng kaunti pang alak. "Of course, I'm not just girlfriend material but wife material," sagot ko, habang ninanamnam ang pagkain sa aking plato. "Kaya, Elias, may tanong ako. Alin ang mas masarap, ang luma mong natikman o itong bago ngayon?" tanong ko nang seryoso habang nakatingin sa kanya.

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Elias, marahil ay may iba siyang naramdaman sa tanong ko. Naging mas tensyonado ang paligid sa pagitan namin. Palihim akong ngumisi, hindi ko pa nababanggit ang tungkol sa nalaman ko, pero parang alam na niya ang ibig kong sabihin.

Ngayon ko lang nakumpirma at na-realize na baka totoo ang nakasulat sa article tungkol sa kanya at kay Jocelle Sadejas. Ang reaksyon niya lang, sapat na ebidensya na. Sa loob ng labing-apat na taon, kabisado ko na ang kilos ni Elias. Agad kong nalalaman kung nagsisinungaling siya o kung may mali.

Kaya naisip ko, hindi ko na kailangan pang itanong sa kanya ang tungkol doon. Dahil nakumpirma ko na ang totoo, at mananatili akong tahimik as nalaman ko. Magkukunwari na lang ako na walang alam sa harap niya, hanggang sa siya na mismo ang magkwento sa akin. Kilala ko si Elias, alam kong hindi niya iyon ililihim sa akin ng matagal. At anuman ang dahilan niya kung bakit niya nagawa iyon, susubukan kong unawain.

Inayos ko ang upo ko at ngumiti kay Elias, na halatang hindi na komportable. "Ano na? Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Alin sa dalawang putahe ang mas masarap para sa iyo? Ang una o ang pangalawa?"

Nakita ko siyang lumunok. Uminom siya ulit ng alak at parang gusto nang umiwas sa usapan. You seem too guilty, Elias. I haven't said anything yet, but you're already too obvious. You really can't lie to me; I know you very well.

"P-piliin ko yung isa."

"Alin doon?"

"Yung una, Chicken Parmigiana," nauutal niyang sagot, sabay iwas ng tingin mula sa akin.

Napangiti lang ako at buntong-hininga. "Gusto mo bang dagdagan ko pa ang alak sa baso mo? Mukhang nagustuhan mo yung alak, ah?" Gusto ko siyang asarin hanggang sa mainis siya at uminit ang ulo.

Agad niyang niluwagan ang kanyang kurbata. "Oo, pakisalin ulit," sagot niya kaya dali-dali kong dinagdagan ang alak sa baso niya.

Muli akong napangiti. "Talagang nagustuhan mo yung alak, Elias."

"Syempre, paborito ko yung alak na 'yan."

Napahinto ako sa pagsalin ng alak sa baso ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Ano? Paborito mo?" tanong ko na bigla niyang ikinatigil. Napasinghap ako at itinigil ang pagsalin. "Elias, Chianti itong alak," sabi ko at ipinakita sa kanya ang label ng bote. Lalo siyang natigilan at nakita ko rin ang paglunok niya. "Hindi mo gusto ang lasa nito, di ba? At, ang paborito mong alak ay Amarone della Valpolicella, tama ba?"

Hindi niya ako kayang tingnan nang direkta dahil sa sinabi ko. Gusto kong matawa dahil doon. Dahil sa sobrang pagkakonsensya at hindi siya komportable sa aming usapan, hindi niya napansin ang alak na kanyang iniinom mula pa kanina. Hindi niya rin napansin ang lasa nito. Karaniwan, sa aming mga dinner date, lagi niyang tinitiyak na tama ang alak na kanyang iniinom.

Isang uri lang ng alak ang kanyang iniinom at wala nang iba. Ito ang unang pagkakataon na nakalimutan niya ito. Sinubukan ko siyang testing-in kanina kung mapapansin niya ang pagbabago sa lasa ng alak, pero hindi niya napansin, at parang mas lalo pa niyang nagustuhan. Ngayon, hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sitwasyon na ito. Talagang niloloko niya ako.

"Ah, tama," iyon lang ang nasabi niya. "Siguro pagod lang ako sa trabaho. Maliligo muna ako," sabi niya bago tumayo at mabilis na umalis sa kusina.

Tinitigan ko ang bakanteng upuan na iniwan niya, at malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Muli kong pinuno ang aking baso ng alak at ininom ito bago pinunasan ang aking mukha. Sumandal ako sa upuan habang nilalaro ang baso ng alak sa aking mga kamay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sandaling ito, ngunit labis akong nadismaya kay Elias.

Is he really cheated on me! What the fuck.

Nagbuhos ako ng mas maraming alak sa aking baso at uminom muli bago bahagyang tumawa. Why, Elias? Why did you have to cheat? Am I never enough? Damn!

Naramdaman ko ang unti-unting pagtulo ng luha sa aking kabilang mata, ngunit mabilis ko itong pinahid. Huminga ako ng malalim bago tumayo at inayos ang kalat sa mesa. Matapos ilagay ang natirang pagkain sa refrigerator, umakyat na ako sa itaas. Hawak ang alak habang umaakyat sa hagdan, patuloy ako sa pag-inom nito.

Pagpasok ko sa aming kwarto, kakalabas lang ni Elias mula sa walk-in closet. Tumingin siya sa akin at tila lalapit, ngunit mabilis akong dumaan sa kanya, pumasok sa banyo, at ikinandado ang pinto. Hinubad ko ang aking stilettos, binuksan ang gripo sa bathtub, nagdagdag ng sabon sa tubig, naghubad ng lahat ng damit, at lumubog sa paliguan.

Mahigit isang oras akong nanatili sa tubig bago nagpasyang lumabas. Matapos ang mabilisang shower, nagtapis ako ng bathrobe at lumabas ng banyo. Subalit, hindi ko inaasahan na haharapin ako ni Elias.

"Shang, puwede ba tayong mag-usap?" tanong niya.

"Mag-usap tungkol saan?"

"May kailangan akong sabihin sa iyo."

Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni Elias, ngunit nagkunwari pa rin akong walang alam at natural lang ang aking kilos sa kung ano man ang sasabihin niya. Pumasok ako sa walk-in closet at lumapit sa vanity para gawin ang aking skincare routine. Sumunod naman sa akin si Elias at tumayo lang sa aking likuran.

"Ano 'yon? Sabihin mo na." Huminga ng malalim si Elias at parang nag-aalangan pa ring magsalita. Kaya naman hinarap ko siya at tinitigan ng seryoso. "Ano ba 'yon?"

Napalunok siya at humarap sa akin. Lumuhod siya sa sahig at hinawakan ang mga kamay ko na nakapatong sa aking mga hita. "Shang, may nagawa akong mali, at hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa'yo. Magagalit ka ba kapag sinabi ko sa'yo?" tanong niya.

Tinitigan ko siya ng seryoso. "Depende 'yan kung hindi ka magsisinungaling at sasabihin mo ang lahat. Ano ba 'yon, Elias?"

Hinalikan niya ang aking mga kamay bago siya nagtipon ng lakas ng loob para magsalita. "Pangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan pagkatapos mong marinig ito," pakiusap niya.

"Depende 'yan kung ang nagawa mo ay katanggap-tanggap o hindi. Susubukan kong intindihin. Basta huwag ka lang magsinungaling sa akin," pakiusap ko rin sa kanya.

Bumuntong-hininga siya ng malalim bago niya ako tinitigan ng mataman. "Shang, nagsinungaling ako sa'yo. Nagsinungaling ako nung sinabi kong kasama ko si Alph kagabi, na natulog ako sa condo niya. Hindi 'yon totoo." Nakita ko ang sinseridad at katapatan sa kanyang mga mata.

"Eh, ano ang totoo? Saan ka ba kagabi? Ilang beses kitang tinawagan pero hindi ka sumasagot. Nasaan ka ba, Elias?"

"Pumunta ako sa bar."

"At pagkatapos?"

Tinitigan niya ako bago siya huminga ng malalim. "Nag-inom ako mag-isa hanggang sa malasing ako. Nilunod ko ang sarili ko sa alak, at muntik na akong matulog doon. Sinubukan ko ring tawagan ka, pero may lumapit sa akin. Akala ko ikaw 'yon, at dahil sobrang lasing ako nung gabing 'yon, nagpadala ako at..." bigla siyang tumigil.

"At?"

"A-At, naghalikan kami," pabulong niyang sabi. "Nagising ako sa VIP room, at kasama ko ang ibang babae, na akala ko ikaw. S-Shang, I've had a o-one-night stand," dagdag niya, na nagdulot ng kakaibang kirot sa aking puso.

Dahan-dahan kong inalis ang aking kamay mula sa kanyang hawak, na nagpatingin sa kanya sa akin. Naging blangko ang aking mukha, at bigla akong nawalan ng gana.

"One night stand?" mahina kong sabi bago tumango. "Salamat sa pagiging totoo mo. Pero sa tingin ko, bigyan mo ako ng oras para matanggap ito. Hindi ko alam kung paano mag-react, Elias. Nakipag-sex ka sa ibang babae, iniisip na ako 'yon? Dapat ko bang tanggapin ang dahilan mo? Elias, panloloko pa rin 'yon," sabi ko bago ko siya nilampasan at umalis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status