Share

Chapter 2

Lola's POV

I never thought that the first day of shooting was the most troublesome of all that I encountered.

Una, na-late ang PA ko at kailangan ko pang ibigay ang plastic kong ngiti sa kanya habang nakatingin ang maraming fans ko at ni JD sa labas ng set. Gusto kong magwala at magmura nang bongga pero kinailangan kong tiisin ang mga tingin na ipinupukol sa akin.

Kahit na lagi akong kontrabida roles sa mga pelikula at teleserye, wala akong nakitang bad or hate comments sa akin as a person. Lagi akong napupuri dahil para sa kanila ay effective villainess ako. Sa harap ng maraming tao, I portray a very energetic and kindhearted Lola Lee. But behind my mask is a cunning bitchy woman that I am.

Pangalawa sa nakakainis sa araw na ito ay si Director Bim. Ilang beses nag-role ang eyes ko sa katangahan niya. Forgetting the next scenes he should not be forgetting and forgetting to remind a dumb assistant director to complete all the props, etc. Nakakaimbyerna! I'm all equipped dahil mahalaga sa akin  ang first impression sa akin ni JD pero heto at sinisira na nila kaagad.

Ang panghuli sa kinaiinisan ko ay walang iba kundi si JD mismo! Nang dahil sa kanya ay walang script reading na naganap at hindi man lang nag-trending ang pagtanggap ko sa project na ito nang dahil sa infamous va*ina lock incident nilang dalawa ni Hannie Torres. Sa tuwing naaalala ko iyon ay napapailing na lang ako at nagngingitngit sa galit.

I'm both pissed at them kasi inaagaw nila ang spotlight ko as trending topic sa social media. I must say, kung totoo nga ang sabi ni Scarlet na authentic SC si JD ay bilib na bilib na ako sa kanya. He can manage to be in the trend without exerting much effort. Hindi na rin naman nakakapagtaka kasi kapag ganitong issue ay talagang hindi papahuli ang mga major Marites at Marisol sa bansa.

Bukod pa roon, first day na first day pero kaming dalawa lang ni JD ang nasa set. The scene we're about to take is the middle scene of the movie. Sa scene na ito, kami lang ang characters. Kahit na ito lang ang unang beses na nagkita kami ay hindi ko maiwasan ang kabahan. It was indeed awkward, although sanay na dapat ako sa mga ganitong eksena. There are a lot of movies that I made in blockbusters and all went smoothly. Walang sabit. Walang sablay. But this time, para akong nangangapa sa dilim. Ang paghanga ko sa kagwapuhan niya ay napalitan ng pagkairita.

At this point, I literally wanted to kick his ass. Ass lang muna. Curious pa rin ako sa gaano kahaba at kataba ang k*****a niya at nang masukat man lang gamit ang tape measure or ruler.

JD is in front of me not even smiling. He's been like this for half an hour since he got here. He's been treating me like a ghost. Para akong walang kasama. Nakakabalasubas ng dignidad! Ni hindi man lang ako binati!

The set is located in a restaurant full of flowers. He's busy pestering his phone and then looks at Direk whenever he's being called. Nakaupo kasi kami sa isang light brown chair. May table na nakapagitan sa amin at props na three roses in a transparent vase at coffee. Ito ang middle scene na kinukuhanan namin.

My PA started to assist me with my script and I obliged to rehearse it again. Mas nadi-distract kasi ako sa mukha ni JD. Yes, he's super hot and so yummy to a point na dapat na akong maglaway. Gosh, ayaw ko magpaka-plastic sa bagay na 'yan. I like him, but he's starting to get into my nerves. Sa mga ganitong tagpo kasi, dapat nagfi-first move na ang leading man ko sa akin. Like say hello, ask me how I feel of even ask if I knew him which will be absurb because everyone knows him in the industry. Pero nunca, walang ni ha ni ho akong narinig na para sa akin.

As a certified SC (Social Climber), nakakasakit siya ng damdamin! How dare he?! Hindi ba niya ako kilala? Anak ako ng isang artista! Sikat ako!

Napatikhim pa ako. Sinusubukan kong magpapansin. I even repositioned my body, straigtened up my back, hook my hair under my ear, and smile like an angel. Pero w* epek pa rin! Gusto ko na tuloy itanong sa sarili ko kung patay na ako o buhay.

Nakakapanliit.

Pero hindi ako sumuko.

I started to ball my fists and sharpened my eyes a little darted to his direction. Humanda ka sa 'kin!

Ang eksena namin ay magtatapat na ng feelings ang character ni JD sa character ko. But how can we even convince the viewers that we're in love if we haven't built any chemistry yet? Dapat kasi nag-uusap kaming dalaw* para naman maayos ang pagkaka-deliver ng lines. Pero tulad ng sinabi ko ay w* epek pa rin ang pagpapapansin ko.

This is so annoying!

To hell with this guy! How can he be so insensitive? Doesn't he even like me? Hindi ba niya nakita kung gaano ako kaganda ngayon? I'm a big catch! Every guy loves to be with me pero heto ako at namamalimos ng atensyon niya!

Mga ilang oras din akong nagmumuni-muni sa loob ng dressing room after akong ma-make-up-an ng mga staff. My role is a palengke vendor girl, so my attire is just a simple yellow blouse and faded pants. Nakatali ang wavy kong buhok at may mga nakatakas na hibla mula roon. Though light lang ang make-up na inilapat sa akin, I felt that I'm underdressed based on how I really look. Hindi naman ako hipokrita para hindi aminin na matangos ang ilong ko. Ang chinita eyes ko ang nagsasabi na hindi ako Pinay sa hitsura. I look like a Korean actress, kaya ako rin ang natipuhang ampunin ng foster parents ko.

"Okay, JD and Lola, are you ready? Proceed na tayo sa scene number 64, ha?" biglang sigaw ni Direk Bim sa amin mula sa kanyang kinauupuan. Katabi niya ang cameraman na naka-standby lang para sa susunod na instructions.

I obliged to nod and then my PA disappeared along with the script. I composed myself and breathed deeply while JD was still stoic as usual. Hmp! Makukuha ko rin ang atensyon mo, James Dean Ferrer! Humanda ka!

"Okay. Scene number 64. Ready... action!" sigaw ni Direk Bim sabay pinatunog ang clapperboard hudyat na nagsimula na ang eksena.

"Nasaktan ka ba kanina? Pagpasensyahan mo na si Kuya Dan. Gano'n lang talaga 'yon minsan. Sana hindi ka magtanim ng galit. 'Wag kang mag-alala, ako na bahala sa lunch mo," ani JD as his character, sabay inilabas niya ang pamatay niyang ngiti sa akin.

Gosh. That fvcking killer smile, literal talagang pamatay! Kung hindi ko nga lang naalala na ako pala si Lola Lee ay baka nagpadala na ako sa mga ngiti niya. Hell, he really made a jaw-dropping scene. I never thought he can be this good in hiding his feelings. Nakakatameme. I can even forget that my name is Lola Lee. I can also forget about this stupid project. Gusto ko na lang siyang titigan and just melt him in my eyes.

Nakita ko rin ang dimples niyang sumilay nang ngumiti siya. Halos hindi ako makagalaw st makahinga. I'm being natural, I guess? The shock on my face is literally the right emotion that I should give. I recalled it that my character should feel surprised and breath a little nervous. At tulad ng eksena ito, ganoon din ang nangyayari sa totoong buhay. Talagang nablangko ang character ko sa eksenang ito.

JD's character cupped my hand. Medyo napaigtad ako sa ginawa niya at pareho kami ng character ko na bumalik sa realidad habang nanlalaki pa rin ang mga mata at nakatunganga sa kanyang maamong mukha. "H-Ha?" was all I can say.

He laughed dreamily and smiled again at me.

OMG. Where are you, Lola Lee? You've been shaken by this mere smile. Don't fall for it! Eksena lang 'yan. Drop it! Hindi ka pwedeng magpakarupok sa lalaking ito. Not in this scene, woman! Separate yourself from your naive character, ugh!

"Alam mo, hindi ka nababagay sa palengke. Pero no'ng makita kita kanina, sobrang nakaka-amaze ka," patuloy pa niyang sabi.

S***a! Bakit nagririgidon ang dibdib ko sa tuwa? Teka, matutuwa talaga ako? Seryoso?

Sumilay ang kinikilig kong ngiti at pinalo ang balikat ni JD. That's right, Lola. Galingan mo! Gumanti ka! "'Sus, si sir naman, bolero ay! Natural naman ang ginagawa namin dito sa palengke. At nakakatuwa dahil 'yong pwesto pa namin ang napili ninyong kuhanan ng supply ng mga hito. Naku! Ang swerte ko at naging kaibigan kita, sir!" masiglang saad ko naman habang dini-deliver ang linya ko. Muntik na akong magblangko.

Totoo nga talaga na nakaka-star struck ang mga ngiti ni JD. How can he be so genuine in smiling yet faking everything? Is is a master of SC?

Napatungo naman si JD habang nakahinang ang malumanay niyang ngiti. "Paano kung higit pa sa kaibigan ang turing ko sa 'yo, Jenny?" pagtatapat ng character niya na literal na ikinahulog ko sa silya. His smile dropped and became serious.

Dugdug.

Hayan na ang puso ko. Nagririgidon na naman.

His smile now became a serious look. An awe that magnets my whole being. Pakiramdam ko at nalaglagan ako ng panty. Anak ng teteng naman!

Muntik na akong magblangko. Hell, it was not part of the scene! Sa sobrang pagkabigla ay nahulog ako sa mismong kinauupuan ko. I sensed the whole staff team was alarmed at how I fell from the chair, but Direk Bim signaled them to let me be.

Mabuti na lang at hindi ako nagpahalata na nakatingin sa kanila. The camera is still rolling and I am still inside this naive character na kaunti na lang at magiging isa na kami!

Nakita ko na bahagyang nagulat si JD sa ginawa ko. Agad siyang na nakabawi at tumayo upang alalayan ako. "Are you okay? May masakit ba sa 'yo, Jenny? Magdahan-dahan ka naman..." buong pag-aalalang sambit niya habang ipinapakita ang nag-aalala niyang mukha.

The problem is that his face is now too close to me. I can smell his minty and sweet breath that fanned me against my cheek. Nagtagpo ang mga mata namin at halos hindi na ako makaimik at makagalaw.

Doon na nanginig ang kalamnan ko nang maramdaman ang pagdampi ng balat niya sa braso ko. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagtalas ng kanyang paghinga kaya mas lalo na ramdam ko ang pagdampi ng kanyang hininga sa mukha ko. Sobrang bango niya talaga! Amoy na amoy ko ang aftershave at panlalaki niyang pabango, dark temptation. Sarap niyang papakin!

"O-okay lang po ako, sir. Umm... Babalik na po ako sa p-pwesto ko—"

"W-wait... You're leaving already?" Nahimigan ko sa kanyang tono ang pagkalungkot. S***a ka! Baka maniwala ako sa sinasabi mo!

Bigla naman akong tumawa habang sinusunod ang nasa script. "'W-wag kang mag-alala, sir. Kasi walang kasama si Mama sa pwesto kaya kailangan niya ako ro'n kaagad. Pasensya na po. Siguro sa ibang pagkakataon na tayo mag-usap," tugon ko bilang pagputol sa balak ng character ni JD. Napaka-KJ naman ng character na 'to!

He sighed with a hint of worries on his face. "Okay. I understand. Ihahatid na lang kita," presinta niya.

"Naku. 'Wag na, sir! Kaya ko na po. Basta po kapag kailangan na ng hito sa restawran ninyo, ako po mismo magdadala. Sige po, sir. Ba-bye po!" pagpapaalam ko habang kumakaway sa binata papalabas ng restaurant.

"Cut!" Direk Bim shouted.

Mga ilang segundo ang nakalipas bago ako nagpasyang bumalik sa loob ng set. Hinahabol ko kasi ang hininga ko. Pakiramdam ko kasi ay naubusan ako ng enerhiya.

It was just him holding my arms a while ago. It was really nothing special, kaya bakit ako nagkakaganito? Nakaramdam ako ng nagliliparang paruparo sa loob ng tiyan ko. I have been with many leading actors before at hindi ako kailanman kinabahan nang husto, 'di katulad ngayon na halos wala na akong masabi. Muntik ko pang makalimutan ang lines ko! It seems like I'm being a shitty amateur newbie actress. It's like my first time doing an acting. Nakakabanas!

Kung hindi nga lang dahil sa gusto ko ring mapalapit kay JD, hindi ko naman sasang-ayunan si Scarlet sa project na ito na siya dapat ang tumanggap!

Akala ko ay magiging madali ang lahat para sa akin sa oras na makita ko si JD. But I was wrong. Having his presence near me makes me feel like I'm sick and unhappy. I hate that I'm feeling like this and I don't like it.

Ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako muling magpapabilog sa mga lalaki, at hindi si JD ang magiging pangalawang karma ko. I will not let him succeed in turning the tables around.

Ako ang tunay na #SocialClimber. I am the manipulator. I am the boss.

Hinding-hindi ako makakapayag na siya ang magwagi sa akin! Never!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status