Share

Kabanata 14

KABANATA 14

Elias' POV

Kakabalik ko lang ngayon sa opisina matapos ang aking business meeting kasama ang apat na investors. Nais ko pa sanang maglaan ng mas maraming oras doon upang makapiling si Shang kahit saglit, subalit kinakailangan kong magmadali dahil mayroon akong mahalagang pagpupulong na dapat kong daluhan sa kumpanya kasama ang mga manager ng iba't ibang departamento.

Habang ipinaparada ko ang aking sasakyan, tumawag ang aking sekretarya, "Sir Elias? May isang tao po dito na naghahanap sa inyo, nasa opisina niyo po siya," sabi niya na nagdulot ng pagtataka sa akin. Wala akong inaasahang bisita ngayon. Sino kaya ito?

"Sige, papunta na ako diyan," sagot ko at saka ko pinutol ang tawag.

Mabilis akong nagtungo sa elevator at pinindot ang buton para sa ika-apat na palapag. Pagkababa ko, nagkataong nakasalubong ko si Diovanni na mukhang abala at seryoso sa pakikipag-usap sa telepono. Sa kanyang ekspresyon, halata ang pag-aalala. Hindi na ako nagtaka—tiyak na si Katarina na naman
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Melvinel Casilla
update Po pleaseeeee.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status