Share

Kabanata 13

KABANATA 13

Atasha's POV

Isang araw ang lumipas mula nang makalap ko ang mga impormasyon hinggil kay Jocelle, at ngayon, nagpasya na akong personal siyang dalawin. Kitang-kita ko mula dito ang taas ng gusaling Fantasia, kung saan nagtatrabaho si Jocelle bilang modelo. Dali-dali akong pumarada sa parking lot at bumaba ng sasakyan.

Ang Fantasia ay kilalang-kilala bilang isang kumpanya na nagbibigay ng pagkakataon sa mga nagnanais pasukin ang mundo ng pagmomodelo, at nag-aalok din sila ng mga oportunidad para sa mga baguhan na nais subukan ang kanilang kapalaran sa larangang ito. Marami na silang naitampok na ngayon ay may mga karera na sa ibang bansa, at isa na rito si Jocelle.

Batay sa mga detalyeng nakalap ni Tito Henry, sinimulan ni Jocelle ang kanyang karera sa pagmomodelo pagkatapos niyang umuwi mula sa France, dalawang taon na ang nakalilipas. Nagpakita siya ng determinasyon na makapasok sa industriya kahit na baguhan pa lamang siya, at sa hindi inaasahang pagkakataon, pinagbigya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status