Share

Living with The Billionaire
Living with The Billionaire
Author: Joyanglicious

Prologue

"Nakita ka niya?" Tanong ni Cohen sa lalaki nang magkita sila sa loob ng VIP room.

"No." Umiling ang binata sa kaibigan. "She was busy dancing with her friend."

"Keisha?" Cohen asked. Ininom niya ang alak na nasa baso. Maya-maya ay pumasok sila Matthew at Claude na mukhang lasing na ata dahil sa pamumula ng mga mukha.

"Yes." Tumango pa ang lalaki sa panganay na Sanders at tiningnan ang dalawa pang Sanders na naupo sa sofa.

"Don't worry about my sister," ani Cohen sa kaibigan. Hindi nagsalita ang lalaki at uminom na lang. Iniisip ang sasabihin niya sakaling magkita na talaga sila ng babae at kung ano ba ang magiging reaksiyon nito kapag nakita siya nito.

Sana lang ay hindi ito magalit sa kaniya.

"Lasing na ba kayo?" May inis sa tono ng boses ni Cohen nang makita ang dalawang kapatid na kung ano-ano na lang ang pinagsasabi. Napatingin ang lalaki sa dalawang nakababatang kapatid ni Cohen at napailing.

"Hindi ako lasing!" Si Matthew habang tinuturo-turo ang mga kasama niya sa loob.

Napailing si Cohen sa kapatid at uminom na lang ulit. Tiningnan niya ang lalaking tahimik pa rin habang umiinom.

"Gusto mo na talagang magkita kayo, 'no?"

"What are you saying, Cohen?" Kumunot ang noo ng lalaki sa kaibigan. Ayaw niyang aminin ang bagay na iyon. Kahit na matagal na niyang gustong makita at makausap ang babae.

Hindi tulad ngayon na palihim siya kung tumingin sa babae. Para siyang stalker na anytime ay pwedeng ireklamo ng babae, mabuti na lang at hindi siya napapansin ng babae kapag nakatingin siya rito.

"I know that look," sabi pa ni Cohen sa kaibigan.

Hindi siya nagsalita. Ayaw niyang magsalita ng kahit ano, lalo na't kapatid ng kaibigan niya ang tinutukoy nito. Sabay silang napatingin sa pinto nang bumukas iyon. Akala nila ay isa iyon sa nga bodyguard nila pero nakita nila si Blaze.

"Fuck?!" Gulat na sabi ni Cohen, muntik pang matapon ang hawak niyang alak.

"Gago! Kelan ka umuwi?!" Pati sila Claude ay napatayo nang makita ang kaibigan nilang bigla na lang sumulpot sa kanilang harapan.

"Surprise, fuckers!" Ngumiti si Blaze sa mga kaibigan.

"You will stay here for good?" Isaiah asked the man. Tumingin sa kaniya si Blaze at tumango.

"Yes, of course! Dito naman talaga ako nakatira, eh," aniya.

"Sus! May binalikan ka lang, eh!" Matthew teased. Tinaasan siya ng middle finger ni Blaze kaya naman natawa sila. Napailing si Isaiah sa kaibigan at uminom ulit.

"Kumusta kayo?" Blaze asked his friends.

"Ito, gwapo pa rin," sabi ni Claude.

"Gwapo, pero sinampal kanina," ani Matthew at humalakhak.

"Bakit?" Tanong ni Blaze sa dalawa.

"Nagtanong ka pa, lagi naman 'yang nasasampal. Hindi ka pa nasanay," Cohen said and shook his head.

"Oo nga pala! Halik ka kasi nang halik, eh!" sabi ni Blaze sa kaibigan at tinawanan ito. Napatingin siya sa isang kaibigan na tahimik lang na nakikinig sa kanila.

"Anong balita sa kaniya?"

"Wala pa rin," ani Isaiah. Ininom niya ang hawak na alak at naalala na naman ang babae.

"Okay lang 'yan. It takes time, Isaiah."

Napatingin siya sa lalaki. Halatang may laman ang mga salitang sinabi sa kaniya. Napatingin na rin kay Blaze ang mga Sanders nang marinig ang sinabi niya.

Alam na alam naman nilang lahat kung bakit bumalik ang kaibigan nila rito. Katulad ni Isaiah, may gusto rin itong balikan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status