Share

Kabanata 7

Matapos kong maibigay ang benta at makuha ang suhol, tinupad ko ang aking pangako kina Mirna at Jamie na babalik ako.

Gayun pa man bumalik ako upang magpaalam na aalis at hindi manatili pa na kasama sila. Pero ano pa nga ba, pinilit ako ng dalawa na dumiretso na lang daw muna sa plasa.

Kagagaling lang do’n nila ah.

Kaya todo tanggi pa ako. Maraming rason din ang sinabi ko makawala lang sa kanila. Ang pumiglas-piglas ay sinubukan ko ring gawin ngunit sabunot lang ang inabot ko galing sa dalawa.

Sila na nga ang namimilit, sila pa ang nananakit. Walang duda tuloy na napasama ako. Nyemas!

"Tapos naman ang liga 'di ba? Oh ano pa ang ginagawa natin dito? May gagawin pa ako sa bahay, aksaya lang 'to ng oras eh," reklamo ko. Pero hindi man lang ako binalingan ni Mirna na prenteng naka-upo sa sementong upuan na pumapalibot sa buong gilid ng plasa.

Siya lang ang kasama ko ngayon, bumili ng makakain si Jamie, libre niya. At ito kam

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status