Share

Living With The Ruthless
Living With The Ruthless
Author: Asiana Asia

Chapter 1

Naomi

Maga-alas dose na ng hating gabi at marami pa akong asignatura na kailangang tapusin pero ito ako ngayon at mas tumatambak pa ang kailangang hugasan.  Pumupunta talaga ako dito sa restobar ni Madame Martha para sumideline sa paghuhugas nang sa gano'n ay may iabot din ako kay nanay at ipanggastos ko sa kailangan ko sa school. Kahit papaano ay nakakatulong din naman.

"Oh, huwag kang tatayo at iisiping umalis para ako na lang ang tumapos." Dumating si Nanay at pabagsak na inilagay ang mga baso sa palanggana.

Pinahid ko naman ang talsik ng bula sa pisngi ko dahil sa ginawa niyang 'yon. "P-Pero may activity pa ako 'nay. K-Kailangan ko ho iyong tapusin dahil deadline na b-bukas." Hindi ko man tinitingnan ang nanay ko ay alam kong sumama ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Sinasabi ko sa'yo, Naomi. H'wag ka ng mag-aral, masasayang lang ang oras. Wala ka namang alam kaya wala ring k'wenta! Gamitin mo na lang 'yang ganda mo. Humanap ka ng mayaman, kahit matanda, akitin mo! At nang mapakinabangan ka naman namin at ng kapatid mo!"

"K-kaya nga ho nagaaral ako 'nay--"

"Lintik!"

Napaiwas ako nang ambaan niya ako ng sapok sa ulo.

"Puro ka aral! Kahit kailan talaga ay napakabobo mo, Naomi! Ano ang mapapala mo sa pag-aaral e wala ka ngang alam! Alin ang hindi mo maintindihan na wala kang maaabot dahil bobo ka? Nagsasayang ka lang ng oras at pera! B'wisit! Pahirap ka talaga sa akin kahit kailan!"

Hindi na ako sumagot at maluha-luha kong niyuko na lang ulit ang hugasin. Kahit halos araw-araw na niyang sinasabi 'yon sa 'kin ay nasasaktan pa rin ako. Gusto ko lang naman na tuparin ang gusto niyang buhay kaya pinipilit kong mag-aral ng husto kahit may pagkahina itong utak ko.

"Huwag kang uuwi. Tapusin mo ang lahat ng hugasin. Hayaan mo na 'yang walang k'wenta mong mga assignment. Iyan ang gawin mo. At mamaya, marami na ang mga lasing na bigatin sa labas. Kahit isa lang," sabi pa niya bago niya ako iwan sa loob. Kumalabog pa ang pinto dahil sa pabagsak niyang pagsarado.

Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang tapusin ang lahat ng 'yon. Pero hindi ko magagawa ang gusto niyang gawin ko. At bahala na bukas sa mga assignments ko. Siguro ay mangongopya na lang ako kay Clarissa.

Si Clarissa ay kaibigan ko pero hindi katulad ko, may kaya ang pamilya nila. Mayor ang papa niya at ang mama naman niya ay doktor. Minsan na rin niya akong pinayuhan na layasan ko na ang nanay Mary ko dahil sa trato nito sa 'kin pero hindi ko naman 'yon kayang gawin. 

Simula nang mamatay si tatay ay naging ganiyan na ang nanay ko. Mas lalong naging mainit ang ulo niya sa akin. Mas madalas na rin niya akong pinagbubuntunan ng galit hindi katulad noon na sa tuwing mayroon lang akong nagagawang mali. Pero sa totoo lang ay hindi ko s'ya tunay na ina. Anak ako sa labas ng tatay ko kaya't gano'n na lang ang galit niya sa akin. Kamukha ko raw ang babaeng nagluwal sa akin kaya sa tuwing makikita ako ni nanay ay naaalala niya ang kataksilang ginawa ni tatay at labis siyang napupuot. Pero kahit na gano'n s'ya, ayaw ko pa rin s'yang iwan. Ang pagkupkop niya sa akin kahit labag sa kaniyang loob ay utang na loob ko pa rin sa kaniya. At gusto ko iyong suklian. Kaya ko namang tiisin ang masakit niyang pakikitungo sa akin dahil umaasa akong magbabago rin siya kapag nagkaroon na ako ng trabaho at maabutan siya ng mas malaking pera. Hindi nga siya ang tunay kong ina pero mahal ko s'ya. Kaya magsisikap ako kahit pa anong sabihin niya at kahit pa anong galit niya sa akin. Lilipas din ito at naniniwala ako roon.

Matapos kong isalansan lahat ng mga hinugasan ko ay lumabas na ako. Nakita ko naman si nanay na may kausap sa may entrance na isang matangkad na lalaki na mukhang negosyante. May katandaan na ang hitsura nito pero matikas pa ang tindig.

"Nay," tawag ko nang makalapit ako sa kanila. Nilingon naman ako ni nanay at nginitian. Isang ngiti na nagpakabog sa dibdib ko. Kakaiba ang ngiti niya. At dahil do'n ay nagkaroon ako ng ideya kung para saan iyon.

"She's my daughter, Naomi," pakilala niya sa akin sa kausap na lalaki.

"Hi, Naomi," maangag ang boses na bati ng lalaki sa akin at hinagod pa ang katawan ko ng mga tingin nitong may bahid ng pagnanasa.

Pinangilabutan naman ako dahil sa ginawa nitong 'yon. Umurong ako ng kaunti at tumingin kay nanay na may takot sa mga mata ngunit malakas lang na pisil sa braso ko ang kaniyang isinagot. Kaya naman napipilitan akong tumingin ulit sa lalaki at bumati pabalik. "H-Hello, Sir."

"Umayos ka," matigas na bulong sa akin ni nanay. "Isang oras lang, Naomi."

Mas nadagdagan pa ang kaba ko at takot. Pinagpawisan na rin ako ng malamig. At kung mayroon lang akong lakas ng loob ay tumakbo na ako palabas. "A-Ano hong ibig mo-mong sabihin, 'nay?" tanong ko kahit alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Palihim naman niya akong pinandilatan ng mata at muli akong nakatanggap ng mahinang pisil sa braso ko.

"So I guess we're done with the deal," ani ng lalaki na sa akin pa rin nakatingin. Habang tumatagal ay lumalalim ang pagnanasa sa mga mata niya at hindi ko iyon matagalan. Nandidiri ako dahil pakiramdam ko ay hinubaran niya ako sa isip niya.

Nanginginig ang kamay na kumapit ako sa laylayan ng damit ni nanay. "A-Ayoko 'nay," maiiyak nang pakiusap ko. "U-Uwi na tayo." Tiningnan naman niya ako ngunit isang pagbabanta. Pilit din niyang inalis ang kamay kong mahigpit na nakakapit sa kaniyang damit.

"Dito ka lang," madiing sabi pa niya at saka ako iniwanan.

"N-Nay." Nanginginig ako sa takot na humakbang para sumunod sa kaniya pero agad akong nahawakan sa braso ng lalaki para pigilan.

"Planning to escape?" Malalim ang boses nitong tanong na hindi pa rin ako binibitawan. "Iyon nga lang ay nabayaran ko na ang nanay mo." Bigla nitong dinakot at pinanggigilam ang pag-upo ko kaya't napaluha na ako. "Pumasok na tayo," paos niyang sambit sa tainga ko na ikinangilabot ko dahil sumayad doon ang nakakadiri niyang labi.

Lalo akong nahintakutan nang hilahin niya ako at kaladkarin papunta sa k'warto. "B-Bitiwan niyo ako, S-Sir," lumuluha kong sambit habang sinusubukang kumawala sa mahigpit nitong pagkakahawak. Ngunit tila isa iyong pagkakamali dahil habang nagpupumiglas ako ay mas lalo lang humihigpit ang kapit niya sa akin. "Pakiusap. Maawa ho kayo s-sa 'kin." Sobra na akong natatakot. Para na akong papanawan ng ulirat.

"I paid your mother thrice a normal price for a girl. Hmm . . . Maganda ka. Maalindog kaya ayos lang kung triple ang ibinayad ko." Iniyuko niya ang mukha sa tapat ng mukha ko pero bumaling ako sa gilid. "At gusto ko rin ang tipo mo. Matatakutin." Binitawan niya ako sa gitna ng k'warto at bumalik sa pintuan. At mas naluha ako at nawalan ng pag-asa nang marinig kong lumapat 'yon pasarado at marinig ang yapak ng sapatos niyang palapit sa likuran ko. "Kaya ang gagawin mo ay pagbayaran mo ang halagang ibinayad ko."

Napasinghap ako nang maramdaman ko s'ya sa aking likod at dumikit sa akin. Napakapit din ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko nang hagurin ng magaspang niyang kamay ang balikat ko pababa sa kamay ko habang inaamoy-amoy ang buhok ko pababa sa aking leeg.

Lumayo ako at humarap sa kaniya. Pinagsalikop ko at pinagkiskis ang pareho kong palad at desperadong lumuhod para magmakaawa. "P-Please, S-Sir. Hi-hindi ko magagawa ang gusto ninyong ma-mangyari. P-pakiusap, gagawin ko ang lahat huwag n-niyo lang akong ga-gagalawin," nanginginig ang boses kong pakiusap. Desperada na rin ako dahil hindi ko ito masisikmura.

Isang malakas na halakhak ang narinig ko mula sa kaniya kaya't dahan-dahan ko siyang tiningala. Ngunit nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay naging ngisi ang tawa niya.

"Makitid nga pala talaga ang utak mo katulad ng sabi ng nanay mo. Tsk. Tumayo ka!" pagalit niyang utos sa akin at pagkatapos ay umupo sa sofa.

Napatitig naman ako sa kaniyang mukha. Mayroon na iyong ilang kulubot kaya't mas lalo pa akong nandiri. Idagdag pa ang paraan ng pagtingin niya sa akin na parang tumatagos sa aking damit.

Nanginginig ang mga tuhod kong tumayo at hindi malaman ang gagawin. Maging ang isip ko ay tinanggihan na rin ako na makapag-isip pa ng maayos.

"Tatayo ka lang ba riyan?"

"H-Ho?"

"Sumayaw ka!"

Napalunok ako ng sunod-sunod. "S-Sir."

"Bilis!"

Aligaga ko namang ikinilos ang kamay ko. Natutuliro na rin ako dahil sa sobrang takot.

"Hagurin mo ang katawan mo!"

Lumuluha akong sumunod. Pinadaan ko ang nanginginig kong palad sa dibdib ko pababa sa aking tiyan. At habang ginagawa ko 'yon ay iniisip ko kung bakit nagawa ito sa akin ni nanay. Sobra na ito sa sobra. Hindi na ito ang unang beses na ipagtulakan niya ako na mang-akit ng mga kostumer dito sa bar pero ngayon niya lang ito ginawa, ang totohanin niya at pabayaran ako para sa makamundong pagnanasa.

"Hmm . . ."

Naipikit ko ang mga mata ko nang makita kong ibinaba niya ang zipper ng kaniyang pantalon.

"Sige. Sumayaw ka lang."

Umiiyak pa rin ako at kahit nanginginig ang mga binti ay pilit ko pa ring isinasayaw ang katawan sa gusto nitong kilos. 

"Maghubad ka!"

Natigilan naman ako at nagmulat ngunit mas lalo akong napaiyak nang makita ko ang ginagawa niya sa kaniyang gitnang hita. Hinahagod niya ang sarili gamit ang kaniyang kamay, paitaas-paibaba.

"Strip!"

"S-Sir."

"You said, you will do everything except f*cking you. So just do what I say!"

Sobra na akong nanginginig sa takot. At kahit malamig sa buong k'warto ay pinagpapawisan ako. Parang babagsak na rin ang mga binti ko.

"I said, strip!"

Dahil sa takot kong mas magalit s'ya at magbago ang isip ay hindi magkandaugaga kong inangat ang kamay ko at inabot ang laylayan ng aking damit. Nakapikit ako ng mariin habang dahan-dahan iyong itinataas, dahil ayaw ko ring makita ang nakakadiring mga tingin niya sa akin.

"Puta!" malutong niyang mura.

Nang mahubad ko na ang damit ko ay ganoon na lang din ang pandidiri ko sa sarili ko. Hindi ko akalaing mangyayari ito sa akin. Ipinangako ko sa sarili kong ang lalaking mapapangasawa ko lang ang makakakita ng lahat sa akin pero heto ako ngayon at naghuhubad sa harap ng isang lalaki.

"Ibaba mo ang pantalon mo."

Ilang segundo muna akong natitigilan bago ko sundin ang nais niya. Wala na rin naman akong magagawa pa. 

Nang mahubad ko na iyon ay naiyakap ko na lang ang sarili kong mga braso dahil sa sobrang kahihiyan.

"Oh. Sh*t! Ibaba mo ang bra mo!"

Umiling ako at mas niyakap pa ang sarili. Pero nagulantang ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hiniklat ang bra ko dahilan para malantad ang kabila kong dibdib. Agad ko naman iyong tinakpan pero mabilis niyang nahawakan ang pareho kong kamay. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang habang nagpatuloy siya sa ginagawa sa harap ko. At habang lumilipas ang segundo ay mas lumalakas ang ungol at bumibilis ang paghinga nito.

"Sh*t! You're so fvcking beautiful, Naomi! Ahhhh." Kumawala pa ang mahaba nitong ungol hudyat na narating na nito ang sukdulan ng pagpapaligaya sa sarili. "Puta."

Binitawan na niya ako at tuluyan namang bumigay na ang mga binti ko. Napaupo ako sa lapag at niyakap ang sarili. At ang mga hikbi ko ay naging isang masakit na hagulgol. 

"Napakaarte mo. Mas'werte ka at may kaunti akong awang naramdaman para sa'yo at sapat na ang tingnan ang napakaganda mong kurba para mapaligaya ako," humihingal pa rin nitong sambit. "Tsk! Sa sunod ay huwag kang pupunta sa lugar na ito kung ayaw mong maging isang bayaran. Sayang ka, maganda ka pa naman." May kung ano itong binitawan sa gilid ko at pagkatapos ay iniwan na ako.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at agad nakita ang makapal na pera na may tali pang goma. Kinuha ko iyon at habang tumutulo ang luha ay pinagpupunit ko 'yon. Sobrang nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. "Ah! Bakit! Bakit!" Labis ang panggigigil ko habang pinupunit ang maduming pera na mahawakan ko.

Hanggang sa makarinig ako ng muling pagbukas ng pinto.

"Ay lintik ka talaga, Naomi!" Mabilis na hinablot sa akin ni nanay ang perang hindi ko pa napupunit. "Napakabobo mo talaga! Wala talagang laman iyang utak mo kundi puro kabobohan!" Patulak niyang sinapok ang ulo ko. "Bwisit na bata ka."

Hindi ko pinansin ang galit niya, bagkus ay kinuha ko ang damit ko at nagbihis sa kaniyang harap.

Iwinagayway naman niya ang hawak na pera sa tapat ng mukha ko at nakuha pang tumawa. "Ito ang sinasabi ko sa'yo, Naomi. Easy money lang 'di ba? Kaya anong pag-aaral pa ang gusto mo? Aksaya lang iyan sa oras. Sa sunod ay mas galingan mo pa para mas malaki pa ang kitain natin. Naiintindihan mo ba, ha?"

Dahil sa galit ko ay masama ko na rin siyang natingnan. Agad naglaho ang malaking ngiti niya sa labi. "Oh, bakit? Magagalit ka sa akin? Bakit hindi ka na lang magpasalamat na ako pa ang nagbigay ng trabaho sa 'yo na hindi mo na kailangan pang pagpawisan?"

Nahugot ko ang hininga ko at hindi makapaniwalang nag-iwas ng tingin sa kaniya. Sobra akong nasasaktan dahil wala talaga siyang pakialam sa nararamdaman tungkol sa ganitong bagay. Kahit na anong pagtanggi ko na gawin ito ay hindi niya pinakinggan.

Gusto kong magalit sa kaniya, gusto ko s'yang sigawan. Pero hindi ko kaya kaya't mas lalo akong nagagalit, lalo na sa sarili ko dahil wala manlang akong magawa.

"Huwag mo namang ipagkait sa akin ang ganito kalaking pera kung kaya mo namang ibigay sa akin, Naomi. Gusto mong magkasundo tayo hindi ba? Gawin mo na lang ang gusto ko. Hm?" parang mabait na amo niyang winahi ang basa kong buhok na dumikit sa pisngi ko. Iniwas ko naman ang ulo ko.

"H-Hindi ko k-kayang gawin ang g-gusto ninyo, 'nay," sambit kong umiiyak na naman dahil sa sama ng loob. "Ipagawa mo na ang lahat, 'wag lang ito," dagdag ko pa saka siya nilagpasan.

"Aba at ang lakas ng loob mong tumanggi! Pinalaki kita't lahat-lahat pero hindi mo ako kayang sundin! Nasaan ang kahihiyan mo?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Lumabas na ako.

Pero oo nga, pinalaki niya ako kahit hindi ko hiniling at ipinagpapasalamat ko iyon sa kaniya. Ngunit ang maranasan ito, kahit kailan ay hindi ko ito ipagpapasalamat.

Umiyak lang ako ng umiyak habang mabilis na naglalakad sa tabing kalsada. Wala akong pakialam kung nililingon at pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Nagpupuyos pa rin ang kalooban ko. Bakit kailangang maranasan ko ang ganitong klase ng buhay? Kung kasalanan nga na isinilang ako, bakit ganito naman kalupit ang parusa ko? Kaya kong tiisin at kalimutan ang pagsigaw sa akin ni nanay, kahit ang pananakit niya sa akin ng pisikal, ngunit ang isang ito ay napakasakit para sa akin na kahit lumipas pa ang maraming taon ay hindi ko makakalimutan. 

Tila namanhid na ang buo kong katawan at wala na akong pakialam sa paligid. Para na lang akong nakalutang at ang tanging nararamdaman ko na lang ngayon ay sakit.

Isang malakas na pagbusina ng sasakyan kasabay ng isang malakas na paghigit sa akin ng kung sino ang nagpabalik sa akin sa wisyo. Napaupo ako ng malakas sa tabing kalsada at biglang natulala sa nagdaraang sasakyan.

"Ayos ka lang ba, Miss?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status