Share

Chapter 2

Kailangan ni Keisha ng preskong hangin kaya naman maaga siyang umalis sa trabaho. Hindi niya alam kung bakit ba pana'y ang isip niya sa lalaking nakita niya kahapon. Ex na niya si Blaze, pero bakit sumasagi pa rin sa kaniyang isip ang lalaki. Kung alam lang niya na ganito ang magiging epekto ng lalaki sa kaniya, sana ay hindi na niya ito kinausap.

Blaze was her first boyfriend, matagal din silang nagsama ng lalaki. Halos tatlong taon ang kanilang relasiyon. Maraming nangyari noon kaya naman nakipaghiwalay si Blaze sa kaniya. Hindi alam ni Keisha kung anong gagawin nang mga panahong iyon. Ang marinig ang mga salitang iyon sa lalaki , halos gumuho ang mundo niya nang marinig sa lalaki na gusto na nitong makipaghiwalay sa kaniya. She was young back then, and yet Blaze left her.

Matapos nun ay wala na siyang narinig mula sa lalaki. Nagpokus na rin siya sa kaniyang sarili, at sa pag-aaral niya. Ginawa niya iyon para naman hindi na niya maalala ang lalaki. Isa pa sa mga nakasama niya ay si Margeaux na hindi rin naman siya iniwan nung mga panahon na sobrang lugmok siya. Nagpapasalamat siya sa kaibigan niya dahil sa mga nagawa nito sa kaniya.

Kaya noon lang din niya napansin ang Kuya ni Margeaux na si Cohen, hanggang ngayon nga ay crush niya pa rin ang binata. Bukangbibig niya lagi ang pangalan ni Cohen kaya naman minsan ay naiinis na din si Margeaux sa paulit-ulit na pagbanggit niya sa pangalan ni Cohen. Itinuon niya ang pansin niya sa lalaki para naman hindi niya maalala pa ang ex niya, iyon ang ginawa niya sa mga nakalipas na taon. Tapos kahapon lang ay babalik ang lalaki na parang wala lang. Nagpakita ito sa kaniya na para bang hindi niya nasaktan si Keisha. Ang kapal din talaga ng mukhang bumalik dito sa Pinas.

Napailing si Keisha nang maalala ang nakaraan, ang paghihirap niya noong mga panahon na iniwan siya ng lalaki patungo sa ibang bansa. Kung hindi siguro dahil sa kaibigan niyang si Margeaux ay mababaliw siya kakaisip kung bakit bigla na lang nakipaghiwalay sa kaniya si Blaze.

Pumasok siya sa loob ng club at may nakitang mga pamilyar na mukha sa loob. Binati siya ng mga ito at ngumiti lang din siya pabalik, at kumaway sa mga ito. Tinext niya pa ang kaibigan na sumunod dito sa kanya, pero masyadong maraming ginagawa ang kaibigan niya kaya naman hindi ito makakasunod sa club. She ordered a drink for her, and sat down. Napatingim siya sa isang sulok at nakita si Cohen na umiinom, bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang lalaki. Kung nandito lang si Margeaux paniguradong magagalit na naman iyon sa kaniya kapag sinabi niya na naman ang pangalan ng lalaki.

"Kei!" Nilingon niya kung sino man ang tumawag sa kaniya at nakita si Cole, isa rin sa mga kaibigan nila Cohen.

"Cole, hi!" Bati niya rin sa lalaki at nginitian ito.

"Long time no see, how's life?" Cole asked Keisha. Ang tagal din nilang hindi nagkitang dalawa.

"Good, like usual.." Keisha said and remembered Cole's friend. She shook her head. Hindi pa nga siya nakakainom pero pakiramdam niya ay lasing na siya dahil sa mga naiisip niya ngayon.

"What's with the pause?" Cole chuckled.

"Nothing, I just—"

"Oh, shoot! You saw him?" Cole asked and gave Keisha a smile. Iyong ngiti na nang-aasar. Napirap si Keisha sa lalaki, ito na naman. Paniguradong aasarin na naman siya ng lalaking 'to. Syempre kaibigan ni Cole si Blaze!

"Who?" Tanong pa ni Keisha at umiwas ng tingin sa lalaking nasa kaniyang harapan. Natawa si Cole sa naging reaksiyon ng dalaga at napailing ito. Isa ito sa mga rason kung bakit ayaw makita ni Keisha ang mga kaibigan ng ex niya, dahil aasarin lamang siya ng mga ito. Syempre, saksi sila kung paano umiyak nang umiyak si Keisha nung gabinh iyon. Hindi rin makakalimutan ni Keisha na nasaksihan iyon ng mga kaibigan ni Blaze. Sana nga lang at hindi iyon nakarating sa kaniyang ex, dahil nakakahiya kapag nalaman pa iyon ni Blaze.

"You can't escape, because he's already here." Keisha's heart pounded when Cole said that to her. She was about to say something, nang makita niyang papunta na sa gawi nila ang lalaki. Nakangiti pa ito at kumakaway-kaway pa ang mokong. Dali-daling naglakad palayo si Keisha, papunta sa restroom. Ayaw niyang makita o mapalapit man lang sa lalaking iyon. Pakiramdam niya ay hindi na naman siya makakatulog ng maayos nito. Kasalanan talaga lahat ni Cole.

Imbes na magpakasaya siya at para hindi na maisip ang lalaki, ito naman ang nangyari sa kaniya. Hindi na ata niya matatakasan ang lalaki. Unang kita niya pa nga lang ulit sa lalaki ay para na siyang mababaliw, paano pa kaya kapag araw-araw iyong mangyari?

Tumunog ang cellphone ni Margeaux at nakita niyanh tumatawag ang kaniyanh ina sa kaniya, agad naman niya itong sinagot.

"Where are you, darling?" Her mother asked her.

"Office, Mom," Margeaux said. She took her bag and off the light. "But I'm done here. Why, is there something wrong?" She asked her mother.

"We have something to tell you, it's really important." Her forehead creased when she heard that from her mother.

"Okay, Mom," she said. Nagtataka pa rin kung ano nga ba ang sasabihin sa kaniya ng kaniyang magulang at tumawag pa talaga 'to sa kaniya.

"Take care, I love you."

"I love you, Mom."

Pumunta na siya sa kaniyang sasakyan at pakiramdam niya ay may nagmamasid nang bawat mga kilos niya. Napailing na lang siya at nagmaneho na ng kaniyang sasakyan. Nang makarating sa kanilang mansiyon, pumasok na siya sa loob at agad na nakita ang kaniyang ama at ina sa living room. Akala niya sila lang pero nagulat siya nang makita ang mga kapatid niyang naroon din, kaya naman mas lalo siyang nagtaka.

"I'm here!" She said, and they all looked at her. She waved at them.

"Darling, come here!" Her mother said. Agad siyang pumunta kung nasaan ang mga kapatid niya at naupo na rin. Nakaharap sila sa mga magulang nila ngayon. Naghihintay ng sasabihin nila sa kanila.

"So, what are we talking about? Is it really important?" Tanong ni Margeaux habang nakatingin sa mga kasama niya sa sala. Nakita niya ang pagtinginan ng kaniyang ina at ama. Her brothers cleared their throats, mas lalo siyang nagtaka sa mga kinikilos ng mga kasama niya. Hindi niya maintindihan kung ano nga ba ang nangyayari.

"Nandito na ang anak ng mga Sanchez. His name is Isaiah," Her mother said. Huminto la ito para tingnan ang reaksiyon ng kaniyang anak.

"And?" Margeaux asked, raising her brow. Hindi nga niya alam kung sino iyong tinutukoy ng ina niya. Pamilyar lang ang pangalan pero hindi niya kilala kung sino iyon. Ang mag-asawang Sanchez lang ang kilala miya dahil kaibigan iyon ng mga magulang niya.

Her father cleared his throat. Mas lalo lang siyang nagtaka nang gawin iyon ng kaniyang ama at napatanong sa kaniyang sarili kung ano nga ba ang nangyayari.

"Titira ka kasama si Isaiah, sa iisang bahay." Margeaux eyes widened when she heard that from her mother. Seryoso ba sila? Napatingin siya sa kaniyang ama na ngayon ay hindi na makatingin sa kaniya.

"What?!" Gulat na tanong ng dalaga habang nakatingin sa mga kasama niyang ngayon ay mukhang hindi na rin alam ang sasabihin. "Dad?" Tawag niya sa kaniyang ama.

Mr. Joaquin cleared his throat and looked at his daughter. "I'm sorry, darling. We already talked about this, napagdesisiyonan na namin 'to ng Mommy mo."

"What about me? Bakit kayo ang nagdedesisiyon sa buhay ko?!"

"Margeaux!" Cohen called his sister.

"What? I'm just saying the truth! Why they're deciding for my own life?" Galit siyang tumingin sa kaniyang Kuya. Hindi man lang niya alam kung bakit ginagawa 'to sa kaniya.

"Margeaux, calm down," Matthew said while looking at his sister. Umiling ang dalaga. Hindi makapaniwala na pinagplanohan ito ng pamilya niya.

"Stop refusing, Margeaux. We already talked to Sanchez family, and you're moving out tomorrow." Kitang-kita sa mga mata ng Ginang na seryoso siya sa kaniyang mga sinabi.

"Paano naman ako?! Bakit ba nangingialam kayo palagi?" Galit na tanong ng dalaga. Pinipigilan niya ang luha sa kaniyang mga mata.

"Sweetie, calm down," her father said.

"No! Paano ako kakalma kung kakasabi niyo lang sa akin na aalis ako sa bahay na 'to at titira kasama ang putanginang lalaking hindi ko naman kilala!" Tumulo ang luha sa mata ng dalaga nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Bakit hindi man lang siya sinabihan tungkol sa ganito? Bakit desisiyon lang sila nang desisiyon na wala man lang paalam sa kaniya. Buhay niya ang nakasalalay rito.

"Margeaux! Your mouth!" Mr. Sanders warned her daughter.

"Oh, yes! My mouth! I don't fucking care! Ni hindi niyo man lang ako sinabihan! Basta lang kayo nagdesisiyon! Bakit buhay niyo ba ang masisira?!"

"This is your punishment for wasting your money and time with nonsense." Malamig na tiningnan ng Ginang ang kaniyang anak.

Margeaux's mouth parted and was about to say something, when she realized they wouldn't listen to her. She just rolled her eyes, and went to her room. Narinig niya pa ang mga tawag sa kaniya pero hindi na siya nag-abalang lumingon pa.

Nang gabing iyon ay iyak siya nang iyak sa loob ng kaniyang kwarto. Pumunta pa ang mga kapatid niya pero hindi niya ito pinagbuksan.

Kinabukasan ay namamaga ang mata ng dalaga nang magising siya. Galit pa rin siya sa mga nalaman. She packed her things and went downstairs. Hindi siya nagsalita ay diri-diritso na lang na lumabas. Nakita pa niya ang mga pagtingin sa kaniya ng mga katulong. Sinaway ng mayordoma nila ang mga katulong at sinabing bumalik na sa kanilang ginagawa.

Sumunod ang mga kapatid niya at tinulongan siya sa kaniyang mga gamit. Hindi man lang siya umimik habang tinutulongan siya. Napapansin din niya na tinitingnan siya ng mga kapatid niya. Akala niya ay tutulongan lang siya ng kaniyang mga kapatid pero nagulat siya nang sumakay rin ang mga 'to sa van.

Kumunot ang kaniyang noo.

Kahit na gulat ay hindi na lang niya iyon pinansin. Alam niyang siya lang ang hinihintay ng mga kapatid niya na magsalita pero hindi niya iyon gagawin dahil ayaw niya pang makipag-usap sa kanila.

Tahimik lang sila sa loob ng van, at nang makarating sa malaking mansiyon ay agad silang bumaba sa sasakyan at kinuha ang mga gamit ng kapatid. Nilibot ng dalaga ang paningin at nagulat sa sobrang laki ng mansiyon. Seryosos ba sila na ang iisang anak lang ng mga Sanchez ang nakatira rito? Sobrang laki naman nito para sa isang tao?

Sa palagay niya ay triple ito ng size ng kanilang mansiyon. Malaki na sa labas, paano pa kaya kapag nakita na niya ang loob. Malulula ata siya. Napatingin siya sa paligid at may nakitang mga lalaking naka-black.

Bodyguards.

Sobrang dami ng mga iyon. Mahigpit din sa security.

"Man!" Matthew said and Margeaux saw a attractive man, smiling at her brother. Her eyes widened when she saw the man, he's the man she saw at the restaurant. Nung kasama niya si Keisha!

"Hey," he said. Hindi alam ni Margeaux kung ano nga ba ang magiging reaksiyon niya dahil sa bagong nalaman. "What's up?"

"As usual, gwapo pa rin." Napairap si Margeaux nang marinig iyon sa kaniyanh kapatid. Kapal talaga ng mukha, kahit kelan.

Nakikinig lang siya sa pinag-uusapan ng mga kasama niya. Hindi nga niya kilala itong lalaking kausap ng kaniyang mga kapatid pero pamilyar talaga ang lalaki sa kaniya.

Nilibot niya ang paningin para tingnan ang buong mansiyon. Nakita niya ang mga picture frame na nakasabit sa wall at ilang mga sculpture. It's all latest. Well, mayaman nga talaga ang lalaki. Kaya nagtataka siya kung bakit ba pumayag ang mga magulang niya na tumira siya sa malaking bahay na ito kasama amg lalaking hindi naman niya kilala.

May malaking utang kaya ang mga magulang niya sa pamilya ng mga Sanchez? Kaya ba siya ang pinadala rito? Maghihirap na ba sila? Tinakot ba ng mga Sanchez ang mga magulang niya kaya siya narito? Siya kaya ang pinambayad ng mga magulang niya?!

Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ng dalaga. Hindi niya alam kung ano nga ba ang totoong rason kung bakit nga ba siya narito.

Nakita niyang maraming kasambahay ang lalaki, may mga bodygurds pa na mas marami pa sa bodygurd nila sa mansiyon nila. Kahit sa loob ay may mga bodyguard din.

Delikado ata buhay ng lalaking 'to?

"Dadalhin na po namin ang mga gamit niyo sa kwarto niyo, Ma'am," sabi ng isang kasambahay sa kaniya na tinangoan na lang niya.

"Is she mad?" Tanong ng lalaki sa magkakapatid. Tumingin si Cohen sa kaniya, habang ang dalawa ay tumikhim lang. Hindi alam kung anong isasagot sa tanong ng kaibigan. They are worried to their sister, and as much as they want her to tell what is happening. Hindi nila magawa. Hindi pa oras para ro'n.

"Upset, perhaps," Cohen said. He looked at his sister, who's now looking at the whole mansion.

"Well, I told you I can handle it on my own," the man said. Cohen looked at him and shook his head.

"You know my father. He can't stand you seeing this, even Mom's helping you," Cohen said. Naalala niyang sobrang bait ng mga Sanders sa kaniya, kahit noon pa man.

"Father was just worried," Matthew said while looking at them. Claude nodded as well. They know how much hard it for Isaiah, that's why they are here to help their friend.

Sanders mansion filled with the voice of Mr. Joaquin Sanders. He's worried about his only daughter. They are waiting for their sons to go home.

"She need to learn her lesson, honey," sabi ng Ginang habang nakatingin sa kaniyang asawa.

"I know, and she's mad to us right now."

Nagbigay ng tubig ang kasambahay sa kanila, kaya naman nagpasalamat ang Ginang at inabot sa asawa ang tubig para makainom ito. Alam niya kung gaano kamahal ng kaniyang asawa ang anak nila, at ganun din naman siya. Hindi lang kaya ni Mr. Joaquin kapag galit ang kaniyang mga anak sa kaniya dahil hindi siya makapagpokus kapag ganun ang senaryo. Buong araw niya kasing iisipin ang mga anak niya.

"Don't worry, everything will be alright," ani Mrs. Sanders at niyakap ang kaniyang asawa para naman mabawasan ang pag-aalala nito sa kanilang anak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status