Share

Chapter 9

Lola's POV

Busy day hits my rock bottom. As usual, abala na naman ako sa kaliwa’t kanan na TV guestings at interviews. Magkasama na kami ni JD palagi. Ugh. Palagi.

Take note: wala ako sa mood para magpapansin. Pansin na pansin niya ang pagkakaroon ko ng cold feet dahil nakikita ko naman ang madalas na pagsulyap niya sa akin. Hmp! Manigas ka d'yan! Hindi kita papansinin. Ano ka, gold?! Yummy ka lang pero hindi yummy ang ugali mo. Mr. Vhajayna Lock!

Simula noong umalis ako sa ospital ay hindi ko na inaksaya pa ang buhay ko para kausapin pa siya. Bwisit siya! Ang lakas niyang mang-asar. Asang-asa pa naman ako roon sa kiss tapos hindi pala itutuloy. Every time I recall that moment, I just wanted to roll my eyes heavenwards. Kakairita!

Isa pa, sa tuwing maaalala ko kasi ang nangyari sa ospital, parang mapupuno ang isang dam sa sobrang dami ng naiyak ko sa mga sinabi niya. Simula no’n, hindi ko na siya pinapansin. Napakapeke pa naming dalawa at nagpapaka-couple in public. May mga photoshoots na kailangan na touchy kaming dalawa pero ngiti lang ginawa ko at nagpapanggap na masaya. Pero kapag tapos na ang lahat ay agad akong tatalikod at iiwasan siya.

Dito niya sabihin na habol ko lang ang katawan niya! As if naman na papatulan ko siya sa paganyan niya! Dzuh! Mapagpatol lang ako kapag tinotoo!

Balik-taping na rin kami ngayon. Isang araw lang akong pinagpahinga at nagpatuloy na kami sa kung saan kami nahinto. May mga scenes na hindi kami magkasama. Meron naman na mayroon. But most of the time, I was just avoiding him. And then, I noticed that he's not gazing at me anymore. Siguro ay napagod na siya kakahintay na papansinin ko siya. Hmp! Dapat lang 'yan sa'yo!

The next scene that we're about to take is in a luxurious beach resort. Kasama ko na sa scene si Gaia Lopez, the mahadera actress na dinidikitan ni JD. In this scene, we need to wear our 2-piece swim wears. Of course, kailangan na mas maganda ako at super sexy para malaman ng babaeng 'to kung sino ang kinakalaban niya. Ako ang dapat na manaig sa industriya.

I wore my cool blue halter top 2-piece bikini. I confidently made the tiles of the resort as my catwalk. Kitang-kita ko sa peripheral view ang naglaglagang mga panga ng mga kalalakihan na nasa paligid ko.

Alam kong sexy ako. They don't need to tell me that. Halata naman sa panlalaki ng mga mata nila na nabighani na sila sa taglay kong alindog. I bought that time to approach JD's direction.

In seconds or so, I saw an amused look on his face when I was greeted by a pair of dazzling eyes that looked at me in awe. Sa paraan ng pagkakatingin niya, pakiramdam ko ay para akong nanalo sa lotto. I hit a jackpot for those seconds. Muntik ko nang makalimutan na kailangan ko pala siyang iwasan.

So, the great Lola Lee is now looking away and never said anything. Agad lang akong pumunta sa cloth folding chair ko at nagpalagay kay Michelle ng sunscreen lotion sa katawan ko.

"Hay, anong oras pa ba kami magte-take? Ang init-init..." palihim kong reklamo.

"Hay naku, Ma'am Lee! 'Wag kang excited. Makakaligo ka rin!" tugon naman ni Michelle na abala sa pagpapahid ng lotion sa aking likuran. At nilakas pa nga niya ang boses niya. Minsan gusto ko nang magpahanap kay Mama Jet ng ibang PA. Nakakairita ang pagiging matabil nitong si Michelle. She's too loud!

Maya-maya ay lumabas naman si Gaia mula sa dressing room niya. At katulad ko ay inulan din siya ng pagpapalipad-hangin ng mga kalalakihan. Ang nakakairita lang ay mas malakas ang sa kanya! Ang daya!

Wala sa loob na napalingon ako sa kanyang direction. At doon ko nakita ang dahilan. Nakasuot siya ng red 2-piece bikini tube top. Halos kita na ang kaluluwa niya. In fairness naman dito kay Gaia at biniyayaan din siya ng hinaharap. K fine! Maganda ka na. Pero mas maganda ako!

What really pissed me off is when JD is now all smiles. Siya pa mismo ang lumapit kay Gaia at inalukan pa ng paghawak sa kamay para alalayan siya. Sa akin hindi man lang siya nag-alok ng ganyan. Ang daya talaga! Tsina-challenge niya ba talaga ako?

I just rolled my eyes secretly and stayed silent. Wala akong karapatang magreklamo. Hindi ko naman kasi talaga pinapansin si JD. Naiinis pa rin ako. Bahala siya d'yan!

Sa wakas ay oras na ng blocking namin. Ang eksena na ito ay medyo madugo. Magsasabunutan lang naman kami ni Gaia sa ilalim ng swimming pool. Pero dahil ako ang bida at ang dapat na inaapi, titiisin ko ang pagiging kontrabida niya. Hay nako! This is my first time na magpapaapi sa mga tunay na kontrabida sa life ko. Most of the time, ako ang talagang nananabunot. Ilang bida na ba ang sinasabunutan ko nang tila makatotohanan? Kaya nga award-winning kontrabida ako dahil effective akong pang-inis sa mga nanonood. I take the roles of those villainess that really are pissing the viewers off. Pero ngayon, ako naman ang magpapaapi. Ako naman ang magbabait-bait. Ako naman ang kakawawain.

Nagsimula na ang staffs na i-guide kami sa may pool. Ilang instructions pa ang binigay sa amin bago ang aktwal na paglusong namin.

Sa wakas ay nakalubog na kaming dalawa ni Gaia sa swimming pool na hanggang sa leeg namin ang tubig. Ilang sandali pa ay narinig ko siya na magsalita.

“You know that JD likes me, right?” she asked a very ridiculous question.

Napataas naman ang kilay ko dahil doon. “Really? Hindi naman yata niya nababanggit sa akin since ako ang fiancee niya. And, dear, I'm fine with it. Alam ko namang hindi seryoso si JD sa lahat ng ka-fling niya. Sa akin lang siya loyal. So, I suggest you should study well on how to know your place, get it?” mahinhin ko namang sagot sa kanya. I need to maintain the smile that everyone around me would think that me and Gaia are just having a healthy conversation but not! Dzuh! Ang kapal ng mukha niya para sabihin 'yon sa akin, ah? If I know, gusto lang din ni JD na kumapit sa kasikatan ng tito niya! Me and JD are alike! Social climbers smell their own kind.

“You’re just faking it. Dear, how can he be dating you before this project when he doesn't know that you existed? Masyado ka namang ilusyunada, girl. Nakakaawa kang pakinggan. Naiinggit ka lang sa akin kasi ako ang mas pinapansin ni JD and not you, 'di ba? Halata naman, eh. What do I expect from a social climber like you?” She smirked na lalong nagpainis sa akin. Bitch din pala ang babaeng 'to. Kunwari lang na mabait. Napaka-plastic naman pala!

“Excuse me? I’m no social climber and I’m not an insecure bitch. I have my own identity, dear. Sariling sikap. Not because of whose shadow we are both having. I may be having my own dad as a veteran actor, but I came here because of my efforts. Hello? I am an iconic kontrabida. Ka-level ni Cheri Gil, girl. Itatak mo 'yan sa utak mo, Gaia. You can be Gaia Lopez because of your tito, but me? I can be Lola Lee even without my parents and without JD. So, don’t you dare look down on me. Hindi ka pa nakakakalahati sa achievements ko para magyabang,” ani ko sabay irap. Bwisit! Lumalabas talaga ang sungay ko sa ulo kapag tinatarayan ako ng kahit sino. Sino ba siya sa inaakala niya para pagsalitaan ako ng gano’n? Self-proclaimed top social climber naman talaga ako, e. Pero I never got to a point na maliitin ang kahit sino sa harap nila just to prove that I’m on top! I still play fair. Talent talaga ang labanan, hindi ang maging trending lang sa social media kasi kamag-anak ko si ganito at si ganyan!

I saw her smirked. "Let's see..."

Ilang saglit pa ay narinig na namin ang pagsigaw ni Direk ng ‘action’. Hindi na namin narinig ang habilin niya dahil abala kami ni Gaia sa pag-aaway. May oras ako na mainis sa kanya ngayon. Kahit dito man lang bago pa niya ako kalbuhin mamaya sa ilalim.

Nako! Subukan lang niya na kawawain ako at makakatikim talaga siya ng purong chlorine mamaya!

On cue, when the camera started to capture our movements, agad akong sinabunutan ni Gaia at nilublob sa tubig.

Literal na napasinghap ako sa sobrang gulat. Gosh! Nananadya ba ang babaeng 'to?

Nang makabawi, umahon ako at tinutotoo ang sampal ko sa kanya. “Ano bang problema mo, Sharon?” tanong ko sa kanya na kasali sa aming script.

“You’re my problem! Nang dahil sa'yo, hindi na ako pinapansin ni Franz!” Nakatikim na naman ako ng sabunot mula kay Gaia.

Ramdam ko na totoo ang eksena at ginagamit naming dalawa iyon para makaganti sa isa’t isa. Sino ba naman ang hindi tototohanin ang pagsasabunutan e sobra siya kung makahila sa buhok ko. Parang matatanggal pa ang anit ko sa sobrang sakit. Ginantihan ko tuloy siya.

At Direk's direction, they probably think that this scene looks very genuine at natutuwa siya. Sa hilatsa pa lang ng mukha niya na nakangiti ay alam ko nang nage-enjoy sila sa pinapanood nila sa VTR.

Agad akong nakawala sa pagkakasabunot ni Gaia at hinarap siyang muli. “Kung hindi ka niya pinapansin, problema mo na 'yon. Wala akong kinalaman sa inyo. Kaya pwede ba? Lubayan mo na 'ko, Sharon! Wala akong pakialam sa inyo ni Franz,” sambit ko sa kanya bilang si Jenny.

“Really? Ano 'yong mga bulaklak na binigay niya sa'yo? Pinuntahan ka pa niya sa napakaruming palengke just to give you that damn roses!” sagot naman niya. Kulang na lang ay sabihin niya na patungkol talaga ito kay JD.

“Hindi mo ba tinanong kung anong ginawa ko sa mga bulaklak? Hayun, pinadala ko ulit sa opisina niya. Hindi ko 'yon tinanggap, Sharon! Ilang beses ko bang sasabihin iyon sa'yo?”

“I don’t believe you!” Agad na umabante si Gaia para sabunutan ulit ako. At sa pagkakataong ito, mas napuruhan niya ako sa sabunot. Nakita ko ang cameraman sa ilalim ng tubig na kinukuhanan ang naturang eksena. Mas ginalingan ko pa sa pagiging api ko. Hinayaan ko lang si Gaia sa panghahatak niya sa buhok ko. Geh lang, 'te! May araw rin na masasabunutan kita nang super lakas!

Nang makita ko ang senyas ng cameraman na ‘cut’ na ang scene, akma akong aahon pero ramdam ko na ayaw pa akong bitiwan ni Gaia. Agad akong naalarma at kumumpas nang kumumpas sa ilalim. Hindi na nakita ng cameraman ang ginagawa ni Gaia.

Bwisit na babae 'to! Gusto pa yata akong patayin!

Sa sobrang inis ko, hinuli ko ang mga paa ni Gaia gamit ang mga paa ko at hinila siya pailalim. Doon, nagsabunutan kami ulit. Naramdaman ko ang pagkalmot niya sa mukha ko. Nagkaroon ako ng sugat sa noo dahil do’n. Isa pang sampal ang natamo ko sa kanya bago ako nawalan ng malay…

Sa bahay-ampunan, palagi akong inaapi ng mga kapwa ko mga ulila. Palagi nilang nilalait ang peklat ko sa likod. Anila, may bakat ako ng plantsa sa likod. Pero hindi nila alam na nakuha ko 'yon galing sa mama ko. Galing sa pagmamaltrato niya sa akin.

Simula nang iwan ako ni Mama sa ampunan, palagi akong dinadalaw ng masamang panaginip. Hanggang sa nakasanayan ko na ang peklat na ito at ang pambu-bully sa akin ng ibang mga bata.

May isang beses pa na may mga bully kids na nagdala sa akin sa fish pond at doon pinagsasaksak ng mga sanga ng bayabas ang likod kong may peklat. Iyak ako nang iyak hanggang sa may dumating at sinaklolohan ako.

Mas matanda siya sa akin ng isang taon. Si Jaja.

Piningot niya isa-isa ang mga bully na bata at inakay ako papunta sa clinic ng ampunan.

“Bakit ba hinahayaan mong i-bully ka ng mga 'yon? Pwede namang lumaban, 'di ba?” tanong niya.

Napakunot-noo ako. “Ang sabi ni Mama hindi mabuti ang lumalaban,” katwiran ko naman.

“Kaya ba may peklat ka sa likod dahil hindi ka lumaban sa mama mo?”

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi talaga ako lumalaban. Ayokong masaktan si Mama kahit na palagi niya akong sinasaktan. Ayoko kasi na marinig ang iyak niya kada gabi.

Kaya pumayag ako na dalhin ni Mama sa ampunan kasi hindi raw siya masaya kapag nakikita niya ako. Para sa kanya ay isa akong pagkakamali na hindi na sana nangyari pa. Dahil ako ay bunga ng isang masakit na pangyayari noong si Mama ay hinalay ng isang lalaki.

“Hindi masama ang lumaban paminsan-minsan para ipagtanggol mo ang sarili mo. Kapag ba napuruhan ka nila at napatay, sa tingin mo tama ang ginawa mo na hinayaan sila na magkasala?” bigla ay tanong naman ni Jaja sa akin pagkakuwan.

Napatungo naman ako dahil sa tanong niya at napailing. Maya-maya, naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko.

“Sa susunod, hindi na kita ipagtatanggol. Gusto ko sa susunod na maabutan kitang inaapi, kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo…” aniya sabay ngumiti sa akin na tila isang anghel.

Inaamin ko, isa si Kuya Jaja sa dahilan kung bakit ako matapang hanggang ngayon. Siya ang nagturo sa akin na maging matapang.

‘Huwag kang mag-alala, Jaja. Iyon pa rin hanggang ngayon ang ginagawa ko. Ipinagtatanggol ko pa rin ang sarili ko gaya ng itinuro mo…’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status