Share

KABANATA 5

Kabanata 5

Nang matapos na si Nanay Nineth sa pagpapatuyo at pagsusuklay ng aking buhok ay agad na rin kaming nagpasyang bumaba.

Habang pababa na kami ng hagdanan ay hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi makaramdam ng kaba dahil hindi ko alam kung sino ang mga taong makikita at mga makikilala ko kapag nasa baba na kami.

"Kinakabahan ka na naman, Andra. Huwag kang kabahan," mahinahong saad ni Nanay Nineth na nasa tabi ko lang habang sabay kaming bumababa mula sa mga baitang ng hagdan.

Sa tingin ko ay naramdaman at napansin niya na kinakabahan na naman ako kaya naman hinawakan niya agad ang aking kanang kamay at pinisil pa niya iyon para lang mabawasan ang kaba na aking nararamdaman habang papalapit na kami ng papalapit sa pinakadulo ng hagdanan.

"Pasensya na po, Nanay Nineth. Hindi ko lang po talaga mapigilan," kinakabahang sagot ko habang pinipisil-pisil ko ang kaliwang kamay ko pabalik.

"Huwag kang matakot, Andra. Ang mga taong makikita at makikilala mo sa ibaba ay mga ma
ALadyWriter

Hello, loves! Please, if you love this book, leaving gems is a great way to show your support to me. Reviews and comments really help to motivate me to keep writing. I love each of you, my amazing readers! Thank you so much and keep safe always!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Leticia Uglimen Villamor
pa unlock po
goodnovel comment avatar
Merlita Almario
sarap basahin kawawa naman si andra
goodnovel comment avatar
ma.isabel latosa
ganda ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status