Share

Kabanata 6

KABANATA 6

Unti-unting lumitaw ang pagkagulat sa mukha ni Jocelle, maliwanag na hindi inaasahan ang mga sinab ko. Ngunit hindi nagtagal, nagbago na naman ang ekspresyon niya. Isang ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi, tila ba walang epekto sa kanya ang mga sinabi ko.

Lumapit siya nang may tapang. "Oh, so you are the girlfriend? It was nice meeting you then," matapang niyang sabi bago ako sinuri mula ulo hanggang paa. "Nice. I would never expect na may ibubuga ka pala, I was expecting is that you are just a nobody," dagdag pa niya.

"Tumahimik ka nga, pwede ba?!" biglang singit ni Elias at pumagitna sa amin. "At, ano'ng ginagawa mo rito?!" tanong pa ni Elias. "Akala ko ba napag-usapan na natin 'to?"

Bigla akong napatingin kay Elias matapos kong marinig ang kanyang sinabi. "Kaya pala hindi ka sumasagot sa mga message ko, dahil may iba ka palang katext. Grabe!" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Shang, hindi! Mali ang iniisip mo!" agad na pagpupumilit ni Elias, tila gusto pang magpaliwanag.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status