Kabanata 1
Dahil sa pagkabigla at pagkagulat ay ilang sandali muna akong hindi nakagalaw sa pagkakadapa ko. Kitang-kita ko mula sa pwesto kong 'to ang mga nagkalat na mga pagkain na dumikit na rin sa suot kong kulay puti na polo. Natauhan lamang ako nang marinig ko ang mga bulong at hagikhikan ng grupo ng mga babae kung saan nanggaling ang isang babaeng nagpatid sa akin kaya ako nagkaganito.
"Ayan! Patanga-tanga kasi eh!"
"Papansin kasi sa mga lalaki!
"Ilan nahuli mong isda diyan, 'te?"
Gustong-gusto ko silang lapitan at tangunin kung bakit tuwang-tuwa pa sila sa nangyari sa akin ngunit parang nanghina ang aking buong katawan dahil sa bilis ng pangyayari at dahil sa bilis ng pagkakabagsak ko sa sahig. Malakas ang naging impact ng aking pagkabagsak kaya naman mabilis akong nakaramdam ng pananakit sa ilang parte ng aking katawan.
Dahil sa malakas na tunog ng pagkabasag ng mga pinggan, tasa at mga baso ay paniguradong rinig na rinig iyon sa buong karinderya. Habang bumabangon ako ay ramdam na ramdam ko ang mga tingin at rinig na rinig ko rin ang mga bulungan at tawanan ng mga ilang customers.
Nang makabangon ako ay kaagad akong lumuhod at inabot ang tray upang pulutin gamit ang aking mga kamay ang mga nagkalat na mga pagkain pati na rin ang mga bubog. At habang ginagawa ko iyon ay nararamdaman ko na ang unti-unting pangingilid ng aking mga luha at panginginig ng aking mga kamay.
Ganito na ba talaga ang mga tao ngayon? Masayang-masaya pa talaga kapag may nasasaktan o may napapahiya silang tao na wala namang ginagawang masama sa kanila?
Huminga na lang ako ng malalim at muling nagpatuloy sa pagpulot ng mga bubog at mga pagkaing nagkalat kahit na may ilang naririnig akong pag-flash ng camera. Ang ilan pa ay tumayo upang sipain palayo ang mga sisimutin kong kalat sa sahig.
Akmang tatayo na ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Madam Baby mula sa aking likuran na mas lalong nagpakabog ng matindi sa aking puso. Nai-imagine ko na nanggagalaiti niyang mukha.
"Anong kaguluhan 'to, Deandra?!"
Deandra. Iyon ang buo kong pangalan at tinatawag lang niya ako ng ganoon kapag sobrang galit na galit na talaga siya sa akin.
Napakagat labi ako at napapikit na lang bago ako dahan-dahan humarap sa kanya habang hawak-hawak ko ang tray na may lamang mga piraso ng bubog at ilang piraso ng mga natapong pagkain.
Mas lalong nangilid ang aking mga luha nang makita kong namumula na siya sa galit habang pinagmamasdan ang mga kalat sa sahig maging ang mga dumi sa suot ko.
"P-pasensya na po, M-Madam Baby. P-pinatid po kasi ako ng isang costumer kaya po natapon ang mga 'to. Babayaran ko na lang po. Ibawas niyo na lang po sa sweldo ko," mahinang saad ko kasabay ng pagkasira ng aking boses dahil sa namumuo kong mga luha.
"Alam mo bang kahit pagsama-samahin ang sweldo mo ng limang buwan ay kulang na kulang pa rin kapalit 'yang mga pagkaing tinapon mo at mga gamit na binasag mo ha?! Kahit siguro pagsama-samahin pati na rin ang dalawang taong sweldo mo ay hindi pa rin magiging sapat dahil sa ibang bansa ko pa nabili ang mga 'yan!" Panlalaki pa ng mga mata nito.
"M-Madam, hindi ko naman po s-sinasadya. A-aksidente lang po ang n-nangyari. Kahit itanong niyo pa po sa mga nakakita," pagsusumamo ko na.
"Huwag po kayong maniniwala diyan, Madam Baby! Kitang-kita po namin ni Mabel na sa mga lalaki siya nakatingin at naka-focus at hindi po sa mga dala niya kaya po siya natapilok at kaya natapon ang mga dala niyang pagkain!" parang siguradong-siguradong saad ni Monica at tumabi pa sa may kanan ni Madam Baby.
"Oo nga po, Madam! Kitang-kita po ng mga dalawang mata namin! Siguro po ay inaakit niya ang mga lalaki sa kabilang table kaya nawala siya sa kanyang sarili na may mga dala siya!" panggagatong pa ni Mabel at tumabi naman sa kaliwa ni Madam Baby.
Parehong nakaekis ang mga kamay nilang dalawa ni Monica habang nakataas ang isang kilay at habang may nakakalokong ngisi para sa akin.
Mabilis akong lumapit kay Madam Baby at umiling-iling habang hawak-hawak ko pa rin ang tray.
"H-hindi po totoo ang mga 'yon, M-Madam. H-hindi po. M-mahal ko po ang trabaho kong 'to kaya hinding-hindi ko po 'yon magagawa," pagmamakaawang saad ko na dito kasabay ng pagtulo ng aking mga luha dahil sa biglaang pag-usbong ng takot na baka sesantehin na ako ngayon ni Madam Baby dahil sa nangyaring 'to.
Hindi ako pwedeng masisante! Tiyak na magagalit si Tita Cecille kapag nangyari 'yon!
Mas lalo naman siyang nanggalaiti sa galit at mabilis na lumapit sa akin.
"At magsisinungaling ka pa talagang babae ka ha!"
At dahil sa sobrang bigat na nararamdaman ko ay hindi ko na nagawang umiwas nang bigla niyang itinulak pataas sa aking dibdib ang hawak kong malaking tray na may mga lamang bubog kaya tumama iyon ng malakas sa akin.
Hindi pa siya nakuntento at sinampal ako ng pagkalakas-lakas sa aking kaliwang pisngi na nakapagpasalampak sa akin papunta sa sahig. Mabilis akong napapikit nang maramdaman ko ang pagbaon ng ilang pirasong bubog sa magkabila kong palad dahil sa biglaan kong pagkakasalampak sa sahig
Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga taong nandoon ngunit... wala man lang tumulong sa akin... miski isa... naghintay ako ngunit wala... walang nagmagandang loob na tulungan ako at mas napili na alng manuod at pagtawanan ako.
Nanatili ako sa pagkakasalampak sa sahig at dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin ay halos hindi ko na rin madama ang kaliwa kong pisngi. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang kirot sa aking mga palad na dulot ng mga nakabaong mga bubog.
Halos hindi na mapigil sa pagbuhos ang aking mga luha dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman ngayon physically man at mentally.
Mabilis akong napaigtad nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Madam Baby sa mga buhok ko at walang anu-anong kinaladkad ako patungo sa direksyon kung nasaan ang mga locker.
"M-Madam, tama na p-po. N-nasasaktan na po a-ako. M-Madam," hagulhol ko na habang kinakaladkad niya ako.
Habang kinakaladkad ako ni Madam Baby ay kitang-kita ko ang mga costumer na nagvi-video pa sa akin at ang ilan ay tumatawa pa dahil sa nangyayari. Para lang silang nanunuod ng shooting at mga mukhang tuwang-tuwa pa.
"P-Please po, Madam, t-tama na po. N-Nasasaktan na po talaga ako." Paghawak ko na sa kanyang kamay na nakahawak sa aking buhok, nagbabakasakaling bibitawan na niya iyon ngunit hindi dahil mas lalo pa niyang hinigpitan hanggang sa maramdaman ko na ang pag-anot ng aking anit. Maging sa bandang likod at pwetan ko ay nakakaramdaman na rin ako ng sakit dahil sa walang habas na pagkaladkad niya sa akin.
"Talagang masasaktan ka talaga dahil sa katangahan mo! Ang dali-dali na nga ng gagawin mo! Maghahatid ka na nga lang ng pagkain, nagpakatanga ka pa! Nag-aaral ka nga pero bobo ka naman sa mga gawain dito! Dapat sa'yo ay hindi na pinapag-aral! Malas ka! Malas!" pagbulyaw na naman nito.
"P-Pagbubutihan ko na po, M-Madam. I-Ito lang naman po ang unang beses na nangyari ang g-ganito. H-Hinding-hindi na po m-mauulit. P-Pangako po." Paghikbi ko na.
Halos hindi ko na makilala ang boses ko dahil sa sobrang paghagulhol ko. Diretso lang si Madam Baby sa paghila sa akin. Nadaanan pa namin ang iba kong kasamahan na nakangisi rin sa akin nang masulyapan ko. Lahat kaming mga tauhan dito ni Madam Baby sa kanyang karinderya ay mga babae. Maging ang mga cook namin ay mga babae rin at ni isa ay wala man lang akong kasunod sa kanila dahil lahat sila ay lumalayo sa akin at mukhang galit din sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
"Talagang hindi na talaga mauulit dahil sinisisante na kita! Magsimula ka nang magligpit ng mga gamit mo dito at pagbalik ko at nakita pa kita dito ay hindi ako magdadalawang isip na magpatawag ng mga pulis! Hindi ka nararapat sa negosyo kong 'to dahil malas ka! Malas!" pagsigaw niya sa aking mukha sabay tulak sa akin papunta sa locker.
At dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin ay naramdaman ko na lang ang malakas na pagtama ng aking noo sa locker na gawa sa matigas at matibay na bakal.
Kabanata 2 Nang maialis ko na sa pagkakaumpog sa locker ang aking noo ay mabilis akong nakaramdam ng pagkahilo. Parang umiikot ang buong paligid at parang gusto kong masuka. Sinubukan kong tumayo ng maayos ngunit natutumba-tumba ako kaya naman mabilis akong kumapa ng mahahawakan at doon ibinalanse ko ang aking sarili. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking noo dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Madam Baby sa akin. Dumagundong din ang tunog ng pagtama ko sa locker sa buong silid. Noong hinawakan ko ang aking noo ay kaagad akong nakaramdam ng basa. Mabilis kumabog ang aking puso dahil sa kaba at dahil na rin sa biglang pumasok sa aking isipan na posibilidad kung ano ang basang iyon. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay at nang mapapantay ito sa aking mata ay nakita ko kung ano ang basang 'yon, walang iba kung hindi sarili kong dugo. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis akong nilukob ng takot ngunit unti-unti ring nawala ang takot na 'yon nang maisi
Kabanata 3Unti-unting nagmulat ang aking mga mata nang makaramdam ako ng matinding sakit sa aking ulo. Para akong pinupukpok doon kaya halos hindi ako makamulat ng maayos.Mabilis ko ring naramdaman ang panunuyo ng aking lalamunan, ang mainit kong paghinga, ang bara sa aking ilong at maging ang aking napakabigat na pakiramdam.Pinilit kong buksan ng maayos ang aking mga mata at nang magawa ko iyon ay kaagad bumungad sa aking paningin ang isang malaki at mahabang salamin na ang nasa baba ay isang fireplace.Katapat iyon ng malambot at mukhang mamahaling hinihigaan ko ngayon kaya iyon kaagad ang aking nakita.Ikinalat ko kaagad ang aking paningin sa buong piligid. Nap
Kabanata4Katatapos ko lang kumain ng umagahan at busog na busog na ako dahil sa sarap ng mga pagkaing kinain ko kaya naman pagkatapos ay tumayo na rin ako mula sa kama para naman maghintay sa muling pagbalik nina Nanay Nineth at Doña Amanda rito.Medyo maganda na ang aking pakiramdam ngayon dahil nakainom na ako ng gamot at sa tingin ko ay dahil din sa iniluto at inihandang masasarap na pagkain sa akin ni Nanay Nineth kaya ganito na kaginhawa ang aking pakiramdam.Nang tumayo ako mula sa harapan ng kama ay mabilis akong na-mesmerized nang makita ko mula sa malaki at malinis na salamin ang kulay dark green silk pajamas na suot-suot ko ngayon.Habang sinusuri at pinagm
Kabanata 5 Nang matapos na si Nanay Nineth sa pagpapatuyo at pagsusuklay ng aking buhok ay agad na rin kaming nagpasyang bumaba. Habang pababa na kami ng hagdanan ay hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi makaramdam ng kaba dahil hindi ko alam kung sino ang mga taong makikita at mga makikilala ko kapag nasa baba na kami. "Kinakabahan ka na naman, Andra. Huwag kang kabahan," mahinahong saad ni Nanay Nineth na nasa tabi ko lang habang sabay kaming bumababa mula sa mga baitang ng hagdan. Sa tingin ko ay naramdaman at napansin niya na kinakabahan na naman ako kaya naman hinawakan niya agad ang aking kanang kamay at pinisil pa niya iyon para lang mabawasan ang kaba na aking nararamdaman habang papalapit na kami ng papalapit sa pinakadulo ng hagdanan. "Pasensya na po, Nanay Nineth. Hindi ko lang po talaga mapigilan," kinakabahang sagot ko habang pinipisil-pisil ko ang kaliwang kamay ko pabalik. "Huwag kang matakot, Andra. Ang mga taong makikita at makikilala mo sa ibaba ay mga ma
Kabanata 6Agad na napuno ng katahimikan ang buong silid pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Lalo akong kinabahan ng mabingi ako sa biglang katahimikan.Ramdam ko ang titig ni Doña Amanda sa akin mula sa kinauupuan ko habang ang sarili kong tingin ay nasa kanyang tasa ng tsaa sa mesang nakaposisyon sa kanyang harapan at habang nilalaro ko ang aking mga daliri na nakapatong din sa mesa.Ang tanong na iyon na ngayon ko lang itinanong sa kanya ay tumatakbo na sa isip ko pagkagising ko ulit kanina pa.God knows how thankful and grateful I am because of their kindness to me but . . . Ayokong maging pabigat sa kanila. Pakiramdam ko anytime, magiging malas na lang ako sa buhay nila gaya ng laging sinasabi sa akin nina Auntie Cecille at Madam Baby."Andra." She was calling my attention pero nanatili lang ang mata ko sa cup dahil kinakabahan pa rin ako. "Look at me, Andra, please," matamis niyang sabi kaya unti-unti kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.Nakangiti siya at bakas din s
Kabanata 7After that crying session with them, nagsimula na rin kaming magluto at maghanda ng mga kakainin namin mamaya habang nanunuod na kami ng movie.Mayroon nang anim na medium sizes ng stainless trays sa marble countertop na gagamitin namin pagkatapos naming magluto at maghanda ng popcorn, french fries, nachos, besuto prawn crackers, at homemade pork siomai at pizza.May iisang gawain na nakatalaga sa bawat isa sa amin dito sa kusina. Si Marie ang bahala sa popcorn, si Anne na ang bahala sa french fries, si Mary na ang bahala sa nachos, si Grace na ang bahala sa homemade pizza, si Anna ang bahala sa besuto prawn crackers, habang ako at si Angel ang kukuha. pag-aalaga ng homemade pork siomai.Napakalaki ng kusinang ito at marami pang glass built-in hobs kaya naman sabay kaming nagluluto ngayon para lang matapos ang pagluluto ng mabilis.Pareho kaming gumagawa at nagbabalot ng siomai ni Angel. Siya ang gumagabay sa akin kung ano ang kailangan kong gawin. Marami kaming trabaho dito
Kabanata 8 Iyak ako ng iyak habang naglalakad palayo sa Mansion ni Del Mundo habang bitbit ko ang sa tingin ko ay isang mamahaling bag na ang loob nito ay ang mga damit na dala ko lang noong umalis ako sa bahay ni Auntie Cecille. Bago ako umalis, alam ko lang na ang naglaba ng damit ko ay si Angel at ang grupo niya at nagpasalamat na ako sa kanilang lahat dahil doon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Wala akong planong balikan si Auntie Cecille dahil baka masaktan na naman niya ako physically and with her words, or worse, baka mapatay niya ako dahil sa tindi ng galit niya sa akin. Habang naglalakad ako palabas ng kalye, hinahanap ko ang maliit kong pink na wallet sa bag at nang makita ko na ito ay agad ko itong binuksan at mabilis akong nalungkot nang makita ko na kung ano ang nasa loob nito. Eksaktong limang daang piso na lang ang nasa loob ng wallet ko at hindi ko alam kung paano pigilin ang paggastos hanggang sa makahanap na ako ng trabaho dito. Ramdam
Kabanata 9 Nagising ako bigla nang makarinig ako ng maliit na boses na tila nagsasalita sa kabilang side ng kinaroroonan ko ngayon. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nang magawa ko iyon ng buo ay narinig ko na rin ang mga boses na malabo ko lang narinig kanina. "Kamusta po siya, Doc?" Tanong ng boses na nanggaling sa isang babae "She is doing good but she still need a lot rest right now, Doña Amanda. If ever na hindi pa rin bumaba ang lagnat niya mamayang gabi, I advise you na dalhin mo siya kaagad sa ospital." Narinig ko ang mga salitang iyon mula sa boses ng isang lalaki. "Okay, Doc. Maraming salamat." Ito ay mula sa boses ni Doña Amanda! Ano ang! Naku! Nandito na naman ako sa Mansion ni Del Mundo?! Pero paano?! "No problem, Doña Amanda. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa o kung may nangyari na." Sumagot ulit ang lalaki at ilang sandali pa ay narinig ko na lang ang biglang pagsara ng pinto at may narinig din akong yabag na sa tingin ko ay papunta sa direksy