Lola's POV
Call me crazy but I am desperately wanting the whole ground to swallow me at this very moment. Ang mga salita na narinig ko mula sa bibig ni JD ang lalong nagpapalala ng kaba ko sa dibdib. Nagkakamali lang ba ako ng pandinig? Talaga bang sinabi niya iyon sa akin?He's inviting me either to kiss or love him!I saw how his eyebrows arched at me, waiting for my reply. "Ano na, Lola Lee? Tatahimik ka na lang ba? O gusto mo na ako na lang ang unang gagawa no'n para sa'yo?" he asked further in an inviting low tone, brushing his breath against my chin and cheeks. Nakakaliyo ang amoy niya; minty aftershave and a sweet candy that reminds me of raspberries. Kaunti na lang ay masusuway ko na kaagad ang kontrata namin. S***a naman! Bakit kailangang lumandi ka at ngayon pa, JD?!Pero alin nga ba ang susuwayin ko? Teka, binibigyan niya ba ako ng free pass para pagbigyan ang karupukan ko? Or is this one of his traps?I shook my head internally. No. 'Wag kang bibigay, Lola. Hindi ito ang panahon para maging marupok. Tandaan mo na isang tuso ang kaharap mo ngayon. Kapag bumigay ka sa charms niya, katapusan mo na! I reminded myself.Mariin akong napapikit at malakas na itinulak si JD palayo sa akin. Napahiyaw pa ako habang ginawa iyon. I tried to compose myself, panting.I heard him struggle as soon as he collapsed to the floor.Wala sa loob na napadilat ako at nakita na nakahiga na si JD sa sahig. Napatutop ako sa aking bibig at awtomatikong napatayo. "Omo! JD, are you okay?" Kaagad ko siyang dinaluhan.Akma na hahawakan ko siya ngunit napatigil ako nang bigyan niya ako ng nakakamatay na titig. It felt as though the cold weather reached my heart. Lalong dumoble ang pagkapahiya ko. Napakagat-labi na lang ako at napayuko. "S-sorry..."Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at tumayo. Ako naman ay sumunod sa kanyang kilos saka nakita ang ngayo'y nakalahad na papel sa aking harapan. "Sign it now and don't waste my time..." malamig niyang utos sa akin sabay umiwas ng tingin. Halata sa hitsura niya ang pagtitimpi.I reluctantly received the paper and the pen. Bumalik akong muli sa mesa at akmang pipirmahan na ito pero palipat-lipat pa rin ang tingin ko sa papel at sa kanyang mukha. "Umm... J-JD... kasi..."Napahalukipkip siya at hinarap ako nang may halong inis. "What is it now?""Kailangan ba talagang may involve na pera? Alam mo kasi, pwede naman nating putulin ang fake relationship natin after a week, 'di ba? I mean, we both know that this fake relationship is not going anywhere but issues lang. Pwede mo namang i-release ang hiwalayan natin kapag namatay na ang issue about doon sa pool incident. I mean, hindi na natin dapat 'tong gawin pa. Kasi..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla naman siyang sumingit."The agreement stands until we decided to stop it, if it is needed to stop. Look, hindi lang ito dahil sa nangyari, but also because I need you by my side as well..." he confessed."Ha?"Dahan-dahan na lumapit sa akin si JD habang seryoso na nakatingin sa akin. "I need a fake girlfriend, preferably a fake fiancee," he revealed na nagpanganga sa akin."F-fake fiancee?" I repeated, still not making his words sinking into my brain. "Wait. Nalilito ako. You need me to pose as your girlfriend? Your fiancee? Para saan? Akala ko ba si Gaia ang concern mo ngayon? Ano na naman bang palabas itong ginagawa mo?" Wala na talaga akong maintindihan sa inaakto niya. Pinaglalaruan lang ba ako ng lalaking 'to? Kung ipagtabuyan nga niya ako sa pool ay akala niya ay napakasama ko nang tao. Tapos ngayon gusto niya na maniwala ako sa panibago niyang rason?"Unfortunately, I need to fake a relationship with you and I know that you're the only person who is qualified to do the job," he explained. "My father is actually wanting me to stop fooling around. Kahit na anong galing ko sa pagpapatakbo ng business, hindi siya satisfied dahil sa kabi-kabilang scandals na dinidikit sa akin sa showbiz. And he's already arranging me to a lot of women which is I am very annoyed at. Kaya naisip ko na kung gagawin natin ito, it would be a win-win situation. You get to have all you want with whatever purpose you have in mind and I get to have you as a fake fiancee. Kapag inurong ni Papa ang plano niya, saka lang natin tatapusin ang kontrata."That's why it is very important that you do all what is stipulated in the contract. Never ever fall in love with me, Ms. Lee. You must not draw the line dahil sinasabi ko sa'yo, I'm not the kind of person that breaks my own words. I don't really like the idea of relationships kaya binabalaan na kita, I don't reciprocate feelings," mahaba niyang paliwanag sa akin.I scoffed at his words at nagpamaywang. "Akala mo naman type kitang mahalin, 'no? For your information, hindi ikaw ang lalaki na kababaliwan ko. Over my irresistible dead body!" maang ko sa kanya. Gosh! Magsinungaling ka pa, Lola! Sa lagay mong iyan, hindi ka pa ba marupok?He scoffed as well. "Ang lakas mo naman, e kanina lang halos magmaktol ka na dahil sa 2 million. Parang sigurado na sigurado ka na may mababali ka sa isa sa mga rules. Tell me, aside from 2 million pesos, in case you don't have any, what will you pay me back if ever you breached the contract?" He started to walk closer to me once more at heto na naman ako at napapaatras na.We are walking in that position habang nag-uusap."H-ha? Ano ba ang babayaran ko bukod doon?" kinakabahan na tanong ko. Napalunok pa ako nang dahil doon. Pero huli na nang ma-realize ko na ang matigas na pader na pala ang nakalapat sa likuran ko. Wala na akong maatrasan pa. Bahagya pa akong napasinghap nang lumapat na ang likuran ko doon.Hinarang niya ang kanyang mga braso sa magkabilang gilid ko at pinagkatitigan ako nang sobrang lagkit. "Other payment? Hmm..." Umakto siyang nag-iisip at saka tuminging muli sa akin. "Ahh... I completely forgot about the last rule by the way. This would answer your queries. There is this a very important rule that you must not try to breach. Because if you do, you'll really regret it later on..." he warned in a husky voice. Heto na naman ang marahas niyang paghinga sa pisngi ko na halos magpatayo ng lahat ng klase ng buhok sa iba't ibang parte ng katawan ko."A-anong rule ba iyon?" kinakabahan kong tanong, trying to avoid his gaze."In every lie that comes out of your mouth will have a huge consequence that you must abide," he answered and then looked at my lips, "that is to share a bed with me..."Nanlaki ang mga mata ko at napaangat ng tingin sa kanya. "H-ha?! Are you out of your mind?"Nagkibit-balikat siya. "Do I look like I'm out of my mind? Hindi mo pa ba ako kilala at ang nature ko? I sleep with a lot of women, Lola. And I haven't shared anything other than my body's desire. Anyway, it's just a collateral damage in case you won't pay me back in cash or in kind. 'Wag kang mag-alala, I really don't mind if I'm ever I'm going to sleep with you. I'm not really expecting so big about you. You just have to do everything to make us a real couple in front of many people..." Ahe reminded me.Dahil doon ay napabuga ako ng hangin nang marahas at sinubukang kumawala sa kanyang pagkaka-corner niya sa akin ngunit mas malakas pa rin siya sa akin at mas lalo lang akong napaatras. His lips is almost touching my cheek. "P-pwede ba? Mukha bang pumapatol ako sa mga mahihilig, ha? Wala akong pakialam kung ikaw pa ang #1 sexiest man alive sa buong Pilipinas. Wala akong pakialam kung ikaw na lang ang matitirang lalaki sa buong mundo, hinding hindi ako mai-in love sa'yo, James Dean Ferrer. Kahit papaano, mataas pa rin ang standards ko sa mga lalaki na patutuluyin ko sa buhay at puso ko. Kaya pwede kang mag-relax dahil hinding hindi ako papatol sa'yo!" singhal ko sa kanya sabay itinulak siya.He seemed dumbfounded when I said those words and pushed him aside. Wala akong narinig mula sa kanya kaya nagpatuloy na lang ako patungo sa mesa at hinablot ang papel at ballpen.Padabog ko iyong pinirmahan isa-isa kada pahina. Mabibigat ang bawat pag-flip ko ng pages habang nagtatagis ang mga bagang sa pagtitimpi ng galit.Makikita mo, JD Ferrer. Ipapakita ko sa'yo na hinding hindi ako mahuhulog sa'yo. Itaga mo 'yan sa bato! nagngingitngit na sambit ko sa aking sarili.Matapos kong mapirmahan ang lahat ay lumingon ako sa kanya at nag-flip ng hair sa napakaarteng paraan, saka galit na tumingin sa kanya. I marched towards him and hit his chest when I gave the pen and paper. Awtomatiko naman niya iyong nasalo.Nagpamaywang ako na nakaharap sa kanya, hindi pa rin binabago ang ekspresyon ng aking mukha. "Oh, ano? Masaya ka na? Nakapirma na ako? Now, if you'll excuse me, itutuloy ko na ang beauty rest ko. Ayokong maging losyang nang dahil lang sa stress ko sa pagmumukha mo!" Akma na akong rarampa palabas ng kwarto niya nang bigla niya akong higitin at ibinalik sa pagkakaharap sa kanya.Napapikit ako sa sobrang inis. Endure, Lola. Endure. May natitira ka lang lakas para magpasensya. Ikalma mo lang, I reminded myself.Pagkatapos niyon ay napadilat ako at pinamaywangan siya. "Gusto mo ba talagang mawalan ako ng pasensya sa'yo, ha? Ano bang problema? Nakapirma na ako 'di ba?""Yes, you did. But we're still not done yet. We need to complete the specific details before we part ways this night. You see this?" He lifted his hand with the pen. "I'm still signing..."I scoffed but only watched him go back to the table and signed the contract. After that, he returned to me flipping the page to the 2nd to the last page and handed it to me."Read the last part..." he ordered.Wala naman sa loob na tumalima ako at nagbasa. I read, and read, and read. Ilang beses kong binasa ang last part pero walang nagsi-sink in sa utak ko.Namali ba ako ng pagbasa? Baka inaantok na ako. Pero ganoon na lang ang gulat ko nang matagpuan ang sarili na hinapit na ni JD sa bewang. Napasinghap ako nang dahil doon. I even lost my grip from the contract at tuluyan na itong nalaglag sa sahig.I saw JD's cunning and amused smile at me. The one that says a lot of schemes na hinding hindi ko magugustuhan. "Have you read that part, right? It means we need to do it. Seal it. Alam mo na rin ang gagawin, 'di ba?""H-ha?""We need to seal the deal to make it valid..." Walang ano-ano ay hinapit na naman niya akong lalo at unti-unting inilapit sa akin ang kanyang mukha.The time had probably stopped. I really don't know at all. Isa lang ang natatandaan ko.I tasted his mouth again. I tasted his minty and sweet lips. He finally sealed the deal with a kiss that had completely taken control of my senses and the ability to think rationally.Wala sa loob ang unti-unting pagbagsak ng mga talukap ng mga mata ko. My arms wrapped around his neck, receiving his knee-jerking kisses. Every move his soft lips make sends chills and warmth that traced mine until my inhibitions escaped from me.Slowly and needy, the burning sensation of his kisses started to send hidden messages. Something that I could not decipher since the day I first tasted his mouth.Kahit ilang beses kong ipaalala sa sarili ko ang lahat na umalis at putulin na itong kahibangang ito ay hindi ko magawang utusan ang katawan ko. Tila may sarili silang desisyon at iyon ay ang magpatangay sa isang JD Ferrer.I am indeed doomed.That magical kiss ended when it was JD's time to break me from this powerful spell. He looked at me dreamily and smiled. "The agreement is now valid."Lola's POVMarahas akong napabangon mula sa aking higaan at muli na namang nagpapadyak habang nagmamaktol na parang bata.3 AM na pero hindi pa rin ako makatulog. Punyeta! Ano bang ginawa mo sa akin, JD?!11 PM na ako nakauwi kagabi dahil hirap na hirap kaming ilagan lahat ng mga fan niya. At dahil siya naman ang may kasalanan kung bakit ako na-stuck sa lugar na iyon, pinilit ko siya na ihatid ako sa bahay nila Mommy at Daddy. Wala na akong pakialam pagkatapos niyon. Gusto ko lang kasi talagang makawala mula sa kanya.I scoffed when I recalled the things he said to me. "Ang kapal ng mukha niya na halikan ako kahit na nakapirma rin siya sa contract. Ano bang akala niya sa akin, super rupok na magpapahalik lang sa kanya?" Pinalo-palo ko pa ang sarili ko nang maalala ko iyon. "Ang landi mo rin kasing babae ka, e! Bakit hindi ka kasi umilag kagabi?!" I frustratedly scolded myself. Pinukpok ko pa ang ulo ko sa sobrang inis.*****Kinabukasan, another set of taping na naman ang gagawin nami
Lola's POVThe next day, the doorbell rang at my unit. And yes, literal na gusto kong magsisi na pinagbuksan ko ang taong iyon.Ang nakakalokong ngiti ni JD kaagad ang nabungaran ko. Nakasuot siya ng cotton black shirt at pants habang nakapamulsa na natingin sa akin. He also wears dark sunglasses and a mask. Sa wakas naman at nag-disguise!"J-JD? Anong ginagawa mo rito?" naalarmang tanong ko. Palinga-linga naman ako sa labas at sinipat kung may mga tao na makakapansin sa kanya. Para sa akin ay obvious pa rin ang disguise ni JD at isang tingin ko pa lang ay halata ko nang siya ang nasa harapan ko. How could he be so dumb? Bumaling ako sa kanya at walang kaabog-abog na hinila siya papasok ng unit ko.I slammed the door behind him and I turned to him afterward. Nakapamaywang pa ako sa kanya."Bakit ka nagpunta rito nang hindi man lang ako sinasabihan?!" asik ko sa kanya. "Akala ko ba nakasaad 'to sa terms natin sa kontrata? Walang sinuman sa ating dalawa ang gagawa ng hakbang nang hindi k
Lola's POVNakahalukipkip ako at nakaiwas ng tingin kay Gaia. We are inside a restaurant. Niyaya niya kasi ako na makipag-usap. Kahit na hanggang ngayon ay nakakainis pa rin siya sa buhay ko, pinagbigyan ko siya. Nakaismid ako.I heard her sigh before she looked at me with her serious face. "I'll just cut to the chase..." pag-uumpisa niya. "Iwasan mo na si JD. You're staining his reputation already. 'Di mo ba alam na ilang taon niyang iningatan ang career niya kahit na maraming issues ang lumalabas? You even had the nerve na ipahiya siya. Wala ka ba talagang ibang makapitan na sikat? Masyado kang social climber!"I rolled my eyes. "Ano bang pinag-ugatan nito? Kung hindi ka gumawa-gawa ng eksena sa pool, hindi naman magkakaganito, 'di ba? So, basically, ikaw ang may kasalanan niyan!" sagot ko naman. "Ako? Social climber? Paano kung gano'n nga ako? Ano namang pruweba mo? Alam mo ba magkano ang networth ko? Sure ka na gano'n talaga akong tao?" Napatawa ako. "Check your facts, Gaia. Hindi
Lola's POV"Hindi ka ba natu-turn off sa anak ko, Lola?" Tito Ronald suddenly asked.Narito pa rin kami sa restaurant kung saan kami nag-dinner ni JD kasama ang papa niya. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako. Kahit na ang kanyang ama ay isang LGBTQ+ member, hindi ko magawang mag-relax. Nakakakaba ang bawat sandali. Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa para matapos na ang kahibangan na ito pero tila nananadya ang oras at mas lalong binabagalan ang pag-andar nito.Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang harapan. "P-po?""He dated a lot of women. May isa pa ngang nadala sa ospital dahil sa vhajayna lock! This man is fooling around 24/7. Halos mabingi na ako sa kaliwa't kanan na sumbong sa akin ng assistant ko—""Dad!" JD butted in. He seemed too embarrassed in front of his dad. This is the first time I saw a James Dean Ferrer too embarrassed in flesh. Lagi niyang ipinapakita sa akin ang masungit at confident niyang mukha kapag kaming dalawa na lang. O 'di naman kaya ay ngingitian niya
Lola's POVIsa na namang madugong araw dahil araw na ng taping. I really wanted to go to work. Sa totoo lang, mas gusto ko pang maging abala sa pagtatrabaho kaysa ang atupagin ang pinagagawa sa akin ni JD.Chariz!Nagpapakipot lang ako pero ang totoo, grabe ang kilig ko. Para akong sinilihan sa pwet no'ng makita ko ang text message niya sa akin kagabi. Literal na pagulong-gulong ako sa kama no'n. Kahit sobrang sakit na ng panga ko sa kangingiti sa harap ng papa niya sa restaurant ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sino ba naman ang hindi kikiligin?By the way, I didn't get to say this earlier but you look so beautiful tonight.Shuta! Kahit sinong babae, masisilihan ang pwet sa sobrang saya kapag may nabasang ganyan. Hay nako! Alam na alam talaga ni JD ang kahinaan ko. Nyeta! Bakit ba ang rupok ko lately?I just shook my head. Pilit kong tinatanggal sa isipan ko ang naturang bagay.Stop it, Lola. Hindi ka pwedeng masanay na kiligin dahil lang sa simpleng text message. Kahit ano pa an
JD's POV"Sir James, may text message po sa inyo..." iyon ang bungad sa akin ng PA ko na si Mike. Hawak niya ang cellphone ko habang ako naman ay nagpapahinga na sa loob ng tent ko. Mas nauna kasi na matapos ang scene ko kaysa kay Lola kung kaya ay nagpatiuna na ako papunta sa loob ng aking tent.Wala sa mood na tinanggap ko ang cellphone ko. I really hate it when people try to ruin my quiet time. Pero sa tagal na ni Mike sa akin bilang PA, alam ko na hindi niya ako gagambalahin kung hindi importante ang sasabihin niya. This means, the text he was saying needed my utmost attention. It was urgent.Curious but still bored, tiningnan ko ang screen ng cellphone at pinindot ang pop-up notification sa itaas. Doon na tumambad sa akin ang nakagugulat na balita.Nanlaki ang mga mata ko at halos nakalimutan ko nang huminga. Nanlamig ako at ang pawis sa aking noo ay nagsisimulang magsitulo papunta sa aking patilya.Paulit-ulit ako sa pagbabasa niyon. Hindi ko iyon nilubayan kahit isang beses. Pag
Lola's POVPara akong masusuka nang wala sa oras.I was hurting myself for letting my eyes witness such scene.Bakit nga ba ganito? Alam ko naman na babaero si JD e. Alam na alam ko ang likaw ng bituka niya pero bakit sobrang hirap huminga? Para akong mabubugtuan ng hininga habang pinagmamasdan ko silang nagyayakapan.If this was a movie, it will be the only movie that will hurt me the most. Sa sobrang sakit ay hindi na ako makakabangon pa.Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Bakit ganito? Bakit masakit? Wala naman akong karapatan na masaktan, 'di ba? Wala akong karapatan na umiyak. Wala talaga.Pero bakit ang kulit ng puso ko? Bakit mas gusto niyang masaktan? At sa lahat pa ng lalaking mapipili ay bakit si JD pa?'Magising ka nga, Lola!' saway ng isipan ko. 'Fake lang ang lahat sa inyo ni JD. Iyan ang tatandaan mo! Huwag mong kawawain ang sarili mo. He's not worth of your love!' I kept on reminding myself.Pero walang saysay ang mga iyon. The moment was too cruel for me pero
Lola's POVKinabukasan, balik taping na naman kami.Wala akong gana pero on-time naman ako. Ayokong mabugahan na naman ng galit ni Tita Jet. At isa pa, I'm too pissed off to even piss anybody. Ganito ako kapag naiinis sa isang bagay. Mas lalo akong bumabait.At ano pa nga ba ang ikinaiinit ng ulo ko? Wala namang ibang dahilan kundi si JD! Dahil after ng message na iyon ay hindi na nasundan pa. Hanggang madaling araw ay ni ha ni ho ay wala akong natanggap na message or call man lang. Balak ba akong patayin sa inis ng lalaking ito?Pagkarating sa set ay all smiles ako. Sa sobrang ganda ng ngiti ko ay walang mag-aakala na badtrip ako. Kaya no'ng nakita ko si JD sa harapan ko habang inaayusan siya ng make-up artist ay bahagya akong natigilan."Hi, babe!" he suddenly greeted me.Ako naman ay pinalis ang pagkagulat sa mukha at nanatiling nakangiti pero hindi ko siya pinansin. Dire-diretso lang ako sa paglalakad na hindi man lang siya nililingon.Manigas ka d'yan!Pagkatapos akong make-up-an