Lola's POVHindi maalis-alis ang kaba sa dibdib ko habang nasa biyahe kami ni JD. Kung pwede ko lang hilahin ang oras ay ginawa ko na.Almost 15 minutes din ang biyahe namin. Ilang beses kong kinurot ang kamay ko para lang pigilan ang sarili na tumalon mula sa pagkakaangkas ko sa motor ni JD.Nang dumating sa condominium ay humahangos kaming dalawa ni JD. Ilang call attempts na ang ginawa ko pero hindi ko na ma-contact ang number niya. I felt like my heart was left in my condo.Ilang beses tumulo ang luha ko habang nakasakay kami ng elevator."I really don't know what's happening, babe. Ano bang nangyari? Bakit nandito tayo sa condo ni Gaia? May problema ba kayong dalawa?" bigla ay tanong niya sa akin. Nakakunot ang noo niya ngunit sa ekspresyon na ipinapakita niya ay tila alam na nito ang nangyayari."She called me earlier. Hindi ko siya masyadong maintindihan pero ang sabi niya ay kailangan ka niya ngayon. That's all she said at saka pinutol ang tawag. I really don't know what's goi
Lola's POVNanlalabo pa rin ang mga mata ko habang isinasakay sa ambulansya ang naghihingalong katawan ni Gaia.Gusto ko sanang pumasok at sumama sa paghatid kay Gaia ngunit hinila ako ni JD pabalik sa kanyang sasakyan. Dumating ang kanyang PA at hinatid kami pabalik sa condo."Hindi ba talaga natin pwedeng samahan si Gaia? Paano kung—""Relax, Lola. She'll be fine. I'll make sure of that. For now, kailangan muna nating bumalik sa condo at lumayo sa taga-media. I don't want them seeing us," mariin na sabi ni JD sa akin. He tapped the back of my hand, saka niya binalingan si Michael na nagmamaneho. "Make sure no word will come out, Michael.""Yes, sir!"*****Pagkarating ng condo ay hinatid ako ni JD. Marami pa siyang ibinilin sa akin na halos hindi ko na maintindihan. Lutang pa rin ang isipan ko at bumabalik sa nangyari kanina.Hindi mawala sa isipan ko ang sinapit ni Gaia. Tila dinudurog ang puso ko. Hindi ko maatim isipin na isa ako marahil sa malaking dahilan kung bakit niya iyon g
Lola's POVMahalaga para sa akin ang estado at kapangyarihan. Ayoko na nauungusan ako ng iba. Gusto ko na ako ang bida at ang pinaka pinag-uusapan. I always wanted the spotlight to aim at me.Sa pagpasok ko sa larangang ito, marami akong sinuong na butas ng karayom. At ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako kailanman makokontrol o mamamanipula ng iba. Sa buhay na ito, ako ang may hawak ng kapalaran ko at ako ang masusunod kung sino ang luluhuran ko o ang paaamuhin.Lumaki akong sabik sa atensyon at papuri. Simula kasi nang ipamigay ako ng sarili kong ina sa bahay-ampunan, naging uhaw ako sa ngiti at pagbati. Mas gusto ko na makaalis sa lugar na iyon. Mas nakatuon ang atensyon ko sa paghahanap ng paraan para makaligtas at mamuhay nang maayos at matiwasay. Mas itinuon ko ang atensyon ko sa pangarap na makatagpo ng bagong mga magulang. Iyong mayaman at maimpluwensya. Iyong maibibigay ang mga bagay na hindi ibinigay sa akin ng mga tunay kong magulang. Gusto
Chapter 1Lola's POVAng malakas na sigaw ni Direk Bim ay nalunod sa maugong na tunog ng takong ko habang papasok ng opisina ng BTX Network. Nang magbukas ang pinto ay taas-noo kong sinalubong ang kumalat na katahimikan at mga nahihiyang ngiti ng karamihan sa pagpasok ko. Of course, this first day of my mission isn't done perfectly without a glamorous entrance.Nagsuot ako ng pamatay kong glittery fitted dark violet formal dress at ang killer heels na 5 inches. I need to stand out. I already measured the height of my new apple-of-the-eye kung kaya ay sigurado ako na kahit suotin ko pa ang pinakamataas na takong sa buong mundo ay hindi ko mahihigitan ang tangkad niya. I just put on my simple make-up and hairdo and voila! 100% na mapapansin ako ng karamihan. At hindi ako nagkamali ng akala.All eyes are on me but the feigning silence told me that new signed-up artists have the same feelings like me on every first-day. Nakakakaba at nakakaintriga. Ga
Lola's POVI never thought that the first day of shooting was the most troublesome of all that I encountered.Una, na-late ang PA ko at kailangan ko pang ibigay ang plastic kong ngiti sa kanya habang nakatingin ang maraming fans ko at ni JD sa labas ng set. Gusto kong magwala at magmura nang bongga pero kinailangan kong tiisin ang mga tingin na ipinupukol sa akin.Kahit na lagi akong kontrabida roles sa mga pelikula at teleserye, wala akong nakitang bad or hate comments sa akin as a person. Lagi akong napupuri dahil para sa kanila ay effective villainess ako. Sa harap ng maraming tao, I portray a very energetic and kindhearted Lola Lee. But behind my mask is a cunning bitchy woman that I am.Pangalawa sa nakakainis sa araw na ito ay si Director Bim. Ilang beses nag-role ang eyes ko sa katangahan niya. Forgetting the next scenes he should not be forgetting and forgetting to remind a dumb assistant director to complete all the props, etc. Nakakaimby
Lola's POVNagpipigil lang ako ng gigil ko. For tenth time's attempt, masasabi ko na nawawala na ako sa porma.Ilang beses kong sinubukan na agawin ang atensyon ni JD. We're still at the set pero ni isang beses ay hindi ako tinapunan ng tingin ng lalaki.Para na akong asong u*ol na sunod nang sunod sa kanya pero hindi ko lang pinapahalata. Maraming mata ang nakamasid sa akin and they will do anything just to prove any suspicion of me.Relax lang, Lola Lee. Huwag kang mawala sa poise mo. Keep your cool. Mapapansin ka rin ni JD. Eventually, he will get tired of walking away. Itaga mo 'yan sa boobs ni Scarlet! sabi ko sa aking sarili.Kasalukuyan akong naglalakad habang pasimple at patay-malisyang nakasunod kay JD. Nakahawak siya sa kanyang script habang ang kanyang make-up artist ay nagre-retouch sa kanyang mukha. Ang salubong niyang kilay na nagpapakita ng pagkaseryoso ang nabungaran ko.At heto naman akong si sunod lang at kunwar
Lola's POV“Pwede ba namin kayo ma-interview, Miss Lee and Mr.. Ferrer?” Matapos umalis sa harap namin ni Jaxx ay pumalit naman ang isang TV reporter.Ngiti lang ang iginawad ko at gano’n din si JD.“Of course! Ano po ang mga questions ninyo?” I said in a delighted tone. Ha! I should be awarded for Oscars. Kung ganito ang ginawa ko noong umpisa pa lang ay sana 'di na ako nahirapan pa, sabi ko sa aking sarili.Kung hindi ako masyadong nagpakampante, e 'di sana matagal na akong naka-score kay JD! Kung bakit naman kasi napaka-cold niyang tao! Hindi ba siya naaapektuhan sa kagandahan ko? Mabuti pa si Jaxx ay napansin ako kaagad. Nagalit pa siya dahil hindi ako pinapansin ni JD. But little did he knows that I'm only bluffing. At kahit sa mata ng media ay hindi ko papalampasin ang pagkakataon na ito.To corner a James Dean Ferrer.Inilahad ng reporter ang isang maliit na microphone malapit sa amin at nagsimulang magsalita. “Ano na po a
Lola's POVNakailang pilit na si Scarlet sa akin kinaumagahan nang bumisita siya sa condo ko sa Makati. I admit, ngayon ko lang naiisip na nakakainis ang kaibigan kong ito. Ang hirap na niyang gamitin sa alta sociadad. Masyado na akong nagagasgas sa mga galaw ko kay JD. Simula nang samahan ko ang bruha na 'to ay puro na lang kamalasan ang nangyayari sa buhay ko. Isa na roon ay ang nangyari kagabi.Well, ano pa nga ba ang ginagawa ng bitch na 'to sa tabi ko? Pinipilit lang naman ako nito tungkol sa nangyari kagabi.Of course, kalat na sa buong Pilipinas ang nangyaring rebelasyon na pinapakalat ko ng buong gabing iyon at heto ako, nakatalukbong ng kumot sa loob ng kwarto at ayaw pa sana magpaistorbo. Ayaw ko na sana na may isang tao na nakakakilala sa akin ang kakausapin ako tungkol sa nangyari. I can't even face my manager! Wala ako sa mood. Hanggang ngayon ay hindi ko pa matanggap ang lahat. Ito lang talagang bitch na 'to ang mapilit at gustong pumasok sa