Share

Kabanata 11

"Walang tubig diyan sa kusina. Sa labas ka na maghugas ng pinagkainan Elise. Pagkatapos niyan samahan mo kapatid mo maligo sa poso. Ewan ko ba't ano na naman ang ginawa ng kapatid mo at ang dungis-dungis na naman," ngumunguya pa nang sabihin iyan ni Nanay. Tumango ako sa ikalawang pagkakataon.

"Pero kung ayaw mo sa labas maghugas, mag-igib ka na lang ng tubig. Pwede ring—ganito na lang... Mag-igib ka do’n sa may poso, punuin mo ang tab at ang isang balde, 'yong sa balde ang gagamitin ng kapatid mo, ang sa tab naman 'yan gamitin mong panghugas para na rin—"

"Oo na Nay alam ko na. At saka wala pa nga eh, kumakain pa nga lang tayo oh," sumabad na ako.

Alam ko naman kasi ang patutunguhan ng usaping iyon. Kasi naman, ikalawang ulit ng sinabi iyon ni Nanay, kabisado ko na ang gagawin.

"Iyon nga ang punto ko Elise. Sinabi ko na para alam muna ang gagawin mo pagkatapos nating kumain. Ki-hilig mo na 'atang pangunahan ako. 'Pag maulit pa iyan ipa

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status